“Wear this.” Seryosong utos sa akin ni Mr. Alistair ngunit nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanyang mukha. Marahil ay napansin niya na nakatulala lang ako sa kanya kaya nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago muling nagsalita. “What?” Kunot noo nitong tanong sa matigas na tinig, napakasuplado ng dating nito ngunit para sa akin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumingkad ang kagwapuhan nitong taglay. Pagkatapos na magtanong ay mataman niyang tinitigan ang mukha ko. “O-Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya dahil kagigising lang nito kaya sigurado ako na makakasamâ para sa kanya ang labis na paggalaw. Pagkatapos kong tanggapin ang t-shirt na ibinigay niya sa akin ay nagmamadali akong tumalikod at kaagad itong isinuot bago muling humarap sa kanya. Napansin ko na natigilan siya sa naging tanong ko na tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip ng hindi tinatanggal ang kanyang mga mata sa mukha ko. Marahil ay nagtataka siya ku
NAKARAAN… Halos ma-patay na ni Alistair ang pinsan niyang si Marco dahil sa walang humpay na pagsuntok sa mukha nito. Walang nagawa si Donita kundi ang patuloy na magmakaawa habang ang puso nito ay nababalot ng matinding kilabot dahil sa nagwawalang binata. Maya-maya ay hinihingal na tumigil si Alistair, dumura pa ito sa gilid bago nagsalita. "Do you think it's that easy to deceive me? Huh? You messed with the wrong person. This isn't over yet; I'm just getting started. I will crush you until you kneel before me." Ito ang matinding banta ni Alistair na naghatid ng matinding takot sa buong pagkatao ni Donita. Batid ni Donita na napakadaling gawin iyon ng kanyang fianceé dahil sa yaman at kapangyarihan na taglay ng pamilya nito. Si Alistair ang binansagang the beast ng buong bansa dahil para itong halimaw sa kasakiman pagdating sa negosyo. Bukod pa run ay masama rin ang ugali nito dahil napatunayan niya iyon mula sa isang taong relasyon nila ng binata. Walang laban ang kanilang pamil
NAKARAAN…“Naalimpungatan ako dahil sa banayad na mga haplos sa aking katawan. Ang kamay na iyon ay tila kilala ng aking katawan, dahil ang bawat dantay ng malambot at mainit na palad nito ay nag-iiwan ng tila apoy sa aking balat. Pinilit kong igalaw ang aking katawan ngunit pakiramdam ko ay naging paralisado na yata ito. Marahil ay dahil sa tagal na pagkakahimlay ko sa higaan. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng patutôl ng lumayo ang mainit na palad sa aking balat. Parang gusto ko itong habulin danang nga lang ay hindi ko maigalaw ang aking katawan. Maya-maya ay hindi ko na maramdaman ang presensya ng babae hanggang sa narinig ko na bumukas sara ang pintuan ng banyo. Sinamantala ko ang pagkakataon at dahan-dahan kong ginalaw ang aking mga daliri na kalaunan ay maging ang mga braso ko ay maayos ko na ring naigagalaw. Susubukan ko na sanang bumangon ngunit muling bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagpanggap ako na wala pa ring malay. Narinig ko ang isang ingay mula sa bangko na hin
“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil
“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko.Tuwing Sabado at Lunggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo
“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b
“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pil