Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.
“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa kahit hindi niya siya niyaya maupo.“Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?” tanong ni Farrah.Hindi siya kumibo.“Ano na? Para ako wala kausap,” pagmamaktol ni Farrah at nilapitan siya.Wala siya gana sumagot ngunit nakukulitan na masyado sa bisita.“Masyado ka makulit at sumasakit ulo ko sa ‘yo,” sagot nito.Napansin niya natahimik si Farrah.“Kung gusto mo talaga ipa-annul ang kasal natin matutulungan kita sa gastusin. Ngunit ikaw na ang bahala sa mga grounds na kailangan, basta huwag mo idadamay ang p*********i ko,” paliwanag ni Damon.Napansin niya umaliwalas ang mukha ni Farrah na nagpasalamat sa kaniya.Napag-usapan nila ang naiisip na plano ni Farrah at hinayaan ito manatili sa bahay upang makasama si Heaven.Natutuwa siya makita na masaya ang anak kaya naman pumayag siya makasama nila si Farrah sa hapunan.Matapos ang hapunan ay kinailangan umuwi na si Farrah at dahil mahihirapan na ito makasakay ng taxi ay nagpasya siya ihatid sa kanilang bahay.Nagpasalamat si Farrah sa paghatid ni Damon sa kaniya, kahit inanyayahan niya ito pumasok sa bahay ay tumanggi dahil alanganin oras na.Pagpasok sa bahay ay sinalubong siya ni Sandra na naghihintay sa kaniya pagdating.“Sasakyan ni Damon ‘yon. Success ba?” tanong ni Sandra.Tumango lamang siya ng may ngiti tugon sa tanong ng kaibigan.“Si mommy?” tanong niya.“Tulog na siya,” sagot ni Sandra at pinatay ang TV bago muli magsalita, “Magbihis ka na at kuwento mo sa ‘kin ang nangyari.”Nag-shower na nga siya at nagbihis ng pantulog.Kinuwento niya kay Sandra lahat ng mga naganap sa buong araw pati na rin ang mga nakakaloko ginawa para lamang makalapit kay Damon, hangga sa makatulog sila magkaibigan.Kinabukasan ay maaga nagising dahil susunduin siya ni Damon. Isinabay na rin nila si Sandra upang maaga ito makapagbukas ng flower shop.Matapos maihatid si Sandra ay diretso sila sa isang clinic sa Malate.“Sigurado ka ba dito ang lugar?” tanong ni Damon.“Oo sigurado ako,” sagot niya at bumaba sa sasakyan.Pumasok sila sa clinic at hinanap ang isang doctor na puwede gumawa ng health result na kailangan.Sinabi niya ang lahat ng gusto ipalagay sa kaniya health result.“Sigurado ka ba sa impotency, ikaw na babae?” tanong ng doctor.Tumango lamang siya bilang sagot.“Bakit hindi na lamang ito asawa mo ang gawin natin impotent?” tanong na naman ng doctor.Nainis si Damon sa narinig at akma susuntukin ang doctor ngunit mabilis niya hinawakan ang kamay nito.“Ako po ang may request kaya hayaan niyo na lang ang asawa ko,” sagot niya sa doctor.“Sige kung hindi ka na talaga masaya sa lalaki ‘yan, may kamahalan lang ng kaunti ang bayad,” wika pa ng doctor.“Magkano po?”“One hundred thousands.”“Ano?!” nabigla siya sa narinig na presyo.“Gano’n talaga, hindi naman basta-basta ang resulta gusto mo.”“Sige po, tseke lang wala ako cash.”“Siguraduhin mo hindi tatalbog,” paniniguro ng doctor.Sinulatan niya ang tseke at iaabot sa doctor ngunit bigla kinuha ni Damon.“Let’s leave,” wika ni Damon at hinatak siya palabas ng clinic.Wala siya magawa dahil masyado mapuwersa si Damon sa kaniya hangga marating ang sasakyan na naka-park sa ‘di kalayuan at saka pa lamang siya binitiwan.“Ano ba problema mo?” tanong nito.“Pineperahan ka lang ng tao ‘yon,” sagot ni Damon.Natigilan siya sa sinabi ni Damon at napa-isip.“Paano mo nalaman pineperahan lang ako?” tanong niya muli.“Masyado mahal ang sinisingil sa ‘yo at hindi rehistrado doctor ang pinuntahan natin kanina,” paliwanag ni Damon.“Paano mo nasiguro?”“Simple lang, nag-text ako sa secretary ko at binigay ang pangalan ng doctor maging ang lugar na ito. Kinumpirma niya hindi rehistrado doctor ang pinuntahan natin.”Namangha siya sa mga sinabi ni Damon kaya pala kanina pa ito busy sa kaniya cellphone, kung nagkataon ay naloko siya sa halaga one hundred thousands.Bigla siya nakarandam ng inis sa doctor at akma babalikan ito kaya naman pinigilan siya ni Damon.“Huwag ka na mag-aksaya ng panahon makipagtalo, sakay na at mag-iisip tayo ng iba paraan,” utos ni Damon.Sinunod naman niya ang sinabi nito kahit hindi pa rin nawawala ang inis sa inakala tunay na doctor.Maghapon na niya kasama ang lalaki ngunit wala pa rin sila maisip na tama grounds para sa annulment kaya nagpasya siya pumunta na lang sa flower shop upang matulungan si Sandra.Inihatid siya ni Damon sa flower shop kahit tumanggi ito dahil nahihiya na rin sa abala dulot. Bilang ganti sa kooperasyon ay niyaya niya ito magkape muna sa loob ng flower shop.Nag-order siya ng kape sa malapit na café at ilang sandali pa ay nakabalik na rin. Nadatnan niya nag-uusap sina Damon at Sandra habang wala pa customer, ibinigay ang kani-kaniyang kape.“Thank you,” sambit ni Damon.“Kape lang ‘yan, kumpara naman sa tulong na ginagawa mo,” masayang wika nito.Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Damon upang makauwi ng maaga dahil gusto niya maalagaan mabuti si Heaven lalo na at ‘di pa masyado magaling.Kaya naman hinayaan niya ito at muli nagpasalamat.Pag-uwi ni Damon sa kanila bahay ay nakipaglaro kay Heaven at tiniyak na hindi mapapagod ang anak upang ‘di atakihin ng asthma.“Daddy,” tawag ni Heaven.“Yes my Heaven?”“Look at them.” Turo ni Heaven sa kaniyang mga doll toys.“They are beautiful,” nakangiti wika sa anak.“Yes they are, I feel jealous of them daddy,” wika ng bata.Nagulat naman siya sa tinuran ng anak.“Why you feel jealous?” tanong nito.“See, there is a daddy, a baby and a mommy. But I don’t have mommy,” malungkot na sagot ng bata.Binuhat niya ang bata ang iniupo sa kaniyang kandungan.“Didn’t I tell you about your mommy?” tanong niya muli.“Yes, she is already in heaven. But how about Tita Farrah? Nana Tinay told me that she is your wife,” naka-pout pa sabi ni Heaven.“ If she is your wife then it means she is my mother,” dagdag pa ng bata.Parang sumakit ang ulo ni Damon sa narinig mula sa sarili anak. Sigurado siya nakikinig si Nana Tinay sa mga usapan nila ni Farrah nang bumisita ito sa bahay.“My Heaven, hindi totoo asawa ko si Tita Farrah,” paliwanag nito.“But, I like her to be my mother. Marry her, please,” pangungulit pa ni Heaven.Hindi na lang siya kumibo at naisip na maaari kailangan ng kaniyang anak ang isang ina upang mahubog ng mabuti ang pagkatao nito.“How about I look for another woman to be your mother?” tanong nito sa anak.Naiisip niya si Lyka Ledesma kung maaari ito maging mabuti ina kay Heaven ngunit may kakaiba ugali ‘di maganda ang babae.“No! I like Tita Farrah,” tanggi ng bata.Ngunit napakahirap ng situwasyon nila ni Farrah, kasal nga sila sa papel pero mayroon ito iba mahal at gusto pakasalan. Kailangan niya makagawa ng paraan upang mapaibig si Farrah para sa kaniya anak.“I have an idea, but you need to help me convince Tita Farrah to be your mother,” wika nito.“Of course daddy, I’ll help you,” ani Heaven na masayang-masaya.Ibinahagi niya sa anak ang mga plano upang makuha ang loob ni Farrah. Nakita niya kung gaano kasaya ang anak, marahil ay magaan ang loob nito kay Farrah.Wala masama kung susubukan niya paibigin si Farrah kahit na lagi ito naaasar sa kaniya at alam niya may maaapakan siya iba tao basta ba maging masaya lang ang kaisa-isa niya anak.Tangi si Heaven na lamang ang natitira mahal sa buhay dahil tulad ng anak ay ulila rin siya sa ina at isa lamang siya anak sa labas na ‘di tanggap ng pamilya ng ama.Magiging sakim muna siya ngayon para sa bata at balang araw ay umaasa siya maiintindihan ni Farrah ang mga bagay na kaniya gagawin.Matapos patulugin si Heaven ay tinawagan niya si Farrah na mabilis naman sinagot ang tawag.“Hello,” bati ni Farrah na nasa kabila linya.“Hi, nakakaistorbo ba ko?” tanong nito.“Hindi naman, sigurado ako importante ang sasabihin mo,” sagot ni Farrah.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Damon at sinabi ang lahat ng dapat sabihin, ‘di nagtagal ay nagpaalam na rin ‘to putulin ang tawag.Nalalabuan si Farrah sa mga sinabi ni Damon ngunit hindi na lang niya inusisa dahil magkikita naman sila kinabukasan.“Ano sabi sa ‘yo ni Punongbakal? May problema ba?” tanong ni Sandra.“Wala naman, gusto lang ako pumunta bukas sa bahay nila dahil may importante raw sasabihin,” sagot nito.“Bakit sa bahay nila? Baka iba na ‘yan,” ani Sandra.“Tungkol daw sa annulment at kay Heaven, involve ang bata kaya marahil sa bahay nila gusto ako pumunta,” paliwanag nito.“Wow ah, kasama na ngayon ang bata. Sa totoo lang beshy para na kayo isang buo pamilya, ang cute ninyo siguro magkakasama,” panunukso ni Sandra.“Sira! Ayaw ko masyado mapalapit sa kanila dahil baka masaktan ang bata kapag ‘di na ako nagpakita,” malungkot niya sabi.Nakuha naman ni Sandra ang ibig sabihin nito at ilang sandali pa ay natulog na.Kinabukasan, matapos tulungan si Sandra sa pagbubukas ng flower shop at pagkilatis sa bago hired na kasama ay tinungo na niya ang subdivision nila Damon.Nakilala naman siya ng isang guard dahil isa ito sa mga naka-duty nang una araw na pumunta siya rito, kaya pinapasok ang taxi sinasakyan.Napansin niya nagbubulungan ang mga guards paglampas ng taxi, malamang na siya ang topic ng mga ito.Nakarating na siya sa harapan ng bahay ng mga Punongbakal at nag-door bell.Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m
Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara
Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M
Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-
Tinanghali ng gising si Farrah at hinanap kaagad si Damon ngunit ‘di niya matagpuan. Nakita niya sa labas si Lerma na nag-iigib ng tubig kahit malakas ang ulan.“Excuse me!” tawag atensyon niya kay Lerma.Bumaling sa kaniya ito at nagtanong, “Bakit po ate?”“Nakita mo ba si Damon?” tanong na sagot ni Farrah.“Kasama po si tatay na nagpunta ng bayan upang i-report sa pulisya ang nangyari sa inyo,” sagot ni Lerma.Pinaghain siya ng pagkain ni Lerma, kahit wala gana ay kinailangan pa rin niya lagyan ng laman ang kaniya sikmura dahil nalipasan na rin ng gutom.Wala siya magawa o anu man maitulong sa mag-ina dahil halos nagawa na ng mga ito ang mga gawaing bahay kaya minabuti maupo sa tabi ng bintana at hintayin ang pagbabalik ni Damon.“Malubak at madulas po ang daan dahil sa ulan kaya sigurado mahihirapan sila makabalik kaagad ni tatay,” wika ni Lerma mula sa likuran.
Napapikit ng mariin si Farrah na sigurado mahuhuli na naman sila ng mga masasamang tao, napadasal na rin siya at halos manigas ang katawan sa pagkakahiga dahil sa kaba.“Tumakbo sila sa dakong ‘yon,” turo ng may-ari ng kariton na nasa mahigit 30 ang edad.May narinig pa sila mga yabag na kadarating lang at huminto.“W-wala sila sa kabilang kalsada,” sambit ng isa sa kanila na humihingal pa.“Nakita sila tumakbo sa dakong ‘yon, sundan na natin at baka makatakas na naman,” sabi ng kasama nito.Tumakbo na papalayo sa kanila ang mga lalaki at narandaman nila gumagalaw ang kariton na hila ng kalabaw.Pareho nabawasan ang kanilang pangamba.Paminsan-minsan pa ay naririnig nila ang may-ari na pinapabilis at minsan pinapabagal ang paglalakad ng kalabaw.“Di nagtagal bigla tumigil ang kariton at bumaba ang may-ari na lumapit sa likuran.Nagulat sila ng hatakin ng may-ari ang t
Takot na takot si Farrah sa nakita kalagayan ni Damon na para ba mababaliw na sa kasisigaw.“Farrah! Farrah!” tawag ni Damon sa kaniya pangalan habang niyuyugyog ang magkabilang braso nito.Biglang nagmulat ng mga mata si Farrah at nakita ang guwapo mukha ni Damon, niyakap niya ito ng mahigpit.Bumitiw rin kaagad sa pagkakayakap at kinapa ang katawan ni Damon, sinusuri kung may natamo itong mga sugat.“Nananaginip ka Farrah,” ani Damon at kumuha ng bottle water sa isang supot na dala.Binuksan ni Damon ang takip at pinainom si Farrah.“Nakita ko pinagsasaksak ka ng masasamang lalaki at bumulagta ka sa tabi ko,” naiiyak na sabi ni Farrah.Niyakap siya ni Damon ng mahigpit.“Tahan na, panaginip lamang ‘yon. Binilhan kita ng pagkain baka nalipasan ka na ng gutom,” ani Damon.Tumanggi naman kumain si Farrah dahil wala sa gana at gusto magpahinga na lamang.Hinihiga
Hinila kaagad ng mga pulis ang baging na kinakapitan ni Farrah ngunit napatid ito kaya lalo hindi mapakali si Damon at lulusungin ang kumunoy ngunit maagap siya napigilan ni PMSg. Sanchez.“May mga rescuer, hayaan mo na sila gawin ang kanila trabaho,” sambit ng pulis.Nakita ni Damon na dumating ang ilang katao na may dala lubid at itinali ng isa ang sarili. Lumusong ito sa kumunoy at hinagip si Farrah, hinatak sila ng mga naroroon.Matapos ang mga pangyayari ay nakabalik sina Farrah at Damon sa kanilang silid na inuupahan. Tumanggi magpa-hospital si Farrah at nais lamang manatili sa kanilang inuupahan upang magpahinga.Dinala sa pulisya ang dalawang lalaki dumukot kay FarrahSamantalang minabuti ni Damon na samahan siya at bukas na lamang pupunta sa pulisya upang malaman ang dahilan ng masamang motibo ng dalawa lalaki sa kanila.Matapos makapaglinis ng katawan ay nahiga na si Farrah sa kama upang makapagpahinga. Maingat na tumab
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae