Unexpected marriage with the cold billionaire

Unexpected marriage with the cold billionaire

last updateLast Updated : 2024-11-25
By:  Maxi Leighya maze Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
231views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang Ambisyosang Janitress ang patay na patay sa kanyang cold hearted na boss. Buong akala niya talaga ay hanggang imaginary boyfriend nalang niya ito ngunit, nag iba ang tadhana, simula ng mailigtas niya ang ginang sa elevator sa bingit ng kamatayan, to surprise ay ang ina pala ng kanyang crush na boss. Tinanggap niya ang offer na maging private nurse sa ina nito, at dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang simple na buhay. Mapa-ibig niya kaya ang isang Thiago Jaxx na ubod ng sungit? Oh magiging fantasya na lamang? At babalik sa pagiging Janitress kapag natapos na ang kanyang contrata.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Humangos at pawisan ang dalagang si Fella Mira, ng magising siya mula sa kanyang bangongot. Napaupo at napahilamos siya sa kanyang mukha at pinahid ang isang butil na luhang nalaglag mula sa kanyang mga mata. 

"This fuckin dream again," wika niya habang inabot ang isang basong tubig na nasa kanyang bed side table. Simula pagkabata niya ay hindi na talaga siya tinantanan ng kanyang masamang panaginip. Wala naman siya'ng idea kung bakit siya binangongot ng ganon kaya nagtataka na talaga siya.

"Apo? narinig kitang umo-umongol kanina, nanaginip ka na naman ba?" napaangat ang kanyang tingin sa lola niya'ng pumasok sa kanyang silid. 

Ngumiti lamang siya ng tipid at ibinalik ang baso sa bedside table. 

"Hindi ka na nasanay sa akin la, gabi-gabi naman talaga akong ganito eh. Iwan ko nga rin," sagot ng dalaga at malungkot namang napailing-iling ang matanda at naawa sa kanyang apo. 

"Oh siya bumalik ka na sa pagtulog at may trabaho ka pa bukas," wika ng kanyang lola at lumabas na sa kanyang silid. 

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ng dalaga at pinilit makatulog ulit, dahil maaga pa siya'ng papasok bukas sa kanyang trabaho. 

Samantala ang matandang si Elizabeth ay hindi na nakatulog dahil muli niya'ng naalala ang masamang trahedyang nangyare, ilang dicada na ang nakalipas. Ang dahilan kung bakit lagi na lamang binangongot ang kanyang nag-iisang apo'ng si Fella Mira. 

Actually gusto niya talagang sabihin sa kanyang apo na hindi coincidence ang kanyang bangongot at meron iyong malalim na dahilan at pinanggalingan, ngunit nabahala siya na baka makagulo pa iyon sa isip ng kanyang apo at baka mahukay pa ang mga ala-alang pilit niya'ng binaon sa limot. 

Walang alam ang kanyang apo, dahil isang ta'ong gulang pa lamang iyon ng mangyare ang kahindik hindik na trahedya sa kanilang buhay. Marii'ing ipinikit ni Elizabeth ang kanyang mata upang hindi na alalahanin ang bangongot ng nakaraan. 

Kinabukasan maagang nagising si Fella Mira, at naghanda ng pumasok sa kanyang trabaho. Bagama't hindi siya nakapagtapos ng koliheyo kaya't Janitress lamang ang kanyang nakuhang trabaho. She don't mind naman as long as marangal ang trabaho at nakakatulong sa kanilang buhay. 

"Magandang umaga sa aking maganda at butihing lola!" magiliw niya'ng bati sa kanyang lola'ng abala sa pag handa ng kanilang pagkain.

"Gising na pala ang gwapa kong apo! umupo kana't upang ikaw ay makakain na," malambing ang boses ng kanyang lola ngunit ramdan niya ang tamlay nito kaya't nilapitan niya ito at niyapos ng isang mahigpit na yakap.

"Bakit ang tamlay ata ng lola ko? May problema ka ba la?" usisa niya sa malambing na boses.

"Nako apo, huwag mo na akong isipin. Hindi lamang ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ubo ko," sagot ng kanyang lola na ikinasalubong ng kanyang kilay.

"Lola naubo kaparen? Matagal na iyan ah?" angil niya at pumunta sa drawer kung saan naka lagay ang gamot ng kanyang lola. Napabuntong hininga siya ng wala na pala itong gamot.

Puno ng pag-alala ang kanyang mukha na lumapit sa hapagkainan.

"Wala ka na palang gamot la? Bakit hindi ka manlang nagsabi sa akin huh?" nagtatampo niya'ng tanong sa kanyang lola at bumuntong hininga lamang itong tumingin sa dalaga. 

"Pasinya ka na apo, nakalimutan ko rin ehh at tsaka baka wala kanang pera," nahihiya nitong sabi sa kanya na ikinalaglag ng kanyang balikat.

"Lola naman! Okay fine, hindi na kita pagsabihan. Basta, mag ingat ka nalang dito okay. Huwag ka mo na'ng magbubuhat ng mga mabibigat na bagay," mahinahon niya'ng paalala at tsaka umupo na sa hapagkainan at sumubo ng favorito niya'ng tinapay na pandesal. 

Pagkatapos niya'ng kumain ay kaagad niya'ng kinuha ang kanyang bag at nagmadaling lumabas sa kanilang bahay matapos magpaalam sa kanyang lola.

"Here we go again, papasok na naman ako sa trabaho at magtiis sa sakit ng aking puso," inis niya'ng wika at umakto pang umiiyak. 

"Tanga ka kasi puso eh! sa dami ba namang pwedeng magustohan mo, ay doon ka pa talaga sa masungit at cold mong boss! Dyosmio talaga, Isa ka lang namang hamak na janitress at boss mo iyon!" pangmamaliit niya sa kanyang sarili habang tinahak ang daan patungo sa kanyang tina-trabahoan. 

Simula ng makapasok siya sa TJ Ballesteros company bilang Isa sa mga Janitress, ay doon na siya nagsimulang makipag away sa kanyang sarili. Lagi nalang nagtatalo ang kanyang utak at puso, dahilan kung bakit palagi siya'ng na stress. 

"Hahays! tiisin mo nalang Mira. Do we have a choice?" napailing-iling siya'ng naglakad at napatingala sa isang mataas na building. Walking distance lang kasi ang kanyang pinagta-trabahoan kaya naman hindi na siya gumastos sa pamasahe. 

"Good morning gwapang Mira!" 

Umikot ang kanyang eyeball ng sinalubong kaagad siya ng magiliw na bati galing sa securiting patay na patay sa kanya. 

"Hindi maganda ang aking araw Arturo!" masungit niya'ng tugon. 

"Ay, bakit naman magandang binibini?" 

Ganyan si Arturo kaya nainis lamang siya nito, kung ano ano kasing tinatawag sa kanya. 

"Iwan ko eh, kung bakit naiinis ako kapag nakita ko na yang pagmumukha mo," wika niya at umakto namang nasasaktan ang binata. 

Pagkatapos niya'ng sabihin iyan ay nagtungo na siya sa kanyang locker. Nagbihis kaagad siya ng kanyang uniforme at nagsimula na sa kanyang trabaho. Habang naglilinis sa mga window glass ay palinga linga siya dahil hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang masungit na boss. 

Bumusangot ang kanyang mukha ng hindi niya natagpu-an ang hinahanap ng kanyang mga mata. Wala sa sariling napatingin siya sa relong nasa kanyang pambisig. 

"Bakit kaya wala pa siya? Eh ganitong oras nandito na iyon eh," mahaba paren ang kanyang nguso at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. 

"Ay kabayo!" napasigaw siya gulat ng kaka-atras niya ay meron siya'ng nabangga. Pa atras kasi siya'ng nag lilinis ng sahig. 

"Omygod! Ouch!" napalingon siya sa maarting boses na iyan at ganon na lamang ang panlalaki ng kanyang mata ng makitang bumulagta sa sahig ang kina-iinisan niya'ng malditang si Tyla. 

"Nako sorry po!" bulalas niya at kaagad nilapitan ang dalagang naka upo paren sa sahig.

"Sweetheart! Help me, that bitch kasi!" maarte nitong sabi na ikina-isnat ng kanyang kilay. 

Hindi niya na pansin na kanina pa pala nakatayo ang kanyang masungit na boss sa kanilang likuran. 

"Just get up Tyla! I told you kanina na ma iwan ka nalang sa bahay," malamig ang boses ni Jaxx ngunit Isa lamang ang tumatak sa isipan ng dalagang si Mira. 

"Ano bahay? Nagsama naba sila sa isang bobong? Kung ganon wala na talagang pag-asa?" malungkot niya'ng bulong at gusto na lamang umiyak. 

"Tumigil ka nga Mira! Bakit? umasa ka pa ba? Assumera!" sigaw ng kanyang utak na ikinahaba ng kanyang nguso. 

TO BE CONTİNUED.... 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status