Takot na takot si Farrah sa nakita kalagayan ni Damon na para ba mababaliw na sa kasisigaw.
“Farrah! Farrah!” tawag ni Damon sa kaniya pangalan habang niyuyugyog ang magkabilang braso nito.
Biglang nagmulat ng mga mata si Farrah at nakita ang guwapo mukha ni Damon, niyakap niya ito ng mahigpit.
Bumitiw rin kaagad sa pagkakayakap at kinapa ang katawan ni Damon, sinusuri kung may natamo itong mga sugat.
“Nananaginip ka Farrah,” ani Damon at kumuha ng bottle water sa isang supot na dala.
Binuksan ni Damon ang takip at pinainom si Farrah.
“Nakita ko pinagsasaksak ka ng masasamang lalaki at bumulagta ka sa tabi ko,” naiiyak na sabi ni Farrah.
Niyakap siya ni Damon ng mahigpit.
“Tahan na, panaginip lamang ‘yon. Binilhan kita ng pagkain baka nalipasan ka na ng gutom,” ani Damon.
Tumanggi naman kumain si Farrah dahil wala sa gana at gusto magpahinga na lamang.
Hinihiga
Hinila kaagad ng mga pulis ang baging na kinakapitan ni Farrah ngunit napatid ito kaya lalo hindi mapakali si Damon at lulusungin ang kumunoy ngunit maagap siya napigilan ni PMSg. Sanchez.“May mga rescuer, hayaan mo na sila gawin ang kanila trabaho,” sambit ng pulis.Nakita ni Damon na dumating ang ilang katao na may dala lubid at itinali ng isa ang sarili. Lumusong ito sa kumunoy at hinagip si Farrah, hinatak sila ng mga naroroon.Matapos ang mga pangyayari ay nakabalik sina Farrah at Damon sa kanilang silid na inuupahan. Tumanggi magpa-hospital si Farrah at nais lamang manatili sa kanilang inuupahan upang magpahinga.Dinala sa pulisya ang dalawang lalaki dumukot kay FarrahSamantalang minabuti ni Damon na samahan siya at bukas na lamang pupunta sa pulisya upang malaman ang dahilan ng masamang motibo ng dalawa lalaki sa kanila.Matapos makapaglinis ng katawan ay nahiga na si Farrah sa kama upang makapagpahinga. Maingat na tumab
Mga daing at sigaw ang mga narinig ni Damon mula sa maliit na pintuan ngunit wala siya ideya kung ano ang nangyayari sa loob.“Hindi ba’t nakakasama sa imahe ng pulisya ang nangyayari sa loob?” tanong ni Damon.“Kahit kailan ay ‘di makakasama kung wala ka naman nilalabag na batas,” sagot ng inspektor na nangingiti.Hindi maunawaan ni Damon ang mga nagaganap at kinakabahan siya sa mga nakakatakot na daing ng mga nasa loob.Nakakatiyak siya may ginugulpi at pinapahirapan sa loob ng maliit na pintuan, galit siya ngunit ‘di sa ganito paraan dapat idaan.Makalipas ang kalahati oras ay inilabas nila ang dalawa kriminal na mukha naman wala natamo pinsala sa katawan, kasunod nila ang hepe ng pulisya.“Hepe, ano po ang nangyari?” tanong ni Damon.“Magsasalita na daw sila,” sagot ng hepe.Iniupo ang dalawa kriminal at nagmakaawa sasabihin ang lahat ng nalalaman basta huwag
Nasilip ni Damon na papalapit ang dalawa lalaki sa gawi ng restroom.“Kung may humahabol sa inyo ay pumasok kayo sa cubicle at huwag paharang-harang sa pintuan ng restroom dahil may hinahabol kami bus!” masungit na wika ng isang matanda babae.Ginawa nga nila ang sinabi ng matanda at sakto pagpasok sa cubicle ay ang pagsilip ng dalawa lalaki naghahanap sa kanila.“Mga manyak!!!”Narinig nila hiyaw ng mga babae sa restroom.Mabilis na umalis ang dalawa lalaki nang makita wala ang hinahanap.“Wala na sila!” sigaw ng isang babae.Lumabas sina Damon at Farrah mula sa cubicle.Nagpasalamat sila sa mga babae nasa restroom at mabilis tumakbo palabas.Hindi nila alam kung saan tutungo hangga sa mapansin sila ng dalawa lalaki at naghabulan sa terminal.Nasulyapan ni Damon ang papasok na itim na BMW na kaniya pag-aari kaya hinatak si Farrah pasalubong sa sasakyan.Itinigil kaagad n
Nagpaalam na si Damon na hindi maintindihan ang nagiging ugali ni Farrah. Ganoon pa man ay inaalala pa rin ang kondisyon nito dahil sa natamo trauma.“Sa bahay tayo,” utos niya kay Mang Luis nang makasakay sa sasakyan.Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad siya ni Heaven at naroon na rin ang mga bodyguard na ni-request.Nagpakilala ang mga ito na sina Bert na nasa 5’10 feet ang taas at si Tom na 5’11 ang taas, pareho 35 taong gulang magaling sa martial arts na judo.Si Bert ay nakatalaga magbantay kay Damon at si Tom ay kay Heaven. Para kay Damon ay makakabuti ang ganito set up sa kanilang mag-ama, hanggat ‘di nahuhuli ang mastermind at mga minions nito ay hindi matatahimik ang kanilang buhay.Nagpapahangin siya sa beranda ng bigla naisipan kung papaano sila nasusundan ng mga humahabol sa kanila at alam ang eksakto lugar na pinupuntahan.“Mukha malalim ang iniisip mo, sir” wika ni Mang Luis na gali
‘Di magawa maabot ni Farrah ang mga gamot kaya wala nagawa kun’di ang hintayin matapos ang pinapanood ng kaniya mommy nang makapasok na ito sa kaniya silid.Nang makuha na ni Farrah ang mga gamot ay ininom kaagad ang nasa reseta upang makatulong sa kaniya pagtulog.Pagbalik sa kaniya silid ay mahimbing ng natutulog si Sandra na hindi na siya nahintay nito kaya minabuti matulog na rin upang matulungan ang kaibigan sa flower shop bukas.Kinabukasan sa flower shop ay nag-aayos sina Farrah at Sandra kasama ang bago hired na si Ruth nang bigla pumasok ang isang lalaki na kanila kinagulat, si Jeff.“Oh my! Ikaw pala, Jeff,” sambit ni Sandra.“B-babe, kailan ka pa dumating?” salubong ni Farrah sa nobyo sabay halik sa pisngi nito.“Ngayon lang, galing ako sa airport at dumeretso rito para makita ka. I’m sorry about last night,” wika ni Jeff.Napangiti naman si Farrah dahil sa
Nainis si Farrah dahil sa ginawa paghablot ni Damon sa kahon na kaniya napulot kaya minabuti agawin ito dahil sa pakirandam niya ay may itinatago ang lalaki.Napapagod na siya sa kakaabot dahil pilit itinataas ni Damon ang kaniya kamay upang ‘di makuha ang kahon kaya naman kinagat niya ito sa braso at napangiwi sa sakit. Napansin naman sila ni Bert kaya nag-alala ito.“Mang Luis, ‘di ba natin sila aawatin?” nag-aalala tanong ni Bert.“Hayaan mo sila, manahimik ka kung ayaw mo madamay,” sagot ni Mang Luis.Sa loob-loob ni Mang Luis ay ayaw niya makialam sa away ng mag-asawa dahil hindi tama sa kaniya prinsipyo.Dahil nakarandam ng sakit si Damon ay nabitawan niya ang kahon na nasa kabilang hita at mabilis na inabot ni Farrah.Ngunit ‘di pa man nakakaayos ng upo si Farrah ay bigla na lang iniliko ni Mang Luis ang sasakyan dahilan upang masubsob siya sa harapan ng mga hita ni Damon at naitungkod ang kan
Pinagpapawisan ang kaniya noo na humarap sa babae nasa information desk at nagtanong, “Excuse me, saan ang room ni Heaven Punongbakal?” Tinitigan muna siya ng babae. “Kaanu-ano ka po?” sagot na tanong ng babae. Napataas ang kaliwa kilay ni Farrah dahil kailangan muna niya ipakilala ang sarili para malaman ang room ni Heaven sa hospital. “I’m Farrah Punongbakal, step-mother of Heaven. Can I know now her room number?” mataray niya pagpapakilala. Binigay na rin sa wakas ang information na kailangan ni Farrah at dumeretso kaagad sa elevator papunta 5th floor. Hinanap niya ang room 503 at kumatok ng bahagya sa pintuan bago buksan. “Tita Farrah!” Tawag ni Heaven na nakaupo sa kama na may nasal cannula sa ilong dahil nahihirapan huminga, lumapit si Farrah sa kama at hinalikan niya sa noo. “Naku ma’am Farrah, bakit napadalaw po kayo ng ganito oras?” tanong ni Nana Tinay na siya lamang nadatnan ni Farrah na kasama ng
Pakirandam ni Farrah ay may kung ano kalokohan si Damon sa kaniya mga kilos, naupo siya sa couch habang nakatayo pa rin si Damon. “It feels good that you are here, but I hope your boyfriend won’t be jealous,” nakangiti sambit in Damon na nakapagparandam na naman kay Farrah ng guilt. Hindi na lang kumibo si Farrah upang ‘di na magsalita pa si Damon tungkol sa kaniya nobyo, marahil ay alam nito ang tungkol kay Jeff. “By the way, I hope you still remember ang tungkol sa ‘tin kasunduan na every weekend kailangan makasama ka namin ni Heaven,” pagpapaalala ni Damon. “Of course, I do remember,” tugon ni Farrah. “Last weekend wala ka, but I do understand because you are with your boyfriend,” malamig na sabi ni Damon at bigla tumabi kay Farrah sa couch. Napaurong bigla si Farrah dahil gusto niya ito iwasan at baka kung ano na naman ang mangyari sa kanila dalawa, lalo lamang madaragdagan ang guilt na nararandaman para kay Jeff. Ngunit lumapit pa rin sa pagkakaupo si Damon hangga sa ma-corn
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae