“Kasalukuyan kaming lulan ng isang magarang sasakyan. Ilang sandali pa ay humimpil ito sa tapat ng mansion. Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatitig lamang sa i-isang direksyon. Hindi nakaligtas sa malakas na pakiramdam ng aking asawa ang pananahimik ko sa buong biyahe. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. Ginagap niya ang palad ko habang sa kanang bisig nito ay karga ang anak kong si Aiden na kasalukuyang tulog sa kanyang balikat. “Sweetheart, is there anything wrong?” Nag-aalala na tanong nito, imbes na sumagot ay walang gana kong piniksǐ ang kamay nitong nakahawak sa kanang braso ko. Muli, isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya, subalit, hindi ko na ito pinansin pa. Iniwan ko siya at diretso na pumanhik ng hagdan. Pagdating sa ikalawang palapag ng bahay, kaagad akong pumasok sa loob ng silid ng aking mga anak. Pagkatapos na mag-spray ng alcohol sa kamay ay nilapitan ko ang aming mga anak na mahimbing ng
“What happened to you, Denice!? Hinayaan mo na mapunta sa babaeng iyon ang malaking proyekto!?” Hindi makapaniwala na pahayag ni Cynthia. Kapapasok pa lang niya mula sa pintuan ng opisina nito ay ito kaagad ang bungad niya sa kanyang anak. Dalawang araw na ang lumipas simula ng manalo si Louise mula sa bidding. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na nakuha nito ang lahat ng mga malalaking investor. Mas lalo siyang sumabog sa galit ng tuluyang umatras ang ilang investor na bumoto sa kanya. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Cynthia ng napansin niya na hindi gumagalaw mula sa kanyang kinauupuan si Denice. Ni hindi man lang ito nag-effort na lumingon sa kanya, para itong walang narinig. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Cynthia. Ibinabâ niya ang bag sa isang upuan na malapit sa kanya saka maingat na humakbang palapit sa kanyang anak. Humakbang si Cynthia at dumaan sa harap ng kanyang anak, subalit, ni ang kumurap ay hindi nito ginawa. Lagpasan ang tin
“Kumuha ka ng bagong appointment sa LTC company, at ibigay mo sa akin ang lahat ng listahan ng mga kumpanya na pwedeng maging supplier ng ating kumpanya.” Habang sinasabi ito ni Denice sa kanyang assistant ay wala kang makikita na anumang emosyon sa mukha nito. Iisipin ng sinumang makakita sa kanya na mukha siyang hindi marunong ngumiti. “Ma’am, ang mabuti pa ay manatili na lang muna kayo sa loob ng inyong opisina.” Alanganing saad ng kanyang assistant. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Denice at naguguluhan na hinarap ang kanyang assistant. “What do you mean?” Kunot ang noo na tanong nito sa kanyang assistant, napansin ni Denice na bahagyang lumunok ang kanyang empleyada, subalit, makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanya. “Hindi po ba kayo active sa social media?” Balik tanong nito sa kanya kaya mas lalo lang naguluhan si Denice. Diretsahin mo ako, you know how busy I am.” Napipika na sermon niya sa kanyang tauhan, imbes na sumagot ay kinuha ng babae an
“Daddy, when are you coming home?" Malungkot na tanong ni Aiden sa kanyang Ama, kasalukuyan kaming palabas ng silid. Buhat niya sa magkabilang bisig ang aming panganay na si Aiden at ang pangalawa naming anak habang karga ko naman ang aming bunso. "Daddy will only be gone for three days, but I'll still try to come home earlier." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Alistair habang nakikipag-usap sa kanyang mga anak. Maging ako ay nahawaan ng magandang ngiti nito, dahil hindi na mapaknit ang ngiti sa mga labi ko. “Uhm, Daddy, can we go with you?” Cute na tanong ng pangalawang anak namin, si Julien. Medyo bulol pa ito sa pagsasalita. Lumambong ang mukha ng kanilang ama at mula sa mga mata nito ay nakikita ko ang lungkot para sa maikling panahon na mawawalay sa aming mag-ina.“I’m sorry, son, maybe next time. This is an important matter, kaya biglaan ang business trip ni Daddy.” Malungkot na sagot ni Alistair bago isa-isang hinagkan sa pisngi ang kanyang mga anak. Mahigpit na yumaka
“Oh my God! Arthur! Madali ka!” Malakas na wika ni Mommy, kaya naman mula sa bintana ay kita ko na nagmamadali si daddy na makalabas ng bahay. Pagdating niya sa bungad ng pintuan ay katulad ni Mommy, nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakatitig sa aming mag-ina. Halatang labis na nagulat ang aking mga magulang ng makita ang kanilang mga apo. “A-apo ko na ba ang tatlong anghel na ‘to?” Di makapaniwala na tanong ni daddy. Naluluha sa galak na lumuhod siya sa sahig habang nakalahad sa ere ang kanyang mga braso. “Aiden, hug your Lolo-daddy.” Utos ko sa aking panganay, natuwa ako ng sugurin nito ng yakap ang kanyang lolo. Makikita ang kasiyahan sa mukha nila habang buong pananabik na binuhat ni Daddy ang panganay ko saka ito mahigpit na niyakap. Habang ang anak kong si Julien ay tumakbo papunta sa kanyang lola. Matapos ang ilang minuto ay ibinaba ni daddy si Aiden upang ang pangalawa kong anak na si Julien ang sunod nitong yayakapin. Natigilan kaming lahat ng napansin namin si Aide
“S**t!” Pagkatapos ng malutong na mura ay padabog na ibinaba ni Rhed sa ibabaw ng lamesa ang hawak niyang folder. Isa itong report ng kanyang mga empleyado tungkol sa kasalukuyang estado ng kanilang kumpanya. Disappointed, ito ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa nangyayari sa kanilang kumpanya. Pabagsak na umupo siya sa kanyang swivel chair, at walang tigil ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. Mabilis siyang nag-angat ng tingin dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Kasunod nito ang pagpasok ng kanyang ama na may matapang na mukha. Base sa mga tingin nito at batid niya na alam na nito ang mga nangyayari sa kumpanya. “D-Dad?” Alabganing tawag niya sa kanyang ama saka mabilis na tumayo. Pagkatapos ng apat na hakbang ay huminto siya sa mismong tapat ng kanyang ama. Subalit, isang malakas na suntok ang naging tugon ng kanyang ama. Ang mga bagâng nito ay nagngangalit, halatang nanggagalaiti ito sa galit. “Ipinagkatiwala ko s
“Excuse me, Ma’am, nagpupumilit si Mr. Harim na makausap ka, hindi na raw niya mahihintay pa ang kanyang appointment.” May pag-aatubili na wika ng aking secretary, bigla na lang itong pumasok sa loob ng opisina ko ng wala man lang permiso. “I’m busy.” Tipid kong sagot bago muling ibinaling ang tingin sa dokumento na nasa kamay ko. “Pero, Ma’am, nagkakagulo na sa lobby at mukhang walang balak na umalis si Mr. Harim.” Hindi magkandatuto na paliwanag nito, halata sa mukha ng aking sekretarya na hindi na nito alam kung ano ang gagawin. Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot dito. “Papasukin mo.” Tila walang gana na sagot ko dito, mabilis na nagyuko ng kanyang ulo ang aking sekretarya bago dali-dali itong lumabas ng opisina ko. Umangat ang sulok ng bibig ko at lumitaw ang isang makahulugang ngiti saka prenteng i-sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan. Makalipas ang kinse minuto ay muling bumukas ang pinto. Pumasok si Rhed na may seryosong mukha.
“Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko sa babaeng ‘yan. Bukod sa tamad na ay inaasa na lang ang lahat sa mga katulong ang pag-aalaga sa kanyang mga anak.” Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng Mansion ay ito na kaagad ang sumalubong sa akin. Ang pasaring ng aking biyenan. Palihim akong nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Upang habaan pa ang aking pasensya. Nagkunwari akong bingi at pipi sa harap ng mga ito, maging si Felma ay hindi ko pinag-aksayahan ng oras na tapunan ng tingin. Napapadalas na kasi ang pananatili nito sa Mansion at batid ko na sinasadya ito ng aking biyenan. Hindi ko naman pwedeng pagtabuyan ang babaeng ito dahil sigurado na ang biyenan ko naman ang makakalaban ko. “Mommy!” Sabay na tawag sa akin ng bunso kong si Chad at ni Julien. Nag-unahan ang magkapatid na makalapit sa akin habang ako ay nakangiti na ibinuka ang mga braso ere at hinintay ang kanilang paglapit. Lihim akong napangiti ng makita ko ang sabay na pag-ismid ng dalawan