Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.
Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.
“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.
Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.
“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.
Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.
Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.
Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.
“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.
Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.
“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.
May mga hakbang ng paa ang kaniyang narinig na papalapit sa kaniya, kaya naman nagsumiksik siya sa gilid ng kinauupuan sahig.
“Huwag mo lapitan ang asawa ko!!!” Halos lumabas na ang mga ugat ni Damon sa pagsigaw.
May kung ano narandaman si Farrah sa narinig mula kay Damon.
“Mag-asawa pala sila,” wika ng isa pa lalaki malapit kay Damon at nagtawanan sila magkakasama.
“Masyado ka naman protective, aalisin ko lang ang piring niya upang makita ang kaguwapuhan ko,” ani ng lalaki nakalapit kay Farrah at inalis ang piring nito.
Hinanap kaagad ni Farrah ang kinaroroonan ni Damon at nakita niya ito nakaupo sa isang silya habang duguan ang gilid ng bibig. Nakatali ang kaniyang mga kamay na marami ito pasa sa mukha at braso na marahil kanina pa ginugulpi ng lima lalaki dumakip sa kanila.
Binalak niya lapitan si Damon ngunit pinigilan siya kaagad ng lalaki.
“Ooops, puwede mo siya titigan pero bawal lapitan,” wika pa ng lalaki.
May isa pa lalaki lumapit sa kaniya na may dala pagkain at iniabot sa kasama.
“Pakainin mo muna ‘yan para marami lakas mamaya,” nakakaloko sabi nito at umalis.
“Kumain ka muna dahil mamaya makikipag-honeymoon kami sa ‘yo,” wika ng lalaki katabi ni Farrah at hinimas pa nito ang kaniya buhok.
Natakot si Farrah at muli nagsumiksik sa gilid.
“Lubayan niyo ang asawa ko!!!” hiyaw ni Damon.
Muli may kumawala kamao sa kaniya mukha na dahilan upang mawalan na naman ito ng malay.
“Tama na ‘yan at baka matuluyan kaagad ‘yan, tayo na muna mag-inuman,” wika ng isa lalaki dumating.
“Kumain ka mabuti Ms. Beautiful para mamaya ready ka na, basta ako ang mauuna paligayahin mo,” sambit ng lalaki malapit kay Farrah.
Ipinikit ng mariin ni Farrah ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang pangit na mukha ng lalaki.
Narandaman niya humakbang na ang lalaki papalayo sa kaniya.
Lumipas ang ilang sandali ay napansin niya gumalaw ang ulo ni Damon na marahil nagkakamalay na ito sa kinauupuan.
Sa wakas ay nagawa ni Farrah maalis ang buhol ng pagkakatali sa kaniya na kanina pa ginagawa simula nang magkamalay siya.
Pinakirandaman at pinagmasdan niya ang paligid, marahil ay nasa isang abandonadong gusali sila. Naririnig niya ang tawanan ng mga lalaki na para ba nalalasing na sa iniinom na alak, kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon lapitan si Damon.
“Damon, gising,” ani Farrah at tinapik ng bahagya ang mukha nito.
Nagmulat ng kaunti ang mga mata ni Damon na halata pagod sa pagtanggap ng mga suntok mula sa limang lalaki.
“Kaya mo ba tumayo?” tanong ni Farrah habang kinakalagan ang tali sa kamay ni Damon.
Tumango naman ito at pinilit na makatayo, inalalayan naman siya ni Farrah sa paglalakad.
“Dahan-dahan baka mapansin tayo at marinig, may nakita ako pintuan dito palabas,” bulong ni Farrah.
Nakalabas sila sa gusali at napansin nila napapalibutan ng mga punong kahoy ang paligid na marahil ay nasa kagubatan sila o kakahuyan.
Nagpatuloy sila sa paglalakad kahit hirap na hirap si Farrah sa pag-alalay kay Damon dahil sa laki at bigat nito.
Hindi pa man sila nakakalayo ay bigla may narinig sila mga boses na papalapit sa kanila.
“Tumakbo ka na, iwan mo na ako,” sambit ni Damon.
“Sira ka ba, ‘di ba ako asawa mo? Kaya hindi kita iiwan,” banat ni Farrah.
Napangiti si Damon sa narinig at napansin niya ang isang malaki puno.
“Magtago tayo sa malaki puno bago tayo maabutan.” Turo ni Damon.
Binilisan nila ang paglalakad upang marating ang puno at nahiga sa may mga nakausli malalaki ugat nito. Dahil masukal ang paligid at marami tuyo dahon ang nagkalat kaya naisipan ni Farrah tabunan ang mga sarili nila.
Namangha si Damon sa pagiging matalino ni Farrah, hindi nga sila mahahalata na nagtatago ngunit randam pa rin ang kaba ng asawa kaya hinawakan niya ng mahigpit ang isa kamay nito.
Ilang saglit pa ay naririnig nila ang mga yabag.
“Dito ko sila huli napansin,” wika ng isa sa kanila.
“Hanapin mabuti at tiyak ako hindi pa sila nakakalayo,” wika naman ng isa pa.
Nag-ring ang cellphone ng kasama nila at sinagot.
“Yes boss,” ani nito sa kausap sa cellphone.
“Don’t worry, everything is under control,” pagyayabang pa nito at nagpaalam na sa kausap.
Ngayon ay natitiyak ni Damon na may nag-utos sa limang lalaki upang dakpin sila, ngunit wala siya matandaan na may kaalitan o nakasamaan ng loob.
Napagdesisyunan niya sa kaniya isipan na ipagpaliban muna ang pakikipagkita kay Mayor Morena hanggat hindi nahuhuli ang mastermind sa pagdakip sa kanila ni Farrah.
“Damon,” tawag ni Farrah.
Tumingin sa Damon sa katabi.
“Mukha nakalayo na sila, kaya mo pa ba maglakad?” pag-aalala tanong ni Farrah.
Tumayo naman si Damon at inalalayan makatayo rin si Farrah.
“Kakayanin, basta makaalis lang sa lugar na ito,” sagot ni Damon.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hangga sa marating nila ang sasakyan ni Damon sa isang bakante lote palabas sa kakahuyan.
Sinilip ni Damon ang loob at binuksan ang pintuan na hindi naka-lock, nagtataka man siya ay sumakay pa rin.
Sumakay din si Farrah sa tabi ng driver seat.
“Nakakapagtaka naman na iniwan dito ang sasakyan at hindi man naka-lock, pati ang susi ay nandito rin,” pagtataka nito.
“Naiisip ko nga na baka set up na naman ito,” wika ni damon at napansin nila ang mga anino papalapit sa kanila.
“Nandiyan na sila Damon, umalis na tayo,” utos ni Farrah.
Pinaandar naman ni Damon ang sasakyan at pinakikirandaman ang makina nito na mukha naman wala deperensya kaya pinaharurot ito palayo sa mga lalaki humahabol.
“Para bang ang tanga lang nila na iwan basta-basta ang sasakyan na nakabukas at ang susi nito,” sambit ni Farrah.
Mabilis ang naging pagpapatakbo ng sasakyan at napansin ni Damon nawawalan ng preno ito kaya naman nakarandam ng kaba.
“Mukha ‘di na tayo mahahabol ng mga ‘yon,” ani Farrah.
Napatingin naman siya sa mukha ni Damon na pinagpapawisan ang noo.
“May problema?” tanong nito.
“Ayaw gumana ang brake,” sagot ni Damon.
“A-ano?!” taranta tanong ulit ni Farrah.
“Malamang na sinadya ang pag-iwan ng sasakyan, nakaplano ang lahat na kung makita natin ito ay sasakyan papalayo sa kanila ngunit siniguro nila mawawalan ng brake,” paliwanag ni Damon.
Masyado madilim sa kalsada na para ba nagbabadya ang malakas na ulan at halos hindi na nila maaninag ang dinaraanan kaya hindi makapag-isip ng maayos si Damon kung ibabangga ang sasakyan na hindi sila mamamatay ni Farrah.
“Gumawa ka ng paraan,” sambit ni Farrah.
Nang bigla na lang niliko ni Damon ang sasakyan na diretso sa isang pailalim na bangin.
“Kumapit ka sa braso ko dali,” utos ni Damon kay Farrah.
Ginawa nga ni Farrah ang sinabi ni Damon habang patuloy ang sasakyan sa pag-andar pailalim.
Mabilis ang sumunod na naging galaw ni Damon, sinipa ng malakas ang pintuan sa kaniya kaliwa upang mabuksan ito at hinapit ang baywang ni Farrah sabay talon palabas ng sasakyan.
Nakahawak si Damon sa makakapal na damo habang nakayakap si Farrah sa kaniya.
Diretso ang sasakyan sa kailaliman ng bangin at sumabog ito na kinagulat ni Farrah kaya nabitawan ang pagkakayakap kay Damon.
“Oh no!!!” Sigaw ni Farrah at nahawakan ang belt ng pantalon ni Damon ngunit dumudulas ang pagkakahawak nito marahil sa pawis na nagmumula sa kaniya palad.
“Kumapit ka mabuti Farrah,” sambit ni Damon at hinatak ang kuwelyo ng damit ni Farrah dahil halos nasa binti na niya ito.
Hindi alam ni Farrah kung saan pa siya kakapit kaya hinayaan niya ang kamay na humawak kung saan hangga sa may makapa siya matigas na bagay.
“Shit! Huwag ka diyan humawak!!!” Sigaw ni Damon na para ba hindi mawari ang narandaman at nanginig ng kaunti ang mga binti.
“Ano ba ito?” tanong ni Farrah at inalis ang kamay na nakahawak sa bahagi ‘yon.
“S-sawa ko ‘yan, b-baka m-magalit,” sagot ni Damon.
Napapikit ng mata si Farrah sa naiisip na tanong sa kaniya isipan, ‘Ganoon ba kalaki ang sawa ni Damon?’
“Farrah, kumapit ka mabuti at itutulak kita pataas,” utos ni Damon.
Ginawa nga ni Farrah ang sinabi nito at nakakapit siya sa mga damo habang tinutulak siya paitaas ngunit napansin niya dumapo ang kamay ni Damon sa isang pisngi ng kaniya puwet.
“Damon! Kamanyakan mo!” sita nito.
Naguluhan naman si Damon sa tinuran ni Farrah at napansin nakarating ito ng mabilis sa itaas kaya kumilos na siya upang sundan ito.
Tinulungan naman siya ni Farrah na hilain.
Nang makatayo si Damon ay nabigla siya ng dumapo ang isang malakas na sampal sa kaniya mukha.
“Para saan ang ginawa mo sampal?!” galit nito tanong.
“Para sa paghimas ng puwet ko, manyak!” sigaw na sagot ni Farrah.
“Hindi ako manyak, nagkataon lang na nahawakan ko dahil itinutulak kita pataas,” depensa ni Damon.
“Ikaw kaya ang manyak, ginalit mo ang sawa kanina!” naiinis pa nito dagdag.
Natigilan naman si Farrah sa tinuran ni Damon at naalala ang kaganapan.
“Mabuti pa na bumalik muna tayo sa Manila dahil nanganganib ang mga buhay natin. Nakakasiguro ako may nagplano na harangan tayo sa lugar na ito,” sambit ni Damon.
“No! Malapit na tayo sa San Pablo, ituloy na natin,” pagkontra ni Farrah.
Napansin ni Damon na may sasakyan papadating.
“May sasakyan, baka ang mga humahabol sa ‘tin,” wika nito.
Kinabahan naman si Farrah at bigla nagtago sa likuran ni Damon.
Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-
Tinanghali ng gising si Farrah at hinanap kaagad si Damon ngunit ‘di niya matagpuan. Nakita niya sa labas si Lerma na nag-iigib ng tubig kahit malakas ang ulan.“Excuse me!” tawag atensyon niya kay Lerma.Bumaling sa kaniya ito at nagtanong, “Bakit po ate?”“Nakita mo ba si Damon?” tanong na sagot ni Farrah.“Kasama po si tatay na nagpunta ng bayan upang i-report sa pulisya ang nangyari sa inyo,” sagot ni Lerma.Pinaghain siya ng pagkain ni Lerma, kahit wala gana ay kinailangan pa rin niya lagyan ng laman ang kaniya sikmura dahil nalipasan na rin ng gutom.Wala siya magawa o anu man maitulong sa mag-ina dahil halos nagawa na ng mga ito ang mga gawaing bahay kaya minabuti maupo sa tabi ng bintana at hintayin ang pagbabalik ni Damon.“Malubak at madulas po ang daan dahil sa ulan kaya sigurado mahihirapan sila makabalik kaagad ni tatay,” wika ni Lerma mula sa likuran.
Napapikit ng mariin si Farrah na sigurado mahuhuli na naman sila ng mga masasamang tao, napadasal na rin siya at halos manigas ang katawan sa pagkakahiga dahil sa kaba.“Tumakbo sila sa dakong ‘yon,” turo ng may-ari ng kariton na nasa mahigit 30 ang edad.May narinig pa sila mga yabag na kadarating lang at huminto.“W-wala sila sa kabilang kalsada,” sambit ng isa sa kanila na humihingal pa.“Nakita sila tumakbo sa dakong ‘yon, sundan na natin at baka makatakas na naman,” sabi ng kasama nito.Tumakbo na papalayo sa kanila ang mga lalaki at narandaman nila gumagalaw ang kariton na hila ng kalabaw.Pareho nabawasan ang kanilang pangamba.Paminsan-minsan pa ay naririnig nila ang may-ari na pinapabilis at minsan pinapabagal ang paglalakad ng kalabaw.“Di nagtagal bigla tumigil ang kariton at bumaba ang may-ari na lumapit sa likuran.Nagulat sila ng hatakin ng may-ari ang t
Takot na takot si Farrah sa nakita kalagayan ni Damon na para ba mababaliw na sa kasisigaw.“Farrah! Farrah!” tawag ni Damon sa kaniya pangalan habang niyuyugyog ang magkabilang braso nito.Biglang nagmulat ng mga mata si Farrah at nakita ang guwapo mukha ni Damon, niyakap niya ito ng mahigpit.Bumitiw rin kaagad sa pagkakayakap at kinapa ang katawan ni Damon, sinusuri kung may natamo itong mga sugat.“Nananaginip ka Farrah,” ani Damon at kumuha ng bottle water sa isang supot na dala.Binuksan ni Damon ang takip at pinainom si Farrah.“Nakita ko pinagsasaksak ka ng masasamang lalaki at bumulagta ka sa tabi ko,” naiiyak na sabi ni Farrah.Niyakap siya ni Damon ng mahigpit.“Tahan na, panaginip lamang ‘yon. Binilhan kita ng pagkain baka nalipasan ka na ng gutom,” ani Damon.Tumanggi naman kumain si Farrah dahil wala sa gana at gusto magpahinga na lamang.Hinihiga
Hinila kaagad ng mga pulis ang baging na kinakapitan ni Farrah ngunit napatid ito kaya lalo hindi mapakali si Damon at lulusungin ang kumunoy ngunit maagap siya napigilan ni PMSg. Sanchez.“May mga rescuer, hayaan mo na sila gawin ang kanila trabaho,” sambit ng pulis.Nakita ni Damon na dumating ang ilang katao na may dala lubid at itinali ng isa ang sarili. Lumusong ito sa kumunoy at hinagip si Farrah, hinatak sila ng mga naroroon.Matapos ang mga pangyayari ay nakabalik sina Farrah at Damon sa kanilang silid na inuupahan. Tumanggi magpa-hospital si Farrah at nais lamang manatili sa kanilang inuupahan upang magpahinga.Dinala sa pulisya ang dalawang lalaki dumukot kay FarrahSamantalang minabuti ni Damon na samahan siya at bukas na lamang pupunta sa pulisya upang malaman ang dahilan ng masamang motibo ng dalawa lalaki sa kanila.Matapos makapaglinis ng katawan ay nahiga na si Farrah sa kama upang makapagpahinga. Maingat na tumab
Mga daing at sigaw ang mga narinig ni Damon mula sa maliit na pintuan ngunit wala siya ideya kung ano ang nangyayari sa loob.“Hindi ba’t nakakasama sa imahe ng pulisya ang nangyayari sa loob?” tanong ni Damon.“Kahit kailan ay ‘di makakasama kung wala ka naman nilalabag na batas,” sagot ng inspektor na nangingiti.Hindi maunawaan ni Damon ang mga nagaganap at kinakabahan siya sa mga nakakatakot na daing ng mga nasa loob.Nakakatiyak siya may ginugulpi at pinapahirapan sa loob ng maliit na pintuan, galit siya ngunit ‘di sa ganito paraan dapat idaan.Makalipas ang kalahati oras ay inilabas nila ang dalawa kriminal na mukha naman wala natamo pinsala sa katawan, kasunod nila ang hepe ng pulisya.“Hepe, ano po ang nangyari?” tanong ni Damon.“Magsasalita na daw sila,” sagot ng hepe.Iniupo ang dalawa kriminal at nagmakaawa sasabihin ang lahat ng nalalaman basta huwag
Nasilip ni Damon na papalapit ang dalawa lalaki sa gawi ng restroom.“Kung may humahabol sa inyo ay pumasok kayo sa cubicle at huwag paharang-harang sa pintuan ng restroom dahil may hinahabol kami bus!” masungit na wika ng isang matanda babae.Ginawa nga nila ang sinabi ng matanda at sakto pagpasok sa cubicle ay ang pagsilip ng dalawa lalaki naghahanap sa kanila.“Mga manyak!!!”Narinig nila hiyaw ng mga babae sa restroom.Mabilis na umalis ang dalawa lalaki nang makita wala ang hinahanap.“Wala na sila!” sigaw ng isang babae.Lumabas sina Damon at Farrah mula sa cubicle.Nagpasalamat sila sa mga babae nasa restroom at mabilis tumakbo palabas.Hindi nila alam kung saan tutungo hangga sa mapansin sila ng dalawa lalaki at naghabulan sa terminal.Nasulyapan ni Damon ang papasok na itim na BMW na kaniya pag-aari kaya hinatak si Farrah pasalubong sa sasakyan.Itinigil kaagad n
Nagpaalam na si Damon na hindi maintindihan ang nagiging ugali ni Farrah. Ganoon pa man ay inaalala pa rin ang kondisyon nito dahil sa natamo trauma.“Sa bahay tayo,” utos niya kay Mang Luis nang makasakay sa sasakyan.Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad siya ni Heaven at naroon na rin ang mga bodyguard na ni-request.Nagpakilala ang mga ito na sina Bert na nasa 5’10 feet ang taas at si Tom na 5’11 ang taas, pareho 35 taong gulang magaling sa martial arts na judo.Si Bert ay nakatalaga magbantay kay Damon at si Tom ay kay Heaven. Para kay Damon ay makakabuti ang ganito set up sa kanilang mag-ama, hanggat ‘di nahuhuli ang mastermind at mga minions nito ay hindi matatahimik ang kanilang buhay.Nagpapahangin siya sa beranda ng bigla naisipan kung papaano sila nasusundan ng mga humahabol sa kanila at alam ang eksakto lugar na pinupuntahan.“Mukha malalim ang iniisip mo, sir” wika ni Mang Luis na gali
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae