“Five thirty ng hapon ng lumapag ang private plane sa Manila International Airport. Diretso lang ang tingin ko sa unahan ng aming nilalakaran habang karga ang bunso kong anak. Komportable naman ako sa suot kong mahabang puting bestida na hanggang talampakan ang haba. Kahit maluwang ang laylayan ng damit na ‘to ay bagsak naman ang malambot nitong tela kaya halos hakab pa rin itong tingnan at sunod sa bawat kumpas ng aking katawan ang bestidang ito. Habang sa tabi ko ay ang aking asawa na naka-casual attire ngunit kagalang-galang pa rin itong tingnan.Paglabas namin ng airport ay nagulat ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming reporter na tila sadyang kami ang hinihintay ng mga ito. Mabuti na lang ay may suot akong malaking shades kaya kahit papaano ay maikukubli ko ang aking mukha. Nagtataka na lumingon ako sa aking asawa ngunit hindi na ako nito pinansin dahil ang kanyang atensyon ay nasa media na walang humpay ang pagkuha ng mga litrato sa aming mag-asawa. Mabilis kong kinabig an
“N-No… Mom, nagbalik s’ya, nagbalik si Louise…” nahintakutan na saad ni Denice habang nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa malaking flat screen ng TV na nasa kanilang salas. Samantala, nanatili lang na tahimik si Mrs. Cynthia ngunit ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ng babaeng kasalukuyang pinagkaguluhan ng mga media. “Attorney Thompson, sa tingin mo ba ay kaya mong ipanalo ang kasong ito? At hindi ka ba natatakot na malagay sa alanganin ang buhay mo?” Seryosong tanong ng reporter kay Louise ngunit mas lalong napako ang tingin ng mag-ina sa mukha ng lalaking nasa tabi nito na naka suot ng mamahaling suit habang ang mga mata ay natatakpan ng mamahalin sunglasses. “Of course we will, at bakit ako matatakot? May mas nakakatakot pa ba sa asawa ko?” Puno ng confindence na sagot ni Louise habang nakapaskil ang isang tipid na ngiti mula sa malarosas nitong mga labi. Natawa ang lahat dahil sa kanyang tinuran maging ang asawa nito na nakayakap ang isang braso sa maliit niyang
Naka-corporate attire at nakasukbit naman sa kanang braso ni Denice ang latest design ng isang mamahaling bag habang taas noo na naglalakad papasok sa loob ng isang mamahaling Chinese restaurant. Halos hindi mapigilan ng mga tao sa loob ng restaurant ang lumingon sa kanyang direksyon at ang mga mata ng lahat ay kakikitaan mo ng paghanga. Nagdiwang ang kalooban ni Denice dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya naman mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na para bang ang mga paa nito ay nakalutang sa alapaap. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi ng makita niya na kumakaway ang isang Ginang mula sa isang lamesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa nakalapit na siya sa pwesto ng kanyang kliyente. "Hi, Mrs. Celiz. Finally, I had the opportunity to meet a beautiful lady like you.” Magalang na bati ni Denice sa malambing na tono na may kalakip na papu
“Nervous?” Pagkapatapos na maghilamos ay natigilan si Denice ng marinig niya mula sa kanyang likuran na nagsalita si Louise. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at nanlilisik sa galit na tumitig siya sa salamin. Sumalubong sa kanyang mga mata ang matapang na mukha ni Louise habang nakapaskil sa sulok ng bibig nito ang nang-uuyam na ngiti.Pak!” Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Denice mula kay Louise ng pumihit siya paharap dito. Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom. Hindi alam ni Denice na sinundan pala siya ni Louise. Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ng mukha si Denice at wala sa sarili na tumitig siya sa mukha ni Louise habang sapo ng kanyang palad ang nasaktang pisngi. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Louise na para bang gusto na siya nitong patayin. Nakadama ng matinding takot si Denice kaya paulit-ulit na kumurap ang kanyang mga mata. “Now tell me, bakit mo ako trinaidor? Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan sayo Denice!” Matigas kong tanong sa kanya habang
Halos pigil ko na ang aking hininga habang hawak ang serradura ng pinto. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako nagdesisyon na pihitin ito at tuluyang pumasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Ang madilim na silid ang sumalubong sa aking paningin, at tanging ang matamlay na liwanag ng buwan ang nagsisilibing ilaw ng buong silid. Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw habang inililibot ko ang aking mga mata hanggang sa napako ang tingin ko sa likod ng aking asawa. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pintuan ng beranda, nakapamewang ito at abalâ sa pakikipag-usap mula sa cellphone na nasa tapat ng kanyang tenga. Madilim na ang paligid sa labas at tanging ang tunog ng mga kulisap ang maririnig, habang sa magkabilang gilid ng aking asawa ay inililipad ng panggabing hangin ang manipis na puting kurtina. Ramdam ko ang matinding pressure sa awra ng aking asawa at batid ko na ang pananahimik nito ay nagbabadya ng panganib para sa aking kaligtasan. Dahan-dahan kong
Five star hotel and restaurant… “Oh my, I’m sorry, hindi ko sinasadya, Miss.” ani ni Rhed ng mabangga niya ang isang babae mula sa kanyang likuran. Abalâ kasi siya sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya hindi niya ito napansin. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa man ito bumagsak sa sahig. Labis na namangha si Rhed ng masilayan niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon masusi niyang pinagmasdan ito mula sa dulo ng kulay kremang sapatos nito. Maging ang bawat anggulo ng suot nitong hapit na minidress at nagtagal pa ang mga mata niya sa malusog nitong dibdib. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa at ganun na lang ang gulat ni Rhed ng matitigan niya ang mukha ng babae. “L-Louise?” Base sa reaksyon ng mukha ni Rhed, akala mo’y nakakita ito ng multo. Saglit siyang natulala sa magandang mukha ni Louise. Hindi siya makapaniwala na ito na ngayon si Louise, dahil para sa kanya ay higit itong gumanda ku
“Tell me, sino ang lalaking ‘yun, Louise?” Ito kaagad ang tanong sa akin ni Alistair at ramdam ko na pinagdududahan pa rin ako nito. Hindi na kami nakakain pa ng dinner, dahil pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant ay dito na kami dumiretso sa kanyang opisina.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang galit nito bagkus ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong humakbang palapit sa kinatatayuan ng aking asawa. Nang nasa tapat na ako nito ay maingat na niyakap ko ang kanyang katawan tila sa mga bisig nito nakasumpong ng kakampi.“Siya ang lalaking sumira ng buhay ko, marahil ay hindi mo na naalala pero siya ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na naaksidente tayo.” Mababa ang tinig ko habang nagsasalita ngunit ramdam mo ang matinding emosyon na bumabalot sa aking katawan. Marahil ay naramdaman ni Alistair ku
Blag! Gulat na napalingon si Denice sa may pintuan ng kanyang silid ng padabog na bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang asawa na halatang balisâ at halata sa hilatsa ng mukha nito na labis itong nababahala. “Huh? Himala? Mukhang napaaga yata ang uwi mo ngayon? Bakit? Hindi ka ba pinadali ni kumare kaya mainit ang ulo mo ngayon!?” Nang-uuyam na tanong ni Denice sa kanyang asawa, ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na para bang wala itong narinig. Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni Rhed hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng kanyang asawa. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Denice ng marahas na haklitin ni Rhed ang kanyang braso. “Tell me? Alam mo na asawa ni Louise si Mr. Thompson, Right?” Matigas na tanong ni Rhed na tila nanggigigil, gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha ni Louise. “Why? Scared?” Nang-aasar na tanong ni Denice habang pinanatili nito ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi. “Huwag mong ubusin ang ang p