Si Farrah Paraiso ay dalawampu’t siyam na taong gulang, may magandang mukha at seksing katawan. Ngayon ay nasa harapan siya ng Philippine Statistic Authority o PSA isang ahensya ng gobyerno at hinihintay na matawag ang pangalan. For receiving na ang kaniyang ni-request na Birth Certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) or Certificate of Singleness. Kailangan niyang makumpleto ang lahat ng requirements para sa kasal nila ng nobyong si Jeff Carreon.
“Miss Farrah Paraiso,” tawag ng babae nasa receiving window.
Lumapit kaagad si Farrah upang abutin ang mga dokumento at pumirma sa isang papel na katunayang na-received na niya ang mga ito.
Matapos mailagay ang mga dokumento sa kaniyang folder ay naglakad siya palayo sa ahensya at nagtungo sa isang malapit na parke. Naupo siya sa isang bakante upuang kahoy at masayang inilabas ang mga dokumento upang matignan muli.
“Oh my gosh!” malakas na sambit nito sabay takip ng kaniyang bibig.
Napatingin si Farrah sa paligid at mukhang nakakuha na siya ng pansin sa mga ibang tao naroroon kaya naman nginitian na lang niya ang mga ito. Muling ibinalik ang mga mata sa dokumentong binabasa at hindi pa rin makapaniwala sa nakasulat.
Samut-sari ang kaniyang nararandaman na kanina lamang ay kaligayahan sa pag-aakalang maikakasal na sila ni Jeff matapos ang limang taon magkasintahan. Ngunit ngayon ay natuklasan niyang ikinasal siya sa isang Damon Punongbakal na matagal nang hindi nakikita at kahit sa panaginip hindi pinagpantasyahang pakasalan.
“Ano na ba gagawin ko?” bulong niya sa sarili.
Napabuntong-hininga na lang si Farrah sa kakaisip ng solusyon. Ngunit kailangan muna niyang alalahanin ang mga naganap sa nakaraan.
Taong 2011. Masayang nagsasayawan ang lahat ng dumalong graduating students ng Aguinaldo East University sa isang club ng San Pablo, kabilang si Farrah.
“Tagay pa!” hiyaw nito sa mga kasama at itinaas ang baso bago inumin ang lamang tequila.
“Dahan-dahan lang at baka malasing ka,” bulong ni Sandra Lagman na bestfriend niya.
“Okay lang ‘yan, hindi ako malalasing sa ganito klaseng inumin,” pagmamayabang ni Farrah.
Naiiling naman si Sandra sa tinuran ng kaibigan.
Maya-maya ay nakarandam ng pagkahilo si Farrah at minabuti magtungo sa restroom para makapaghilamos. Sa kaniyang paglalakad ay bigla siyang natapilok at babagsak sa sahig nang biglang may bisig na sumalo sa kaniya.
“Careful,” wika ng lalaki sumalo sa kaniya, si Damon Punongbakal.
Tinitigan ni Farrah ang mukha ng lalaki, guwapo ito na may hawig sa isang sikat na artista noong dekada 90’, malapad ang katawan nito na halatang alaga sa gym at may katangkaran din.
“Punongbakal,” ngiwi wika ni Farrah.
“Tsina-tsansingan mo ba ako?” tanong pa nito.
Naningkit ang mga mata ni Damon kaya binitawan si Farrah.
“Hindi ako manyak, Para Paraiso. Sadyang may pagkalampa ka lang,” pang-iinis niya sa dalaga.
Napikon naman si Farrah sa pangalang itinawag sa kaniya kaya tinalakan niya ito. Hindi naman nagpatalo si Damon kaya lalong inasar ang dalaga.
Napansin sila ng ibang graduating students kaya lumapit ang ilan upang awatin sila ngunit sadyang ayaw paawat ng dalawa kaya lumapit si Ronald Magpayo at pinusasan magkasama ang tag-isang kamay ng dalawa.
Si Ronald ay nag-iisang anak ng isang pulis sa kanilang bayan at madalas itakas ang posas ng ama. Magkaklase sila ni Damon sa kursong Civil Engineering, samantalang si Farrah naman ay sa Business Management.
Parehong sikat sila Farrah at Damon sa unibersidad dahil sa magandang hitsura ng mga ito.
“Remove the handcuff!” utos ni Farrah kay Ronald.
“Ayoko,” nakangising sambit ni Ronald.
Lalo namang nagwala si Farrah habang si Damon ay napapakamot lang sa batok.
“Tara dalhin natin sila kay mayor,” wika ni Ronald.
Sumunod naman ang iba nilang kasama at pinagtulakan ang dalawa sa isang VIP room. Tumanggi man sila ay walang nagawa sa dami ng tumulak sa kanila.
Nagulat pa sila pagpasok sa VIP room dahil naroon ang kanilang mayor at assistant nito na may kasama pa seksi babae.
“Anong kalokohan na naman ‘yan Ronald?” tanong ni Mayor Morena.
“Ninong, pakikasal po ang dalawang ito dahil lagi nag-aaway,” sagot ni Ronald na napapakamot ng ulo.
Sabay pang nagulat ang dalawa sa tinuran ni Ronald.
Humalakhak naman si Mayor Morena at assistant nito.
“Puro kayo kalokohang mga kabataan,” wika nito.
“Maupo muna kayo at pag-usapan ang problema,” dagdag pa nito.
Nagpadagdag ng ilang bote inumin ang assistant ng mayor habang nag-uusap sila.
Nakakarandam ng pagkahilo muli si Farrah, si Damon naman ay napapalakas na rin ang tawa at halatang nalalasing na rin.
“Mabuti pa, ikasal ko na kayong dalawa kahit kasal-kasalanan lang. Para maranasan ninyo ang naranasan ko maikasal sa taong kaaway ko,” wika ni Mayor Morena.
Tawanan naman sila sa sinabi ng mayor at mukha may tama na rin ito dahil sa pagiging madaldal.
Inilabas naman ng assistant nito ang isang papel at iniabot sa mayor.
“Kunwari lang ‘to, pero totoo Marriage Form ang gagamitin natin. Pagkatapos nito bahala na kayo kung gusto niyo gawing eroplano,” paliwanag ni Mayor Morena sabay halakhak.
Tawang-tawa naman sila sa pagiging cool nito.
“Mayor, lagi po kayong may dalang Marriage Form?” tanong ni Farrah na mapungay na ang mga mata.
“Hindi, may kasalang bayan lang bukas kaya meron kami dala.”
Iniabot sa dalawa ang papel upang sulatan.
“Pirma na agad para mabilis tayo,” wika pa nito.
Hilong-hilo man ang dalawa ay pinilit sulatan ng tama ang form at ibinalik sa mayor.
Inumpisahan ni Mayor Morena ang madalas na gawin at sabihin kapag may ikinakasal ito.
“Ikaw Farrah P-paraiso, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang kabiyak sa hirap at ginahawa?”
“Yes, I do,” sagot ni Farrah.
“Ikaw naman Damon B-Butongbakal…”
“Batongbakal hindi Butongbakal,” pagtatama ni Damon.
“Ang pangit kasi ng apelyido mo,” pang-aasar ni Farrah at sinabayan pa ng halakhak.
“Oh siya, Batongbakal. Tinatanggap mo ba ang maingay na babaeng ito na maging asawa sa hirap o ginhawa?”
“Kahit ayaw ko wala naman ako magagawa kun’di ang tanggapin ang balahurang babae ito. Yes, I do,” sagot ni Damon at tumitig sa mukha ni Farrah na nakadila sa kaniya.
Tawanan na naman sila.
“Kung ganoon, sa gabing ito kayo ay mag-asawa. Maging alaala sana sa inyo na minsan sa buhay ninyo ay naranasang maikasal sa taong kinaiinisan. Malay niyo balang araw ay kayo rin ang magkatuluyan. You may kiss the bride,” mahabang salaysay ni Mayor Morena.
Hinalikan ng mabilis ni Damon ang mga labi ni Farrah at napatulala ito, habang hiyawan ang kanilang mga kasama.
Nakatunganga si Farrah sa harapan ng isang taong grasa nang magbalik sa kasalukuyan ang pag-iisip.
“Miss, penge barya,” wika ng taong grasa na nakalahad ang palad.
Mabilis naman siyang kumuha ng pera sa wallet at binigay sa taong grasa na tuwang-tuwa lumayo sa kaniya.
Minabuti niyang bumalik sa flower shop upang kausapin si Sandra tungkol sa natuklasan, kaya naman sumakay kaagad sa papadaang taxi.
“Sa Greenhills po tayo,” wika niya sa driver.
Pagdating sa flower shop ay nakita niyang busy nag-aayos ng mga bulaklak si Sandra.
“Nandiyan kana pala. Kumusta ang lakad?” tanong ni Sadra.
Diretso umupo si Farrah sa solo sofa, mabuti na lang at wala customer ng mga oras na ‘yon. Napansin ni Sandra na hindi maipinta ang mukha ng kaibigan at nilapitan ito.
“Bakit parang isang bakol ‘yang mukha mo?” tanong ulit nito at naupo sa katabing upuan.
“Paano naman kasi ang laki ng problema ko,” sagot ni Farrah.
Naguluhan naman si Sandra sa tinuran ng kaibigan.
“Anong problema?” tanong nito.
Inilabas ni Farrah ang papel ng kaniyang Certificate of No Marriage at iniabot kay Sandra upang basahin. Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa nabasang nakasulat dito.
“Totoo ba ‘to?” tanong na naman niya.
“Palagay mo ba mali ‘yang nakasulat d’yan?” balik na tanong ni Farrah sa kaibigan.
“Well… baka nagkamali lang ang PSA,” sagot ni Sandra.
“Paano ang gagawin ko beshy?” naiinis na tanong ni Farrah.
Nag-isip muna si Sandra ng plano at solusyon sa problem ng kaibigan.
“Kailangan i-confirm muna natin ‘to kung talagang totoo o baka nagkamali lang sila,” wika nito.
“So, paano nga?” tanong ulit ni Farrah.
“Balik ka sa PSA at kuhanin mo ang Marriage Certificate ninyo ng husband mo para makasiguro na totoo kasal ka,” sagot ni Sandra.
“Nakasulat naman ang pangalan ng groom mo at ang date ng wedding. Si Damon Punongbayan ba ‘to na kilala at schoolmate natin noong college?” dagdag pa nito.
“Wala naman akong kilalang ibang gan’yan kabantot na pangalan, kaya siya ‘yan sigurado,” wika ni Farrah.
Binasa ulit ni Sandra ang mga detalye nakasulat sa papel.
“Beshy, tignan mo ang nakasulat na petsa ng kasal. ‘Di ba a few days before the graduation ‘yan?” nagtataka tanong ni Sandra.
“Yes, nakita ko na ‘yan. Kung naalala mo ‘yung k’wento ko sa ‘yo sa kasal-kasalan namin na naganap nang gabi ‘yon,” paliwanag na sagot ni Farrah.
“Akala ko ba kasal-kasalan lang? Bakit may ganito nakasulat sa Certificate of No Marriage mo?” tanong ni Sandra.
Napakamot ng ulo si Farrah, siya man ay naguguluhan na sa nalaman.
“Aayusin ko muna ang gusot na ‘to bago pa lumala at babalik na ‘ko sa PSA para makuha ‘yang Marriage Certificate kung meron man,” wika ni Farrah at tumayo na para umalis.
“Ayusin mo muna ‘yang mukha mo at buhok,” pahabol ni Sandra.
Natigilan si Farrah sa pagbukas ng pinto, nag-retouch muna at saka inayos ang buhok na naguluhan kanina sa pagkamot.
“Babalik ako mamaya kung may oras pa. Kung sakaling late na ko matapos sa PSA, okay lang ba mag-isa ka magsara ng shop?” tanong ni Farrah.
Ang flower shop na itinayo nilang magkaibigan limang taon na ang nakakaraan at ngayon ay marami na silang kliyente na kadalasan ay sa mga kasal.
“Okay lang, magmadali ka at baka matagalan ka sa pila. Huwag ka mag-alala at ako na bahala rito,” sagot ni Sandra.
“Ingat ka,” pahabol pa nito.
Tumango naman si Farrah at lumabas ng shop. Pinara niya kaagad ang unang taxi dumaan at mabilis na sumakay.
“Sa PSA po tayo,” wika niya sa driver.
Para bang wala na naman siya sa sarili dahil sa kinakaharap na problema. Iniisip niya kung kailangan ba sabihin kaagad sa nobyo o huwag muna dahil baka hiwalayan siya nito. Si Jeff ang pinangarap niyang pakasalan at mabilis na nahulog ang kaniyang loob sa binata sa unang pagkikita pa lamang nila, love at first sight kung tawagin niya.
Sa kaniyang pag-iisip ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone at kinuha ito sa bag upang tignan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib sa nabasang pangalan, si Jeff.
Bumuntong-hininga muna bago sinagot ang tawag dahil hindi niya inaasahang tatawag ito. Nasa Cebu ngayon si Jeff para asikasuhin ang nakuhang project ng pinapasukang kumpanya.
“H-hello,” nauutal niyang bati.
“Hey babe, nakuha mo lahat ng requirements para sa kasal?” tanong ng kabilang linya.
“Y-yes. N-no, no, I mean no. Not yet babe,” tarantang sagot ni Farrah.
“Are you okay babe?” tanong ulit ni Jeff.
“Y-yes, I’m fine babe,” pagsisinungaling niyang sagot.
“Medyo pagod lang sa pagkuha ng mga requirement at pag-asikaso sa shop, busy din ako,” dagdag pa nito.
“Okay, I understand. Huwag ka masyado magpakapagod, marami pa naman time for the wedding. I’ll see you when I come back home,” wika ni Jeff.
“Yes babe, mag-ingat ka d’yan,” sambit ni Farrah.
“”I need to go, mag-ingat ka rin. I love you,” paalam ni Jeff.
“I love you too,” wika ni Farrah at pinatay ang tawag.
Pagkaraan ng kalahating oras ay tumigil ang taxi.
“Ma’am nasa PSA na po tayo,” wika ng driver.
Hindi namalayan ni Farrah na nakarating na pala sila kaya nagmadaling binayaran ang taxi at lumabas.
Napansin niyang marami pa rin ang mga tao sa ahensya kaya minabuti pumila na lamang.
Mabilis ang mga yapak ni Damon papasok ng hospital at diretso siya sa Information Desk. Si Damon Punongbakal ang guwapo owner at CEO ng Heaven Builders, isang construction firm na itinayo niya tatlong taon ang nakakaraan. Maraming bidding ang naipapanalo ng kumpanya kaya naman mabilis ang paglaki at pag-asenso nito.“Heaven Punongbakal,” wika nito sa receptionist.Tinignan ng receptionist sa monitor ang pangalan nabanggit.“Third floor, room 209,” sambit nito.Nagmadaling sumakay sa elevator si Damon papuntang third floor at hinanap ang room 209. Pagkakita sa numero ng silid ay wala itong pagdadalawang-isip na binuksan ang pinto.“My Heaven,” wika nito at lumapit sa kama.Bakas sa guwapo mukha ni Damon ang matinding pag-aalala sa anak na may sakit na Nocturnal Asthma at hinimas ang noo ng anak na natutulog.“S-sir,” wika ni Nana Tinay na nasa 45 ang edad at galing ito sa banyo, siya ang
“Who are you?” tanong ni Damon sa chat.Napataas naman ang kanang kilay ni Farrah sa replied ng lalaki.“I’m your biggest nightmare,” sagot niya.“Then, better to block you,” wika ng lalaki.Naalarma naman si Farrah.“Wait,” mabilis nitong reply.“I’m Farrah Paraiso, schoolmate tayo sa Aguinaldo East University. Sa Business Management ako tulad ng ex-girlfriend mo si Mildred, remember?” dagdag pa nito.Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi sumasagot ang lalaki sa chat kahit naka-seen naman ang mensahe.“PLEASE HELP ME!!!” hindi na napigilan pa ni Farrah i-send ang pagmamakaawa mensahe.“What kind of help, Para Paraiso?” nang-iinis na tanong ng lalaki.Nabuhayan ulit ng loob si Farrah dahil naalala na siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-aksaya
Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan p
Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I
Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m
Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa
Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m
Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae