ANG NAKARAAN…“Where have you been, Donita!?” Galit na tanong ni Alistair sa kanyang fianceé, habang patuloy itong sinusundan patungo sa kanilang silid. “My god, Alistair! Bigyan mo naman ako kahit konting panahon na makahinga! Nakakasakal ka na! Lahat na lang pinupuna mo, maging ang mga kaibigan ko ay natatakot ng makipag-usap sa akin dahil diyan sa pagiging seloso mo!” Galit na sagot ni Donita bago hinagis nito sa ibabaw ng kama ang kanyang shoulder bag. Marahas na hinaklit ni Alistair ang braso ni Donita kaya hindi na maipinta ang mukha ng dalaga halatang nasasaktan na ito. “I’m asking you again, saan ka galing?” Matigas ngunit may diin ang pagkakatanong ni Alistair na nagdulot ng takot sa puso ng dalaga. Kilala niya ito, sa oras na mag-iba na ang tono ng pananalita nito ay siguradong kahit sino ay kakabahan. “S-Sa kaibigan ko, nag window shopping lang kami. Alam mo naman na kailangan ko ring maglibang, lagi ka na lang busy sa trabaho, halos wala ka ng oras sa akin. Kaya sana p
“Wear this.” Seryosong utos sa akin ni Mr. Alistair ngunit nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanyang mukha. Marahil ay napansin niya na nakatulala lang ako sa kanya kaya nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago muling nagsalita. “What?” Kunot noo nitong tanong sa matigas na tinig, napakasuplado ng dating nito ngunit para sa akin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumingkad ang taglay nitong kagwapuhan. Pagkatapos na magtanong ay mataman niyang tinitigan ang mukha ko. “O-Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya dahil kagigising lang nito kaya sigurado ako na makakasamâ para sa kanya ang labis na paggalaw. Pagkatapos kong tanggapin ang t-shirt na ibinigay niya sa akin ay nagmamadali akong tumalikod at kaagad itong isinuot bago muling humarap sa kanya. Napansin ko na natigilan siya sa naging tanong ko na tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Mula pa kanina ay hindi na niya tinatanggal ang mga mata mula sa pagkakatiti
NAKARAAN… Halos ma-patay na ni Alistair ang pinsan niyang si Marco, dahil sa walang humpay na pagsuntok sa mukha nito. Walang nagawa si Donita kundi ang patuloy na magmakaawa dito habang ang puso niya ay nababalot ng matinding kilabot dahil sa nagwawalang binata. Maya-maya ay hinihingal na tumigil si Alistair, dumura pa ito sa gilid bago nagsalita. “Do you think it's that easy to deceive me? Huh? You messed with the wrong person. This isn't over yet; I'm just getting started. I will crush you until you kneel before me." Ito ang matinding banta ni Alistair na naghatid ng matinding takot sa buong pagkatao ni Donita. Ang mga mata ni Alistair ay nagliliyab sa matinding galit, at tila nangangako ng matinding panganib para sa kanilang mga buhay. Batid ni Donita na napakadaling gawin iyon ng kanyang fianceé dahil sa yaman at kapangyarihan na taglay ng pamilya nito. Si Alistair ang binansagang the beast ng buong bansa dahil para itong halimaw sa kasakiman pagdating sa negosyo. Buko
NAKARAAN… “Naalimpungatan ako dahil sa banayad na mga haplos sa aking katawan. Ang kamay na iyon ay tila kilala ng aking katawan, dahil ang bawat dantay ng malambot at mainit na palad nito ay nag-iiwan ng tila apoy sa aking balat. Pinilit kong igalaw ang aking katawan ngunit pakiramdam ko ay naging paralisado na yata ito. Marahil ay dahil sa tagal na pagkakahimlay ko sa higaan. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng patutôl ng lumayo ang mainit na palad sa aking balat. Parang gusto ko itong habulin danang nga lang ay hindi ko maigalaw ang aking katawan. Maya-maya ay hindi ko na maramdaman ang presensya ng babae, hanggang sa narinig ko na bumukas sara ang pintuan ng banyo. Sinamantala ko ang pagkakataon at dahan-dahan na i-ginalaw ang aking mga daliri na kalaunan ay maging ang mga braso ko ay maayos ko na ring naigagalaw. Susubukan ko na sanang bumangon, ngunit muling bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagpanggap ako na wala pa ring malay. Narinig ko ang isang ingay mula sa ba
“It’s almost ten thirty na ng gabi ngunit dilat pa rin ang aking mga mata. Halos hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan at hindi ko na rin mabilang sa daliri kung ilang beses na ba akong nag paro’t-parito ng lakad habang kagat ang isang daliri ko. Ilang araw na kasi akong nakakulong dito sa loob ng silid at hindi ko na alam kung paano pang makakalabas dito. Noong araw na dalhin ako ni ginoong Alistair sa loob ng silid na ‘to ay iyon din ang huling araw na nagpakita siya sa akin. Gusto ko ng umuwi at makasama ang aking mga magulang. Para sa akin ay wala ng dahilan pa na manatili ako dito. Batid ko na alam ni Mr. Thompson ang totoong nangyari ngunit bakit kailangan pa niya akong ikulong dito? Paano ko pa mapapatunayan na inosente ako kung mananatili ako sa apat na sulok ng silid na ito.“Click!” Bigla ang ginawa kong paglingon sa pintuan ng marinig ko ang tunog ng seradura tanda na may pumihit dito mula sa labas. Hindi ko maintindihan kung bakit tila kakaiba ang simoy ng hangin ngayo
“N-No… p-pakiusap, ginoong Alistair, huwag mong gawin sa akin ‘to.” Nangangatal na ang mga labi ko sa pagsasalita habang patuloy sa pag-atras ang aking mga paa. “Oh, come on, Luise, ilang araw na kitang pinagbigyan, I think panahon na ako naman ang pagbigyan mo. Do your duty as my wife.” Seryoso niyang saad kaya mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Wife? Paano kami naging mag-asawa gayung sa tanang buhay ko ay never pa akong ikinasal. Ni wala nga akong naging boyfriend since birth dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa aking pag-aaral. Siraulo ba s’ya? Nagtatanong ang mga mata na tumitig ako sa kanyang mga mata bakas sa mukha ko ang labis na pagkalito. Napasinghap ako ng tuluyan siyang nakalapit sa akin kaya lalong lumakas ang panginginig ng aking katawan. Napaigtad pa ako ng simulang haplusin ng mga kamay nito ang aking balat saka idinikit ang kanyang sarili sa aking katawan. Naninindig ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman
Marahang bumukas ang aking mga mata, at tanging puting kisame ang tumambad sa aking paningin. Ibinaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana habang ang puting kurtina nito ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin. Maaliwalas ang panahon at napakapayapa ng kapaligiran sa labas ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ito. Pagkatapos sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko sa magulong kama na aking kinahihigaan. Wala na si Mr. Alistair at tanging ang bakanteng bahagi ng kama ang aking nagisnan. Nanghihina na bumangon ako at hubo’t-hubad na humakbang papasok sa loob ng banyo. Kusang nalaglag ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang maraming pasa sa buong katawan ko. May ilang mga marka pa ng kagat na makikita sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang aking mga luha habang humahakbang papasok sa loob ng shower room. Tahimik na tumayo ako sa tapat ng dutsa at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa ‘king kahubdan. Napangiwi pa ang mukha ko ng subukan
“Halos namumula na ang isang kamay ko dahil sa walang tigil na pagpigâ ko dito, kanina pa ako balisâ sa aking kinauupuan at halos pigil ko na rin ang aking paghinga. Sinikap kong kontrolin ang matinding tensyon na nararamdaman ko at kumilos ng normal sa harap ni Mr. Alistair. Subalit halos mabingi naman ako sa lakas ng kabôg nang dibdib ko. Lalo na ng humimpil ang minamanehong kotse ni Mr. Alistair sa tapat ng Munisipyo. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat kilos niya mula sa pagkalas nito sa kanyang seatbelt, maging ang pagbaba niya ng sasakyan. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang natatakpan ng itim na salamin ang kanyang mga mata. Umikot siya sa tapat ko upang pagbuksan ako ng pintuan. Kung kailan nabuksan na niya ang pinto ay saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nakakalas ang aking seatbelt. Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko ang kabitan ng seatbelt habang naghihintay si Mr. Alistair sa tapat ko. May pag-aatubili na bumaba ako, ngunit pagtapak ng mga