Nang lumabas si Analyn mula sa kuwarto niya ay agad siyang sinalubong ng Mama niya. Nakakapagtakang kalmado na ito.
“Analyn, sorry na. Nabigla lang ako kanina. Okay lang sa akin kung sino man iyong pinakasalan mo. Pamilya pa rin tayo, hindi ba? Pero magpapakasal na ang kapatid mo at si Tin. At bilang nag-iisang kapatid ni Jiro, obligasyon mo na bigyan sila ng perang pampakasal nila.”
Bahagyang hinawi ni Analyn ang Mama niya at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pintuan.
“Wala ho akong pera.”
Nagulat si Analyn nang ubod lakas siyang pinaharap ng Mama niya paharap dito.
“Kung ganon, hiwalayan mo ang lalaking ‘yan. Pansamantala, makipag-live in ka muna kay Michael habang pinoproseso pa ang paghihiwalay n’yo. Kailangan natin ang pera ni Michael sa pagpapakasal ni Jiro.”
Ubod lakas na tinagtag ni Analyn ang kamay ng Mama niya na nakahawak pa ng mahigpit sa braso niya.
“Okay ka lang, ‘Ma? Para naman akong piraso ng karne na binebenta mo kung kanino.”
“Hoy, Analyn. Pinalaki ka namin, dinamitan at pinag-aral ng ilang taon. Pagkatapos ngayoj, pababayaan mo na lang ang kapatid mo ngayong kailangan ka niya?”
“‘Ma, si Papa lang ang nag-alaga sa akin. Siya lang ang nagpalaki, nagdamit at nagpa-aral sa akin sa pamilyang ito. Isa pa, hindi mo ako dapat singilin sa pag-aaral ko dahil pinag-aral ko ang sarili ko nung college ako. Si Papa lang ang pamilya ko sa bahay na ‘to.”
Nilingon ni Analyn si Jiro. Nakatayo ito sa pintuan nila sa sala habang nakikinig sa pagtatalo nila ng Mama niya. Nagsalubong ang mga tingin nila. Mula pa noon at hanggang ngayon, walang makapang koneksyon si Analyn dito.
“Isa pa…” pagpapatuloy ni Analyn, “hindi ko naman talaga kapatid si Jiro. So, bakit ako magkakaroon ng obligasyon sa pagpapakasal niya?”
Labingdalawang taon si Analyn noon nang masangkot siya sa aksidente at mawala ang kanyang memorya.
Dahil walang kumilala sa kanya noon na kaanak njya, naawa sa kanya si Damian, ang kinikilala niyang Papa niya ngayon, na noon ay nagtatrabaho sa ospital kung saan siya nakaratay ngayon. Iniuwi siya nito sa bahay niya pansamantala, hanggang sa may maghanap daw sa kanyan na pamilya niya.
Pero dalawang taon na ang lumipas at wala ni isa mang tao ang naghanap sa kanya. Kaya naman naisipan ni Damian na ampunin siya sa legal na paraan para makapag-aral siya. Walang nagawa noon ang Mama niya sa desisyon ni Damian. Si Damian ang nagbigay sa kanya ng pangalang Analyn.
GAMIT ang natitirang pera sa wallet niya, bumaba na ng taxi si Analyn sa gate ng Grace Village. Alas-siyete na iyon ng gabi. Hindi niya magawang pumasok sa loob, paano ay nakalimutang ipadala sa kanya ni Anthony ang sabi nito kanina na numero at pangalan ng kalye ng bahay niya. Hindi naman niya alam ang numero ng telepono nito at tanging numero lang niya ang kinuha ng binata.
Walang magawa si Analyn kung hindi hintayin na lang si Anthony dito sa labas ng subdivision. Naupo siya sa gutter malapit sa gate habang kalong ang dalawang bag na dala.
Kainip-inip ang naging paghihintay doon ni Analyn, isabay pa na maalinsangan ang panahon at wala man lang hangin.
May isang oras na rin siyang naghihintay ng may tumama sa kanyang ilaw mula sa isang sasakyan. Nilingon ni Analyn iyon at nakilala niya ang sasakyan ni Anthony.
Agad siyang tumayo, natakot siya na hindi mapansin ng lalaki. Ang tagal na niyang naghintay sa lalaki at nangangawit na siya sa pagkakaupo roon.
Napansin naman agad ni Anthony ang nakaupong si Analyn kaya itinabi niya ang sasakyan dito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana sa tapat niya at saka malamig ang boses na tinanong si Analyn.
“What are you doing here?”
Dahil sa sagutan nila kanina ng Mama niya at sa inip sa paghihintay kay Anthony ay gusto niya sanang sagutin ng pabalbal ang binata. Pero bigla niyang naisip na si Anthony ang boss ng kumpanyang pinapasukan niya at sasagot sa mga bayarin niya sa ospital kaya nagtimpi siya.
“Sir, nakalimutan n’yo lang namang ibigay sa akin ang number at street ng bahay n’yo sa loob. Paano ako papasok diyan?”
Agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Anthony sa narinig.
“Sorry. I was busy attending a meeting. Sakay na,” sabi nito kay Analyn.
Dinampot na ni Analyn ang dalawang bag niya at saka sumakay sa sasakyan ni Anthony. Ilang liko lang at huminto na sila sa tapat ng isang magandang bahay. Bumaba na si Anthony, kaya naman sumunod na si Analyn, bitbit ang mga bag niya. Nagtaka siya kung bakit tila hinihintay siya ni Anthony sa labas ng pintuan.
“Remember the passcode,” sabi sa kanya ni Anthony at saka iniangat ang kamay sa isang tila number board sa pintuan ng bahay niya, “052900.”
Habang sinasabi niya iyon ay sabay ding pinipindot ni Anthony ang mga numero sa number board. Nang matapos pindutin ni Anthony ang anim na numero ay itinulak na niya ang pintuan at pumasok na sa loob.
Sumunod naman agad si Analyn, pero agad siyang napahinto ng makita ang loob ng sala. Humanga siya sa disenyo nun. Bagaman ang kulay ng mga dekorasyon at muwebles ay simple at malamig sa mata, mahahalata pa rin ang karangyaan sa kabuuan ng sala.
“Pwede ka ng umakyat sa kuwarto mo. Doon ka sa kaliwang side. Iyong sa kanan ay kuwarto ko at study room. Hindi ka pwedeng basta-basta papasok doon ng wala akong pahintulot. Naiintindihan mo ba?”
Tumango si Analyn. “Yes, Sir.”
“At isa pa, hindi mo pwedeng galawin ang pagkaka-ayos ng mga kasangkapan ko dito. Wala kang aalisin, at wala ka ring idadagdag.”
“Okay! Walang problema.”
Mas problemado pa nga ako nung nakatira ako sa bahay kasama si Mama at Jiro.
Naisip pa ni Analyn na ngayon, wala na talaga siyang magiging problema. Malilibre na siya sa pambayad sa ospital, makaka-ipon pa siya ng pang-down para sa isang maliit na apartment para tirhan niya pagkatapos ng kasunduan nila ni Anthony
KAKATAPOS lang ni Analyn na ayusin ang mga gamit niya sa kanyang magiging kuwarto ng may kumatok sa pintuan nito. Binuksan niya ang pintuan at nabungadan doon si Anthony na nakapagpalit na ng damit pambahay.
May hawak itong papel na pilit niyang inilagay sa kamay ni Analyn.
“Those were my hobbies. Mga pagkain na allergic ako. Mga ayaw ko. Mga paborito kong pagkain. Kabisaduhin mo lahat. Ayokong mabuking tayo ni Lolo sa isang simpleng dahilan lang.”
“Okay,” pinasadahan ng basa ni Analyn ang nakalagay sa papel, tapos ay nag-angat ng tingin kay Anthony, “kailangan ko rin bang gumawa ng ganito?”
“No need,” malamig na sagot ni Anthony, pagkatapos ay tumalikod na at i iwan na si Analyn doon sa pintuan.
Hindi na niya kailangang hingin sa dalaga ang mga bagay na ganun. Ano pa at napa-imbestigahan na niya ito.
Nang makita naman ni Analyn na umalis na ang amo ay isinara na niya ang pintuan at diretso sa kama. Doon niya muling binuklat ang papel na ibinigay ni Anthony. Binasa niya iyon isa-isa hanggang sa makarating siya sa pinaka-ibaba ng papel. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Pagkatapos ay natutop niya ang kanyang bibig.
Pati ba naman ang size ng underwear niya kailangan ding alam ko?
~C.J.
Alam ni Analyn na gusto lang siyang inisin ni Anthony kaya inilagay roon ang size ng underwear niya. Kaya naman itiniklop na lang niya ang papel at saka iniwan sa ibabaw ng kama niya. Gusto niyang mag-shower nang mabilis bago tuluyang mahiga sa malambot na kama. Nakahiga na si Analyn nang maalala niyang kailangan niyang magsabi sa boss niya na hindi siya papasok bukas. As usual, inaasahan na niyang magagalit ang boss niya. Nag-half day na raw siya ngayong araw tapos ay wala pa siya bukas. Binigyan pa siya ng ultimatum nito. Na kung hindi siya papasok bukas ay ima-mark siyang absent ng isang buong linggo. Ibig sabihin, hindi siya makukuha ang sahod ng pang isang linggo. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Malaking bagay din iyong sahod niya ng isang linggo. Sabi nga nga nila, sahod is life!Pero hindi naman niya pwedeng idahilan sa boss niya na sasamahan niya si Anthony na dalawin ang lolo nito. Hindi pwedeng malaman sa opisina na nagpakasal siya sa boss ng DLM. Well, Sir Anthony
Sa wakas ay nakarating na sila Analyn at Anthony sa ospital. Bumaba si Athony para may kuhain sa likod na compartment ng sasakyan niya. Nang isara na niya ito ay saka lang niya napansin na nakatayo si Analyn sa tabi niya. “Nervous?” seryosong tanong niya sa dalaga.Pinaikot ni Analyn ang mga mata niya, sabay sabing, “sus! Bakit naman ako kakabahan? Sisiw na sisiw lang ‘to.” Nagkibit-balikat si Anthony. “Sisiw pala, eh. Eh di, tara na,” pagkatapos ay nauna na itong naglakad kay Analyn. Agad namang sumunod sa kanya si Analyn, pero sa totoo lang ay kinakabahan talaga siya. Habang nag-aabang sila sa pagdating ng elevator, hindi napigilan ni Analyn na magtanong kay Anthony. “Sir Anthony, masungit ba ang Lolo mo?”“Nope.” “Okay,” sabi ni Analyn at saka palihim na nagbuga ng hangin. “Just call me simply Anthony. Or Ton.”“Ha?” naguguluhang tanong ni Analyn. “I told you before, alam ni Lolo na may girlfriend na ako ng two years, di ba?”“Ow.” Naintindihan na ni Analyn. Meron nga ba
Nang isara ni Analyn ang pinto, binawi ni Anthony ang tingin niya roon. Muli niyang ibinaba ito sa chess board, at saka nagsalita nang hindi tumitingin sa lolo niya. “Yes, Lolo. Nung una. Pero ngayon gusto ko na si Analyn bilang siya.”Ngumiti si Greg.“It’s good that you really like Analyn. Ngayong lumagay ka na sa tahimik, matatahimik na rin ako. Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako manghihinayang na mawala. Kasi alam kong may mag-aalaga na sa ‘yo.” “Lolo…”Bahagyang tumawa si Greg.“Ano? Sa kamatayan na rin naman ako papunta talaga. Son, I am eighty years old already. Ano pa ba ang gusto mo? Umabot pa ako ng one hundred? Hinihintay na ako ng Lola mo. Ang gawin mo na lang, bilisan mo na at bigyan n’yo na ako ng apo sa tuhod ni Analyn,” nakangiting litanya ni Greg na para bang normal na paksa lang ang pinag-uusapan nila ni Anthony. Nag-alangang sumagot si Anthony, pero nang makita niya sa mukha ng lolo niya ang saya, napilitan siyang sagutin ito.“Sige, ‘Lo,” Samantala, sa labas
Nahalata ni Analyn na hindi nagbibiro si Anthony. Tumuwid siya ng upo at saka bahagyang nilingon ang lalaki. “Sorry. Hindi na mauulit. Mag-iingat na ako sa next time.”“Next time? Next time, you’re done,” malamig na sagot ni Anthony sa dalaga.“Bababa ako sa susunod na pagliko. Babalik ako sa ospital para puntahan muna si Papa.”Palibhasa ay nasa parehong ospital lang ang papa niya at ang lolo ni Anthony, pero nasa magkaibang building. Hindi naman kumontra si Anthony at sinunod ang utos ni Analyn. Bago bumaba si Analyn, hinarap niya si Anthony. “Sir Anthony, ang galing ko, di ba? Mukha namang masaya si Lolo Greg sa pagbisita ko.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony. “And so?”“Nangako ka, iyong isang linggong sahod ko.”“Ang dami ko nang binili sa ‘yo na mga damit at sapatos, kulang pa ba ‘yun?” Hindi nun nasindak si Analyn. Sa halip, inalis niya ang lock ng seatbelt niya at saka akmang bababa na ng sasakyan. “Okay. Pupuntahan ko na lang uli si Lolo Greg pagkagaling ko kay
Ilang minuto pang nag-usap sila Analyn at Jan. Lampas na ng alas-singko nang magpaalam na si Analyn. Dumaan muna siya sa isang malapit na grocery store para bumili ng mga gulay. Tamang-tama naman na malapit na lang din doon ang sakayan ng bus papunta sa Grace Village.Nakapagluto at nakakain na si Analyn pero hindi pa rin dumadating si Anthony. Hindi na niya hinintay ang lalaki. Umakyat na siya sa kuwarto niya at saka nag-shower nang mabilis. At dahil wala naman na siyang gagawin pa, minabuti niyang matulog na. Nasa kalaliman na ng gabi ang tulog ni Analyn nang makaramdam siya ng uhaw. Wala siyang choice kung hindi ang lumabas ng kuwarto niya at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Samantala, halos mag-uumaga na ng nakauwi si Anthony. Dumiretso siya sa kuwarto niya. Nakainom siya ng kaunti kaya gusto niyang mag-shower muna ng mabilis bago matulog. Nang buksan ni Anthony ang ilaw ng kuwarto niya, nagulat siya ng makita ang kama niya.“Ano’ng ginagawa ng babaeng ito sa kama ko?” i
Abala si Analyn sa pagtapos sa design niya kaya hindi niya namalayan na lunch break na pala. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nagtatayuan na ang mga kasamahan niyang mga designers at isa-isa nang lumalabas sa opisina nila. Marahil ay para mananghalian na.“Analyn, tara na!” pagtawag ng kaibigan ni Analyn na si Michelle.“Eto na,” sagot ni Analyn at saka pinatay ang power ng laptop niya.Nilapitan na ni Analyn ang naghihintay na si Michelle. Palabas na sila ng pintuan ng bumulaga si Karla, ang Mama ni Analyn. “Analyn,” walang emosyong pagtawag nito kay Analyn. Nagtaka naman si Analyn kung bakit siya pinuntahan ng Mama niya. “Magandang tanghali, Tita,” bati ni Michelle. “Michelle, sandali lang, ha?” paghingi ng paumanhin ni Analyn sa kaibigan, tapos ay binalingan ang Mama niya, “‘Ma, dito tayo.”Iginiya ni Analyn ang babae sa balcony sa labas ng opisina nila. “Bakit kayo nandito?”“Analyn, hindi ako nagbibiro. Kailangan na ni Jiro ang pera para sa kasal nila ni Frances.”Ba
Akala ni Analyn, pagkatapos malaman ng mga ka-opisina niya na kasal na siya ay wala ng problema. Napansin niya na nag-iba na ang trato sa kanya ng mga kasamahan niya pagkatapos nun. Iyong iba ay tahasan siyang pinag-uusapan kahit pa nandoon lang siya at naririnig niya. Iyong iba ay nagpupunta pa talaga sa mesa niya at kung ano-ano ang pang-iinsulto na sinasabi sa kanya. Nasasaktan man, pero kailangang tiisin lahat iyon ni Analyn.“Okay lang. Sige lang,” mahinang sabi ni Analyn sa sarili. After all, ang Papa niya naman ang nakinabang sa kasalang inoohan niya.Nang gabi ring iyon, may meeting na dinaluhan si Anthony kaya naman late na siya nakauwi sa bahay. Pagkapasok ng bahay, agad niyang hinubad ang coat niya pati na ang sapatos niya. Nagsuot siya ng tsinelas niyang pambahay at nakahanda ng umakyat ng hagdan nang mapahinto siya sa pag-akyat. May nakita siyang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan ni Anthony ang babaeng nakabaluktot sa sofa. Tila balisa ito habang natutulog. Halos ma
Pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila, saka lang niya nalaman na nagpa-meeting pala ang boss niya ngayong umaga. Wala naman siyang natanggap na abiso kaya wala siyang alam. At dahil hindi siya nakita nito sa loob ng meeting room, as usual, puro insulto na naman ang sinasabi nito kay Analyn sa harap ng buong departamento. Alam na alam ni Analyn dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi nito kahit nasa labas siya ng meeting room.“Hindi ko kailangan ang tatamad-tamad na mga empleyado dito sa departamento ko! Aanhin n’yo ang ganda, kung wala naman kayong sipag sa trabaho? Ano’ng oras na ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Analyn dito?” Alam ni Analyn na kapag pumasok pa siya ngayon sa loob ng meeting room ay hindi naman hihinto si Richie sa pagbira sa kanya. Sa tingin ni Analyn, para pa ngang mas nasisiyahan si Richie na may audience siya habang nilalait siya. Para kasing ang dating mas makapangyarihan siya kapag ganun. Umalis na si Analyn sa la
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g