Pangarap ni Farrah Paraiso na ikasal sa kaniyang nobyo pero natuklasan niya na walong taon na siyang kasal sa kinaiinisang lalaki noong college, si Damon Punongbakal. Hindi niya inaasahan na ang kasal-kasalan nila dahil sa kalasingan ay naging totohanan. Minabuti niyang hanapin ang lalaki upang solusyonan ang problema, ngunit paano kung sa kanilang pagtatagpo ay ayaw na siyang pakawalan nito? Mahulog kaya ang loob ni Farrah kay Damon?
View MoreNagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae
Si Farrah Paraiso ay dalawampu’t siyam na taong gulang, may magandang mukha at seksing katawan. Ngayon ay nasa harapan siya ng Philippine Statistic Authority o PSA isang ahensya ng gobyerno at hinihintay na matawag ang pangalan. For receiving na ang kaniyang ni-request na Birth Certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) or Certificate of Singleness. Kailangan niyang makumpleto ang lahat ng requirements para sa kasal nila ng nobyong si Jeff Carreon. “Miss Farrah Paraiso,” tawag ng babae nasa receiving window. Lumapit kaagad si Farrah upang abutin ang mga dokumento at pumirma sa isang papel na katunayang na-received na niya ang mga ito. Matapos mailagay ang mga dokumento sa kaniyang folder ay naglakad siya palayo sa ahensya at nagtungo sa isang malapit na parke. Naupo siya sa isang bakante upuang kahoy at masayang inilabas ang mga dokumento upang matignan muli. “Oh my gosh!” malakas na sambit nito sabay takip ng kaniyang bibig. Napating...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments