“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit ba sa aking katawan. Ang lahat ng mga tanong nito ay nagtataka na sinagot ko ng marahang pag-iling. “Wala na kayong dapat ipag-alala, Mrs. dahil maayos na ang kalagayan ng inyong anak. Nakangiting pahayag ng doktor kaya kapwa napangiti ang aking mga magulang. Ilang minuto na kinausap ng doctor sina Mommy at Daddy bago ito nagpaalam sa amin. Nang makaalis na ito ay biglang namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Labis akong naguguluhan kung paanong napunta ako sa hospital gayong sa pagkakatanda ko ay na sa school ako. Natahimik akong bigla at plit kong inaalala ang mga nangyari ng biglang magsalita ang mommy ko. “Louise, tell me, anak, ano ang nangyari ng araw na ‘yun?” Ito ang tanong ng aking ina na labis kong pinagtaka, maging ang aking ama ay tila hindi na makapaghintay na marinig kung ano ang magiging sagot ko. Ngunit, bakit ganun? Bakit takot at labis na pag-aalala ang nakikita ko mula sa kanilang mga mata? “Mom? Ano po bang nangyari bakit nandito ako sa hospital?” Nagtataka kong tanong, ngunit, nabahala ako ng biglang humagulgol ng iyak ang aking ina na wari mo ay nahihirapan na ang kalooban nito. Mas lumapit pa siya sa akin at mahigpit ako nitong niyakap. “Melody, huminahon ka hindi makakatulong ang pag-iyak mo.” Paalala ng aking ama, hindi naman ito galit bagkus ay maging siya ay nag-aalala rin. Marahang hinagod ni Daddy ang likod ni Mommy upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dibdib nito. “Don’t worry baby, wala kang kasalanan, hm?malalampasan natin ang lahat ng pagsubok na ‘to, malalampasan natin.” Tila naninigurado niyang wika habang pilit na pinipigilan nito ang sarili na huwag ng umiyak. Lumalim ang gatla sa aking noô at naguguluhan na nag palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ng aking mga magulang. NAKARAAN… Araw ng Biyernes ng i-anunsyo ang lahat ng mga nakapasa sa final exam. Marami ang natuwa sa naging resulta ng pagsusulit at isa na ako sa mga estudyanteng ‘yun. Dahil nangunguna sa bulletin board ang aking pangalan, hindi na ako makapaghintay na makauwi ng bahay at ibalita sa aking mga magulang ang pagkakapasa ko sa exam. Siguradong matutuwa sila kapag nalaman nila na matatapos ko ang ikatlong taon sa pag-aaral ng abogasya nang may mataas na honor. “Wow! Louise, like what I am expecting, nangunguna naman ang best friend ko!” Masayang bulalas ni Denice sa tonong tila nagmamalaki bago mahigpit na yumakap sa akin. “Congratulations!” “Thank you!” Pagkatapos magpasalamat ay gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Kung marami ang masaya ay meron ding nalungkot at isa na run ang kaibigan kong si Denice. Disappointed, ito ang makikita sa mukha ni Denice habang kapwa kami nakatitig sa ibabang bahagi ng mahabang listahan. Dahil kung ako ay nangunguna sa listahan siya naman ay panglima sa pinakahuling listahan ng mga pangalan. Nang makita niya ito ay walang gana na bumitaw siya sa akin saka humakbang palayo na tila masama ang loob. “Tell me, Denice, hindi mo man lang ba nireview ang mga notes na i-binigay ko sayo?” Seryoso kong tanong ngunit nanatili pa ring mahinahon ang paraan ng pagsasalita ko. “Nakalimutan ko, eh.” Walang gana niyang sagot sa akin, kaya isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan upang hindi sumabog sa inis. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang gagawin ko sa kaibigan kong ito. Dahil kung tutuusin ay dapat siya ang higit na responsible sa aming dalawa dahil mas matanda siya sa akin ng isang tao. “You know naman na final exam natin, pero bakit hindi ka nag-intindi? I told you, hindi magandang ehemplo sayo ang lalaking ‘yan!” Sermon ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang kanyang boyfriend na labis na kinababaliwan nito. Nang dahil sa lalaking ‘yun ay halos nasisira na ang buhay ng kaibigan ko. Madalas kasi na nagka-cutting classes ito para lang sumama sa boyfriend niyang halos patapon na rin ang buhay. Happy go lucky kasi ang boyfriend niyang si Rhed, at halos kabilaan din ang girlfriend nito na binabalewala lang ng kaibigan kong si Denice. Okay lang sa kanya na ginagawa na siya nitong rebound, katwiran kasi nito ay mahal niya. “Could you please shut up? Para kang si Mommy eh, it’s so annoying!” Irritable niyang saad, she’s right, dahil sa akin siya ipinagkatiwala ng mommy niya para bantayan ang bawat kilos nito. Hindi na iba para sa akin si Denice dahil kapatid na ang turing ko sa kanya, kaya wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti siya. Minsan isa ito sa kinaiinisan niya sa akin dahil mas matured akong mag-isap kaysa sa kanya. “Because what you're doing is wrong, Denice!” Parang nauubus na ang pasensya ko habang sinasabi ito. Sinisikap ko na huwag magtaas ng boses dahil ayoko na mag-away kami, kailangan kong unawain ang kaibigan ko, dahil ayon kay mommy ay kulang sa atensyon mula sa kanyang mga magulang si Denice. Kaya mas mainam na matagpuan niya sa akin ang atensyon na kailangan nito upang hindi daw siya tuluyang mapariwara. “Lagi namang ganyan, eh! Oo na, ikaw na ang laging tama, ikaw na itong matalino habang ako ay isang estudyante na patapon ang buhay!” Naluluha na nitong sabi kaya bigla akong natameme. Malungkot na lumapit ako sa kanya at malambing na niyakap siya mula sa likuran. Ito ang hirap kay Denice, masyado siyang emosyonal. Mabilis siyang umiyak kaya naman ang ending kahit na siya ang mali ay ako pa rin ang laging so-sorry dito. “Huwag ka ng magtampo, you know naman ang point ko dito is ‘yung grades mo. Nakalimutan mo na ba na nagbigay sayo ng last warning si Tita.” Nang marinig niya ang sinabi ko ay natigilan ito, kita ko ang matinding kabâ mula sa kanyang mukha. “Anong gagawin ko, kapag na hold ang allowance ko ay hindi ko na makakasama si Rhed.” Nababahala niyang sabi kaya naman tumirik ang mga mata ko dahil sa matinding inis. Ngalingaling batukan ko ito para lang matauhan. “Ano ka ba naman Denice! Wake up! Hindi mo ba nakikita na ginagamit ka lang ng lalaki na iyon!” Naiinis kong sabi bago humakbang palayo sa kanya, kung pwede lang na i-untog ko ang ulo nito sa pader ay ginawa ko na! Baka sakaling tumino ang utak nito! Speaking of the devil ay mula sa di kalayuan biglang lumitaw ang boyfriend nitong si Rhed. Masyadong maangas ang dating nito at ewan ko ba kung bakit maraming babae ang uto-uto na patuloy na kinikilig sa lalaking ito. Because for me? Walang maganda sa lalaking ito! At higit sa lahat ay hindi siya magandang ehemplo para sa aking kaibigan.”“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pil
Pasig City Regional Trial court Branch 101… 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h
“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir
13 Months later… “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa
Halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa pagsulpot ng isang puting kotse na pa-balagbag na pumarada sa aking harapan. Natigil ang mga paa ko sa paghakbang at napaatras itong bigla ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sagutin ng mga ito ang tanong ko ay mabilis silang lumapit sa akin. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso at pwersahan na hinatak. “Bitawan niyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin ako ng mga ito papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ni isang tao sa paligid ko ay wala man lang nagmalasakit sa tulungan ako, bagkus ay nagmama