“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir
13 Months later… “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa
Halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa pagsulpot ng isang puting kotse na pa-balagbag na pumarada sa aking harapan. Natigil ang mga paa ko sa paghakbang at napaatras itong bigla ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sagutin ng mga ito ang tanong ko ay mabilis silang lumapit sa akin. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso at pwersahan na hinatak. “Bitawan niyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin ako ng mga ito papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ni isang tao sa paligid ko ay wala man lang nagmalasakit sa tulungan ako, bagkus ay nagmama
“Napalunok ako ng wala sa oras habang maingat na kinakalas ang bawat butones ng damit ni Mr. Thompson. Alas siyete na ng umaga at kailangan ko ng punasan ang buong katawan nito. Isang buwan ang mabilis na lumipas at ito na ang trabaho ko araw-araw, ang linisan at siguraduhing maayos ang kalagayan ni Mr. Thompson. Pagkatapos kong pigain ang basang towel mula sa maligamgam na tubig na nasa palanggana ay sinimulan ko ng punasan ang kanyang katawan. Maingat ang bawat haplos ng aking mga palad sa kanyang balat. Kahit na ilang beses ko ng ginagawa ang bagay na ito ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Dahil sa kakaibang pakiramdam na gumagapang sa aking mga kalamnan sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Parang gusto ko ng huminto sa aking ginagawa at lumayo na lamang dito, dahil hindi ako komportable sa kilabot na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinilit kong balewalain ang kakaibang damdamin na ‘yun at mag-focus na lang sa aking ginagawa. Ngunit, bigla akong natigilan, pagkatapos
Tumigil ang mga kamay ko na may hawak na kumot sa tapat ng dibdib ni Mr. Thompson ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Napatayo ako ng tuwid habang ang dalawa kong kamay ay napahawak sa laylayan ng suot kong duster. Kinabahan ako ng pumasok ang isang magandang babae. Tulad ni Mrs. Thompson, ang awra nito ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Katunayan ang mga alahas niyang kumikinang na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Ngunit ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nitong nanlilisik sa galit, parang gusto na ako nitong patayin. Nalipat ang tingin ko sa bandang likuran ng babae ng biglang lumitaw ang matapang na mukha ni Mrs. Thompson. “Tita, why did you let her stay here!?” Mataray at maarteng tanong ng babae bago nito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Ewan ko ba, ngunit ang nakikita kong ekspresyon mula sa mukha nito ay tila inggit at pagkamuhi. “You don’t have to worry, Iha, she’s a piece of garbage na kailangan
“Five thirty ng hapon at katatapos ko lang na maligo. Napasimangot ako ng napansin ko na wala ang aking damit pamalit. Nakalimutan ko pala ito sa labas ng banyo. Kaagad na binalot ng tuwalya ang aking katawan bago may pag-aatubili na lumabas ng banyo. Ngunit, napatda ako sa aking kinatatayuan ng sabay na bumukas ang pinto ng banyo at ang pinto ng silid ni Mr. Alistair. Maging ang tauhan ni Mrs. Thompson ay nagulat ng makita niya ako na nakatoppiece lang ng tuwalya. Maikli lang ang tuwalya na gamit ko kaya litaw ang buong hita ko. Mabilis akong napahawak sa tapat ng dibdib ko at kasabay nito ay matinding hiya ang naramdaman ko. Sa klase ng tingin sa akin ng lalaking ito, pakiramdam ko ay n*******d na ako sa paningin nito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsibol ng pagnanasa mula sa mga mata ng lalaking nakatayo sa ‘king harapan. Ibayong kilabot ang hatid ng mga tingin nito, kaya binalot ng takot ang puso ko para sa aking kaligtasan. Tahimik na pumasok ang lalaki at ibi
“Lumipat ang dalawang kamay ko sa malapad na dibdib ng lalaki at naglakas loob ako na lumaban. Pilit ko siyang itulak palayo ngunit kinuha nito ang aking ng kamay at saka ipininid sa armrest ng sofa na nasa aking ulunan. Hawak ng isang kamay nito ang dalawang kamay ko sa aking ulunan, habang ang isang kamay nito ay patuloy na pinaglalaruan ang mga labi ng aking pagkababae. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagsipâ ng kakaibang pakiramdam mula sa kaibuturan ng aking laman. Buong buhay ko ay ngayon ko lang ito naramdaman. Naalarma ang buong sistema ko ng mapagtanto ko na nasa pagitan pala siya ng aking mga hita at huli na bago pa ako makapalag dahil naitutok na nito ang kanyang ari sa tapat ng ari ko. Mabilis kong itinukod ang aking mga paa sa sofa upang itulak ang sarili pataas para mapigilan ang tangkang pagpasok nito sa aking pagkababae. Ngunit, isang malaking pagkakamali ang ginawa ko. Dahil mas lalo ko lang siya nabigyan ng pagkakataon na malayang mapasôk nito ang masela