Share

Chapter 5

Author: Arkhate
last update Huling Na-update: 2022-03-02 12:00:32

Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.

Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.

“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.

“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.

“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.

“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.

Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.

“What do you mean?” tanong nito.

“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.

Ipinaliwanag din ni Damon na hindi makita ang dating assistant nito na malamang ay patay na dahil ang hinala ng mga awtoridad na kasama ito sa isang ambush. ‘Yon ang huli niya balita tungkol sa San Pablo.

“Malaking problema ‘yan,” sambit ng lawyer.

Napapatulala na lamang si Farrah sa pinag-uusapan na lalo naguguluhan at nangangamba baka hindi matuloy ang kasal nila ni Jeff.

“May iba pa options?” tanong niya.

Sinabihan sila ng lawyer na kung hindi mahagilap ang dating mayor ng San Pablo o ang assistant nito ay puwede naman mag-file sila ng annulment case na maari magtagal ng isa o dalawang taon bago mapawalang bisa ang kasal.

Pakirandam ni Farrah ay sasabog ang utak nito sa pag-iisip.

“Hindi ba puwede mapabilis ang annulment?” tanong niya.

“Hindi gano’n kadali magproseso ng annulment hija, meron anim na buwan lang ang inaabot. But it is good to expect that it will take one to two years, kailangan din ng solid grounds para aprubahan ito ng korte,” sagot ng lawyer.

“Anong mga grounds ba ang kailangan?” tanong na naman ni Farrah.

Ibinahagi ni Atty. Briones ang lahat ng kailangan malaman ng dalawa para sa annulment case.

Lahat ng possible grounds na sinasabi ng lawyer ay isinusulat ni Farrah upang hindi makalimutan.

Pinapabalik na lamang sila ng lawyer kapag mayroon na sila puwede isumiti grounds para sa annulment.

Nasa labas na ng gusali ang dalawa ngunit hindi pa rin mapakali si Farrah at kinakausap mag-isa ang sarili.

“Can you please shut up?!” naririndi bulyaw ni Damon na halos magpantay na ang mga ngipin.

“Hindi mo kasi naiintindihan, hindi ikaw ang nasa kalagayan ko na may nobyo gusto pakasalan!” sita ni Farrah sa lalaki.

Mariin pinikit ni Damon ang mga mata at bumuntong-hininga bago magmulat sabay sabi, “Dinala mo ako rito para tulungan ka at sasabihin mo ‘di kita naiintindihan?”

Nakarandam naman ng hiya si Farrah dahil sa sinabi, marahil ay nasaktan nito ang damdamin ng lalaki. Kung tutuusin ay siya nga naman ang pumilit na samahan siya nito at tulungan upang mapawalang bisa ang kasal.

“S-sorry,” nahihiya wika nito na napayuko.

Kinalma naman ni Damon ang sarili upang hindi sila magbangayan.

Naglakas naman ng loob si Farrah upang magbigay ng suhestiyon nang mapansin kalmado na ang lalaki.

“May grounds na puwede gamitin kung ang isa ay bakla, magpapanggap ka na bakla.”

Para naman nagpantig ang tainga ni Damon sa suhestiyon ni Farrah kaya humakbang ito papalapit sa kaniya.

Naalarma naman si Farrah sa kinikilos ng lalaki kaya napaatras ito ngunit hindi tumitigil sa paglapit sa kaniya kaya naman hiniharang nito ang mga kamay sa matipunong dibdib ni Damon.

“T-teka, teka lang!” wika ni Farrah at nakita nakangisi si Damon sa kaniya.

“Huwag mo idadamay ang p*********i ko Farrah, kung ayaw mo magkasubukan tayo,” pananakot ni Damon, hinawakan ang mga kamay ni Farrah at dinala sa kaniyang tiyan habang nakatitig sa mukha nito

Bumuhos ang kaba sa dibdib ni Farrah nang makapa ang matitigas na abs ni Damon kaya naman bigla binawi ang mga kamay.

“Hindi ba’t ‘yan ang pinag-uusapan ninyo ni Sandra kanina?” nakangisi tanong ni Damon na hindi binabawi ang pagtitig sa dalaga.

“M-masyado ka naman s-sensitibo at pikon,” nauutal na sambit nito.

“At saka si Sandra ang bulong nang bulong sa ‘kin tungkol sa abs mo,” dagdag pa sabi.

“Ikaw na lang magpanggap na tomboy para masolusyonan ang problema mo!” galit na sabi ni Damon at tinalikuran si Farrah upang iwan ito.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Farrah na susundan ang lalaki.

“To hell!” hiyaw na sagot ni Damon.

Hindi na tinuloy pa ni Farrah ang pagsunod sa lalaki na marahil nagalit ito kaya naman nagpasya na lamang pumunta sa flower shop.

Nadatnan niya marami ang customer at masyado busy si Sandra sa pag-assist sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawa magkaibigan, tumulong na kaagad si Farrah para mapabilis ang trabaho nila.

Mabilis din lumipas ang mga sandali at hindi nila namalayan na mag-aalas tres na ng hapon at nakalimutan ang mag-lunch dahil na rin sa tinapos muna ang pag-assist sa lahat ng customers, kaya minabuti mag-order na lamang ng pagkain.

Kahit pagod ay mukha excited si Sandra sa ikukuwento ni Farrah sa bagong kaganapan sa kanilang dalawa ni Damon.

Ilang sandali ay dumating ang in-order na pagkain kaya naputol ang kanilang kuwentuhan, ngunit hindi pa man nakakalahati ang kanilang kinakain ay may dumating na bago customer.

Mukha mayaman at sopistikada ang babae na nakataas pa ang kaliwang kilay pagkakita sa kanila habang kumakain.

“I don’t think I’m on a right track,” mataray nito sabi at akma lalabas ng pintuan.

“Wait,” pigil ni Farrah na nakatayo na.

“I’m looking for Paradise Flower Shop. I’m not sure if this is a flower shop or a restaurant,” mataray na saad ng customer.

Tumayo na rin si Sandra matapos punasan ang bibig.

“Tama po ang lugar na pinuntahan niyo, this is Paradise Flower Shop,” sambit nito.

“Ano po maipaglilingkod namin?” tanong ni Farrah.

“Well… I’m here because Engr. Jeff Carreon reffered me to this shop that gives fresh and best flowers for all occassions,” sagot ng babae.

Nagkatinginan naman ang dalawa sa narinig na sagot ng babae.

“Kilala niyo ang nobyo ko?” namamangha tanong ni Farrah.

“Who?” balik na tanong ng babae.

“Jeff Carreon, he’s my boyfriend,” sagot ni Farrah na nakakarandam ng inis.

Tinitigan siya ng babae mula ulo hangga paa.

“Oh I see, just I didn’t expect na sobra plain pala ang taste ni Engr. Carreon sa babae,” pagmamaldita pa nito.

“Anyway, I’m Lyka Ledesma the only daughter of the owner of Ledesma Builders,” pagpapakilala pa nito at ibinigay ang kanang kamay.

Tinanggap naman ni Farrah ang pakikipagkamay ng babae kahit naiirita rito at nagpakilala, “I’m Farrah Paraiso owner of the shop and she is Sandra Lagman my co-owner.

Binawi na ni Lyka ang kaniyang kamay at nag-spray ng hand sanitary na lalo kinainis ni Farrah, samantalang natatawa na lang si Sandra.

“Ano po ba maipaglilingkod namin sa inyo Ms. Ledesma?” magalang na tanong ni Farrah kahit naiirita pa rin ay nag-offer na maupo ang babae.

“I need fresh flowers for my parents renewal vow,” sagot ni Lyka.

Tinanong lahat ni Farrah ang kailangan information mula sa klase ng mga bulaklak pati ang bouquet flowers ng bride at maging ang petsa at oras ng kasal.

Inililista naman ni Sandra ang mga nakukuha information na kinatutuwa nito dahil sa malaki occasion gagamitin ang mga bulaklak na ibig sabihin ay malaki rin ang magiging kita nila.

Napansin nila na kakaiba ang ugali ni Lyka na may pagka-perfectionist at mataray na matatakot ka magkamali sa inuutos nito. Inuulit pa nito ang iba detalye na para ba hindi nakakasunod ang dalawa sa mga sinasabi.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ito aalis at nag-iwan ng calling card para tawagan sakali magkaproblema.

Ibinigay rin ni Farrah ang kanilang calling card sakali may pagbabago o dagdag sa binigay nito impormasyon.

“Salamat naman at nakaalis na ang impakta,” sambit ni Farrah.

“Infairness, ang dami bulaklak ang gusto nila at boss pala ni Jeff ang ikakasal muli,” wika naman ni Sandra na may inggit sa tinuran.

“Tapusin na muna natin ang pagkain at baka may dumating na naman customer,” ani Farrah.

Pagkatapos kumain ay nagtrabaho na muli sila dahil sa dami ng orders sa buwan ito, kakailanganin na nila mag-hire ng isa makakasama lalo na at lagi wala si Farrah upang solusyonan ang pagwawalang bisa sa kasal nila ni Damon.

Bigla tumawag si Jeff na nag-aalala sa nobya dahil mula pa kahapon ay hindi siya nito matawagan, naitanong rin ang tungkol sa mga requirements sa kasal upang magkaroon na sila ng schedule.

Kinailangan gumawa ng mga palusot ni Farrah upang hindi magduda si Jeff at binanggit ang tungkol kay Lyka upang maiba ang usapan.

Matapos ang pag-uusap nila ni Jeff at saka pa lang napanatag ang loob nito, nkakarandam man ng guilt ay wala siyang magagawa dahil natatakot siyang baka iwanan ng nobyo.

“Beshy, baka dapat ipagtapat mo na kay Jeff ang lahat,” suhestiyon ni Sandra.

“Ayoko, baka iwan niya ako,” malungkot na sabi ni Farrah at pinagpatuloy ang ginagawa pagsusuri sa mga detalya nakasulat sa record book.

“Gano’n mo nga malalaman kung gaano ka kamahal ng boyfriend mo.”

“Masyado mahirap ang sitwasyon, hayaan mo at masasabi ko rin kay Jeff kapag may solusyon na kami nagagawa ni Damon,” ani Farrah.

“Mukha naman ikaw lang ang interesado mapawalang bisa ang kasal niyo,” pag-aasar ni Sandra na nag-pout pa.

Tinitigan naman siya ng masama ni Farrah.

“Nasaan ba siya ngayon?” tanong ni Sandra.

“Hindi ko siya kaanu-ano para alamin kung nasaan siya,” sagot nito.

“Nalimutan mo na ikaw si Mrs. Punongbakal,” pang-aasar muli ni Sandra na humahalakhak pa.

Hindi na pinatulan pa ni Farrah ang kaibigan dahil sigurado aasarin siya nito lalo, kaya minabuti tawagan na lang si Damon upang makipagkita bukas.

Kaugnay na kabanata

  • I am Married?   Chapter 6

    Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m

    Huling Na-update : 2022-03-03
  • I am Married?   Chapter 7

    Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa

    Huling Na-update : 2022-03-04
  • I am Married?   Chapter 8

    Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m

    Huling Na-update : 2022-03-09
  • I am Married?   Chapter 9

    Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara

    Huling Na-update : 2022-03-10
  • I am Married?   Chapter 10

    Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M

    Huling Na-update : 2022-03-11
  • I am Married?   Chapter 11

    Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-

    Huling Na-update : 2022-03-12
  • I am Married?   Chapter 12

    Tinanghali ng gising si Farrah at hinanap kaagad si Damon ngunit ‘di niya matagpuan. Nakita niya sa labas si Lerma na nag-iigib ng tubig kahit malakas ang ulan.“Excuse me!” tawag atensyon niya kay Lerma.Bumaling sa kaniya ito at nagtanong, “Bakit po ate?”“Nakita mo ba si Damon?” tanong na sagot ni Farrah.“Kasama po si tatay na nagpunta ng bayan upang i-report sa pulisya ang nangyari sa inyo,” sagot ni Lerma.Pinaghain siya ng pagkain ni Lerma, kahit wala gana ay kinailangan pa rin niya lagyan ng laman ang kaniya sikmura dahil nalipasan na rin ng gutom.Wala siya magawa o anu man maitulong sa mag-ina dahil halos nagawa na ng mga ito ang mga gawaing bahay kaya minabuti maupo sa tabi ng bintana at hintayin ang pagbabalik ni Damon.“Malubak at madulas po ang daan dahil sa ulan kaya sigurado mahihirapan sila makabalik kaagad ni tatay,” wika ni Lerma mula sa likuran.

    Huling Na-update : 2022-03-13
  • I am Married?   Chapter 13

    Napapikit ng mariin si Farrah na sigurado mahuhuli na naman sila ng mga masasamang tao, napadasal na rin siya at halos manigas ang katawan sa pagkakahiga dahil sa kaba.“Tumakbo sila sa dakong ‘yon,” turo ng may-ari ng kariton na nasa mahigit 30 ang edad.May narinig pa sila mga yabag na kadarating lang at huminto.“W-wala sila sa kabilang kalsada,” sambit ng isa sa kanila na humihingal pa.“Nakita sila tumakbo sa dakong ‘yon, sundan na natin at baka makatakas na naman,” sabi ng kasama nito.Tumakbo na papalayo sa kanila ang mga lalaki at narandaman nila gumagalaw ang kariton na hila ng kalabaw.Pareho nabawasan ang kanilang pangamba.Paminsan-minsan pa ay naririnig nila ang may-ari na pinapabilis at minsan pinapabagal ang paglalakad ng kalabaw.“Di nagtagal bigla tumigil ang kariton at bumaba ang may-ari na lumapit sa likuran.Nagulat sila ng hatakin ng may-ari ang t

    Huling Na-update : 2022-03-14

Pinakabagong kabanata

  • I am Married?   Chapter 58 END

    Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M

  • I am Married?   Chapter 57

    Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb

  • I am Married?   Chapter 56

    After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw

  • I am Married?   Chapter 55

    Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-

  • I am Married?   Chapter 54

    Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may

  • I am Married?   Chapter 53

    “Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa

  • I am Married?   Chapter 52

    Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan

  • I am Married?   Chapter 51

    After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap

  • I am Married?   Chapter 50

    Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae

DMCA.com Protection Status