Alas tres na ng madaling araw kami umuwi galing sa bar. Pagkarating ko ng bahay ay muli kong tinawagan ang aking asawa ngunit ‘out of coverage area’ na raw ito kaya laglag balikat kong ibinaba ang aking telepono. Sandali kong pinagmasdan ang aking mga anak. “Lahat ay titiisin ko para sa inyo mga anak.” mahinang sambit ko at ginawaran sila ng halik bago ako tumungo sa aming kwarto. Nagising ako sa halakhak ni Matt at Klaus dahil nakikipaglaro ito ng habulan sa kanilang ama na naka-uniform pa. Tahimik akong nanunood sa kanila kaya hindi nila namalayan na ako’y gising na. “Mommy!”“Mommy play tayo.” pag-aya nila sa akin kaya naman napilitan akong tumayo para pagbigyan ang kanilang kahilingan. Masaya ako dahil walang katumbas ang kaligayahan ng mga anak ko ngayong umuwi ang aking asawa kahit na ba hindi nasunod ang kanyang pangako na kagabi s’ya darating. “Aww..” daing nito at mabilis naman itong dinaluhan ng kambal. “Bakit may red, Daddy?” Tanong ng Anak kong si Matt habang nakat
Muling umalis si Sedest na patungong misyon ngunit napagdesisyonan ni Dina na sundan ito dahil ng binuksan n’ya ang dashboard ng tracker ay nabasa n’ya ang naging pag-uusap sa pagitan ng babae nito. “Mabuti na lang talaga hindi ako naging marupok ng gabing gusto niyang makipag love making sa akin dahil hindi ako sigurado kung malinis ba ang kweba ng haliparot na yun.” pagkwento niya sa kaibigan na si Caren, na kung tawagin n’yang stupid. “Mabuti na lang talaga, Stups. Mabuti na lang talaga dahil hindi ka marupokpo—- aray naman!” daing nito ng bigla itong hampasin ni Dina sa balikat. “Totoo naman kasi… At sandali nga saan ba kasi tayo pupunta, ha?”“Sasamahan mo ko Stups dahil susundan ko ang hudas kong asawa dahil makikipag kita 'yun sa babae n’ya. Gusto ko rin kasi makausap ang higad na ‘yun!” “Sige, pero dapat may back up tayo. Kailangan natin magdala ng armas para kung sakali na madehado tayo.” aniya na kaagad naman sinang-ayunan ni Dina. “Sige, kotse mo na rin ang gamitin nat
“Nagmamahalan kayo?” balik n’yang tanong dito sabay tango na kaagad rin kinatango ng kaharap bilang sagot. “Oo, mahirap bang intindhin?”“Hindi, syempre. Hindi naman kasi ako sing-tanga mo! Ang hindi ko talaga lubos maintindihan maganda ka naman, sexy, mayaman at higit sa lahat ay lahat na yata ay nasa sayo na pero bakit, bakit sa pamilyadong tao ka pa pumatol? Sino sa ating dalawa ang mahirap umintindi, ikaw o ako?” ngising tanong ni Dina “Wala akong pakialam kung pamilyado si Ken dahil ang mas mahalaga ay nagmamahalan kami. At bakit ba hindi mo na lang siya palayain kaysa maging tanga ka at martir.”“May pinag-aralan ka naman pero hindi mo alam ang ibig sabihin ng kasal at pagmamahal. Kung totoo ngang nagmamahalan kayo, eh, ‘di isaksak mo sa makati mong buday ang asawa ko at lumayas na rin kayo rito!” nanggigil n’yang saad sa kirida ng kanyang asawa “Bigyan n’yo naman ng konsiderasyon ang mararamdaman ng mga anak ko, Sedest!” baling n’ya sa asawang tahimik na nakikinig sa palitan
Masayang pinagmamasdan ni Dina ang paligid na maaliwalas habang buhat buhat ang kaniyang pangatlong anak na babae.“Ang sarap. Ang tahimik ng paligid at nakakarefresh ang hangin!” masayang sambit ni Dina sabay taas sa ere ng kaniyang anak“Happy na ba ang baby ko na ‘yan, huh, happy?” nakangiting tugon ni Dina habang nakikipag usap sa pitong buwang gulang n’yang sanggol. Sinagot naman siya nito ng isang matamis na ngiti. “Ang sarap sa taingang pakinggan na ang tanging ingay lamang ay hampas ng alon na mula sa dagat. Malayong malayo sa syudad.” aniya habang patuloy na naglalakad lakad“Mommy! Mommy!” tawag ng kambal kay Dina habang tumatakbo at agad silang sinunggaban ng yakap. "Oh-h wait mga Kuya, baka maipit si Baby." saway n’ya sa kambal “Sorry, baby!” sabay na tugon ng huli “Oh, s’ya tara na umuwi na tayo para makapag-almusal na tayong lahat mga babies ni Mommy.” pag-anyaya n’ya sa kanyang mga anak.“Sige po, Mommy kasi nagugutom na po kami ni Klaus, eh!” si Matt“Ikaw lang ka
Lieutenant Sedest POV“Akala ko hindi ko na muling makikita pa ang aking pamilya,Akala ko ‘di na ako makakauwi pa ng buhay, at akala ko rin wala na akong babalikan, ngunit maling akala lang pala.” nakangiting sambit ni Sedest, kay Dave“Bakit ba kasi inaabot ng halos limang taon ‘yang misyon mo, Bro?Hirap na hirap rin ako dahil sa mga pinagdaanan ng kapatid ko habang wala ka. Masakit sa damdamin na makita siyang gan’on.” “Nabuking ako, Bro kaya kinailangan kong hiwalayan ang aking asawa at magpakalayo layo sa kanila para hindi sila ang balingan ng galit ni Ica, kaya wala sa plano na magkaroon ako ng anak sa kanya kinailangan lang talaga para makuha kong muli ang kanyang tiwala para sa aking misyon at makauwi sa pamilya.” aniya sabay malalim na buntong hininga “Hindi madali, Bro kasi ng mga oras na kailangan ako ng asawa at ng Anak namin ay wala akong nagawa bagkus iniwan ko pa siyang parang walang silbi. Napakasakit isipin ngunit kailangan kong gawin ‘yun. Sa mga oras na pinanghihi
Nagngingitngit sa galit ang damdamin ni Dina, dahil sa nalaman na magkasama na naman ang kanyang asawa at ang umanong kabit nito kung kaya hindi na natiis pa ni Dina, na tawagan ang sangago n'yang feeling poging asawa upang ilabas ang galit at para iparating na rin na alam na n'yang magkasama ang dalawang hayop. Dinukot n'ya sa bulsa ng kanyang slaks ang kanyang telepono upang tawagan na ito at ilang ring bago nito sagutin. "Kainis! Masyado kang busy!" pagkausap n'ya sa sarili"Hello! 'Ma, maya na lang busy kami dahil may activity kami ngayon, eh!" aniya sa kabilang linya"Activity my ass." mahinang tinig n'ya"Ahhh, TALAGA BA!?" sabay malalim na buntong hininga"Hayup ka and'yan ka na naman sa babae mo!ito ang tatandaan mo sangano ka! Tanggap kong marami akong kahati sa oras mo, sa katawan mo, at wala na akong pakialam ron pero oras na ang anak ko na ang may kaagaw sa atensyon at oras mo! Ilalagay ko kayo kung saan kayo nararapat! Fuck now dusa later. Ma expired sana ang itlog mo!"
"Lord! Makilala ko lang po talaga ang lalaking kaya akong pasunurin ay magseseryoso na po ako! Promise. Promise! Cross my heart, mamatay man ang chismosang kapitbahay." Mahinang dalangin ni Dina ngunit umabot sa pandinig ni Esme, ang naging kaibigan n’ya sa Sedest Group of Companies."Grabe! May Boyfriend ka na't lahat lahat nanalangin ka pa d'yan." Aniya at umirap pa"Boring ng buhay ko kay Hagi, eh! Gusto ko 'yung Maginoo na medyo bastos." Wika n’yang sagot at pinalungkot pa ang ekspresyon ng mukha."Ewan ko sa'yo, uuwi na ako wala kang kwentang kausap!""Sige! Umuwi kana dahil hindi ako sasabay sa 'yo may lakad kami ng mga best friend ko."******"Mabuti pa ay mag party party naman tayo!" pag aya ng bestfriend kong si Caren. Stupid o Stups, ang tawagan naming dalawa habang Keps, naman kay Mira. Kakatapos lang namin kumain pinuntahan ko kasi sila rito sa condo nila. After work ay dito ako dumeretso, halos magkalapit lang naman ang pinto ng dalawa habang sina Jessa at Rowena naman ay
Naalimpungatan ako dahil sa bigat ng aking pakiramdam at hirap na rin akong makahinga dahil parang may nakadagan sa akin na mabigat na bagay.Nakadagan?Sa akin...? Oh my!Agad akong nagmulat ng mata at pagmulat ko nabungaran ko ang isang lalaking mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang braso nito sa dibdib ko, at ang isang hita naman nito ay nakadantay sa akin habang ang kanyang mukha ay nakasiksik sa balikat at leeg ko. Ramdam ko rin ang pagtusok sa aking balat ng bigote nito at ng mapa tingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito ay wala ring kahit anong saplot. Awtomatikong napatingin ako sa sarili ko at agad akong napasigaw sa aking nakita."Ahhhhhhh!""Hayup ka! Rapist ka! Kinuha mo ang pinaka iingatan ko!" Sambit ko habang pinaghahampas ko s'ya at wala akong naging pakialam kahit saan tumama ang mga palad ko.Bumangon s'ya na ‘di alintana ang kahubadan at hindi man lang sumagot sa mga pinagsasabi ko bagkus ay nginisihan pa ako."Ikaw ang rapist sa ating dalawa, Ms. Br