Home / Romance / Set-up to Love you / Ikalawang Kabanata

Share

Ikalawang Kabanata

Author: Kry_x_Avi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kanina ko pa hinihintay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin kaya minabuti kong dumilat na lamang at bumungad sa akin ang kaniyang mukhang nakangisi dahil sa pagpikit na ginawa ko.

 

“Hinihintay mo bang halikan kita? May pa-pikit pikit ka pa ah HAHAHA,” saad niya at ngumiti pa ito nang nakakaloko.

 

“Pinagsasasabi mo riyan? Umalis ka nga sa harap ko! Ang pangit ng pagmumukha mo!” singhal ko sa kaniya kasabay ng pagtulak ko rito dahilan upang mapaatras siya. Nakakahiya ’yon ah, nag-expect ako eh, biro lang.

 

“Ano? Pipirmahan mo ba ang kontrata o hindi? Bilisan mo naman Misis ko, tumatakbo ang oras!” reklamo niya sabay tingin sa kaniyang orasan.

 

“Edi habulin mo! Baka gusto lang makipaghabulan sayo.” Tumayo na ako at hinawakan ang kaniyang kamay upang doon na lamang kami sa opisina ko mag-usap sapagkat ayaw kong makita ng ibang tao ang kat*ngahan ko.

 

Patuloy ko siyang hinahatak sa pasilyong ito patungo sa elevator papunta sa aking opisina. Sumusunod lamang siya sa akin at hindi na kumo-kontra.

 

“Huwag mo ulit akong hihipuan dito sa elevator na ito, dahil baka masipa ko ’yang alaga mo!” banta ko sa kaniya at napahawak naman siya sa pagitan ng kaniyang mga hita.

 

“Makailang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ang nanghipo sa’yo? Wala akong gusto sa katawan mo ’no! Ang liit pa ng hinaharap mo at kulang pa sa laki ’yang pwet mo!” saad niya na siyang ikinainis ko lalo.

 

“Tinitingnan mo ba ang katawan ko? Ang manyak mo talaga kahit kailan!” Sasampalin ko na sana siya ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

 

“Tama na ang isang sampal na iyon kanina, ’pag naging dalawa na, iiyak ka talaga sa kama.” Sinipa ko ang binti niya dahil sa kag*guhan nito.

 

Hindi ko alam kung bakit pumirma ang aking ama sa kontratang iyon. Gan’tong lalaki ba ang gusto niyang mapangasawa ko? Ang manyak naman masiyado.

 

Nang makarating na kami sa aking opisina ay mas nauna pa siyang umupo sa aking silya na akala mo ay pagmamay-ari niya ito, ang kapal ng mukha. Umupo na lamang ako dito sa may couch upang makausap siya.

 

“Bakit pumayag ang aking ama sa kontratang iyon?” tanong ko sa kaniya na animo’y naguguluhan.

 

“Simple lang, dahil gwapo ako.” Napasapo ako sa aking noo dahil sa walang kwenta nitong sagot.

 

“Pwede ba? Umayos ka naman kahit ngayon lang oh!” pagmamakaawa ko rito. Umupo naman siya ng maayos at ipinagsaklob ang kaniyang mga kamay.

 

“Makinig kang mabuti sa akin Naomi, ang kontratang ito ay hindi para sa akin kun’di para sa inyong kumpanya. Pumayag lamang ako sa kondisyon ng aking ama kapalit ng kumpanya na kaniyang ipapamana. Hindi ko rin gustong maikasal sa’yo dahil unang kita ko pa lamang sa’yo ay alam ko nang isip-bata ka.” Napatayo naman ako sa aking kinauupuan, akala ko maayos siyang magpapaliwanag sa akin ngunit bakit biglang minaliit ako nito?

 

“May naisip ako Max! Ayaw ko sa’yo at ayaw mo rin sa akin ’di ba? Paano kaya kung pagbigyan natin sila, magpapakasal tayo at kapag nakuha na natin ang gusto natin ay pwede na nating iwan ang isa’t-isa!” saad ko sa nagagalak na tono. Ang talino ko talaga.

 

“May silbi ka rin pala ’no? Atsaka, habang kasal pa tayo, hindi mo ako pwedeng pagbawalan na makipagharutan sa ibang babae, naiintindihan mo?” seryosong saad nito, natawa naman ako HAHAHA ’yon lang talaga ang concern niya, tsh.

 

“Sige, deal?” Inilahad ko sa kaniya ang kanang kamay ko na agad naman niyang kinuha.

 

“Deal!” saad niya at ngumisi na mala-demonyo.

 

Lumipas ang ilang linggo at handa na ang lahat ng kakailanganin para sa aming kasal at napagkasunduan naman ng aming pamilya na magsalo-salo sa isang tanyag na restaurant dito sa aming lugar.

 

“Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede ka pang umatras ’nak. Huwag mo kaming gayahin ng iyong ama na pinilit lang magpakasal kahit walang nararamdamang pagmamahal sa isa’t isa.” Niyakap ko si mommy dahil alam kong hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin niya ang pamimilit sa kaniya nina lolo at lola.

 

“Huwag po kayong mag-alala mommy, alam ko po ang ginagawa ko at may plano po ako.” Niyakap naman ako nito pabalik at hinagod sa likod.

 

“Kung gano’n ay magbihis ka na riyan at baka mahuli pa tayo sa ating pupuntahan.” Tumayo na siya at naglakad palabas ng aking kwarto.

 

6 P.M na nang makarating kami rito sa restaurant na ito at nakaupo na rin ang pamilyang Willford habang hinihintay kami.

 

“Maxwell anak, ang swerte mo naman at maganda pala ang mapapangasawa mo!” anang ama nito na dahilan upang ngisian ako ni Maxwell.

 

“Mas swerte siya sa akin! Bihira nga lang siyang ikakasal, sa akin pa. Pribilehiyo ang tawag do’n.” Sinipa ko ang paa ni Maxwell mula sa ilalim ng mesa at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano kasakit ang ginawa kong iyon.

 

“Masarap ba Mister ko?” tanong ko sa kaniya at ang tinutukoy ko ay ang pagsipa ko sa kaniyang paa. Nginitian ko naman siya ng napakatamis.

 

“Sobrang sarap Misis ko! Heto, isubo mo!” saad niya at isinubo sa akin ang sobrang daming pasta na muntikan ko nang mailuwa dahil hindi kumasya sa aking bunganga.

 

“Ang sweet naman ng dalawang ito!” sabi ni Mr. Marvin habang tumatawa. Sweet na ’yon para sa kaniya? Muntikan na nga akong maduwal sa pinanggagagawa ng anak niya, tsh.

 

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kami sa pagkain kaya oras na para umuwi ngunit may naisip akong kalokohan kaya tinawag ko si Maxwell na papasakay na sa kotse nito.

 

“Mister ko, sandali!” Huminto naman ito at hinintay akong makarating sa kaniya.

 

“Oh bakit?” saad nito sa masungit na boses, parang di kami nagharutan sa harap ng pamilya namin kanina ah.

 

“May ibibigay ako sayo!” tugon ko at hinalikan siya sa pisngi dahilan para mapahinto siya.

 

Umalis na ako doon pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi. Ikaw ngayon ang target ko Maxwell! Mahuhulog ka rin sa akin at kapag nangyari ’yon, iiwan kita at ituturing na basura.

 

Naging maayos ang lahat at hindi muna ako ginambala ng pamilyang Willford ngunit alam kong tinutulungan nilang umangat ang kumpanya. 

 

“Handa ka na bang matali Nams? HAHAHA pero pogi naman pala ng mapapangasawa mo eh, kung ako ’yon ay unang kita ko pa lang sa kaniya hinalikan ko na!” sabi ni Chantal at humagalpak ng tawa habang inaayusan ako ng make-up artist ko.

 

Ngayon na ako ikakasal sa isang Mr. Antipatiko, suplado at walang modo pero gwapo. Oo na! Aaminin ko na, gwapo naman siya pero masama pa rin ang ugali niya. 

 

“Kung gusto mo, palit na tayo, ikaw na lang ang magpakasal do’n!” tugon ko at natawa naman siya.

 

“Kung papayag ka, hindi ako tatanggi!” saad nito sa nagagalak na boses. Ang l*ndi ah HAHAHA.

 

Nang matapos na akong ayusan ay sumakay na ako sa kotse na maghahatid sa akin sa simbahan kung saan gaganapin ang aming pag-iisang dibdib.

 

Nasa likod na ako ng pintuan ng simbahan at nang binuksan na ang pintuan ay naglakad na ako sa gitna habang kinukuhanan ng photographer ang bawat anggulo ko. Binilisan ko na lang ang paglalakad dahil doon din naman ako papunta, ayaw ko ng drama dahil hindi naman ako ikakasal sa lalaking mahal ko talaga.

 

“Hoy babae! Huwag kang magmadali, para kang sasali sa karera. Kasal ’to hindi paligsahan ha?” bulong sa akin ni Chantal na siyang dahilan para tumawa kaming dalawa.

 

Nang nasa harap na kami ng altar ni Maxwell ay hindi ko mapigilang tingnan siya ng masama. Ang pangit niya at hindi siya bagay sa ganda ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay na animo’y nagtatanong at nagsusungit.

 

“Ikakasal na nga tayo, nagsusungit ka pa riyan! Hindi bagay sa’yo ha? Sapakin kita diyan eh!” singhal ko sa kaniya.

 

“At ikaw naman, ikakasal na nga tayo, mananakit ka pa! Bigwasan kita diyan eh.” Tumayo na kami ng maayos at humarap kay father.

 

Nag-uumpisa na ang seremonya at alam kong tatanungin na kami ng pari na ’to gaya do’n sa mga napapanood ko sa telebisyon. Ta’s pagkatapos no’n ay hahalikan na ng lalaki ang babae.

 

“Tinatanggap mo ba si Maxwell na maging kaisang-dibdib, iyong sasamahan mula sa araw na ito sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan, upang mahalin at pahalagahan, maging kabahagi mo hanggang sa kamatayan?” tanong sa akin ni father, hindi ko alam ang isasagot ko. Wala bang rehearsal ang kasal?

 

“Oo, tinatanggap ko siya father pero anong hanggang kamatayan? Ayaw ko pang mamatay, kung gusto niya mauna na lang siya.” Kinurot naman ni Maxwell ang tagiliran ko matapos kong sagutin ang tanong ni father. Dinig na dinig ko rin kung paano tumawa ang mga dumalo sa kasal namin na ito.

 

“Ayusin mo ang sagot mo Naomi!” bulong niya sa akin sa nanggagalaiting boses kaya natawa naman ako.

 

“Si Maxwell na po ang tanungin niyo father, ’pag umayaw siya edi t*nga siya! Ginto na ang ikakasal sa kaniya, aayawan niya pa!” saad ko at hindi ko namalayang hawak ko pa rin ang mikropono kaya narinig ng mga dumalo ang lahat ng sinabi ko na siyang dahilan upang magtawanan ulit ang mga tao.

 

“Tinatanggap mo ba si Naomi na maging kaisang-dibdib, iyong sasamahan mula sa araw na ito sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan, upang mahalin at pahalagahan, maging kabahagi mo hanggang sa kamatayan?” tanong ni father kay Maxwell. Kinuha naman ni Maxwell ang mikropono mula sa pagkakahawak ko.

 

“Oo father, tinatanggap ko si Naomi na maging kaisang dibdib dahil no choice naman ako. Baka umiyak pa ’yan kapag tinanggihan ko.” Sinuntok ko ang braso ni Maxwell pagkatapos niyang sagutin ang tanong ng pari.

 

“Kayo ay binibindisyunan ko bilang isang ganap na mag-asawa. Maaari mo nang halikan ang iyong asawa.” Itinaas ni Maxwell ang aking belo at akmang hahalikan na sana ako.

 

“Sandali! Nakapagsipilyo ka ba bago pumunta rito?” tanong ko sa kaniya at pinanlisikan naman ako nito ng kaniyang mata.

 

“Malamang! Huwag ka nang umarte! Gusto mo namang halikan ka eh!” saad niya at sinunggaban ang labi ko.

 

Matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa magiging bahay namin ni Maxwell. Hindi na kami nag-abala pang mag honeymoon dahil gastos lang ’yon.

 

“Anong gagawin natin dito? Magtititigan lang? Nagugutom na ako!” reklamo ko sa kaniya dahil kanina pa ako nagugutom.

 

“Anong gagawin ko?” tanong nito sa akin, b*bo rin ’to minsan eh.

 

“Syempre sasamahan mo akong bumili ng kakainin natin!” singhal ko sa kaniya kaya naman ay pumunta na kami sa pinakamalapit na supermarket para bumili ng pagkain.

 

Habang tinutulak ko ang cart na may lamang pagkain ay bigla akong nabangga sa babaeng maarte na ’to.

 

“Ano ba? Matuto kang tumingin sa dinadaanan mo! Nakakaagrabyado ka sa magandang tulad ko!” singhal niya sa akin at napahawak pa ito sa kaniyang dibdib.

 

“Pasensya na ha? Medyo sadya.” Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ngunit patuloy pa rin siyang kumukuda.

 

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Maxwell sa amin.

 

“Maxwell! Ang babaeng ’yan inaaway ako!” saad niya, sabay hawak sa braso ng asawa ko.

 

“Makahawak sa braso ah!” saad ko at pinanlisikan si Maxwell.

 

“Siya ang magiging asawa ko dahil kilala na namin ang isa‘t isa noon pa.” Niyakap nito ang braso ni Maxwell, tarsier ka?

 

Hinila ko papunta sa akin si Maxwell at inilingkis ang aking mga kamay sa kaniyang braso. Hinalikan ko si Maxwell sa pisngi na siyang dahilan upang manigas ang lalaking ito sa kaniyang kinatatayuan.

 

“Magiging asawa mo? May sasabihin akong malupit na sikreto sa’yo babae. Itong sinasabi mong magiging asawa mo? Asawa ko na ’to kaya dumistansya ka kung ayaw mong magpagawa ng sariling lapida.” Tumalikod na ako sa kaniya at hinila si Maxwell kasama ko. Napako naman ang babae sa kaniyang kinatatayuan at itinaas ko naman ang pang-gitnang daliri ko para inisin ito lalo.

Related chapters

  • Set-up to Love you   Ikatlong Kabanata

    Nang makauwi na kami sa bahay ay bigla akong hinawakan ni Maxwell nang mahigpit sa aking braso dahilan para masaktan ako.“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” singhal ko sa kaniya at binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.“Bakit mo ako hinalikan sa harap ni Shekinah?” tanong nito sa galit na boses, tiningnan ko naman siya ng masama.“Bakit? Ayaw mong makita ng iba na hinahalikan ka ng sarili mong asawa?” Tinulak ko siya at papasok na sana ako sa kwarto ngunit iniharang niya ang kaniyang kamay sa pintuan.“Asawa lang kita sa papel pero hindi kita mahal! Kaya umayos ka sa inaasta mo Naomi!” sabi niya at nakaramdam naman ako ng sakit sa kaniyang itinuran.“Oo! Asawa

  • Set-up to Love you   Ikaapat na Kabanata

    “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa aking sekretarya dahil bigla ba naman siyang pumasok sa kwarto na ito at hindi man lang nag-abalang kumatok.“Oo nga pala! Ma’am, inutusan po ako ng nasa taas na puntahan ka rito sapagkat kanina pa po nila kayo kino-contact at hindi pa rin kayo nasagot. By the way, pasensya na po at naputol ko ang ginagawa ninyong milagro hihi!” Lumabas na siya kasabay ng pagsara nito ng pinto.“At ikaw! Hindi pa tayo tapos! Pinagsamantalahan mo ba ako?” tanong ko kay Maxwell at sasapakin ko na sana siya ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay dahil itinali niya ito.“HAHAHA ang cute mo pala pag itinali? Kamukha mo ang aso sa bahay niyo.” Tinalikuran ako nito at kinuha ang packing tape sa loob ng kabinet.“Nakikipaglokohan ka ba sa akin lalaki? Alisin mo nga itong tali na ito!” utos ko sa kaniya at pinandilatan siya mga mata.“Aalisin ko ’yan sa isang kondisyon!” saad niya kasabay ng pagpitik nito sa aking

  • Set-up to Love you   Ika-limang Kabanata

    Sinampal ko siya ng malakas at tiningnan ng masama. Ang dami ng pwede niyang sabihin ngunit ang maliitin kung sino ako pa ang napili niya. Hindi man lang siya nahiya, magkadugo naman kami ah.“Wala akong oras para sa pangungutya mo na wala namang katuturan Kyron!” saad ko at tinalikuran siya.Nang may makita akong dumaan na dalawang empleyado ay agad ko silang tinawag at kinausap upang sila muna ang bahala kay Xian dahil may kailangan pa akong klaruhin kay Maxwell.“Umuwi na tayo Maxwell!” sigaw ko rito kaya sumunod naman siya sa likuran ko.Nasa loob na kami ng sasakyan at hindi ko siya kinikibo, gano’n din naman siya sa akin, patas lang kami. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak niya para suntukin si Xian? Nararamdaman ko na tumitingin si Maxwell sa akin pa minsan-minsan ngunit nagkukunwari lamang akong nakatingin sa labas. At nang hindi ko na makayanan yung weird na nararamdaman ko ay kinuha ko na ang cellphone ko at nagkunwaring bus

  • Set-up to Love you   Ika-anim na Kabanata

    Bigla kong sinampal si Maxwell dahil sa ginawa niya. Humarap naman sina Chantal at Jayce sabay tawa, pinapalo pa ni Chantal si Jayce at kita naman ang inis sa mukha ni Jayce dahil dito.“Huwag mo ’kong mamanyakin Maxwell! Sinasabi ko sa’yo, makakatikim ka talaga sa’kin!” banta ko rito at pinakita ko pa sa kaniya ang kamao ko.“Kalma! HAHAHA pero ano, makakatikim ako sa’yo? Ano bang ipapatikim mo sa akin? Katawan mo?” Sinipa ko ito sa paa at kitang kita ang sakit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.“Bahala ka nga diyan!” Kinotongan ko pa siya bago ako tumalikod at umakyat na sa itaas.Nagtitipa lamang ako dito sa laptop ko nang biglang pumasok si Maxwell dito sa kwarto. Manggugulo na naman siguro ito, huwag naman sana. Kumukunot na ang noo ko, kakabasa sa mga proposals ng team nang bigla kong maramdaman ang sundot mula sa demonyong Maxwell na ito.“Ano bang problema mo? Huwag ka ngang makulit!” sigaw ko sa kaniya at tinulak siya paalis sa kama, nalaglag naman ito

  • Set-up to Love you   Ika-pitong Kabanata

    Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami ni Maxwell sa hospital kaya naman ay agad kaming pumasok sa kwarto ni daddy.“Daddy?” saad ko pagkabukas ko pa lamang ng pinto. Agad naman akong niyakap ni mommy kaya hinagod ko muna ang likod niya bago ako tumungo kay daddy na tahimik na nakahiga sa kaniyang kama.“A-Anak! Ang sabi ng doctor hindi na raw nila alam ang kanilang gagawin at kailangan na nating maghanap ng espesyalista sa ibang bansa.” Napasapo si mommy sa kaniyang noo habang sinasabi sa akin ang balita.“Saan tayo hahanap ng espesyalista sa ibang bansa mommy? May kakilala ka ba roon?” tanong ko kay mommy at hinawakan ko nang maigi ang kamay niya.“W-Wala anak, paano na ito?” tanong niya rin sa akin at napahawak na lamang siya sa kaniyang bewang.Napaupo ako sa sofa at kinalikot ko muna ang aking cellphone dahil baka may makita akong pwede naming hingan ng tulong. “Anak, may binigay pala sa akin ang doktor kanina a

  • Set-up to Love you   Ikawalong Kabanata

    “Layuan ko si Maxwell? May sira na ba ’yang utak mo? May kontrata kaming pinirmahan Maxine at nakasaad doon na kailangan naming magsama for the sake of our company!” singhal ko kay Maxine at napangisi naman siya.“Para sa kumpanya? Eh paano naman ang iyong ama?” tanong nito sa akin at pinandilatan pa ako ng kaniyang mga mata.“Kahit anong kondisyon, huwag lang iyan! Ayaw kong magising si daddy na wala na ang kumpanya. Buhay nga siya pero para ko na rin siyang pinatay kung pati ang kumpanya ay mawawala rin lang sa kaniya, buhay na niya ang kumpanya Maxine!” singhal ko dito at nagdabog ako pabalik sa kwarto.Pagkapasok ko sa kwarto ay napasapo kaagad ako sa aking noo. Unti-unti na ring tumutulo ang mga luha ko habang inaalala ang aking ama at ang kumpanya.“Naomi? Anong nangyari? May problema ba?” tanong sa akin ni Maxwell pagkapasok niya sa kwarto.“Wala! Huwag ka namang ganiyan oh. Huwag mong ipamukha sa akin na concern ka kung hindi nama

  • Set-up to Love you   Ika-siyam na Kabanata

    Nang makauwi ako rito sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Laking pagtataka pa ang namutawi sa mata ng mga kasambahay namin nang dumating ako.Naupo ako dito sa sulok at nakatingala sa kisame habang iniisip si Maxwell. Nasasaktan din kaya siya gaya ko? Ano kayang nararamdaman niya? Baka naman masaya ma siya sapagkat nakalaya na siya mula sa akin? Dapat din ba akong maging masaya? Pero bakit ganito kasakit?Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba at hinanap si mommy. Siya lang ang makakatulong sa akin. Siya lang ang nakakakilala sa akin at siya lang ang nakakaalam kung ano ang maaari kong gawin.Pagkarating ko sa may garden ay nakita ko siyang nakaupo at umiinom ng kape. Agad akong tumungo rito at niyakap siya mula sa likuran. Namiss kong yakapin ang ina ko."Anak! Nandito ka pala, kailan ka dumating?" tanong nito at hinarap ako."Baka ang dapat niyo pong itanong ay kung kailan ako umuwi?" tanong ko rin sa kaniya pabalik naupo sa t

  • Set-up to Love you   Ika-sampung Kabanata

    Makailang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang guwardiya at dinala kami sa isang kuwarto upang pag-usapan ang nangyaring gulo.“Kasalanan mo lahat ng ito Naomi! Kung hindi ka sana pumasok sa banyo, hindi sana nangyari ito!” sigaw sa akin ni Shekinah kaya naman ay napakuyom ako ng aking kamao.“Kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa pala? Kung hindi ka sana ahas edi sana walang mangyayaring ganito!” saad ko at pinandilatan siya ng mga mata.“Nais ko kayong pagbayarin sa mga kaukulang danyos. Basahin niyo ang papeles at paki-pirmahan na lang. Ayusin niyo na rin ang gulo sa pagitan ninyong dalawa.” Tumalikod na ang manager ng mall na ito at may kinausap sa telepono.“Naomi, bakit mo sinugod si Shekinah? Wala naman siyang ginagawang masama sa’yo ah!” saad ni Maxwell kaya napangisi na lamang ako.“Problema mo? Bakit parang kasalanan pa ni Naomi? Bakit kaya hindi mo tanungin ’yang girlfriend mo? Dahil sa pagkakaalam ko, mas may kakayahang magsimula ng gulo iyang

Latest chapter

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-apat na Kabanata

    “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Maxwell sa kaniya at tumawa naman si Krueger.“Anong ginagawa ko rito? Nandito ako upang angkinin ang babaeng nais ko!” sigaw nito saka tinutukan ng baril si Maxwell.Kinabahan naman ako sa nangyayari kaya hinawakan ko si Maxwell sa kamay at mas lalong hinigpitan din nito ang kaniyang pagkakahawak sa akin.“Surprise! Anong balita? Magkakaanak na pala ang karibal ko!” sigaw ni Shekinah sa amin saka ito lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko.“Shekinah! Anong kaguluhan ito?” tanong sa kaniya ni Maxine kaya tiningnan nito si Maxine saka ngumiti.“Oh! Ang aking sister-in-law na hilaw HAHAHA sayang at hindi napasaakin si Maxwell, ang hina mo kasing kasangga!” singhal nito kay Maxine at tinapik ang balikat nito.“Kung hindi niyo man ako nakikilala, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Kyron Krueger at narito ako upang kunin ang babaeng nais ko!” saad nito saka tumawa na parang demonyo.Ito ang muntikan nang pumatay sa amin ni Maxwell. Patul

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-tatlong Kabanata

    “K-Kambal? Anong kasarian nila?” tanong ni Maxwell na halatang excited kaya naman ay na-excite din ako.Tumingin ako sa monitor kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Maxwell. Hinawakan din nito nang mahigpit ang aking kamay.“Congratulations po! Babae at lalaki po ang mga anak ninyo!” masiglang sagot sa amin ng doktor.Niyakap naman ako kaagad ni Maxwell saka niya hinaplos ang aking tiyan. Hinalikan pa nito ang aking noo kasabay ng paghalik nito sa aking tiyan.“Maiwan ko po muna kayo ma’am, sir!” paalam bg doktor at lumabas na nga ito.“Salamat naman at malusog ang mga anak natin kahit abnormal ang nanay nila. Salamat Naomi sa pagbibigay mo sa akin ng biyaya at bagong rason para mabuhay!” Naiyak ako dahil sa sinabi ni Maxwell nginit agad ko rin naman siyang binatukan.“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan? Para saan iyon?” tanong nito sa akin sabay himas sa kaniyang ulo.“Sa pagsabi mo sa akin na abnormal ako!” sagot ko sa kaniya saka ako tumayo at nagbihis na upang makaalis na kami ri

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-dalawang Kabanata

    “Dad! Si Naomi kasi eh!” sumbong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.“Naomi? Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong sa akin ng kaniyang ama kaya naman ay nalipat sa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng kwarto na ito.“Bagay naman po ito sa kaniya sir ah! Hindi ba Maxwell?” tanong ko kay Maxwell saka siya tiningala at niyakap.“Ah oo! Bagay nga sa akin, baka umiyak ka na naman!” singhal nito sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.“Ang sakit niyo naman sa mata HAHAHA umupo na nga kayo at tayo ay magsisimula na!” sabi ng babaeng may edad na.Naupo naman ako sa gilid ni Maxwell at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa kaniya nang nakangiti. Proud ako sa asawa kong ito. Kapag tumitigil siya sa pagsasalita ay pumapalakpak naman ako.Ilang oras lamang ang nakalilipas ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pagpupulong. Habang palabas ang mga tao sa kwartong ito ay isa-isa rin nilang hinaplos ang aking buhok na may halong ngiti. Ang babait ng mga tao dito, hindi kagaya sa kump

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-isang Kabanata

    Nagising ako na masakit ang buong katawan habang nakahilata rito sa aking kama. Nakita ko naman sina mommy at daddy na nagtatalo sa labas ng aking kwarto sapagkat nakabukas lang naman ang pinto.Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Maxwell na prenteng nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakapikit.Hinawakan ko ang kamay nito na siyang dahilan upang dumilat siya. Nginitian ko siya saka siya tumayo at nilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo.“Maxwell! Anong nangyari?” tanong ko rito at nakita ko namang napatingin sa direksyon namin sina mommy at daddy.“Nahimatay ka Naomi!” saad nito at umatras upang bigyan ng space ang aking mga magulang.“Bakit hindi mo sinabi anak?” tanong sa akin ni daddy na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo.“Ano pong sasabihin ko?” tanong ko rito at pinilit kong tumayo ngunit pinigilan nila ako.“Na buntis ka.” Napatingin kaagad ako kay Maxwell na tahimik lamang sa gilid.“D-Daddy! M-Mommy? Sinabi niyo po ba?” tanong ko rito at kaunti

  • Set-up to Love you   Ikadalawampung Kabanata

    “Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip

  • Set-up to Love you   Ikalabing-siyam na Kabanata

    Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako

  • Set-up to Love you   Ikalabing-walong Kabanata

    “Anong pinagsasasabi mo? Umayos ka nga! Parang kanina lang tayo nag-anuhan tas kung ano-ano na pinagsasasabi mo riyan!” singhal ko sa kaniya at natawa lamang ito.“Kanina lang? Sigurado ka bang kanina lang tayo gumawa ng kababalaghan? If I remember it correctly, may nangyari sa atin dati, sa bahay pa nga iyon ng mommy mo eh!” saad nito kaya naman ay tinakpan ko kaagad ang kaniyang bibig saka ko tiningnan ang paligid.“Mahiya ka nga Maxwell! Kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo!” saad ko at binatukan siya.“Aray! Walang sakitan! Patapos na ako, hintayin mo na lang ako.” Tumalikod na ako at dumiretso sa kaniyang sasakyan.Nagpatugtog lamang ako ng musika rito habang hinihintay siyang dumating. Ang tagal naman ng isang iyon! Ilang kawali ba ang kinain niya? Ampotchi naman oh!Mga ilang minuto pa ang nakalilipas habang sinasabayan ko sa pagkanta ang musika ay siya ring pagdating ni Maxwell habang may dala-dalang mga kahon ng pagkain. Nagtaka naman ako saka niya ako sinenyasan na buks

  • Set-up to Love you   Ikalabing-pitong Kabanata

    Napatingin ako sa paligid kasabay ng mga bulungan na aking naririnig. Ang alam ng lahat dito ay si Xian na kasintahan ko dahil iyon naman ang gusto ni Maxine.“Xian! Anong pinagsasasabi mo?” tanong ko rito at ngumisi lamang siya.“Akala mo wala akong alam? Naomi, nakita ko kayo! Nakita ko kung paano ka halik-halikan ng lalaking iyan!” sigaw nito sa akin saka lumapit kay Maxwell at inambahan ng suntok.“Sige! Kapag dumapo iyang kamao mo sa mukha ko, hindi ka na sisikatan ng araw rito!” pagbabanta ni Maxwell sabay tutok ng kaniyang baril kay Xian.Saan nanggaling ang baril na iyan? Wala namang baril dito kanina? Nagsigawan ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa ni Maxwell kaya naman ay tiningnan ko siya ng masama saka ko binaba ang kamay nitong may hawak na baril. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ko ito makuha.“Maxwell! Ano ba? Ibaba mo iyan! Baka maiputok mo pa!” singhal ko rito saka niya binaba ang kaniyang baril na may halong ngisi.“Pasalamat ka Xian! Mataga

  • Set-up to Love you   Ikalabing-anim na Kabanata

    Binuksan nito ang likod ng sasakyan saka kami pumasok, hindi pa rin namin binibitawan ang labi ng isa’t-isa.“M-Maxwell!” tawag ko sa pangalan niya. Huminto naman ito at tiningnan ako sa mga mata.“Hmm?” sagot niya sa nagtatanong na mga mata.“Mali ito! May Xian na ako at mayroon ka na ring Shekinah!” singhal ko sa kaniya na siyang dahilan upang bumitiw siya sa pagkakahawak sa aking batok.“Pero ikaw ang aking asawa! Kahit saang anggulo mo tingnan, ang relasyon natin sa kanila ang mali at tayo ang tama!” saad nito at naupo sa gilid ko.“Hindi mo kasi naiintindihan Maxwell! Kapag nakita tayo ni Maxine o kahit sino pang may kaugnayan kay Maxine ay paniguradong malalagot tayo!” sigaw ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sa akin nag masinsinan.“Maxine? Anong kinalaman ng ate ko sa ating dalawa?” tanong nito sa akin at napakuyom pa ito ng kaniyang kamao.“Wala!” sagot ko at tumingin sa labas upang makawala sa kaniyang nakakasindak na tingin.“Magsabi ka sa akin Naomi! Anong kinalaman n

DMCA.com Protection Status