Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.
“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.
“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.
Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.
“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”
“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.
“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.
Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.
Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan pa niya ang anak sa hospital.
Bago umalis ay sinabihan siya ni Damon na magkita sila ng maaga kinabukasan upang kausapin ang kakilala lawyer nito at masolusyunan ang problema.
Pagkaalis ng sasakyan ni Damon ay masaya pumasok si Farrah sa kanilang bahay, nagulat pa ito na nandito na naman si Sandra upang makitulog. Alam naman niya gusto lang nito na malaman ang mga pangyayari naganap sa maghapon.
“Ikaw ah, napapadalas na ang pagtulog mo dito sa bahay,” wika nito sa kaibigan.
“Gusto ko lang malaman ang nangyari sa pagtatagpo ninyo ni Mr. Punongbakal, Mrs. Punongbakal,” pagbibiro ni Sandra sabay tawa.
Nahampas tuloy siya ni Farrah sa balikat.
“Aray naman Mrs. Punongbakal.” Hinaplos ni Sandra ang balikat na tinamaan.
“Ang pangit pakinggan beshy, nagpapantig ang tainga ko,” wika ni Farrah at tinakpan ang dalawa tainga.
Humalakhak naman si Sandra sa reaksyon ng kaibigan kaya naman naisipan nito lalo asarin ngunit tumigil din nang mapansin nagagalit na si Farrah.
“Sige hindi na kita aasarin,” ani Sandra.
Inayos na ni Farrah ang kama upang makapagpahinga na sila magkaibigan.
“Matanong ko lang, ano na hitsura ni Punongbakal ngayon sa personal?” tanong ni Sandra.
“Okay lang,” tipid na sagot nito.
“Okay lang? Wala ba specific na sagot or compliment sa tao nakita muli after 8 years?” pagtatanong ulit ni Sandra na halata meron pa ‘to gusto malaman tungkol sa lalaki.
“Well, mas guwapo siya sa personal at mayaman na siya ngayon,” sagot ni Farrah.
Napatili naman si Sandra sa sagot ng kaibigan kaya nakagat-kagat nito ang hawak na unan dahil sa kilig.
“Ang ingay mo, baka marinig tayo ni mommy,” ani Farrah.
“Dapat talaga sumama ako,” kinikilig pa sabi ni Sandra.
“Kaso may pagkamasungit na siya ngayon at may anak na,” sambit ni Farrah.
Nagulat naman si Sandra sa huling sinabi ng kaibigan.
Alam ni Farrah na nagulat si Sandra kaya naman minabuti ikuwento ang lahat ng naganap upang hindi na ito magtanong pa ng kung anu-ano.
Namangha si Sandra sa mga nalaman tungkol sa lalaki kaya naman hindi rin nito napigilan ang magtanong pa dahil sa nakikita kinikilos ni Farrah na nagkakaroon ng amor kay Damon.
“Balak mo pa rin ba na mapawalang bisa ang kasal niyo?” tanong ni Sandra.
Natigilan naman si Farrah sa narinig na tanong ng kaibigan at nag-isip ito.
“O-oo naman, si Jeff ang mahal ko kaya natural lang na gusto ko mapawalang bisa ang kasal namin ni Damon,” sagot nito.
Tinitigan siya mabuti ni Sandra bago muli magtanong, “Bakit pakirandam ko ay nagiging close ka kay Punongbakal?”
“Baliw! Malabo mangyari maging close kami ng lalaki ‘yon. Baka ‘yung anak niya si Heaven puwede pa,” sagot ni Farrah.
“Alam mo naman si Jeff ang first love ko at matagal ko na siya nobyo,” dagdag pa nito.
“Oh siya, matulog na tayo para maaga magising bukas,” sambit ni Sandra.
Mabilis na nakatulog si Sandra na marahil pagod dahil sa naiwan ito mag-isa sa flower shop nang hapon.
Hindi naman makatulog si Farrah sa pag-iisip at nakakapag-imagine pa ito ng mga bagay na kasama si Damon at Heaven ngunit mabilis din nito inalis sa kaniya isipan.
Para kay Farrah ay hindi nararapat na isipin ang mag-ama at maging malapit sa mga ito. Nakatulog na lamang ng hindi niya namamalayan.
“Beshy,” tawag ni Sandra sabay ng mahina tapik sa balikat ni Farrah.
Bahagyang nagmulat ng mga mata si Farrah na halata inaantok pa.
“Bangon na, naghihintay si Punongbakal sa ‘yo,” ani Sandra.
Napabalikwas naman sa pagkakahiga si Farrah sa narinig.
“Maligo ka na beshy, ‘di ba may lakad kayo?” tanong ni Sandra.
“O-oo,” natataranta sagot nito na bumangon at halata ‘di alam ang uunahin gawin.
“Sa banyo beshy.” Tinuro ni Sandra ang pintuan ng banyo at pumasok si Farrah.
Naiiling na lang si Sandra sa kinikilos ng kaibigan.
Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas na sa silid si Farrah na basa pa ang buhok at nadatnan nagkakape sila Damon at Sandra sa sala.
“Good morning,” bati ni Damon sa kaniya na hindi man ngumingiti.
“Good morning din,” nakangiti naman pagbati ni Farrah.
Kaagad siyang lumapit kay Damon at naupo sa tabi nito upang bumulong, “Bakit hindi ka muna nagpasabi darating ka?”
“Kanina pa ako tawag nang tawag ngunit hindi ka matawagan,” sagot ni Damon.
Nakikinig naman si Sandra sa bulungan ng dalawa.
Bigla naalala ni Farrah na iniwan naka-charge ang cellphone niya dahil low battery ‘to kagabi.
“Nalimutan ko buksan ang cellphone ko dahil low battery kagabi at iniwan ko naka-charge sa kuwarto,” sambit ni Farrah na akmang tatayo ngunit inunahan na siya ni Sandra.
“Ako na kukuha at mukha may pag-uusapan pa kayo,” wika ni Sandra at pumasok sa kuwarto ng kaibigan.
“May sinabi ka ba kay mommy?” tanong ni Farrah kay Damon.
“Wala,” tipid na sagot ni Damon.
Tinitigan siya mabuti ni Farrah na para ba nagsisinungaling ito sa kaniya.
“Hey, I’m not stupid to tell something crazy to your mom,” pangungumbinsi nito.
Bumuntong-hininga naman si Farrah na para ba nabunutan ng tinik sa dibdib.
Bigla na lamang lumabas ng kusina ang mommy ni Farrah na may dalang tray ng sandwiches kaya naman mabilis na tumayo si Damon upang abutin ito.
“Naku hijo, maupo ka at ikaw ay bisita dito,” wika ng ginang at natutuwa sa pagka-gentleman ni Damon.
Sumimangot naman si Farrah.
Ipinakilala ni Farrah si Damon sa kaniyang mommy bilang schoolmate noong college at hindi sinabi ang tungkol sa kasal dahil sigurado high blood ang aabutin nito.
“Nasabi na ni Sandra kanina na schoolmate niyo siya,” wika ng ginang.
Hindi nagtagal ay nagpalam na sila sa kaniyang mommy na aalis kasama si Sandra.
Habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Damon ay bumulong si Sandra kay Farrah, “Ang yummy naman niyan beshy, bakat mga pandesal.”
Naiiling na natatawa na lang si Farrah sa tinuran ng kaibigan.
Sa suot na blue muscle tee ni Damon na tinernuhan ng black skinny jeans ay mahahalata talaga alaga ang katawan nito sa gym.
“Bagay ang apelyido Punongbakal sa kaniya, madami siya bakal sa tiyan,” bulong ulit ni Sandra na natatawa kaya hindi na rin napigilan ni Farrah matawa ng malakas.
“Ako ba ang pinag-uusapan niyo?” masungit na tanong ni Damon.
Tumahimik sa pagtawa ang dalawa, marahil ay narinig sila ni Damon na pinag-uusap siya kaya napayuko na lang sa hiya hangga marating ang pinto ng sasakyan.
Naunang makasakay si Damon sa driver seat at binuksan ni Sandra ang pinto sa likuran upang pumasok kasunod si Farrah.
“Hindi ninyo ako driver dito,” masungit pa rin sambit ni Damon.
Nakahalata naman ang dalawa kaya napatigil si Farrah sa pag-upo.
“Sa harapan ka na beshy,” wika ni Sandra.
Wala naman nagawa pa si Farrah kaya naupo sa tabi ng driver seat.
Habang nasa biyahe ay wala umiimik sa kanila tatlo hangga magpababa si Sandra sa tabi dahil out of the way na siya.
Nababagot si Farrah dahil sa sobra katahimikan kaya naman naisipan niya magtanong ng kung anu-ano sa lalaki ngunit napakatipid nito sumagot na pinapahalata ayaw siya kausap hangga sa makarating sa opisina ng lawyer.
Maganda ang gusali at kaagad hinanap ni Farrah ang opisina ng nasabi lawyer. Nakita nila ang lalaki nasa late 40’s ang edad na nagwawalis at nagpupunas ng mga furniture.
“Excuse me, dito po ba ang opisina ni Atty. Briones?” tanong ni Farrah.
Tumango naman ang lalaki at nagtanong din, “Ano kailangan niyo?”
“Gusto sana namin siya makausap,” sagot ni Farrah.
Pinapasok naman sila ng lalaki sa opisina at pinaghintay sandali, pumasok naman ito sa isa pa maliit na silid.
Paglabas ng lalaki ay nakabihis na ito ng barong tagalog at naupo sa kaharap na silya, naguluhan naman ang dalawa.
“Ano maipaglilingkod ko?” tanong nito.
“Kayo si Atty. Briones?!” gulat na balik tanong ni Farrah.
“Ako nga,” sagot ni Atty. Briones.
“You mean, hindi mo siya kilala?” wala ekspresyon tanong ni Damon kay Farrah.
“Kilala ko siya okay, hindi ko lang alam ang hitsura niya dahil si Sandra ang nag-aayos ng mga business documents namin,” paliwanag na sagot ni Farrah.
“Si Sandra Lagman ba tinutukoy mo?” tanong ng abogado.
“Yes, Atty. Briones,” sagot kaagad ni Farrah.
“Na-review ko na lahat ng ipinasa dokumento ni Ms. Lagman, so far wala naman problema,” wika ng abugado.
“No, not about business,” sambit ni Farrah na sinimulan ipakilala ang sarili at ikuwento ang mga pangyayari sa kanila ni Damon.
Iniabot ni Farrah sa lawyer ang kaniyang Certificate of No Marriage at ang Marriage Certificate nila ni Damon.
Wala imik na nakikinig lang si Damon at pinagmamasdan si Farrah, para sa kaniya ay hindi siya gano’n ka-interesado sa topic.
Napapakamot naman sa ulo si Atty. Briones habang pinapakinggan ang mga kuwento ni Farrah.
“Ang ibig mo sabihin ang lalaki ito na kasama mo ay ang husband mo napakasalan dahil sa kalasingan?” naguguluhan tanong nito.
Tumango naman si Farrah at nagtanong, “Ano po ba ang kailangan gawin?”
“Ngayon pa lang ako naka-encounter ng ganito sitwasyon at masyado kakaiba. Kayo talaga mga kabataan puro kalokohan kaya kapag nagkaproblema hindi kayo mapakali,” sermon ng abugado.
“Please, help us,” pagmamakaawa ni Farrah.
Wala pa rin imik si Damon na nakikinig, tama naman si Atty. Briones sa kaniyang sinabi. Sigurado wala sila rito kung ‘di nagwal-wal ng panahon ‘yon.
“Mukha naman ikaw lang ang may problema, itong lalaki kasama mo halata ayos lang sa kaniya na kasal kayo.”
“No!” tanggi ni Farrah.
“Ganyan lang talaga mukha niyan pero ayaw niya sa ‘kin simula magkakilala kami,” dagdag pa nito.
“Masyado ka maingay Para Paraiso,” pang-iinis ni Damon sa dalaga at bumaling sa abugado, “Mabuti pa ay sabihin niyo na kung ano dapat gawin.”
Umayos naman sa pagkakaupo si Atty. Briones.
Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I
Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m
Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa
Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m
Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara
Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M
Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-
Tinanghali ng gising si Farrah at hinanap kaagad si Damon ngunit ‘di niya matagpuan. Nakita niya sa labas si Lerma na nag-iigib ng tubig kahit malakas ang ulan.“Excuse me!” tawag atensyon niya kay Lerma.Bumaling sa kaniya ito at nagtanong, “Bakit po ate?”“Nakita mo ba si Damon?” tanong na sagot ni Farrah.“Kasama po si tatay na nagpunta ng bayan upang i-report sa pulisya ang nangyari sa inyo,” sagot ni Lerma.Pinaghain siya ng pagkain ni Lerma, kahit wala gana ay kinailangan pa rin niya lagyan ng laman ang kaniya sikmura dahil nalipasan na rin ng gutom.Wala siya magawa o anu man maitulong sa mag-ina dahil halos nagawa na ng mga ito ang mga gawaing bahay kaya minabuti maupo sa tabi ng bintana at hintayin ang pagbabalik ni Damon.“Malubak at madulas po ang daan dahil sa ulan kaya sigurado mahihirapan sila makabalik kaagad ni tatay,” wika ni Lerma mula sa likuran.
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae