Bumaba ng taksi si Analyn. Nasa harap siya ngayon ng Peach Blossom Restaurant, isang fine dining na kainan. Ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant sa kabila ng kakapusan niya sa pera? Isinet lang naman siya ng blind date ng Mama niya.
Tiningnan ni Analyn ang pambisig na relo. Sakto lang siya sa oras. Sinadya niyang hindi dumating ng mas maaga sa sinabing oras ng Mama niya. Hindi naman kasi siya interesado sa date na ito. Minabuti ni Analyn na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinalubong siya ng staff pagkapasok niya ng pintuan.
“Hi. Reservation under Michael Corpuz?”
Hindi naman sa excited na si Analyn na makita ang itsura ng Michael Corpuz na iyon, pero gusto na niya kasing matapos na ang date na ito.
Tumingin ang staff sa monitor sa harapan niya. Piping ipinalangin ni Analyn na sana ay nag-kansel na lang sana ang ka-date.
“Yes, Mam. Table number 15. Kaya lang Mam, as of now, hindi pa po dumarating si Sir Michael.”
Nakaramdam ng tuwa si Analyn. Inisip niya kung hindi na tutuloy magpunta iyong Michael.
“Anyway Mam, Sir Michael called a while ago… saying na on the way na rin siya,” nakangiting dagdag nung staff habang nakatingin pa rin sa monitor na tila may binabasa roon.
Hindi napigilan ni Analyn ang mapasimangot. Akala pa naman niya ay magbubunyi na siya ngayon.
“Sige, Miss. I will just wait.”
“Let me lead you to your table, Mam,” sabi ng staff at saka nagpatiuna ng naglakad. Wala ng nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod.
“Mam, gusto n’yo po bang umorder na?” tanong ng staff pagkaupo ni Analyn.
“Ay, hindi!” Paano kung hindi dumating ang lalaking iyon? Eh di, ako pa ang magbabayad? No way! “ Mamaya na lang, Miss. Water na lang muna.”
“Okay, Mam. Pahatiran ko po kayo ng water.”
TUMUWID ng upo si Analyn. Nangangawit na siya sa pagkaka-upo at nakaka-tatlong baso na siya ng tubig mula kaninang naupo siya. Treinta minutos na ang nagdaan at hindi pa rin dumadating ang lalaking katagpuan niya ngayon. Hindi maalis na mainis si Analyn. Sayang ang treinta minutos niyang itinunganga rito.
Sampung minuto pa uli ang hinintay ni Analyn nang may humahangos na lalaki palapit sa mesa niya.
“Analyn Ferrer?” nakangiting tanong ng lalaki kay Analyn.
Ngayong nasa tapat ni Analyn ang lalaki, hindi niya alam kung oo o hindi ang isasagot niya rito. Nakaka-turn off ang pawis na pawis at oily na itsura nito. Sungki-sungki ang mga ngipin nito na kitang-kita ngayon dahil sa pagkakangiti. Malalaki ang mga mata nito at parang gustong lumabas mula sa mga eyeball nito. Ang buhok niya ay tila napakatigas at nakakatakot hawakan. In short, kabaligtaran sa sinabi ng kanyang Mama na napakaguwapo ng magiging ka-date niya ngayon.
“A-Ako nga,” napilitang pag-amin ni Analyn.
“Good!” sabi nung lalaki sabay hila sa upuang nasa tapat ni Analyn.
“I’m Michael nga pala. Michael Corpuz,” pagpapakilala ng lalaki na tinanguan lang ni Analyn.
“Alam ko ang sitwasyon mo ngayon,” pagtutuloy ng lalaki, “nai-kuwento na sa akin ng Mama ko. Kaibigan niya raw ang Mama mo. Hindi naman ako mapili sa magiging asawa ko.”
Sinuyod ng tingin ni Michael mulo ulo pababa si Analyn, na ipinagtaka naman ng dalaga.
“Pagkakasal natin, mag-resign ka na sa trabaho at sa bahay ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Analyn sa narinig. “Pardon?” tanong niya kay Michael. Hindi niya sigurado kung nagkamali lang ba siya ng rinig sa sinabi nito.
“Analyn… all you have to do is to take care of my two children and my parents. Iyon lang!”
Itinaas ni Analyn ang kamay niya, sumenyas siya ng STOP kay Michael.
“Wait. Sandali lang, ha… sa tingin ko, hindi ako ang hinahanap mo.”
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Michael.
“May problema ba? Meron ka bang ibang gusto? Look, meron akong pag-aaring kumpanya. At kapag nagpakasal ka sa akin, ibig sabihin nun–”
“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Sorry, Michael.”
Or Tito Michael?
Sabi ni Analyn sa sarili. Paano ba naman ay pwede na nga niyang maging tatay ang lalaki base sa hula niyang edad nito. Di hamak na may edad na ito kumpara sa edad niya.
Agad na nalukot ang mukha ni Michael. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtanggi ng babae sa kanya. Agad siyang tumayo at saka itinaas ang kamay para duruin si Analyn.
“Magsisisi kang babae ka!” galit na sabi ni Michael bago binirahan ng alis.
Nasundan na lang ng tingin ni Analyn ang papaalis na lalaki. Nang nakalabas na ng restaurant si Michael, napasandal si Analyn sa upuan niya habang minamasahe ang sintido niya. Sa susunod, hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin ng Mama niya. Ang sabi nito sa kanya ay guwapo ang kanyang ka-blind date kaya pumayag na rin siya sa kabila ng pag-aalangang makipag-blind date.
Nasa ganoong pagmumuni-muni si Analyn kaya hindi niya napansin ang pares sa kabilang mesa. Isa pa ay natatakpan ng halaman ang pagitan ng mga mesa nila kaya imposible talaga na mapansin niya ang mga ito.
Ang babae ay halos hindi maihiwalay ang kanyang tingin sa lalaking kasama. Palibhasa ay napakaguwapo nito. Lalaking-lalaki ang porma. Tila may x-ray vision ang babae kung titigan ang katawan ng lalaki. Sa isip-isip niya, jackpot siya sa lalaking ito!
Napukaw lang ang atensyon ni Analyn nang marinig ang maarteng pagsasalita ng babae.
“Anthony, tutal ako naman ang bride… pwedeng mag-suggest kung saan tayo magpapakasal?” malapad ang ngiti na tanong ng babae na para bang wala sa sarili.
Bahagyang nagtaas ng isang kilay niya ang tinawag na Anthony.
“Sorry, Darleen. You did not pass the qualifications of my soon-to-be bride,” walang emosyon na sabi nito.
Biglang naglaho ang ngiti ng babae.
“It’s Charlene, not Darlene,” pagtatama pa nito.
Kumumpas ang kamay ni Anthony, “whatever. Anyway, you may go.”
Natigilan iyong Charlene sa narinig, pero agad din itong nakabawi.
“Anthony, first meeting pa lang naman natin ito. Why don’t we give it a try? Malay mo, sa pangalawa o pangatlong pagkikita natin, mag-jive na tayong dalawa? What do you think?”
Wala pa ring emosyon na tinitigan ni Anthony ang mukha ng babae. Dahil dito, nabuhayan ng loob si Charlene na baka pumayag si Anthony na bigyan siya ng isa pang chance na makilala pa siya nito.
Ngumiti si Charlene nang ubod tamis kay Anthony. Sa tingin niya, kayang-kaya niyang kunin ang loob ni Anthony.
“Do you want to go to a more private place with me?” tanong ni Charlene sa binata.
“Mas gusto ko pang mapag-isa kaysa makipagtitigan sa babaeng ilang patong ang foundation sa mukha.”
Napalakas ang pagkakasabi nun ni Anthony kaya narinig ni Analyn ang komentong iyon ng lalaki habang umiinom siya ng tubig. Dahil sa pagka-aliw sa komento ng nasa kabilang mesa kaya hindi niya napigilang maibuga ang tubig mula sa bibig.
“Ang harsh naman nun!” mahinang sabi niya habang pinupunasan niya ang bibig at baba na nabasa ng tubig.
Naulinigan ni Analyn ang ingay ng upuan sa kabilang mesa na parang may tumayo mula sa pagkaka-upo. Naisipan niyang tumayo na rin para umuwi na. Pero hindi pa siya nakaka-isang hakbang nang may baritonong boses ang tumawag sa pangalan niya.
“Miss Ferrer!”
-C.J.
Natigilan si Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. At para makasigurado, dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nang makita ni Analyn ang lalaki, pakiramdam niya ay nawalan siya ng oxygen sa katawan. “Sir Anthony.” Pinilit ngumiti ni Analyn, pero hindi lang niya alam kung anong itsura ng mukha niya sa ngayon. “Bending an ear?” tanong ni Anthony sa dalaga habang matiim na nakatitig dito. Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Analyn. “No, Sir. Wala akong narinig. Busy ang tenga ko. Tama. Ganun nga.”“Come here,” malamig ang boses na utos ni Anthony. Nag-alangan si Analyn na sundin ang utos ni Anthony. Pero sumunod din siya. After all, si Anthony de la Merced lang naman ang lalaki. Ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. 26 years old, at isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa, na may worth na ten billion. At siya, si Analyn Ferrer, ay isa lang simple at ordinaryong empleyado ng DLM Group of Companies. Isa siyang designer sa Creat
Nagulat si Analyn nang mabilis na tumayo si Anthony. Mabilis itong naglakad palayo. Napamaang si Analyn. “Sir Anthony!”Huminto sa paglakad si Anthony at saka nilingon si Analyn. "Let’s go!” Naguguluhan man ay agad na tumayo si Analyn at saka mabilis na naglakad bitbit ang bag niya papunta sa kinatatayuan ni Anthony. Hindi pa man din siya tuluyang nakakalapit dito ay nagpatuloy uli si Anthony sa paglakad kaya hinabol ito ni Analyn. “Sir Anthony, saan tayo pupunta?” Hindi siya sinagot ni Anthony hanggang sa naglakad ito papunta sa sasakyan niya. Nang mapansin nito na wala na siyang kasunod ay huminto ito at saka humarap sa direksyon ni Analyn. “Kunin mo na ang birth certificate mo para makapagpakasal na tayo.”Napamaang si Analyn. “Ngayon na, Sir?” “Yes,” malamig na sagot ni Anthony kasabay ng malamig nitong pagtitig kay Analyn kaya agad na kumilos ang dalaga.“Tell me your address,” utos uli ni Anthony ng naka-usad na ang sasakyan niya. Inihatid ni Anthony si Analyn sa isang l
Nang lumabas si Analyn mula sa kuwarto niya ay agad siyang sinalubong ng Mama niya. Nakakapagtakang kalmado na ito. “Analyn, sorry na. Nabigla lang ako kanina. Okay lang sa akin kung sino man iyong pinakasalan mo. Pamilya pa rin tayo, hindi ba? Pero magpapakasal na ang kapatid mo at si Tin. At bilang nag-iisang kapatid ni Jiro, obligasyon mo na bigyan sila ng perang pampakasal nila.”Bahagyang hinawi ni Analyn ang Mama niya at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pintuan.“Wala ho akong pera.”Nagulat si Analyn nang ubod lakas siyang pinaharap ng Mama niya paharap dito. “Kung ganon, hiwalayan mo ang lalaking ‘yan. Pansamantala, makipag-live in ka muna kay Michael habang pinoproseso pa ang paghihiwalay n’yo. Kailangan natin ang pera ni Michael sa pagpapakasal ni Jiro.”Ubod lakas na tinagtag ni Analyn ang kamay ng Mama niya na nakahawak pa ng mahigpit sa braso niya. “Okay ka lang, ‘Ma? Para naman akong piraso ng karne na binebenta mo kung kanino.”“Hoy, Analyn. Pinalaki ka namin
Alam ni Analyn na gusto lang siyang inisin ni Anthony kaya inilagay roon ang size ng underwear niya. Kaya naman itiniklop na lang niya ang papel at saka iniwan sa ibabaw ng kama niya. Gusto niyang mag-shower nang mabilis bago tuluyang mahiga sa malambot na kama. Nakahiga na si Analyn nang maalala niyang kailangan niyang magsabi sa boss niya na hindi siya papasok bukas. As usual, inaasahan na niyang magagalit ang boss niya. Nag-half day na raw siya ngayong araw tapos ay wala pa siya bukas. Binigyan pa siya ng ultimatum nito. Na kung hindi siya papasok bukas ay ima-mark siyang absent ng isang buong linggo. Ibig sabihin, hindi siya makukuha ang sahod ng pang isang linggo. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Malaking bagay din iyong sahod niya ng isang linggo. Sabi nga nga nila, sahod is life!Pero hindi naman niya pwedeng idahilan sa boss niya na sasamahan niya si Anthony na dalawin ang lolo nito. Hindi pwedeng malaman sa opisina na nagpakasal siya sa boss ng DLM. Well, Sir Anthony
Sa wakas ay nakarating na sila Analyn at Anthony sa ospital. Bumaba si Athony para may kuhain sa likod na compartment ng sasakyan niya. Nang isara na niya ito ay saka lang niya napansin na nakatayo si Analyn sa tabi niya. “Nervous?” seryosong tanong niya sa dalaga.Pinaikot ni Analyn ang mga mata niya, sabay sabing, “sus! Bakit naman ako kakabahan? Sisiw na sisiw lang ‘to.” Nagkibit-balikat si Anthony. “Sisiw pala, eh. Eh di, tara na,” pagkatapos ay nauna na itong naglakad kay Analyn. Agad namang sumunod sa kanya si Analyn, pero sa totoo lang ay kinakabahan talaga siya. Habang nag-aabang sila sa pagdating ng elevator, hindi napigilan ni Analyn na magtanong kay Anthony. “Sir Anthony, masungit ba ang Lolo mo?”“Nope.” “Okay,” sabi ni Analyn at saka palihim na nagbuga ng hangin. “Just call me simply Anthony. Or Ton.”“Ha?” naguguluhang tanong ni Analyn. “I told you before, alam ni Lolo na may girlfriend na ako ng two years, di ba?”“Ow.” Naintindihan na ni Analyn. Meron nga ba
Nang isara ni Analyn ang pinto, binawi ni Anthony ang tingin niya roon. Muli niyang ibinaba ito sa chess board, at saka nagsalita nang hindi tumitingin sa lolo niya. “Yes, Lolo. Nung una. Pero ngayon gusto ko na si Analyn bilang siya.”Ngumiti si Greg.“It’s good that you really like Analyn. Ngayong lumagay ka na sa tahimik, matatahimik na rin ako. Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako manghihinayang na mawala. Kasi alam kong may mag-aalaga na sa ‘yo.” “Lolo…”Bahagyang tumawa si Greg.“Ano? Sa kamatayan na rin naman ako papunta talaga. Son, I am eighty years old already. Ano pa ba ang gusto mo? Umabot pa ako ng one hundred? Hinihintay na ako ng Lola mo. Ang gawin mo na lang, bilisan mo na at bigyan n’yo na ako ng apo sa tuhod ni Analyn,” nakangiting litanya ni Greg na para bang normal na paksa lang ang pinag-uusapan nila ni Anthony. Nag-alangang sumagot si Anthony, pero nang makita niya sa mukha ng lolo niya ang saya, napilitan siyang sagutin ito.“Sige, ‘Lo,” Samantala, sa labas
Nahalata ni Analyn na hindi nagbibiro si Anthony. Tumuwid siya ng upo at saka bahagyang nilingon ang lalaki. “Sorry. Hindi na mauulit. Mag-iingat na ako sa next time.”“Next time? Next time, you’re done,” malamig na sagot ni Anthony sa dalaga.“Bababa ako sa susunod na pagliko. Babalik ako sa ospital para puntahan muna si Papa.”Palibhasa ay nasa parehong ospital lang ang papa niya at ang lolo ni Anthony, pero nasa magkaibang building. Hindi naman kumontra si Anthony at sinunod ang utos ni Analyn. Bago bumaba si Analyn, hinarap niya si Anthony. “Sir Anthony, ang galing ko, di ba? Mukha namang masaya si Lolo Greg sa pagbisita ko.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony. “And so?”“Nangako ka, iyong isang linggong sahod ko.”“Ang dami ko nang binili sa ‘yo na mga damit at sapatos, kulang pa ba ‘yun?” Hindi nun nasindak si Analyn. Sa halip, inalis niya ang lock ng seatbelt niya at saka akmang bababa na ng sasakyan. “Okay. Pupuntahan ko na lang uli si Lolo Greg pagkagaling ko kay
Ilang minuto pang nag-usap sila Analyn at Jan. Lampas na ng alas-singko nang magpaalam na si Analyn. Dumaan muna siya sa isang malapit na grocery store para bumili ng mga gulay. Tamang-tama naman na malapit na lang din doon ang sakayan ng bus papunta sa Grace Village.Nakapagluto at nakakain na si Analyn pero hindi pa rin dumadating si Anthony. Hindi na niya hinintay ang lalaki. Umakyat na siya sa kuwarto niya at saka nag-shower nang mabilis. At dahil wala naman na siyang gagawin pa, minabuti niyang matulog na. Nasa kalaliman na ng gabi ang tulog ni Analyn nang makaramdam siya ng uhaw. Wala siyang choice kung hindi ang lumabas ng kuwarto niya at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Samantala, halos mag-uumaga na ng nakauwi si Anthony. Dumiretso siya sa kuwarto niya. Nakainom siya ng kaunti kaya gusto niyang mag-shower muna ng mabilis bago matulog. Nang buksan ni Anthony ang ilaw ng kuwarto niya, nagulat siya ng makita ang kama niya.“Ano’ng ginagawa ng babaeng ito sa kama ko?” i
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
“Paano ba nasusukat ang pagiging okay, ‘Nay Mercy?” balik-tanong niya sa ginang.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Analyn. Dadating din ang tamang oras at panahon. Malalaman mo na lang na naghilom na ang sugat sa puso mo. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung ano’ng problema ang meron ka. Pero lahat ng nararamdaman mo, ibigay mo sa Maykapal. Siya lang ang makakatulong sa iyo. Ituturo niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Nang nagpunta si Analyn dito sa kumbento, hindi niya sinabi kay Mercy ang dahilan ng kagustuhan niya na pansamantalang manirahan sa lugar. Hindi rin naman siya tinanong ng matandang babae, at sa halip ay inirekomend pa siya sa head ng mga madre roon. Tumango-tango si Analyn. Nagbaling siya ng tingin sa iba’t-ibang mga punong nasa harapan ng kumbento, habang kinakapa niya ang damdamin niya ngayon. Pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Mercy.“Ikaw, ‘Nay. Matagal ka na kamo rito, hindi ka pa ba okay sa tagal mo na rito sa kumbento?”“Malalaki na
“Get out,” utos ni Anthony kay Karl, na siyang nakaupo sa driver's seat. “Boss, saan tayo pupunta?” tanong ni Karl. “I said get out! Ako ang magda-drive!”“P-Pero, Boss…” atubiling sagot ni Karl dahil napansin nito ang hindi magandang itsura ng mukha ng amo. “Aalis ka riyan o aalisin kita sa trabaho?” tila pikon na pikon na tanong ni Anthony. Nagmamadaling binuksan ni Karl ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.Mabilis namang umakyat ng sasakyan si Anthony pagkababa ni Kar. “Boss, samahan na kita,” alok ni Karl sa amo. “Shut up!” Pagkatapos ay malakas na isinara ni Anthony ang pintuan ng sasakyan niya. Wala ng nagawa si Karl ng pasibarin ng amo ang sasakyan nito. Sakto naman na kalalabas lang ng sekretarya ni Anthony at nakita niya ang pagharurot ng sasakyan na kinalululanan nito.“Bakit mo pinayagang mag-drive?” nag-aalalang tanong ng sekretarya kay Karl habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan ng amo. Binitiwan ni Karl ang tingin sa sasakyan at saka nagbaling
May nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang
Nagulat si Analyn ng may huminto sa harapan niya na kulay itim na sasakyan paglabas niya ng ospital. Nang bumaba ang sakay nun ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Parang biglang nalagay sa PAUSE ang lahat sa paligid niya at ang nakikita lang niyang gumagalaw ay ang lalaking matagal ng hindi nasilayan ng mga mata niya. Iilang oras pa lang na nakabalik ng Tierra Nueva si Anthony pero nahanap na agad siya. Hindi nakagalaw si Analyn. Natulos siya sa kinatatayuan niya. Namalayan na lang niya na nasa harapan na pala niya si Anthony. “Masakit pa ba? May masakit ba sa ‘yo ngayon?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Anthony. Hindi niya kasi matukoy kung alin ba ang masakit na naramdaman niya ng mga nakaraang araw.Napilitang tingnan ni Analy si Anthony. Tinitigan niya ito sa mga mata nito. At saka niya napagtanto na ang lalaking dating pamilyar na pamilyar sa kanya, ngayon bigla, ay estranghero na sa kanya.Hindi malaman ni Analyn kung
Ngumiti si Analyn kay Edward. “Ayoko nga sana kasi masasarap ang pagkain dito, pero kailangan ko ng umalis talaga. Baka kasi singilin mo na ako.”“Hindi ko naisip ‘yan, pero binigyan mo ako ng idea,” ganting biro ni Edward. Malapad na ngumiti si Analyn. “Kaya nga uunahan ko ng umalis.” “So, saan ka pupunta pag-alis mo rito ngayon?” “Uhm? Sa ospital.” Tumaas ang isang kilay ni Edward. “Sa ospital?”“Kailangan ko munang mag-follow up check-up. Mula nang lumabas ako ng ospital sa Hongkong, hindi pa ako natingnan ulit ng doktor.” Nagkibit-balikat lang si Edward. Hindi naman nagsinungaling si Analyn. Sa ospital talaga siya nagpunta nang umalis siya sa poder ni Edward. Sa kabutihang palad, maganda ang resulta lahat ng laboratory test at iba pang eksaminasyon niya. “Doc, magkaka-anak pa ba ako?” Hindi napigilang itanong ni Analyn sa OB-Gyne na kaharap ngayon. “Ano ba’ng tanong ‘yan, iha? Bata ka pa, of course, pwede ka pang magbuntis at manganak,”Tipid na ngumiti si Analyn. NAPA
Tatlong araw na ang nakaraan. Biglang maraming dumating na investment sa DLM Group, dahilan para umayos na ang masamang sitwasyon ng kumpanya. Bigla, gumanda ang kinalalagyan ng kumpanya sa stock market, at bumagsak naman ang sa mga kumalaban na kumpanya sa DLM. Dahil ligtas na ang DLM sa posibleng tuluyang pagbagsak nito, bumalik na sa Tierra Nueva si Anthony. Sa airport, maraming reporters ang hindi inaasahan ni Anthony ang sumalubong sa kanya.“Mr. De la Merced, okay na po ba ang lagay ng DLM Group of Companies kaya bumalik ka na? For good na ba ang pagbalik mo rito?”“Pwede mo bang ibahagi sa amin ang mga naging plano mo ng counter- attack habang nasa Hongkong ka?”“Mr. De la Merced, ano ang magiging next step mo?” “Sir, Sir… ano po ang relasyon ninyo ni Miss Brittany Esguerra?” Dahil sa sobrang sikip at napapalibutan si Anthony ng mga bodyguard niya, hindi sinasadya ng isang taga-media na tamaan ng mic niya ang pisngi ni Anthony. Biglang huminto sa paglalakad si Anthony at s
“Hoy! Bakit ka sumasabat sa usapan namin? Isa ka lang na taga-silbi rito,” sita ng isang lalaki. “Oo nga, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan namin dito?” sabi pa ng isa.Ngumiti si Analyn. Umaayon sa plano niya ang nangyayari ngayon.“Yes, sino ba ang hindi nakakaalam ng kasalukuyang sitwasyon ng DLM Corporation? Nasa krisis ngayon ang nasabing kumpanya, pero sa palagay ko, kayang baligtarin ng DLM ang masamang kapalaran niya ngayon. From defeat to victory. Dati akong nagtatrabaho sa DLM, sa isang mahalagang departamento, kaya alam na alam ko ang financial situation ng kumpanya. At naaalala ko na itinago ni Sir Anthony ang strategy na iyon mula sa ibang mga kalabang kumpanya sa Tierra Nueva para subukan sila.”Napuno ng pagtataka ang mga mukha ng mga lalaking naroroon. “Ano’ng sabi mo? Nagtrabaho ka sa DLM?” tanong ng isang lalaki roon. “Kung ganun, ano’ng ginagawa mo rito bilang isang waiter?” tanong ng isa pa at saka pasimpleng hinagod ng tingin ang unipormeng pang-waiter na s