“Mommy!” Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng aking mga anak. Sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang tatlong anak ko na nag-uunahan na makapasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at nagmamadaling bumangon habang kipkip ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nang kumilos ako ay naalimpungat si Alistair at mabilis na bumangon din ito habang nakatitig sa mga bata, halatang inaantok pa rin ito ngunit kalaunan ay lumapad ang ngiti sa mga labi ng aking asawa ng masilayan niya ang mukha ng aming mga anak na puro lalaki. Kaagad na inabot ko ang aking roba na nakatupi sa gilid ng kama at may pagmamadali na isinuot ito. Wala kasi akong saplot sa katawan. Samantalang si Alistair ay tanging puting brief lang ang suot nito kaya nakahantad ang maskulado nitong katawan. “My sons!” Sabik na bigkas ni Alistair habang nakalahad sa ere ang mga braso nito. Ngunit natigil sa paghakbang ang aking mga anak habang na
“Five thirty ng hapon ng lumapag ang private plane sa Manila International Airport. Diretso lang ang tingin ko sa unahan ng aming nilalakaran habang karga ang bunso kong anak. Komportable naman ako sa suot kong mahabang puting bestida na hanggang talampakan ang haba. Kahit maluwang ang laylayan ng damit na ‘to ay bagsak naman ang malambot nitong tela kaya halos hakab pa rin itong tingnan at sunod sa bawat kumpas ng aking katawan ang bestidang ito. Habang sa tabi ko ay ang aking asawa na naka-casual attire ngunit kagalang-galang pa rin itong tingnan.Paglabas namin ng airport ay nagulat ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming reporter na tila sadyang kami ang hinihintay ng mga ito. Mabuti na lang ay may suot akong malaking shades kaya kahit papaano ay maikukubli ko ang aking mukha. Nagtataka na lumingon ako sa aking asawa ngunit hindi na ako nito pinansin dahil ang kanyang atensyon ay nasa media na walang humpay ang pagkuha ng mga litrato sa aming mag-asawa. Mabilis kong kinabig an
“N-No… Mom, nagbalik s’ya, nagbalik si Louise…” nahintakutan na saad ni Denice habang nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa malaking flat screen ng TV na nasa kanilang salas. Samantala, nanatili lang na tahimik si Mrs. Cynthia ngunit ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ng babaeng kasalukuyang pinagkaguluhan ng mga media. “Attorney Thompson, sa tingin mo ba ay kaya mong ipanalo ang kasong ito? At hindi ka ba natatakot na malagay sa alanganin ang buhay mo?” Seryosong tanong ng reporter kay Louise ngunit mas lalong napako ang tingin ng mag-ina sa mukha ng lalaking nasa tabi nito na naka suot ng mamahaling suit habang ang mga mata ay natatakpan ng mamahalin sunglasses. “Of course we will, at bakit ako matatakot? May mas nakakatakot pa ba sa asawa ko?” Puno ng confindence na sagot ni Louise habang nakapaskil ang isang tipid na ngiti mula sa malarosas nitong mga labi. Natawa ang lahat dahil sa kanyang tinuran maging ang asawa nito na nakayakap ang isang braso sa maliit niyang
Naka-corporate attire at nakasukbit naman sa kanang braso ni Denice ang latest design ng isang mamahaling bag habang taas noo na naglalakad papasok sa loob ng isang mamahaling Chinese restaurant. Halos hindi mapigilan ng mga tao sa loob ng restaurant ang lumingon sa kanyang direksyon at ang mga mata ng lahat ay kakikitaan mo ng paghanga. Nagdiwang ang kalooban ni Denice dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya naman mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na para bang ang mga paa nito ay nakalutang sa alapaap. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi ng makita niya na kumakaway ang isang Ginang mula sa isang lamesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa nakalapit na siya sa pwesto ng kanyang kliyente. "Hi, Mrs. Celiz. Finally, I had the opportunity to meet a beautiful lady like you.” Magalang na bati ni Denice sa malambing na tono na may kalakip na papu
“Nervous?” Pagkapatapos na maghilamos ay natigilan si Denice ng marinig niya mula sa kanyang likuran na nagsalita si Louise. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at nanlilisik sa galit na tumitig siya sa salamin. Sumalubong sa kanyang mga mata ang matapang na mukha ni Louise habang nakapaskil sa sulok ng bibig nito ang nang-uuyam na ngiti.Pak!” Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Denice mula kay Louise ng pumihit siya paharap dito. Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom. Hindi alam ni Denice na sinundan pala siya ni Louise. Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ng mukha si Denice at wala sa sarili na tumitig siya sa mukha ni Louise habang sapo ng kanyang palad ang nasaktang pisngi. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Louise na para bang gusto na siya nitong patayin. Nakadama ng matinding takot si Denice kaya paulit-ulit na kumurap ang kanyang mga mata. “Now tell me, bakit mo ako trinaidor? Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan sayo Denice!” Matigas kong tanong sa kanya habang
Halos pigil ko na ang aking hininga habang hawak ang serradura ng pinto. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako nagdesisyon na pihitin ito at tuluyang pumasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Ang madilim na silid ang sumalubong sa aking paningin, at tanging ang matamlay na liwanag ng buwan ang nagsisilibing ilaw ng buong silid. Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw habang inililibot ko ang aking mga mata hanggang sa napako ang tingin ko sa likod ng aking asawa. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pintuan ng beranda, nakapamewang ito at abalâ sa pakikipag-usap mula sa cellphone na nasa tapat ng kanyang tenga. Madilim na ang paligid sa labas at tanging ang tunog ng mga kulisap ang maririnig, habang sa magkabilang gilid ng aking asawa ay inililipad ng panggabing hangin ang manipis na puting kurtina. Ramdam ko ang matinding pressure sa awra ng aking asawa at batid ko na ang pananahimik nito ay nagbabadya ng panganib para sa aking kaligtasan. Dahan-dahan kong
Five star hotel and restaurant… “Oh my, I’m sorry, hindi ko sinasadya, Miss.” ani ni Rhed ng mabangga niya ang isang babae mula sa kanyang likuran. Abalâ kasi siya sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya hindi niya ito napansin. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa man ito bumagsak sa sahig. Labis na namangha si Rhed ng masilayan niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon masusi niyang pinagmasdan ito mula sa dulo ng kulay kremang sapatos nito. Maging ang bawat anggulo ng suot nitong hapit na minidress at nagtagal pa ang mga mata niya sa malusog nitong dibdib. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa at ganun na lang ang gulat ni Rhed ng matitigan niya ang mukha ng babae. “L-Louise?” Base sa reaksyon ng mukha ni Rhed, akala mo’y nakakita ito ng multo. Saglit siyang natulala sa magandang mukha ni Louise. Hindi siya makapaniwala na ito na ngayon si Louise, dahil para sa kanya ay higit itong gumanda ku
“Tell me, sino ang lalaking ‘yun, Louise?” Ito kaagad ang tanong sa akin ni Alistair at ramdam ko na pinagdududahan pa rin ako nito. Hindi na kami nakakain pa ng dinner, dahil pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant ay dito na kami dumiretso sa kanyang opisina.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang galit nito bagkus ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong humakbang palapit sa kinatatayuan ng aking asawa. Nang nasa tapat na ako nito ay maingat na niyakap ko ang kanyang katawan tila sa mga bisig nito nakasumpong ng kakampi.“Siya ang lalaking sumira ng buhay ko, marahil ay hindi mo na naalala pero siya ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na naaksidente tayo.” Mababa ang tinig ko habang nagsasalita ngunit ramdam mo ang matinding emosyon na bumabalot sa aking katawan. Marahil ay naramdaman ni Alistair ku
Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!
“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga
“Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog.Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking anak
“Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh
Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya
“Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko n
“Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko.Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan. Dahil sa pagkakasiwalat ni Louise mula sa mga taong nadehado ng kanyang mga project, maging ang mga kontrata na hindi dumaan sa maayos na proseso ay marami ang nagalit sa kanya. Dumagdag pa ang galit
“Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan. Kapansin-pansin na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nawala na ang dating closeness ng mga ito, malayo na rin sila sa isa’t-isa na di tulad ng dati na mukha silang mag-ina dahil lagi silang magk
“Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyalidad na isa kaming pamilya. She’s not my enemy here, I am fighting for the sake of my family.” Matatag kong pahayag bago diretsong tumitig sa mga mata ng abogado. Marahil ay nabasa nito sa