“You know, kababata ko si Alistair, and tita Barbara was really like me for his son. But we are surprised ng malaman namin na biglang nagpakasal si Alistair sa babaeng ‘yun. Talagang napakabilis ng mga pangyayari. You know, hindi naman mangyayari ang bagay na ‘yun kung nandito lang sana ako sa Pilipinas. Nagkataon kasi na nagkaroon ng problema sa mga negosyo ng pamilya ko kaya natagalan bago ako bumalik ng bansa.” Habang lulan ng sasakyan ay masayang ikinuwento ni Felma kung gaano kalalim ang relasyon niya sa mag-inang Barbara at Alistair. “Pero bakit umabot ka sa edad na twenty seven ay hindi man lang kayo nabigyan ng pagkakataon ni Alistair na magkatuluyan?” Curious na tanong ni Denice, lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Felma. Saglit siyang natigilan na wari mo ay may biglang naalala. “Alistair and I in relationship, nang mga panahon na ‘yun ay twenty pa lang ako. Subalit, nagkaroon ng isyu sa pagitan namin ni Marco, I didn’t know na malalim pala ang hidwaan ng magpins
“Well, hindi ko inaasahan ang biglang pagdalaw n’yo, and take note, for the first time nagsama ang ahas at ang linta. Iniisip mo ba na mahahawakan mo sa leeg ang asawa’t biyenan ko? Ms. Linta? Oh, sorry, what’s your name again?” Nang-aasar kong tanong, nakataas ang kaliwang kilay ko habang nakapaskil ang tila malademonyong ngiti sa sulok ng labi ko. Nasisiyahan na pinagmasdan ko kung paano sumiklab sa galit ang babaeng linta. Habang ang traydor kong kaibigan ay kulang na lang patayin ako sa pamamagitan ng matalim niyang mga tingin. “How dare you! Masyado ka naman yatang ambisyosa para umupo sa upuan na ‘yan?” Nang-uuyam na pahayag ni Felma, kaya naman isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ko. Mahinhin akong tumayo at lumipat sa unahan ng lamesa. Magkasalikop ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib na sumandal sa gilid ng lamesa. “I’m Attorney. Louise Howard Thompson, the wife of Chief Executive officer, so I can say that I have the right to sit here. Then how about y
“I can’t believe this! Nagawa mong ipagkatiwala sa babaeng ‘yun ang pamamahala sa malaking project ng kumpanya!? Are out of your mind, Alistair!?” Nanggagalaiti sa galit ang aking ina ng pagbigyan ko ang kahilingan ng aking asawa. But for me, there’s nothing wrong with that. “She not just a girl, Mamâ. She’s my wife!” Matigas kong sagot kaya mas lalo lang siyang sumabog sa galit. “I don’t care! Dahil kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang babaeng ‘yan! She a kriminal! Nang dahil sa kanya ay kamuntikan ka ng mawala sa akin. Bukod pa run ay nagawa niyang ipaako sayo ang anak niya sa ibang lalaki!” “Aiden is my Child, Mamâ!” Matigas kong saad na siyang pumutol sa pagsasalita nito. Pero imbea na huminahon ay nanlisik sa galit ang kanyang mga mata. “Tuluyan na talagang nilason ng babaeng ‘yan ang utak mo, Anak! Mas pipiliin mo pa ba ang babaeng iyon kaysa sa sarili mong ina!?” Puno ng hinanakit na pahayag niya sa akin, habang ang kanyang mga mata ay nagsisimula ng lumuha. S
Mula sa pagdidilig ng halaman ay natigil sa kanyang ginagawa si Mr. Arthur, ang ama ni Louise.Naagaw ang atensyon nito ng dalawang sasakyan na huminto mismo sa tapat ng kanilang gate. Ilang sandali pa ay bumaba ang isang matangkad na lalaki na may seryosong mukha. Batid ni Mr. Arthur na hindi ito basta-bastang tao, dahil sa tikas ng tindig nito. Mula sa magarang kasuotan at maging sa nangingintab nitong sasakyan na halatang hindi biro ang halaga ay malalaman mo na isa itong bilyonaryo. Kumilos si Mr. Arthur at pinatay ang gripo upang harapin ang hindi inaasahang bisita. Samantalang si Alistair ay kasalukuyang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng bahay na nabili ng kanyang asawa. Napangiti siya dahil napansin niya na matalino ang kanyang asawa at magaling kumilatis ng property. “Sir, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Magalang na tanong sa akin ng isang maedad na lalaki. Napakasimple nitong tao dahil sa suot niyang lumang t-shirt at maong na short. Tingin ko ay mas bata ito ng l
“Ma’am, bawal kayong pumasok sa loob.” Narinig kong saad ng secretary ni Alistair mula sa labas ng opisina. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto. Walang pasabi na pumasok si Felma sa loob ng opisina habang ang secretary ng aking asawa ay pilit itong pinipigilan. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa akin na wari mo ay gusto na ako nitong patayin. “Ano ang ibig sabihin nito!?” Galit na tanong ni Felma sabay bagsak ng hawak nitong folder sa ibabaw ng table habang nanatiling nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Pinagkibit-balikat ko lang ang marahas na aksyon ng babaeng ito, at nanatili lang akong kalmado.Samantalang ito ay hinihingal na sa matinding galit.Kahit hindi ko na basahin ang laman ng folder sa aking harapan ay alam ko na kung ano ang i-pinagpuputok ng butse nito. “What are you talking about? You see, I’m busy.” Walang gana kong sagot bago pumihit paharap sa screen ng aking laptop. Umakto ako ng kunway wala siya sa aking harapan.“Answer me, stupida!” Bulyaw nito
“Si Mamâ?” Malumanay kong tanong sa secretary ng aking biyenan. Mabilis itong tumayo at ngumiti sa akin. Marahil, sa sobrang abala nito ay hindi na niya namalayan ang pagdating ko. “Good morning, Ma’am! Nasa meeting pa po si Ma’am Barbara.” Nakangiti niyang sagot sa akin. “Papasok na ako sa loob para ihanda ang pagkain n’ya, please don’t tell her na, sa akin ito galing.” Nakakaunawa na kaagad siyang tumango. Ang secretary ng aking biyenan ang kasabwat ko para magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa opisina nito. Alam naman ng secretary ni Mamâ ang pagnanais ko na mapalapit sa aking biyenan. Kaya personal kong ipinagluluto ito ng sarili niyang pagkain. Kahit na kinasusuklaman ako ng aking biyenan ay hindi pa rin ako sumusuko, umaasa pa rin ako na balang araw ay makukuha ko rin ang loob nito at magiging maayos ang relasyon naming magbiyenan. Ina siya ng aking asawa at isang kaming pamilya, kaya hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang galit ng aking biyenan. “Makakaasa po k
“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Tanging ang tunog ng makinilya ang maririnig sa loob ng silid. Kasalukuyan akong nandito sa loob ng library at patuloy na nagsasaliksik at sinusuring mabuti ang tungkol sa kontrata. Inaalam ko kasi kung sino ang mga taong may konektado sa negosyong ito. Isa-isa kong kinukuha ang bawat pangalan ng mga taong nag-invest sa kumpanya ng pamilya ni Felma. Subalit, nahihirapan akong makakuha ng impormasyon. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Saglit na tumigil sa pagtipâ ang aking mga daliri upang sagutin ang tawag. “Yes?” “Hey best… kumusta?” Bati sa akin ng kaibigan kong reporter. Dahil sa kaibigan kong ito ay naging madali ang lahat para sa akin na turuan ng leksyon si Rhed. Marahil kung iisipin ay tila napakasama kong tao, pero wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. And besides, wala naman akong sinaktan, inilabas ko lang ang mga kalokohan ng Rhed na ‘yun sa publiko. Kung hindi ko kasi gagawin ‘yun ay siguradong pat
Humimpil ang aming sinasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pagkatapos na iparada ng maayos ni Alistair ang kotse ay bumaba ito ng sasakyan saka umikot sa kabilang side nito upang pagbuksan ako ng pinto. Nang makababâ, isang masuyong halik ang iginawad ko sa aking asawa na siyang ikina-ngiti nito. “Dapat araw-araw pala kitang i-pagbukas ng pinto para lagi akong may halik.” Natatawa na saad ni Alistair, sabay hapit sa maliit kong baywang. Nakakatuwa na nagagawa ng makipag-asaran sa akin ni Alistair kahit na nasa public place kami. “Pwede naman, Sweetheart, kaso, hindi ako kuntento sa halik lang.” ani ko habang nakapaskil ang isang pilyang ngiti sa mga labi ko, sabay pasok ng kamay ko sa kaliwang bulsa nito. Naramdaman ko na nanigas ang katawan nito ng nanunuksong hinaplos ng aking daliri ang pagkalalaki nito mula sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. “Damn, Louise.” Saway niya sa akin sa seryosong tinig, ramdam ko ang biglang pagtaas ng tensyon sa katawan nito. Hindi ko