KABADONG kabado si Charity habang nakasunod kay Servant Kim. Papasok sila sa isang magara at kilalang hotel sa manila, medyo nahihiya siya sa kaniyang suot, sa tuwing makakasalubong ang mga mayayamang taong naroon. Naka baby pink t-shirt lamang siya at jeans atsaka isang simpleng white sandals sa paa. Biglaan lamang ang pagsundo sa kaniya ni Servant Kim sa Isla Silvestre, kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong maghanap ng maisusuot na maganda. Si Cameron daw ang nagpasundo sa kaniya sa isla. Mahigit dalawang linggo na rin buhat nang hindi niya makita ang binata at hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng saya sa isipang masisilayang muli ito. Sa elevator ay may pinindot na floor si Servant Kim na may nakalagay na VIP. "Miss Charity," untag ni Servant Kim sa kaniya, silang dalawa lamang ang lulan non. Napatingin siya rito, laging tila nakangiti ang mga mata nito, hindi katulad ni Ms. Salve, laging nang-iirap. "B-bakit ho?" "Okay ka
HINDI pamilyar ang lugar na pinuntahan nila, palinga-linga sa paligid ang dalaga at sa isang building na tinutumbok ng mga paa nila. Papasok pa lamang ay sinalubong na sila ng mga lalaking nakauniporme at yumukod pa ang mga ito kay Cameron. Dumiretso sila sa isang magarang silid na kung hindi siya nagkakamali ay may mga gamit sa pang-tattoo. Kinabahan bigla ang dalaga. "Anong gagawin natin dito?" Usisa niya kay Cameron. Hindi siya sinagot ng binata, hangang sa may isang lalaking pumasok. Matangkad, maputi, gwapo at nakangiti. "Hindi ko akalain na ikaw pala, Boss Cameron," nangingiting turan ng lalaki kay Cameron. "Shut up, Isaiah. Mark her for me," saad ni Cameron sa lalaki at itinuro siya. "Whoah, seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki at tinignan siya habang hinihimas himas pa ang baba nito na tila may naiisip. Bumaling ito muli kay Cameron. "Is she your wife or what?" Usisa pa nito sa binata. Matalim ang ting
"YOU JERK!" sigaw ni Senior Silvestre ang pumuno sa loob ng library na iyon. Nakaupo ito sa swivel chair nito at nagpupuyos sa galit. Halos maglabas ng apoy ang mga mata nito na nakatitig kay Cameron. Nalaman kasi ng matanda ang ginawang pagmamarka kay Charity. Halos napaigtad pa at nagpapawis ng malamig si Servant Kim nang mga sandaling iyon na naroon sa gilid ng silid. Habang si Cameron na nasa harapan ng table ng ama ay walang katinag-tinag na animo sanay at inaasahan na ang ganoong tagpo. Nakapamulsa ito at nilalabanan ang titig ng ama. "Are you out of your mind, Cameron?! Why did you do that?!" Muling galit na sigaw ng matanda. "What's the big deal about it?" Malamig na turan ni Cameron sa ama. "Idiot!" "Call what you want, pero hindi na mababago ng galit mo ang nangyari na." "Asshole!"atungal pa rin ng matanda, pagkatapos ay kumalma ng bahagya ang matanda, pagkaraan ay marahang nagpakawala ng nakakainsultong tawa. "I get it, you're
PARANG sirang plaka na nag-eco kay Charity ang sinabi ng binata. A dance lap would do... Sira ba 'to? Hindi siya marunong mag-lap dance. Pero sa kabila nun ay patuloy ang paglapit niya sa binata kahit hiyang-hiya siya. Pakiramdam kasi niya ay napakapangit niya, habang hubo't hubad na naglalakad sa harapan ng isang greek god. Pero hindi alam ng dalaga na sa paningin ng binata ay tila isa siyang dyosa habang papalapit siya rito. "H-hindi ako marunong mag-lap dance," anang dalaga na may pagkautal habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nasa harapan na siya ng binata nang mga sandaling iyon. Ngumisi si Cameron. "I'll let it pass now, but next time you'll do it in my lap." Tsaka siya kinabig nito sa balakang upang mapalapit siya rito. "Ride on me, Charity." Makikita sa mga ni Cameron ang matinding pagnanasa. "R-Ride? H-hindi ko maintindihan..." Hindi alam ni Charity kung tama ba ang nakita niya na tila nagpipigil ng ngiti si Cam
NANGINGINIG si Charity at pigil hininga habang pinagmamasdan ang hawak na pregnancy test. Pinagpawisan siya ng malapot at biglaanv nanlamig ang kaniyang mga kamay. Dalawang pulang line ang visible roon at alam naman na niya ang ibig sabihin nun. She's pregnant. Sinubukan lamang niyang mag-PT dahil halos dalawang linggo ng hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. May mga PT na naroon sa kaniyang silid na sinadyang ilagay doon upang anumang oras ay makapag PT siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Wala sa loob na nahawakan niya ang impis na tiyan at marahang hinaplos iyon habang pinagmamasdan pa rin ang pregnancy test na hawak. Nagbunga na ang mga naganap sa kanila ni Cameron at isa lang ang kahulugan nun, mapapasa kamay na niya ang dalawang milyon ayon sa kasunduan. Pero bakit wala siyang maramdamang saya? Hindi ba iyon lamang ang hangad niya, ang makuha ang pera at mabuhay ng maayos, malayo sa kinagisnan. Hindi ba siya m
"WAKE UP," mahina ngunit matigas na sabi ni Cameron kay Charity na hindi pa rin napansin ang kaniyang presensya at nasa kasarapan pa ng pagtulog sa kaniyang kama. "Charity," tila nauubusang pasensyang untag niyang muli sa babae. Bahagyang gumalaw si Charity at pagkaraan ay pupungas -pungas na umupo sa kama, habang kinukusot ang mga mata. Hindi maiwasan ni Cameron na humanga sa gandang mayroon ang dalaga na bagong gising at walang ni anong kolorete sa mukha. Ang ganda ni Charity ay hindi tipo na may pagka head turner, pero ito ang tipo ng ganda na habang tumatagal sa paningin ay mas lalong gumaganda. Marahas na ipinilig ni Cameron ang ulo upang mapalis ang iniisip. Kailan pa siya natutong pumuri ng pisikal na katangian ng isang tao? "May dala ka bang itlog?" Paos na bungad ni Charity kay Cameron sabay tingin ng mga malalamlam na mga mata sa binata. "I have, but I'm afraid na hindi ito ang mga gusto mo, want to see them? seryosong sagot ni C
SARAP na sarap si Charity habang nilalantakan ang pagkain na ni-request niya. Itlog na pula na may kamatis at fruit salad. Maghapon na niyang hindi nakikita si Cameron at ngayon nga ay maggagabi na pero ni anino nito ay hindi niya makita. Tanging si Servant Kim at Miss Salve ang nakikita niya roon, pati pala ang piloto ng chopper. "Mukhang nag-eenjoy po kayo sainyong pagkain," ani Servant Kim na kakapasok pa lamang sa dining area. Tinignan niya ito at nginitian. "Napakasarap nito, Servant Kim. Kumain na po ba kayo?" Tumango ang nakangiting si Servant Kim. "Siya nga pala Miss Charity, maaga tayo bukas pa-maynila." Natigilan sa pagsubo si Charity at nangunot ang noo. "Anong meron, Servant Kim?" "Check up niyo po bukas sa isang OB. Upang mabigyan kayo ng vitamins at kung ano pa. Mamimili na rin po tayo ng mga maternity dress na kakailanganin mo. Utos ito ni Sir Cameron." Napatango-tango si Charity, pagkaraan ang nagliwanag ang mukha nang ma
"MAY gusto po ba kayong kainin ngayon, Miss Charity?" Mula sa pagmamasid sa karagatan, lumipat ang tingin ni Charity kay Servant Kim na kadarating lamang at nagtanong. "Puwede ba ako sa pizza?" "Basta huwag lang po marami masyado," nakangiting tugon ng matandang lalaki. "Ipag-oorder ko muna po kayo." Tsaka na ito umalis. Muli siyang naiwan sa balkonahe at muling pinagmasdan ang karagatan. Apat na araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa Dipangco Mall at mula noon ay hindi na muna nagpakita sa kaniya si Cameron. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito? Iniuutos lamang nito kay Servant Kim ang mga gusto nitong sabihin sa kaniya. Hindi naman naapektuhan ang baby niya sa naganap noong nakaraang araw ayon kay Dra. Lesley, ngunit kailangan lamang niyang mag-ingat dahil medyo maselan siyang magbuntis. Napabuntong hininga si Charity nang maisip na wala man lang siyang narinig na sorry mula sa lalaki, bagkus ay hindi ito nagpakita sa kaniya
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat