MALALAKAS na lagabog sa pintuan ng kaniyang apartment ang gumising kay Charity kinabukasan. Madalian siyang bumangon at tila agad na nagising ang kaniyang diwa. Hindi kaya ang landlady niya ang may gawa ng ingay na iyon? Grabe naman, alas sais pa lamang ng umaga.
Mabilis na nagtungo si Charity sa pintuan at marahang binuksan iyon. Hindi ang landlady niya ang nabungaran, kung hindi ang kaniyang tiyahin na hindi maipinta ang mukha. Kasama nito ang anak na babae na ganoon rin ang pagmumukha. "Oy, Charity! Aba e anong petsa na ngayon?! Nakakalimutan mo na yata ang dapat na sustentong ibibigay mo sa amin?!" Angil nito sa kaniya. Palihim na naikuyon ni Charity ang mga kamao, upang pigilan ang emosyon nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili at inisip na lamang na malaki ang utang na loob niya sa babaeng kaharap. Ito lang naman kasi ang kumupkop sa kaniya magmula pagkabata, simula mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Pagkupkop na binabayaran niya hangang ngayon at habang buhay na yatang sisingilin sa kaniya. "P-pasensya na tita, nawalan ho kasi ako ng trabaho kaya hindi ko naihatid ang pera na ibibigay ko. Heto nga ho at maghahanap pa lamang ako ngayong araw." Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng kaniyang pinsan at ang pamemeywang ng kaniyang tiyahin. "Aba e, ako ba ay pinagsisinungalingan mo?!" Mataray na sabi nito. Mabilis na napailing si Charity. "Hindi ho. Totoo po ang sinasabi ko, kahit pa magpunta pa kayo sa dati kong trabaho." "At inutusan mo pa ako?!" Bulyaw na naman ng tiyahin niyang tila armalite ang bunganga. "Hindi naman ho sa ganoon-" "Tabi!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hinawi siya ng kaniyang tiyahin at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kaniyang maliit na apartment. Siguradong-sigurado si Charity na lalantakan ng mga ito ang kung ano mang pagkain na makikita sa loob. Hinayaan na lamang niya ang dalawa at nanatili sa tabi ng pintuan, habang pinagmamasdan ang mga ito na pagpiyestahan ang pagkain na kakainin niya sa mga susunod na araw. "Charity..." Nakaramdam ng lamig at biglang panginginig ng kalamnan at tuhod si Charity nang marinig ang boses na kilalang-kilala niya at kinasusuklaman niya. Ang tiyuhin niyang si Anton. Binalingan niya ang lalaki na nasa bungad na ng pintuan, hindi niya alam na kasama pala ng dalawa ito. Ilang beses napalunok si Charity upang ikalma ang sarili na tila ano mang sandali ay mahihimatay dahil sa biglaang takot na lumukob sa pagkatao niya, pagkakita pa lamang sa tiyuhin. "Lalo kang gumaganda, ah." Tsaka siya nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanganga paa at pabalik. May kasamang pagnanasa ang mga tingin nito sa kaniya na kung may magagawa lamang siya ay binura na niya sa pagmumukha nito iyon. Nakakasuklam. Maraming dahilan upang kasuklman niya ito sa loob ng mahabang panahon. "Hindi mo ba ako papasukin?" Untag pa nito na may kasamang ngisi sa mga labi. Hindi sumagot si Charity at marahang tumabi upang bigyan ng daan ang demonyong nasa harapan niya. Pumasok ito sa loob at sumali sa asawa't anak sa paglamon sa kaniyang mga pagkain. Nang maubos na ng mga ito ang lahat, tsaka busog na lumabas sa kaniyang apartment. Hindi nakaligtas sa paningin ni Charity ang pasimpleng pagkindat ng tiyuhin niya sa kaniya. "Oy, Charity. Next week bigyan mo ako ng pera at marami akong bayarin," untag ng tiyahin niya sa kaniya. "S-sige ho kung makakahanap ako ng bagong trabaho." "Aba, dapat talagang makahanap ka! Malilintikan ka talaga sa akin!" Pabulyaw na pagkakasabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot at binigyan na lamang niya ng isang tango ang tiyahin upang tumigil na lamang ito sa kakatalak at umalis na. Nang makaalis na ang tatlo ay doon pa lamang nakahinga ng maluwag ang dalaga. Hindi na siya natulog pang muli at nagkape na, pagkatapos ay naligo na upang maghanap ng trabaho. *** "VIRGIN ka pa ba?" Nagulantang si Charity sa tanong ng baklang si Georgia. Ang baklang ito ang manager ni Milet sa pinagtatrabahuang club ng huli. Pinasyalan lamang niya si Milet nang gabing iyon matapos ang maghapong paghahanap ng trabaho at doon nga siya nakita ng bakla at pinuntahan sa dressing room. "Mamang, bakit mo naman iyan naitanong sa frenny ko?" Pagsali ni Milet sa usapan. "Dahil baka ito na ang sagot sa kahirapan ng kaibigan mo," sagot ng bakla at muli siyang tinignan. Hindi lingid sa kaalaman ni Georgia ang mga paghihirap niya sa buhay, dahil paminsan-minsan ay nakakakwentuhan niya ito sa tuwing nagagawi siya sa club. "Oh ano, day? Virgin ka pa ba?" Muling tanong nito. Napangiwi si Charity dahil sa pagkailang pero pagkaraan ay marahang napatango. Talaga namang birhen pa siya at ni hindi pa nga siya nagkajowa, kaya kahit first kiss ay wala pa siya. "Magaling!" Pumalakpak pa ang bakla at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan at mukha. "Maganda ka, sexy, makinis at petite. Pasok ka naman sa standard. May iooffer ako sa'yo, ito ay walang pilitan." Seryoso na ang mukha ng bakla nang mga sandaling iyon. "Ano?" Magkapanabay na tanong nila ni Milet. "Kinausap ako kagabi ng isa sa mga tauhan ni Sir Cameron-" "You mean, si Mr. Silvestre?" Putol ni Milet sa pagsasalita ng manager nito. Natatandaan ni Charity ang sinasabi ni Milet na Mr. Silvestre. Iyon ang nakabanggahan niya sa club! Biglang may kung anong excitement siyang naramdaman. "Yes. Cameron Silvestre," sagot naman ni Georgia at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Ang sabi, maghanap ako ng mga babaeng birhen at iipunin ko. Hindi basta virgin, dapat mabango, maganda at sexy. Mula sa mga iyon ay mamimili si Sir Cameron." "Mamimili para saan?" -Milet "Aba malay ko?! Pero nilinaw ng tauhan niya na walang mamamatay at iyon ang mahalaga. Ang sabi, ang babaeng mapipili ay magiging instant millionaire!" Tila excited na sabi ng bakla. Parang nagningning bigla ang mga mata ni Charity nang marinig ang salitang 'millionaire'. Kung sasali siya at siya ang mapipili, yayaman na siya. Mababayaran na niya ang mga utang niya, hindi na niya iisipin ang kakainin niya sa araw-araw at makakatakas na siya mula sa tiyahin niyang malupit. "Oy, Charity. Huwag mong sabihin na kino-consider mo ang offer. Naku, napakadelikado niyan, baka gawin kayong mga sex slave!" Pananakot ni Milet sa kaniya. "Eh paano kung hindi naman sex slave ang bagsak nila? Paano kung naghahanap pala ng asawa si Sir Cameron, aber?" Banat naman ni Georgia. Hindi alam ni Charity kung bakit ni hindi siya natakot sa mga tinuran ng kaibigan. Siguro dahil sa gipit na gipit na siya at nawawalan na siya ng pag-asang makakahanap pa siya ng disenteng trabaho lalo na't hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral. Siguro ay sadyang pagod na siyang maging mahirap, kaya papatusin na lamang niya ang kahit na anong i-offer sa kaniya. "Oh ano na Charity? Gusto mo ba?" Baling ni Georgia sa kaniya matapos makipagtalo kay Milet. "Charity, hindi ako nagkulang ng paalala saiyo," singit naman ni Milet. "Manahimik ka, Milet. Si Charity ang magdedesisyon," angil ni bakla sa babae. Natigilan si Charity. Gusto ba niya? Baka ito na talaga ang sagot mula sa pagtakas niya sa kahirapan? "S-sige," matapang niyang sagot. "Charity naman!" Reklamo ni Milet na sinimangutan siya dahil sa bara-barang desisyong nagawa niya. Wala, e. Hirap na hirap na siya sa buhay niya. Kaya buo na ang desisyon niya. "Good, ipapa-make over kita and all! Para naman gumanda ka lalo at ikaw ang mapili ni Sir Cameron!" Excited na turan ni Georgia. "Oh siya sige at magpapaalam na muna ako, bukas ipapasundo kita sa apartment mo, Charity. Baboosh! " "Bwiset na baklang iyon, palibhasa e malaki ang komisyon na makukuha kung sakali," maktol ni Milet at pagkatapos ay nag-aalalang tumingin sa kaniya. "Seryoso ka ba talaga, Charity? " Huminga ng malalim ang dalaga at binigyan ng mapait na ngiti si Milet. "No choice na ako, Milet." "Marami kang choice, Charity." Umiling si Charity at umupo sa sofa na nasa gilid ng dressing room na iyon. "Maghapon akong naghanap ng trabaho, ni isa ay walang tumanggap sa akin. Tapos next week kailangan kong magpadala sa tiyahin ko, kapag hindi ko nabigyan iyon, malilintikan ako." Naaawang pinagmasdan siya ni Milet. "Kaya hayaan mo na ako sa desisyon kong ito, Milet. Kung malasin na naman ako, haharapin ko." Napipilitan man ay pumayag na rin si Milet. Akala ni Charity ay iyon na ang sagot sa kahirapan niya. Pero hindi niya alam, doon pa lang mag-uumpisa ang tunay na kalbaryo ng buhay niya.CHARITY is no longer comfortable with her blindfold, she is now standing with six other women. Bago sila bumaba sa sinakyan nila kanina ay piniringan sila at hindi na niya alam kung nasaan na ba sila ngayon. Biglang sinaklot ng kaba ang kaniyang dibdib, dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ganoon ba talaga kahigpit at kailangang piringan pa sila, para hindi nila makita o matandaan ang daan? Gusto ko na yatang pagsisihan ang naging desisyon ko, ah... Kausap niya sa kaniyang isipan. Bahagya niyang hinila pababa ang black dress niya na tumaas sa kaniyang mga bilugang hita. Hakab na hakab iyon sa kaniya, kaya halata ang kurba ng kaniyang katawan. Naiinis siya kay Georgia at iyon ang ipinasuot sa kaniya. Ipinagupit rin nito ang buhok niya na ngayon ay nasa itaas na lamang ng balikat niya. "Now, you may remove your blindfold, girls." Boses iyon ng tauhan ng mga Silvestre na nag-asikaso sa
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Charity kinabukasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at iniisip kung bakit naroon siya sa ganoong silid. Nasapo niya ang noo nang maalalang nakipagkasundo pala siya kay Cameron Silvestre. Bigla niyang nahawakan ang labi nang pumasok sa isip niya ang nangyaring halik sa pagitan nila ng binata, hindi naman nagtagal iyon, pero bakit tila ramdam pa rin niya hangang ngayon? "That's it. We sealed the deal. You will bear my child, Charity." Tsaka lumayo si Cameron sa dalaga na tila natulala dahil sa simpleng halik na iyon. Iyon ang naalala niyang sinabi pa sa kaniya ng binata. Hindi akalain ni Charity na aabot siya sa ganitong sitwasyon para sa kagustuhan niyang makatakas sa hirap ng buhay na mayroon siya. Isang marahang katok mula sa labas ng kaniyang silid ang narinig ng dalaga at kasunod nun ay ang tinig ni Servant Kim. "Miss Charity, please prepare we will leave after thirty minutes." Tsaka nawala na ang tin
NAGISING si Charity nang tila may mga mata na nakamasid sa kaniya. Pero nang imulat niya ang mga mata ay wala naman, agad siyang tumayo at tinignan ang mumurahing wrist watch na suot na galing pa kay Georgia. Alas singko na pala ng hapon. Grabe ilang oras din siyang nakatulog. Agaran siyang tumayo at naisipang magpahinga sa tabing dagat at panonoorin na rin niya ang sunset. Nayakap ng dalaga ang sarili nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, napangiti siya dahil gusto niya ang pakiramdam nun. Napatigil siya nang malapit na sa tubig dagat nang mapansin na may bultong lumalangoy doon. Sinalakay siya ng kakaibang takot sa isiping isang estranghero iyon, pero imposible dahil ang Isla Silvestre ay ekslusibo lamang para sa mga Silvestre ayon kay Servant Kim. Nawala lamang ang kaba ng dalaga, nang lumitaw ang ulo ng taong pinagmamasdan. It was Cameron. Gosh! He is so damn gorgeous! Nagtama ang mga mata nila ng binata habang paahon ito sa tubig.
PATULOY ang pagsulong ni Cameron patungo sa dalaga, habang patuloy naman ang pag-atras ni Charity, hangang sa tumama ang likod niya sa may sink at alam niyang wala na siyang aatrasan pa. Hindi niya ipinahalata sa lalaki na bahagyang nangangatog ang kaniyang mga tuhod. "C'mon, Charity. Let's satisfy ourselves," mapanudyong saad ni Cameron sa kaniya na ngayon ay nasa harapan na niya na halos mahalikan na niya ang matipunong dibdib nito. Ngayon niya kita kung gaano siya kaliit sa tabi nito. She slowly felt her stomach tighten strangely. Kakaiba ang binibigay na pakiramdam ni Cameron sa kaniya nang mga sandaling iyon. His eyes caressed her face. "You're really innocent, Charity." He loves it everytime Charity looks at him innocently. Gosh! She loves how Cameron say her name. "You can't hide the fact that you're attractive to me, too," he whispered. Cameron was right. Noong una ay pera lang talaga ang habol niya, but a
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO... "FINALLY tapos ka na," saad ni Charity sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo. Masaya niyang pinagmasdan ang munting hardin niya na ginawa sa likod ng bahay nang hapon na iyon. Sa sobrang boring niya sa mga nakalipas na araw ay iyon ang napagdiskitahan niyang gawin, tho mahilig naman siya talaga sa mga halaman. Isang linggo na sila sa Isla Silvestre pero wala naman nangyayari sa kanila ni Cameron. Actually, lagi itong wala dahil tila may mahalaga itong inaayos. Halos hindi na nga sila magkita dahil sa tuwing gigising siya ay wala na ito. Katulad ngayon, nasa isla nga si Cameron pero maghapon itong nasa silid. May balak ba talagang magkaanak ang mokong na iyon? Bulong ni Charity sa isipan. Inayos niyang muli ang mga tipak ng bato na ginawa niyang patungan sa ibang mga halamang nasa paso. Nang matapos sa ginagawa at nakapaglinis na ay umakyat siya sa taas upang makapagpalit ng damit, balak niyang lumusong
GABI na nang magising si Charity dahil siguro sa pagod sa pag-angkin sa kaniya ng binata, not just once, twice but many times. Tila sabik na sabik ito. Wala na si Cameron sa tabi at pinakinggan ang banyo kung may tao roon, pero wala. Nanakit ang buong katawan niya na tila binugbog siya, pero mas ramdam niya kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Marahan siyang bumangon habang nakatapis sa kaniya ang blanket dahil wala pa siyang saplot sa katawan nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa eleganteng wall clock at nagulat siya nang makitang alas otso y medya na. Kita niya ang bahid ng dugo sa puting bed sheet tanda na naipagkaloob na nga talaga niya ang pagkababae kay Cameron. Wala siyang makapang pagsisisi, sa totoo niyan ay tila ang saya ng puso niya dahil kay Cameron niya iyon naipagkaloob. Wala ang mga saplot niya at alam niyang naiwan iyon sa tabing dagat, kaya dala-dala niya ang mabigat na blanket habang palabas ng silid ni Cameron at patungo sa sarili niyang
KANINA pa tinatawagan ni Charity ang kaibigang si Milet, pero ring lang nang ring ang cellphone nito, malamang ay busy na ito sa trabaho dahil pang gabi ang trabaho ng kaibigan. Binigyan siya ng cellphone ni Cameron bago ito umalis at mahigpit na ipinagbilin na tanging ang kaibigan lamang niya ang maari niyang tawagan. Malamang ay si Milet lang ang tatawagan niya dahil wala naman na siyang ibang pamilya at hindi siya interesadong tawagan ang tiyahin niya. Buti na lang talaga ay kabisado niya ang number ng kaibigan. Nang wala pa rin sumasagot ay nagpasya na siyang bumaba sa kusina upang tignan kung ano ang iniluto ni Ms. Salve para sa kanila nang gabing iyon. Nadatnan niya itong naglilinis sa kusina kahit gabi na. Pero malinis naman na ang lahat, sadyang ganoon lang siguro ang mga matatanda. "M-magandang gabi po," nag-aalangang bati niya sa matanda na laging seryoso ang mukha at hindi talaga marunong ngumiti. Parang si Cameron lang. Tinapunan siya ng tingi
KABADONG kabado si Charity habang nakasunod kay Servant Kim. Papasok sila sa isang magara at kilalang hotel sa manila, medyo nahihiya siya sa kaniyang suot, sa tuwing makakasalubong ang mga mayayamang taong naroon. Naka baby pink t-shirt lamang siya at jeans atsaka isang simpleng white sandals sa paa. Biglaan lamang ang pagsundo sa kaniya ni Servant Kim sa Isla Silvestre, kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong maghanap ng maisusuot na maganda. Si Cameron daw ang nagpasundo sa kaniya sa isla. Mahigit dalawang linggo na rin buhat nang hindi niya makita ang binata at hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng saya sa isipang masisilayang muli ito. Sa elevator ay may pinindot na floor si Servant Kim na may nakalagay na VIP. "Miss Charity," untag ni Servant Kim sa kaniya, silang dalawa lamang ang lulan non. Napatingin siya rito, laging tila nakangiti ang mga mata nito, hindi katulad ni Ms. Salve, laging nang-iirap. "B-bakit ho?" "Okay ka
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat