“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin.
“Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pilay lang naman daw ang natamo ko. Sana sabay tayong lumabas sa hospital na ‘to. Hindi ko na kasi matagalan ang amoy ng mga gamot dito. Nasusuka na ako”- bigla akong natigil sa pagsasalita ng napansin ko na tahimik lang si Denice sa harap ko habang nanatiling nakaupo sa kanyang wheelchair. Kapansin-pansin ang namamasa nitong mga mata na tila anumang oras ay iiyak na ito. “D-Denice, may problema ba? Nag-aalala kong tanong. Nagbago ako ng posisyon, ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig ngunit nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama kaya ngayon ay may kalahating dipâ ang layo namin sa isa’t-isa. Ngunit, hindi ko inaasahan ng hawiin ni Denice ang apakan ng wheelchair bago ito lumuhod sa aking harapan. “T-Teka, Denice, ano bang ginagawa mo? Tumayo ka d’yan! Bakit ka lumuluhod sa aking harapan?” Naguguluhan kong tanong, ano ba ang nangyayari sa kaibigan kong ito? Mas lalo akong naalarma ng humagulgol na siya ng iyak kaya kahit mahirap para sa akin ang lumuhod ay ginawa ko pa rin. Lumuhod ako na halos may dalawang dangkal lang ang layo mula sa kanya. Niyakap ko siya bago hinagod ito sa likod upang pakalmahin. “Tahan na Denice, huwag ka ng umiyak, magpasalamat na lang tayo at buhay tayong nakaligtas mula sa aksidenteng nangyari.” Malumanay kong saad habang patuloy na hinihimas ito sa likod. “H-Hindi mo naiintindihan, makinig ka, Louise, ngayon ko higit na kailangan ang isang kaibigan. Pakiusap, tulungan mo ako…” ani nito habang patuloy na umiiyak. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at diretsong tumitig ang luhaan nitong mga mata sa aking mga mata. Ang paraan ng tingin niya sa akin ay puno ng pagsusumamo na kahit sino yatang makakita sa hitsura ng kaibigan ko ay siguradong maaawa dito. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito dahil sa nakikita ko ay maayos naman ang kalagayan niya. Maliban kasi sa bendang nakabalot sa kanyang ulo at ilang sugat at pasâ sa mukha ay wala na itong iba pang pinsala. “Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nito. “Kritikal ang lagay ng lalaking sakay ng kotseng nakabanggaan natin. Mayaman ang pamilya ng pasyente at gusto nila na mabulok ako sa bilangguan. L-Louise, pakiusap, tulungan mo ako, hindi ko kayang tumira sa loob ng kulungan.” Pagmamakaawa pa nito sa akin. Binalot ng matinding awa ang puso ko at maging ako ay tutol na mangyari iyon sa kaibigan ko. “You don’t need to worry about that, Denice, you know kayang-kaya ni tita na kumuha ng magaling na abogado para sayo.” Nakangiti kong sagot na ang tinig ko ay kababakasan mo ng pag-asa upang maging panatag ang loob nito. Lumalim ang gatla sa noo ko ng paulit-ulit na umiling si Denice. “Hindi ganun kadali ang lahat Loui, sigurado na makukulong kaming dalawa ni Rhed, pero ako, hindi ko kayang makulong kasama ang anak ko! Parang awa mo na Loui, buntis ako at ngayon ko lang nalaman na dalawang buwan na pala akong buntis. Hindi ko masikmura na isisilang ko ang aking anak sa loob ng kulungan!” Anya na sinundan pa ng malakas na hagulgol. Ang kaalamang buntis ito ay parang dinurog ang puso ko, maging ako ay hindi ko kayang makita na lumaki ang isang inosenteng anghel sa loob ng kulungan. “Tell me, anong maitutulong ko sayo?” Alanganin kong tanong dahil iniisip ko na hindi naman kami kasing yaman ng mga ito at isa pa akong estudyante kaya batid ko na wala akong kakayahan na tumulong financially. Lumunok muna siya upang alisin ang barâ sa kanyang lalamunan bago ito nagsalita….” “Louise, tell me, ano ang sinabi sayo ng mag-inang iyon?” Seryosong tanong ng aking ina, kaaalis lang nina Denice at tita Cynthia ng dumating naman si Mommy. Nagtataka ako kung bakit tila galit ang aking ina kina Denice dahil very close si Tita at ang Mommy ko. “Wala Mommy, kinamusta lang nila ako at nagsabi sa akin si Denice na aabutin pa nga daw siya ng isang linggo dito sa hospital.” Pagsisinungaling ko sa aking ina bago matamis na ngumiti dito. Ngunit, may pag-aalinlangan sa mga mata nito na halatang hindi siya naniniwala sa akin. “Mom, gusto ko ng umuwi, ayoko na dito.” Naglalambing kong wika na binalewala ang pagdududa nito sa akin. Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago lumapit sa akin at masuyo akong niyakap. “Bukas ay uuwi na tayo, anak, makinig ka, huwag na huwag kang maniniwala sa kahit na anong sasabihin ng pamilya ni Denice. Makinig ka sana sa akin, Louise, dahil sa pagkakataong ito ay kami lang ng daddy mo ang masasandigan mo. Hm? Maliwanag ba?” Madamdaming pahayag ng aking ina, nauunawaan ko kung ano ang mga sinasabi niya sa akin ngunit ang hindi ko lubos na maunawaan ay kung bakit? Dahil ramdam ko na ang bawat isa sa kanila ay may itinatago sa akin.”Pasig City Regional Trial court Branch 101… 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h
“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir
13 Months later… “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa
Halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa pagsulpot ng isang puting kotse na pa-balagbag na pumarada sa aking harapan. Natigil ang mga paa ko sa paghakbang at napaatras itong bigla ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sagutin ng mga ito ang tanong ko ay mabilis silang lumapit sa akin. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso at pwersahan na hinatak. “Bitawan niyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin ako ng mga ito papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ni isang tao sa paligid ko ay wala man lang nagmalasakit sa tulungan ako, bagkus ay nagmama
“Napalunok ako ng wala sa oras habang maingat na kinakalas ang bawat butones ng damit ni Mr. Thompson. Alas siyete na ng umaga at kailangan ko ng punasan ang buong katawan nito. Isang buwan ang mabilis na lumipas at ito na ang trabaho ko araw-araw, ang linisan at siguraduhing maayos ang kalagayan ni Mr. Thompson. Pagkatapos kong pigain ang basang towel mula sa maligamgam na tubig na nasa palanggana ay sinimulan ko ng punasan ang kanyang katawan. Maingat ang bawat haplos ng aking mga palad sa kanyang balat. Kahit na ilang beses ko ng ginagawa ang bagay na ito ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Dahil sa kakaibang pakiramdam na gumagapang sa aking mga kalamnan sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Parang gusto ko ng huminto sa aking ginagawa at lumayo na lamang dito, dahil hindi ako komportable sa kilabot na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinilit kong balewalain ang kakaibang damdamin na ‘yun at mag-focus na lang sa aking ginagawa. Ngunit, bigla akong natigilan, pagkatapos
Tumigil ang mga kamay ko na may hawak na kumot sa tapat ng dibdib ni Mr. Thompson ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Napatayo ako ng tuwid habang ang dalawa kong kamay ay napahawak sa laylayan ng suot kong duster. Kinabahan ako ng pumasok ang isang magandang babae. Tulad ni Mrs. Thompson, ang awra nito ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Katunayan ang mga alahas niyang kumikinang na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Ngunit ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nitong nanlilisik sa galit, parang gusto na ako nitong patayin. Nalipat ang tingin ko sa bandang likuran ng babae ng biglang lumitaw ang matapang na mukha ni Mrs. Thompson. “Tita, why did you let her stay here!?” Mataray at maarteng tanong ng babae bago nito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Ewan ko ba, ngunit ang nakikita kong ekspresyon mula sa mukha nito ay tila inggit at pagkamuhi. “You don’t have to worry, Iha, she’s a piece of garbage na kailangan