Deal with the Mafia Lord

Deal with the Mafia Lord

last updateLast Updated : 2023-08-31
By:  Author Lemon  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
13 ratings. 13 reviews
97Chapters
50.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Bear my child, I'll give you two million. Then, leave." -Cameron Silvestre. Their deal was to bear his child, kapalit ay dalawang milyon at pagkatapos ay magpapakalayo na si Charity at iiwan ang anak kay Cameron Silvestre- The notorious, fucking cold, distant, heartless Mafia Lord. Probably, the most hated, feared man she ever known. But... When Charity saw her child's eyes, after giving birth, nagbago ang lahat. She ran away with her baby, breaking the deal, Hid from Cameron's wrath. But she won't be able to hide from Cameron Silvestre forever. At nang matagpuan sila ng lalaki, doon na nagsimula ang kalbaryo ni Charity sa kamay ng isang walang pusong Mafia Lord.

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

AND now, what am I doing here, huh? Iyon ang naitanong ng binatilyong si Cameron sa kaniyang isipan. His eyes then scanned the dark and dirty place. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang lalaki na mukhang papatay, anumang sandali. Pero ganoon pa man, wala siyang maramdamang takot, sa totoo nga ay mas may nabubuhay na excitement sa kaloob-looban niya. "Oy, bata. Huwag mo ng balakin na makialam dito, umuwi ka na!" Nakangisi at tila tinatakot siya upang umalis na lamang sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Cameron grimaced. As if naman ay matatakot siya rito, matagal nang limot ng kaniyang sistema ang salitang 'takot'. He wasn't born for that. "Gusto rin yatang makisali sa gagawin natin sa babaeng 'to." Sabay hagalpak ng isang lalaki matapos sabihin ang mga katagang iyon. Lumipad ang tingin ni Cameron sa isang dalagita na tahimik na humihikbi, habang nakatalpak sa maruming sahig. Oh yes, ito pala ang dahilan kung bakit naroon siya. Na

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Junnylyn
San po nabibili?
2024-04-16 14:38:38
1
user avatar
Fei Leen
nice! gab and kier next please ...
2024-03-13 17:11:43
2
user avatar
Giselle Delacruz
ang ganda ng story......
2023-09-05 09:56:40
2
user avatar
Viiiirgooooo
Salamat sa napakagandang kwento! bawat chapter nakakaexcite.
2023-09-02 11:29:35
1
user avatar
Author Lemon
Salamat po sa mga sumubaybay sa story nina Cameron at Charity. Nawa po ay subaybayan niyo pa ang mga susunod kong story. Thank you!
2023-08-31 19:49:17
3
user avatar
Viiiirgooooo
Can't get over with this story.
2023-08-26 09:31:53
1
user avatar
Nessie Repdos Pangan
update na po
2023-08-16 21:32:30
1
user avatar
Giselle Macario
pa update po
2023-07-26 08:32:52
1
user avatar
Viiiirgooooo
Update na po...️ Kawawa naman si Charity sa heartless na Cameron. Waiting for update po
2023-07-02 21:06:19
1
default avatar
Zee
Highly recommended this story
2023-07-01 17:58:20
1
user avatar
Author Lemon
SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA AT MAGBABASA SA AKDANG ITO. DAILY UPDATE PO ITO. -AUTHOR LEMON
2023-07-01 16:32:40
3
user avatar
Viiiirgooooo
Paano kaya mapapaibig kay Charity ang isang katulad ni Cameron na malupit at walang puso. huhu!
2023-06-29 11:55:38
1
user avatar
Alona Estrada
I think this story is worth to read, guys!
2023-06-27 17:54:56
1
97 Chapters

PROLOGUE

AND now, what am I doing here, huh? Iyon ang naitanong ng binatilyong si Cameron sa kaniyang isipan. His eyes then scanned the dark and dirty place. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang lalaki na mukhang papatay, anumang sandali. Pero ganoon pa man, wala siyang maramdamang takot, sa totoo nga ay mas may nabubuhay na excitement sa kaloob-looban niya. "Oy, bata. Huwag mo ng balakin na makialam dito, umuwi ka na!" Nakangisi at tila tinatakot siya upang umalis na lamang sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Cameron grimaced. As if naman ay matatakot siya rito, matagal nang limot ng kaniyang sistema ang salitang 'takot'. He wasn't born for that. "Gusto rin yatang makisali sa gagawin natin sa babaeng 'to." Sabay hagalpak ng isang lalaki matapos sabihin ang mga katagang iyon. Lumipad ang tingin ni Cameron sa isang dalagita na tahimik na humihikbi, habang nakatalpak sa maruming sahig. Oh yes, ito pala ang dahilan kung bakit naroon siya. Na
Read more

CHAPTER 1

AFTER SIX YEARS. "PASENSYA ka na, Charity. Mahina talaga ang restaurant ngayon at kailangan kong magbawas ng mga tauhan. Itinira ko lang e iyong mga dati ng staff." Halos manlumo si Charity nang marinig ang mga salita ng kaniyang boss. Sisante na raw siya at kinakailangan na talaga nitong magbawas ng staff. "Bale ibibigay ko na lang sa'yo ang limang araw na sahod mo. Pasensya ka na talaga, kung hindi lang humina, hindi kita aalisin," muling sabi ng kaniyang boss. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot. Napatango-tango na lamang si Charity, hindi niya ipinahalata ang lungkot na nararamdaman. "S-sige ho, naiintindihan ko po." Iniabot sa kaniya ng kaniyang boss, ay, ex-boss na pala ngayon ang sobre na naglalaman ng kaniyang huling sahod. Matapos nun ay nagpaalam na siya rito. KINAGABIHAN, natagpuan ni Charity ang sarili na maharot na iniyugyog ang kaniyang balakang sa isang nightclub, sinasabayan ang salin ng tugtugan. Hindi alintana a
Read more

CHAPTER 2

MALALAKAS na lagabog sa pintuan ng kaniyang apartment ang gumising kay Charity kinabukasan. Madalian siyang bumangon at tila agad na nagising ang kaniyang diwa. Hindi kaya ang landlady niya ang may gawa ng ingay na iyon? Grabe naman, alas sais pa lamang ng umaga. Mabilis na nagtungo si Charity sa pintuan at marahang binuksan iyon. Hindi ang landlady niya ang nabungaran, kung hindi ang kaniyang tiyahin na hindi maipinta ang mukha. Kasama nito ang anak na babae na ganoon rin ang pagmumukha. "Oy, Charity! Aba e anong petsa na ngayon?! Nakakalimutan mo na yata ang dapat na sustentong ibibigay mo sa amin?!" Angil nito sa kaniya. Palihim na naikuyon ni Charity ang mga kamao, upang pigilan ang emosyon nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili at inisip na lamang na malaki ang utang na loob niya sa babaeng kaharap. Ito lang naman kasi ang kumupkop sa kaniya magmula pagkabata, simula mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Pagkupko
Read more

CHAPTER 3

CHARITY is no longer comfortable with her blindfold, she is now standing with six other women. Bago sila bumaba sa sinakyan nila kanina ay piniringan sila at hindi na niya alam kung nasaan na ba sila ngayon. Biglang sinaklot ng kaba ang kaniyang dibdib, dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ganoon ba talaga kahigpit at kailangang piringan pa sila, para hindi nila makita o matandaan ang daan? Gusto ko na yatang pagsisihan ang naging desisyon ko, ah... Kausap niya sa kaniyang isipan. Bahagya niyang hinila pababa ang black dress niya na tumaas sa kaniyang mga bilugang hita. Hakab na hakab iyon sa kaniya, kaya halata ang kurba ng kaniyang katawan. Naiinis siya kay Georgia at iyon ang ipinasuot sa kaniya. Ipinagupit rin nito ang buhok niya na ngayon ay nasa itaas na lamang ng balikat niya. "Now, you may remove your blindfold, girls." Boses iyon ng tauhan ng mga Silvestre na nag-asikaso sa
Read more

CHAPTER 4

PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Charity kinabukasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at iniisip kung bakit naroon siya sa ganoong silid. Nasapo niya ang noo nang maalalang nakipagkasundo pala siya kay Cameron Silvestre. Bigla niyang nahawakan ang labi nang pumasok sa isip niya ang nangyaring halik sa pagitan nila ng binata, hindi naman nagtagal iyon, pero bakit tila ramdam pa rin niya hangang ngayon? "That's it. We sealed the deal. You will bear my child, Charity." Tsaka lumayo si Cameron sa dalaga na tila natulala dahil sa simpleng halik na iyon. Iyon ang naalala niyang sinabi pa sa kaniya ng binata. Hindi akalain ni Charity na aabot siya sa ganitong sitwasyon para sa kagustuhan niyang makatakas sa hirap ng buhay na mayroon siya. Isang marahang katok mula sa labas ng kaniyang silid ang narinig ng dalaga at kasunod nun ay ang tinig ni Servant Kim. "Miss Charity, please prepare we will leave after thirty minutes." Tsaka nawala na ang tin
Read more

CHAPTER 5

NAGISING si Charity nang tila may mga mata na nakamasid sa kaniya. Pero nang imulat niya ang mga mata ay wala naman, agad siyang tumayo at tinignan ang mumurahing wrist watch na suot na galing pa kay Georgia. Alas singko na pala ng hapon. Grabe ilang oras din siyang nakatulog. Agaran siyang tumayo at naisipang magpahinga sa tabing dagat at panonoorin na rin niya ang sunset. Nayakap ng dalaga ang sarili nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, napangiti siya dahil gusto niya ang pakiramdam nun. Napatigil siya nang malapit na sa tubig dagat nang mapansin na may bultong lumalangoy doon. Sinalakay siya ng kakaibang takot sa isiping isang estranghero iyon, pero imposible dahil ang Isla Silvestre ay ekslusibo lamang para sa mga Silvestre ayon kay Servant Kim. Nawala lamang ang kaba ng dalaga, nang lumitaw ang ulo ng taong pinagmamasdan. It was Cameron. Gosh! He is so damn gorgeous! Nagtama ang mga mata nila ng binata habang paahon ito sa tubig.
Read more

CHAPTER 6

PATULOY ang pagsulong ni Cameron patungo sa dalaga, habang patuloy naman ang pag-atras ni Charity, hangang sa tumama ang likod niya sa may sink at alam niyang wala na siyang aatrasan pa. Hindi niya ipinahalata sa lalaki na bahagyang nangangatog ang kaniyang mga tuhod. "C'mon, Charity. Let's satisfy ourselves," mapanudyong saad ni Cameron sa kaniya na ngayon ay nasa harapan na niya na halos mahalikan na niya ang matipunong dibdib nito. Ngayon niya kita kung gaano siya kaliit sa tabi nito. She slowly felt her stomach tighten strangely. Kakaiba ang binibigay na pakiramdam ni Cameron sa kaniya nang mga sandaling iyon. His eyes caressed her face. "You're really innocent, Charity." He loves it everytime Charity looks at him innocently. Gosh! She loves how Cameron say her name. "You can't hide the fact that you're attractive to me, too," he whispered. Cameron was right. Noong una ay pera lang talaga ang habol niya, but a
Read more

CHAPTER 7

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO... "FINALLY tapos ka na," saad ni Charity sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo. Masaya niyang pinagmasdan ang munting hardin niya na ginawa sa likod ng bahay nang hapon na iyon. Sa sobrang boring niya sa mga nakalipas na araw ay iyon ang napagdiskitahan niyang gawin, tho mahilig naman siya talaga sa mga halaman. Isang linggo na sila sa Isla Silvestre pero wala naman nangyayari sa kanila ni Cameron. Actually, lagi itong wala dahil tila may mahalaga itong inaayos. Halos hindi na nga sila magkita dahil sa tuwing gigising siya ay wala na ito. Katulad ngayon, nasa isla nga si Cameron pero maghapon itong nasa silid. May balak ba talagang magkaanak ang mokong na iyon? Bulong ni Charity sa isipan. Inayos niyang muli ang mga tipak ng bato na ginawa niyang patungan sa ibang mga halamang nasa paso. Nang matapos sa ginagawa at nakapaglinis na ay umakyat siya sa taas upang makapagpalit ng damit, balak niyang lumusong
Read more

CHAPTER 8

GABI na nang magising si Charity dahil siguro sa pagod sa pag-angkin sa kaniya ng binata, not just once, twice but many times. Tila sabik na sabik ito. Wala na si Cameron sa tabi at pinakinggan ang banyo kung may tao roon, pero wala. Nanakit ang buong katawan niya na tila binugbog siya, pero mas ramdam niya kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Marahan siyang bumangon habang nakatapis sa kaniya ang blanket dahil wala pa siyang saplot sa katawan nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa eleganteng wall clock at nagulat siya nang makitang alas otso y medya na. Kita niya ang bahid ng dugo sa puting bed sheet tanda na naipagkaloob na nga talaga niya ang pagkababae kay Cameron. Wala siyang makapang pagsisisi, sa totoo niyan ay tila ang saya ng puso niya dahil kay Cameron niya iyon naipagkaloob. Wala ang mga saplot niya at alam niyang naiwan iyon sa tabing dagat, kaya dala-dala niya ang mabigat na blanket habang palabas ng silid ni Cameron at patungo sa sarili niyang
Read more

CHAPTER 9

KANINA pa tinatawagan ni Charity ang kaibigang si Milet, pero ring lang nang ring ang cellphone nito, malamang ay busy na ito sa trabaho dahil pang gabi ang trabaho ng kaibigan. Binigyan siya ng cellphone ni Cameron bago ito umalis at mahigpit na ipinagbilin na tanging ang kaibigan lamang niya ang maari niyang tawagan. Malamang ay si Milet lang ang tatawagan niya dahil wala naman na siyang ibang pamilya at hindi siya interesadong tawagan ang tiyahin niya. Buti na lang talaga ay kabisado niya ang number ng kaibigan. Nang wala pa rin sumasagot ay nagpasya na siyang bumaba sa kusina upang tignan kung ano ang iniluto ni Ms. Salve para sa kanila nang gabing iyon. Nadatnan niya itong naglilinis sa kusina kahit gabi na. Pero malinis naman na ang lahat, sadyang ganoon lang siguro ang mga matatanda. "M-magandang gabi po," nag-aalangang bati niya sa matanda na laging seryoso ang mukha at hindi talaga marunong ngumiti. Parang si Cameron lang. Tinapunan siya ng tingi
Read more
DMCA.com Protection Status