Share

Chapter 2

Author: Arkhate
last update Last Updated: 2022-02-08 12:16:16

Mabilis ang mga yapak ni Damon papasok ng hospital at diretso siya sa Information Desk. Si Damon Punongbakal ang guwapo owner at CEO ng Heaven Builders, isang construction firm na itinayo niya tatlong taon ang nakakaraan. Maraming bidding ang naipapanalo ng kumpanya kaya naman mabilis ang paglaki at pag-asenso nito.

“Heaven Punongbakal,” wika nito sa receptionist.

Tinignan ng receptionist sa monitor ang pangalan nabanggit.

“Third floor, room 209,” sambit nito.

Nagmadaling sumakay sa elevator si Damon papuntang third floor at hinanap ang room 209. Pagkakita sa numero ng silid ay wala itong pagdadalawang-isip na binuksan ang pinto.

“My Heaven,” wika nito at lumapit sa kama.

Bakas sa guwapo mukha ni Damon ang matinding pag-aalala sa anak na may sakit na Nocturnal Asthma at hinimas ang noo ng anak na natutulog.

“S-sir,” wika ni Nana Tinay na nasa 45 ang edad at galing ito sa banyo, siya ang nag-aalaga kay Heaven.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Damon.

“K-kasi po sir, bigla na lang siyang nakipaglaro kay Brownie habang tumutulong ako sa pagluluto,” paliwanag na sagot ni Nana Tinay.

Si Brownie ay isang Maltipoo breed dog na kanilang alaga, ipinabili ito ni Heaven sa kaniya noong kaarawan niya. Ayaw man bilhin ni Damon ang aso dahil sa kalagayan ni Heaven ngunit napilitan ito. Madaling magtampo ang anak kung hindi makukuha ang nais at dahil sa madalang lang naman ito mag-request ay sinunod na ni Damon ang gusto.

Nais magalit ni Damon ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili dahil alam niyang wala may gusto sa nangyari at matagal ng naninilbihan sa kaniya si Nana Tinay hindi pa man ipinapanganak si Heaven.

“Kumusta ba ang lagay ng anak ko?” tanong ulit ni Damon.

“Sa ngayon po ay hinihintay na lamang ang resulta ng mga laboratory test sa kaniya,” sagot ni Nana Tinay.

Nagmulat ng mga mata si Heaven na halatang nagising ito sa paghaplos ni Damon sa kaniyang mukha.

“Daddy,” sambit nito.

“My Heaven, nagising ba kita?” tanong ni Damon sa anak.

Tumango lamang si Heaven at hinaplos din ang mukha ng ama.

“Daddy are you mad?” tanong nito.

“No, but be careful next time,” sagot ni Damon.

Tumango ulit si Heaven.

“You want to eat something?”

“Yes daddy, I want to eat fried chicken.”

Bumaling si Damon kay Nana Tinay.

“Paki tanonng sa Nurse Station ang mga dapat kainin ni Heaven,” utos nito.

Sumunod naman kaagad si Nana Tinay at lumabas ng silid.

“Let’s wait for Nana Tinay if you can eat fried chicken,” nakangiting wika nito sa anak.

Tumango naman si Heaven. Mabait na bata ito kahit walang kinagisnang ina dahil namatay si Helen Cruz matapos manganak, kaya naman binuhos ni Damon ang buo pansin kay Heaven at sa trabaho.

Hindi na naghanap pa ulit si Damon ng babae makakasama kahit karamihan ng mga nakapaligid sa kaniya ay pinagtutulakan siyang mag-asawa.

“Beshy, bakit ngayon ka lang?” salubong na tanong ni Sandra kay Farrah pagbukas nito sa pinto.

Nagulat naman si Farrah sa kaibigan dahil hindi niya inaasahan nandito ito sa kanilang bahay.

“Trapik beshy,” tipid na sagot nito.

“Bakit nga pala nandito ka?” tanong ni Farrah.

“Bored ako sa condo kaya minabuti ko dito na lang magpalipas ng gabi,” sagot ni Sandra at kinindatan ang kaibigan.

Napatango naman si Farrah dahil nakuha niya ang tunay na pakay ng kaibigan, gusto lamang nito makibalita sa kung anong ganap sa mga lakad niya.

“Nag-text ako sa ‘yo. Hindi mo nabasa?” tanong pa ni Sandra.

“Hindi ko pa na-check ang cellphone ko,” sagot ni Farrah at kinuha ang cellphone sa bag.

“Tinulungan ko na nga pa lang magluto si Tita Myrna, ang tagal mo kasi,” wika ni Sandra.

“Salamat,” tipid na sambit ni Farrah.

“Dumating kana pala, Farrah,” wika ng kaniyang ina galing sa kusina.

Lumapit si Farrah sa ina at nagmano.

“Kadarating lang po, sobra kasi trapik,” ani nito.

“Oh siya, tayo na at maghapunan habang mainit pa ang pagkain,” pagyaya ng ina at pumasok ulit sa kusina.

Sumunod naman ang magkaibigan at saktong nakahain na nga ang ina ni Farrah.

Matapos maghapunan ay diretso na ang magkaibigan sa kuwarto ni Farrah upang mapag-usapan ang susunod na gagawin sa kinakaharap nitong problema.

Nakahiga na sa kama si Sandra samantalang nakaupo sa silya malapit sa kama si Farrah.

“May balak ka ba sabihin kay Jeff ang problema?” tanong ni Sandra.

“Huwag muna ngayon,” sagot ni Farrah.

“So, anong susunod na gagawin?” tanong ulit ni Sandra.

“Ano nga ba?” balik na tanong ni Farrah sa kaibigan.

“Hanapin na lang kaya natin si Punongbakal?” suhestiyon ni Sandra.

“Paano?” tanong ni Farrah.

Natigilan naman si Sandra at nag-isip ng paraan na hanapin ang lalaki pinakasalan ng kaibigan.

Sa gulo ng utak ni Farrah ay hindi na rin ito makapag-isip ng maayos na plano kaya naman hinintay na lang si Sandra na makabuo ng idea nang bigla napaupo ito sa kama.

“Alam ko na!” wika nito na napalakas ang boses.

“Anong naisip mo beshy?” tanong ni Farrah.

“Friend mo sa social media si Mildred Evangelista ‘di ba?” balik na tanong ni Sandra.

Si Mildred Evangelista ang dating girlfriend ni Damon Punongbakal noong college, ka-batch din nila ito ngunit nasa ibang section kahit pareho ng kursong kinukuha. Gano’n pa man ay naging malapit ito sa kanila kahit kinaiinisan ni Farrah si Damon.

“Oo, ‘di ko lang matandaan alin social media,” sagot ni Farrah at binuksan ang kaniyang laptop.

“Sa natatandaan ko beshy Instafriend site ‘yon, hanapin mo sa account na ‘yon,” utos ni Sandra.

Ginawa nga ni Farrah ang sinabi ng kaibigan at nakita ang pangalang hinahanap. Matagal na rin nilang hindi nakikita si Mildred pero umaasa kilala pa rin sila nito.

“Nakita ko na,” sambit ni Farrah at pinakita ang profile ni Mildred sa kaibigan.

“Hindi naka-online beshy, pero try mo pa rin i-message at baka mag-reply,” suhestiyon ulit ni Sandra.

Muli ginawa ni Farrah ang sinabi ng kaibigan ngunit lumipas na ang isang oras ay walang reply si Mildred kaya naman minabuti nilang maghanap ng mapapanood na movie.

Isang horror movie ang napili ni Sandra dahil mahilig ito sa mga nakakatakot na palabas. Parang wala pa rin sa sarili si Farrah kahit napapasigaw pa minsan-minsan ang kaibigan dahil sa pinapanood.

Naiinip si Farrah sa kahihintay  ng reply ni Mildred, wala rin naman kasiguraduhan na sasagot ito. Malapit nang matapos ang palabas at bigla nag-beep ang laptop, senyales na may pumasok na mensahe.

Napabalikwas naman si Farrah at kaagad na tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Nabuhayan naman ito loob na makita nag-reply si Mildred at naka-online na ito.

Napansin ni Sandra ang mga kinilos ni Farrah at hinayaan lang ito, ipinagpatuloy pa rin ang panonood ng movie para hindi maistorbo ang kaibigan.

Nag-usap sina Farrah at Mildred sa chat. Inalam ni Farrah kung mayroon pa contact number si Mildred kay Damon ngunit nabigo ito na malamang matagal na silang hindi nag-uusap ng lalaki.

Nagtataka si Mildred kung bakit bigla naisipan ni Farrah na hanapin si Damon ngunit hindi na rin ito nagtanong pa. Gano’n pa man ay nasa friendlist pa rin ni Mildred si Damon at ibinigay ang profile link nito kay Farrah.

Nasiyahan naman si Farrah sa naging takbo ng usapan nila ni Mildred kaya naman nagpaalam ni rin ito sa kaniya dahil nalaman niyang busy ang babae sa trabaho sa ibang bansa.

Binalingan niya ang kaibigan si Sandra na kagat-kagat ang unan dahil sa pinapanood. Hindi pa pala ito nakuntento sa isang horror movie at nanood pa ng iba.

“Hoy Juna! Patayin mo na nga ‘yan,” wika ni Farrah na nakasimangot.

Si Juna ay isang entity sa pinapanood na horror movie ni Sandra at wala itong nagawa kun’di patayin ang TV.

“Basag trip ka beshy,” pagmamaktol nito.

“Nakita ko na ang profile ng lalaki hitad,” wika ni Farrah.

Tinignan naman ni Sandra sa monitor ng laptop si Damon.

“Halaka ka, ang pogi naman ng hitad na ‘yan,” sambit ni Sandra.

“Wow, ganda ng six packs. Yummy…” kinikilig pa nito dagdag.

“Manahimik ka nga d’yan,” bulyaw ni Farrah sa kaibigan.

Tumahimik naman si Sandra panandalian.

“Ano ba gagawin ko dito?” tanong ni Farrah habang ini-scroll pababa ang profile ni Damon.

“Message mo or add mo,” sagot ni Sandra.

Nataranta si Farrah sa sagot ng kaibigan at bigla na like ang picture post ni Damon na nakalitaw ang abs dahil naka-public naman ang profile nito.

“Ang tanga! Na-liked ang picture ng lalaki hitad,” wika ni Farrah.

Tawang-tawa naman si Sandra sa reaksiyon ng kaibigan.

“Hayaan mo na beshy, mukha naman naaaliw ka sa abs ng hubby mo,” pagbibiro nito.

Umasim naman ang mukha ni Farrah sa tinuran ng kaibigan.

“Hindi siya ang hubby ko kun’di si Jeff,” parang bata sambit nito na nakanguso.

Hindi na niya binawa ang nagawang pag-liked sa picture ni Damon, naisipan niyang tama lang na magpapansin ito para naman mapadali makuha ang pansin ng lalaki.

Sinimulan na niyang magpadala ng mensahe at niyaya niya itong makipagkita sa kaniya ngunit hindi sumasagot.

Hating-gabi na at nakatulog na si Sandra, samantalang si Farrah ay dilat na dilat pa ang mga mata. Hindi ito makatulog sa kaiisip sa sitwasyon kaya minabuti tignan muli ang profile ni Damon.

Napansin ni Farrah ang isang cute na bata babae na karga ni Damon sa kaniyang kanang balikat. Duda ni Farrah na anak ng lalaki ang cute na bata at hindi nga siya nagkamali dahil nabasa niya ang mga comments dito, may quote pa ang picture na My Heaven.

“May anak na pala ang lalaki hitad, ngunit nasaan kaya ang asawa nito?” bulong na tanong sa sarili.

Itinuloy pa rin niya ang paghahalungkat sa profile ni Damon, umaasa siyang nakapag-asawa na ito at ikinasal. Hinahanap niya ang sagot sa kaniyang tanong ngunit wala itong mahanap.

Naiisip tuloy ni Farrah na baka nakabuntis lamang ito dahil alam niyang mahilig sa mga babae. Parang baliw na siya sa kakaisip at nasabunutan ang sariling buhok ng biglang lumitaw sa screen monitor ang isang mensahe mula kay Damon.

Related chapters

  • I am Married?   Chapter 3

    “Who are you?” tanong ni Damon sa chat.Napataas naman ang kanang kilay ni Farrah sa replied ng lalaki.“I’m your biggest nightmare,” sagot niya.“Then, better to block you,” wika ng lalaki.Naalarma naman si Farrah.“Wait,” mabilis nitong reply.“I’m Farrah Paraiso, schoolmate tayo sa Aguinaldo East University. Sa Business Management ako tulad ng ex-girlfriend mo si Mildred, remember?” dagdag pa nito.Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi sumasagot ang lalaki sa chat kahit naka-seen naman ang mensahe.“PLEASE HELP ME!!!” hindi na napigilan pa ni Farrah i-send ang pagmamakaawa mensahe.“What kind of help, Para Paraiso?” nang-iinis na tanong ng lalaki.Nabuhayan ulit ng loob si Farrah dahil naalala na siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-aksaya

    Last Updated : 2022-02-08
  • I am Married?   Chapter 4

    Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan p

    Last Updated : 2022-03-02
  • I am Married?   Chapter 5

    Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I

    Last Updated : 2022-03-02
  • I am Married?   Chapter 6

    Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m

    Last Updated : 2022-03-03
  • I am Married?   Chapter 7

    Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa

    Last Updated : 2022-03-04
  • I am Married?   Chapter 8

    Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m

    Last Updated : 2022-03-09
  • I am Married?   Chapter 9

    Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara

    Last Updated : 2022-03-10
  • I am Married?   Chapter 10

    Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M

    Last Updated : 2022-03-11

Latest chapter

  • I am Married?   Chapter 58 END

    Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M

  • I am Married?   Chapter 57

    Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb

  • I am Married?   Chapter 56

    After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw

  • I am Married?   Chapter 55

    Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-

  • I am Married?   Chapter 54

    Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may

  • I am Married?   Chapter 53

    “Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa

  • I am Married?   Chapter 52

    Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan

  • I am Married?   Chapter 51

    After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap

  • I am Married?   Chapter 50

    Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae

DMCA.com Protection Status