Ilang minuto pang nag-usap sila Analyn at Jan. Lampas na ng alas-singko nang magpaalam na si Analyn. Dumaan muna siya sa isang malapit na grocery store para bumili ng mga gulay. Tamang-tama naman na malapit na lang din doon ang sakayan ng bus papunta sa Grace Village.Nakapagluto at nakakain na si Analyn pero hindi pa rin dumadating si Anthony. Hindi na niya hinintay ang lalaki. Umakyat na siya sa kuwarto niya at saka nag-shower nang mabilis. At dahil wala naman na siyang gagawin pa, minabuti niyang matulog na. Nasa kalaliman na ng gabi ang tulog ni Analyn nang makaramdam siya ng uhaw. Wala siyang choice kung hindi ang lumabas ng kuwarto niya at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Samantala, halos mag-uumaga na ng nakauwi si Anthony. Dumiretso siya sa kuwarto niya. Nakainom siya ng kaunti kaya gusto niyang mag-shower muna ng mabilis bago matulog. Nang buksan ni Anthony ang ilaw ng kuwarto niya, nagulat siya ng makita ang kama niya.“Ano’ng ginagawa ng babaeng ito sa kama ko?” i
Abala si Analyn sa pagtapos sa design niya kaya hindi niya namalayan na lunch break na pala. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nagtatayuan na ang mga kasamahan niyang mga designers at isa-isa nang lumalabas sa opisina nila. Marahil ay para mananghalian na.“Analyn, tara na!” pagtawag ng kaibigan ni Analyn na si Michelle.“Eto na,” sagot ni Analyn at saka pinatay ang power ng laptop niya.Nilapitan na ni Analyn ang naghihintay na si Michelle. Palabas na sila ng pintuan ng bumulaga si Karla, ang Mama ni Analyn. “Analyn,” walang emosyong pagtawag nito kay Analyn. Nagtaka naman si Analyn kung bakit siya pinuntahan ng Mama niya. “Magandang tanghali, Tita,” bati ni Michelle. “Michelle, sandali lang, ha?” paghingi ng paumanhin ni Analyn sa kaibigan, tapos ay binalingan ang Mama niya, “‘Ma, dito tayo.”Iginiya ni Analyn ang babae sa balcony sa labas ng opisina nila. “Bakit kayo nandito?”“Analyn, hindi ako nagbibiro. Kailangan na ni Jiro ang pera para sa kasal nila ni Frances.”Ba
Akala ni Analyn, pagkatapos malaman ng mga ka-opisina niya na kasal na siya ay wala ng problema. Napansin niya na nag-iba na ang trato sa kanya ng mga kasamahan niya pagkatapos nun. Iyong iba ay tahasan siyang pinag-uusapan kahit pa nandoon lang siya at naririnig niya. Iyong iba ay nagpupunta pa talaga sa mesa niya at kung ano-ano ang pang-iinsulto na sinasabi sa kanya. Nasasaktan man, pero kailangang tiisin lahat iyon ni Analyn.“Okay lang. Sige lang,” mahinang sabi ni Analyn sa sarili. After all, ang Papa niya naman ang nakinabang sa kasalang inoohan niya.Nang gabi ring iyon, may meeting na dinaluhan si Anthony kaya naman late na siya nakauwi sa bahay. Pagkapasok ng bahay, agad niyang hinubad ang coat niya pati na ang sapatos niya. Nagsuot siya ng tsinelas niyang pambahay at nakahanda ng umakyat ng hagdan nang mapahinto siya sa pag-akyat. May nakita siyang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan ni Anthony ang babaeng nakabaluktot sa sofa. Tila balisa ito habang natutulog. Halos ma
Pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila, saka lang niya nalaman na nagpa-meeting pala ang boss niya ngayong umaga. Wala naman siyang natanggap na abiso kaya wala siyang alam. At dahil hindi siya nakita nito sa loob ng meeting room, as usual, puro insulto na naman ang sinasabi nito kay Analyn sa harap ng buong departamento. Alam na alam ni Analyn dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi nito kahit nasa labas siya ng meeting room.“Hindi ko kailangan ang tatamad-tamad na mga empleyado dito sa departamento ko! Aanhin n’yo ang ganda, kung wala naman kayong sipag sa trabaho? Ano’ng oras na ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Analyn dito?” Alam ni Analyn na kapag pumasok pa siya ngayon sa loob ng meeting room ay hindi naman hihinto si Richie sa pagbira sa kanya. Sa tingin ni Analyn, para pa ngang mas nasisiyahan si Richie na may audience siya habang nilalait siya. Para kasing ang dating mas makapangyarihan siya kapag ganun. Umalis na si Analyn sa la
Walang nakapagsalita sa nangyari. Lahat ay tulala na nakatingin kay Analyn. Hindi nila inaasahan na ang tahimik na si Analyn ay kayang gawin ang ganung katapang na kilos.“Analyn,” pagtawag kay Analyn ng babaeng sinampal niya, “may araw ka rin sa aking malandi ka,” galit na galit na sabi nito, sabay duro pa ng daliri kay Analyn, “pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsampal sa akin.”Hindi na nagawang sumagot ni Analyn dahil pagkasabi nun ay tumalikod na ang babae at naglakad pabalik sa mesa niya. Iyong mga nanonood naman sa kanila ay isa-isa na ring nag-alisan mula sa pagkakatyo nila sa mga puwesto nila. Agad namang hinila ni Michelle si Analyn palayo roon. “Friend, kamag-anak mo pala si Gabriela Silang?” pabirong sabi nito kay Analyn.“Hindi ko naman siya kakantiin, kung hindi niya ako kinanti,” seryosong sagot ni Analyn, “isa pa, masyado ng foul ang binitawan niyang salita sa akin. Hindi ko na puwedeng palampasin.” “Ang inaalala ko lang, friend… baka mapag-initan ka na naman ni boss
“Analyn.”Bahagyang nagulat si Analyn sa pagtawag ni Anthony sa kanya. Lalo na ng lumapit si Anthony sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. “Bakit hindi ka pa diretsong umuwi pagkatapos ng trabaho mo?”Naguluhan si Analyn sa inaakto ni Anthony. Gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito, pero sadyang mariin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lalong nagtaka si Analyn nang lingunin ni Analyn ang lalaking may pilat sa mukha. “Kayo? Ano ba’ng kailangan n’yo?”Sa halip na matakot ang lalaki, bahagya lang itong tuumawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Ang lakas ng loob ni Anthony na sitahin siya gayong nag-iisa lang siya, samantalang ang lalaki ay maraming kasama at mukhang mga palabang katulad niya.“Ano? Magpapakabayani ka ba dito kay ganda?” sita ng lalaki kay Anthony.Hindi sumagot si Anthony, at seryoso lang na nakatingin sa lalaki na tila sinusukat ang kakayanan nito.“Okay, tingnan nga natin ang ibubuga mo,” nakangising sabi ng lalaki kay Anthony. Naglabas ng
Kinabukasan, minabuti ni Analyn na gumising ng mas maaga. Hindi niya kayang harapin si Anthony ngayon. Pagkatapos ng tsismis tungkol sa eksena nila ni Anthony sa elevator kahapon, pihadong hindi rin makakaligtas ang pagtatanggol sa kanya ni Anthony nung uwian.Matagumpay niyang naiwasan si Anthony, pero pagdating niya sa opisina, si boss Richie naman ang nakasalubong niya.Bakit kaya ang agang pumasok nito?Walang pagpipilian si Analyn kung hindi batiin ang boss niya. Ngumiti si Analyn at saka ito binati.“Good morning, boss.”Tiningnan lang siya ni Richie at bahagyang tumango. Walang emosyon ang mukha nito. Nang nakalampas na si Analyn kay Richie, biglang huminto ang lalaki at tinawag si Analyn.Biglang huminto si Analyn sa paglakad at saka hinarap si Richie.“Boss?”“Samahan mo ko mamaya. May dinner party akong pupuntahan. Dress nicely. There are some business partners there. At ayokong
“Enough!”Sabay na napalingon si Analyn at Vi kay Richie. Itinuro ni Richie si Analyn.“Ikaw, Analyn. Huwag kang magparatang sa kasamahan mo. Paano mo nasabing ikaw ang gumawa nito, wala ka ngang maipakita sa akin ngayon. Bakit parang napakagaling mo kung magsalita ka? Wala ka pa namang napatunayan sa departamentong ito. I tell you, kung hindi ka magbabago, hindi ka tatagal sa departamento ko. This design department will not tolerate your bad habits!”Buong tapang na hinarap ni Analyn si Richie.“Boss Richie, design ko ‘yan. Ako ang gumawa. At patutunayan ko ‘yan sa ‘yo.”Bahagyang natawa si Richie.“Patutunayan mo? Kanino? Kapag sinabi ko sa managemen na design ni Vi ito, that's it! Design ni Vi ito, at walang kokontra dun. Sa tingin mo, hindi sila maniniwala kapag sinabi ko ‘yun?”Mariing naikuyom ni Analyn ang malayang kamay niya. Hawak niya kasi sa isa ang laptop niyang ayaw magbukas.So, naniniwala si boss Rich
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g