Share

CHAPTER 5

“Paalam.

Salamat sa pitong taon nating pinagsamahan.”

Nandito ako ngayon nakatayo at nakatingala sa harap ng kompanyang naging sandalan at naging pangalawang pamilya ko.

Labag man sa aking kalooban ay wala naman na akong magagawa dahil ito ang gusto ng naging asawa ko.

Fuck this fucking marriage!

“Grrr!”

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang ikasal kami.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa akin bago ako nagpasyang humakbang paalis habang dala dala ang isang box na naglalaman ng mga gamit ko.

“Bakit kailangan ko pang umalis sa aking trabaho?

Kaya ko naman gampanan ang pagiging may bahay n'ya kung sakali habang nagtatrabaho!

Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Samantalang wala naman s'ya madalas sa bahay.”

Naglakad lang ako hanggang labas ng naturang building nasa labas kasi ng gate naghihintay ang driver na naghatid sa akin kanina, isa ito sa mga tauhan ng naging asawa ko.

Nagka asawa lang ako naging limitado na ang mga galaw ko. “Tsk.”

Nakita ko si Manong na lumabas ng sasakyan upang ako’y salubungin at kunin na rin sa akin ang dala dala kong box. Matapos kunin ni manong driver ay agad akong sumakay. Isinuot ko ang seat belt dahil safety first ika nga.

"Ma'am may ibinilin po si Sir na idaan raw po kita sa Campo." imporma nito sa akin.

Nagtaka naman ako kung bakit ako pinapapunta ng lalaking 'yun hindi na naman ba s'ya uuwi?

"Bakit raw po, Manong?"

"Hindi po nasabi ni Sir, Mam ang dahilan, eh basta yun lang po ang utos n’ya sa akin kanina ng ako ay kanyang tawagan." aniya na kinatango tango ko.

"Manong, ano po ang pangalan ninyo at ilang taon na po kayo bilang driver ng pamilya ni Ken?" wika kong tanong dahil wala kasi talaga akong ideya tungkol sa lalaking 'yon!

"Armando po, Ma'am. Hindi pa po ipinapanganak si Sir, driver na po ako ni Senior."

"Ah, matagal na po pala kayong naninilbihan sa pamilya nila.” tumatango tango kong saad “Pwede po bang ‘Dina’ na lang po ang itawag n'yo sa akin? Hindi po kasi ako sanay at naiilang rin po ako sa kakatawag nyo ng 'Ma'am' sa'kin eh."

"Hehehe! Sige po, masusunod Dina." wika niyang sagot at nakuha pang tumawa.

Marami kaming napagkwentuhan ni Tatay Armando kaya hindi ko na namalayan na nasa taguig na pala kami at kasalukuyang papasok na sa gate 3.

"Dina ikaw na lamang ang pumasok dito na lang ako maghihintay. Ipagtanong tanong mo na lang ang opisina ng 'iyong asawa." Aniya na kinatango tango ko

“Tatawagan ko na lang siguro s’ya..” piping usal ko sa isip at agad kong dinukot ang aking telepono sa bulsa ng aking pantalon ngunit ng akmang magtitipa na ako para tawagan ang aking asawa ay..

"Oo nga pala wala akong numero ng gagong 'yun."

Nagtungo na lamang ako sa Guard house para magtanong.

"Sir excuse. Pwede po bang magtanong kung saan po ang office ni Ken S-sedest—- ah I mean ni Sir Ken Sedest." nakangiti kong saad sa gwardya dahil nakalimutan ko nga pala na may katungkulan nga pala yun sa Philippine Airforce, 'yun nga lang ay hindi ko alam ang kaniyang rango.

"Si Lieutenant Sedest po ba Ma'am?” tanong ng bantay

“Opo Sir.”

“Pwede ko po bang malaman ang iyong pangalan at kung ano ang sad’ya mo po sa kanya dahil kailangan ko po munang iradyo ito kay Sir, Madam, policy lang po."

"Okay po, Dina Sedest po. Ah, eh, pinapupunta n'ya po kasi ako rito." sagot ko

"Kapatid po ba kayo ni Sir?" muling tanong ng gwardya. Lintik talaga ang lalaking ‘yun, kainis!

"Hindi po. A-as-awa po." saad ko na nauutal pa dahil hindi ko talaga lubos maisip na may asawa na ako at sa taong dahilan ng madalas na pagkulo ng dugo ko.

Tumango tango lang ang huli bilang sagot at may kinalikot sa telepono maya maya agad naman may sumagot.

"Send her in." narinig kong turan sa kabilang linya na kaagad naman akong binalingan ng kausap ko kaninang sundalo.

"Ma'am pumasok na raw po kayo." aniya

"Saan po ba ang opisina nya?" tanong ko dahil napakalaki kaya nito kahit na ba nakarating na ako dito ng ilang beses dahil kay Dad pero hindi ko talaga kabisado ang loob nito.

"Pasasamahan ko nalang po kayo Madam sandali lamang po maupo po muna kayo."

Tumango tango ako bilang sagot. Hanggang lumipas ang sampung minuto wala pa rin 'yung sinasabi ni Sir na sasama sa akin para ituro ang opisina ni Ken.

Tumayo na ako at ini-hakbang ang mga paa papalapit sa guard house para muling magtanong.

"Saan po ba banda ang opisina n'ya, Sir? Susubukan ko na lang pong hanapin.”

"D-d'yan-..” naputol ang pagsasalita nito dahil may biglang sumulpot at nagsalita sa likuran ko kaya agad akong napapihit paharap para makita ito.

"Napakatagal mo naman!" wika n’yang nakakunot noo ngunit inirapan ko lamang s'ya bago ako sumagot.

"Sa hindi ko po alam ang opisina mo, eh! Malay ko ba. Bakit ba kasi kailangan ko pang puntahan ka rito!? Hindi ka na namn ba uuwi?" sunod sunod kong tanong sa kanya ngunit mariin lamang nya akong tiningnan sabay ngumisi, ngisi na nagmukha s'yang manyakis sa paningin ko.

"Bakit gusto mo na ba akong makatabi, hmm?" wika n'yang pabulong kaya naman ramdam na ramdam ko ang kanyang labi na dumampi sa tainga ko.

"Hindi ‘no! Huwag kang feelingero dyan.”

"Halika ka na nga ang dami mo pang ratrat d'yan gusto mo lang naman akong umuwi, eh 'di uuwi tayo mamaya!" aniya sabay hila sa palapulsuhan ko. Napasinghap na lang ako ng bigla n'ya akong hinila at ang lalaki pa naman ng mga hakbang n'ya kaya kamuntikan pa akong masubsob.

Maraming pasikot sikot ang papunta ng opisina n’ya at malayo rin pala kaya siguro kung hindi siya dumating ay naligaw na siguro ako ngayon.

"Dahan dahan naman madadapa ako nang dahil d'yan sa kakahila mo sa'kin eh!" ani ko’t inagaw ang sarili kong braso sa pagkakahawak n’ya:ngunit parang walang naririnig ang dipungal na ito.

"Hintayin mo ako rito dahil may kukunin lang ako sa loob ng opisina ko." Aniya ngunit sinagot ko ito ng isang irap sabay halukipkip ng mga braso sa dibdib.

Narinig ko pa ingay sa loob ng pumasok na s'ya.

"Mabuhay ang bagong kasal.."

"Kaya pala hindi sumabay sa atin kumain, Bro kasi ang gusto ay si Misis." narinig kong saad ng kapwa n’ya sundalo.

“Ang tagal naman n'un.”

May sampung minuto na kasi ang nakakalipas ngunit hindi pa rin s'ya bumabalik kaya napagpasyahan kung lumakad papasok. Bumungad sa akin ang mga kalalakihan na nakatingin rin sa gawi ko. Shit! Nakakahiya ngunit mas nakakahiya naman kung hindi ako tutuloy.

Ngumiti na lamang ako at akmang magsasalita na sana ay s'ya naman pagdating ng isang bulto na dahilan ng agad na pagpatayo ng mga kalalakihan at sabay saludo rito kaya nang mapalingon ako ay agad akong nagmano. ‘Daddy’ wika ko't agad yumakap sa kanya.

"Oh my Princess anong ginagawa mo dito? Katatapos lang namin mag usap ng iyong asawa, pupuntahan mo ba s'ya?" tanong ni Daddy na agad kong kina-iling

"Hindi ‘no, pinapunta n'ya po ako rito sa hindi ko malamang dahilan." depensa kong sagot.

"Sus! Kunwari ka pa hindi na naman ako magagalit eh!" dagdag pa ni Dad.

Ang kulit talaga kaya hndi na lang ako sumagot dahil kakailanganin ko muna maging abogado para may laban ako kay Daddy hindi kasi ako mananalo rito eh.

"Oh, and'yan na pala si Sedest." turo n’ya sa bultong papalapit sa gawi namin. Tiningnan ko ang lalaking itinuro ni Dad at pinagmasdan habang ito’y naglalakad papalapit sa gawi namin.

“Gwapo sya, check.

Matangkad s’ya, check.

At higit sa lahat ay masarap s’ya, check! Well, not bad na naging asawa ko s’ya.” piping usal ko sa isip habang mariin na nakatingin sa lalaking laman ng aking isipan.

"Daddy naglunch ka na po ba? Pinuntahan po kasi ako ni Dina para raw po sabay kami kumain ng tanghalian. Sabay ka na po sa amin." pag anyaya ni Sedest kay Dad na agad naman tinanggihan ng huli.

“Sinungaling! Asa namang pupuntahan ko s'ya.

Feelingero!

Assumero!” mahinang saad ko habang ang mata ko ay matalim na nakatingin sa sinungaling na kaharap.

"Huwag na hijo moment n'yo 'yan sige na dahil pauwi na rin ako. Mas masarap kumain sa bahay!" wikang sagot ni Daddy habang nangingiti na kinatango naman ng assumero kong kaharap.

"Sige po!"

Samantalang ako tahimik lang na nakikinig sa usapan nila ngunit ng makita kong may kalayuan na ang aking ama ay agad ko s'yang binalingan sabay kinurot sa tagiliran na kinadaing nito.

"Kapal mo!"

"Masarap ba, Bro?" tanong ng nakasalubong namin dahil kita kong napangiwi s'ya sa kurot ko kaya naman nakaramdam ako ng hiya sa sundalong nagtatanong.

"Oo Bro. Napakasarap, ang sarap pala ng kurot ng asawa 'no? N*********n tuloy ako.." wika nitong sagot sa Sundalong nagtatanong.

"Kakaiba pala ang kurot na 'yan mag aasawa na nga rin ako mamaya.." aniya sabay halakhak.

"Mamaya ka sa akin ako naman ang kukurot sa bawat parte ng katawan mo." bulong nya at nakuha pa akong nakawan ng halik sa punong tainga. Ramdam ko ang pagtayo ng aking balahibo hatid ng kanyang halik at para rin akong nakukuryente sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.

"Sige, Bro! Kain muna kami dahil baka naiinip na ang asawa ko." paalam n’ya.

"Hinay hinay sa dessert baka magka-diabetes ka Bro!." paalala ng kasamahan n'ya sabay halakhak nilang dalawa.

Ano naman kaya ang nakakatawa sa dessert?

"Halika na nga kumain na tayo Misis ko o mas gusto mong unahin natin ang dessert?" ngising aso n’yang tanong.

"Bahala ka!" irap kong sagot.

"Mamaya na lang natin ang dessert para sulit, Misis ko!"

"Dami mong ratrat bilisan mo na dahil gutom na ako!"

"Sus! Gusto mo na kasi matikman ang dessert, eh!" Inirapan ko s'ya sa tinuran n'ya ngunit agad naman siyang nagtatakbo tungo sa sasakyan.

“Anong nangyari ron? Baliw na talaga!”

"Bat and'yan ka mukha bang driver ako? Dito ka sa tabi ko." Wika n’ya sa malambing na tinig

"Oh, ‘wag kang mangungurot, ha! Grabe may pagkaalimango ka pala, Misis ko!"

"Ah, alimango pala huh!" ani ko at akmang kukurutin ko na s'ya ngunit agad s'yang nakababa.

"Ito naman hindi na mabiro.”

Habang nagmamaneho ay saglit n’ya akong binalingan ng tingin.

"Saan mo gustong kumain, Misis ko?”

"Sa PLATO!" sagot ko sabay irap.

"Talented ka pala Misis ko 'no! Galing mong umirap kuhang kuha mo 'yung nakairap na Zombie sa palabas. Hahahaha!" aniya sabay halakhak.

Masaya siguro s'ya sa joke n'yang hindi naman bumenta sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi n'ya at inabala ang aking sarili sa kakascroll sa F******k.

Pumasok ang sasakyan n'ya sa Samgyup Restaurant, agad siyang nagpark matapos ay bumbling s’ya sa’akin na nakangiti.

"Try natin hindi pa ako nakakain sa mga samgyup samgyup na 'yan eh!" aniya at inakbayan na ako papasok.

"Sa yaman mong 'yan?"

Tumango tango naman ang huli kaya naniwala naman ako.

Ako na ang nag order dahil alam kong hindi marunong 'yung isa d'yan.

"Si Tatay Armando hinihintay pa siguro ako noon hanggang ngayon.." saad ko kay Ken nang maalala ko ang driver kanina na naghatid sundo sa akin.

"Pinauwi ko na s'ya kaya don't worry!" aniya habang hindi naalis ang ngiti sa labi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Renalyn Beatriz Gupa-al Binay-og
paano ko to ma unlock ng free po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status