(Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina.
Tumango ako kay Jigs para buksan ang pinto, ito ang aking assistant, o kanang kamay. Ito ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng ginagawa ko. Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Yumuko naman ito at magalang na bumati sa akin. “Nahanap na ba ninyo siya?” Tanong ko rito habang matiim akong nakatingin sa kanya. Hindi ito tumingin sa akin at mas lalong yumuko pa. Para itong natatakot na tumama ang aking tingin rito. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero ako batid kong isa sa dahilan ng mga pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. Dahil isa akong King… Humarap ako rito. Ayoko sa lahat na inuulit ko ang aking ina. Natakot naman ito ng makita na humarap ako. “M-Mr. King, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya natatagpuan. P-pero ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin para matunton siya sa lalong madaling panahon.” Takot na sagot nito sa akin. Tumiim ang aking bagang. “Sa palagay mo ay makakapaghintay pa ako ng matagal hanggang sa mahanap siya?!” Galit kong sabi rito. “Pinahanap ko siya sa inyo dahil kailangan ko siya… I need her as soon as possible!” Dagdag ko pa. Lumuhod ito ng natatakot. “Mr. King, nakikiusap kami, bigyan niyo kami ng oras para hanapin siya!” Pakiusap nito sa akin. “Binigyan ko kayo ng limang buwan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nadadala sa akin ang babaeng iyon! Sinasayang ninyo ang oras ko!” “P-patawad, Mr. King… sana ay pagbigyan niyo pa kami. Kahit kailan ay hindi pa kami nahihirapan na maghanap ng impormasyon kahit isang beses. Tingin namin ng mga kasama ko ay alam niya kung paano kami tatakasan… matinik siya ho si ma’am.” Sabi pa nito. “Mr. King,” agaw ni Jigs sa aking pansin, “Malapit na magsimula ang meeting,” paalala nito sa akin. May meeting pa kasi kami na dadalohan ngayon. Kailangan kong pumunta dito. Tumingin ako sa lalaki na nakaluhod sa aking harapan. Bumalik sa pagiging blanko ang aking ekspresyon. “Bibigyan kita ng dalawang buwan para hanapin ang babaeng iyon at dalhin sa akin, Sa oras na hindi ninyo siya madala sa akin, ako mismo ang magbabaon sa inyo sa ilalim ng lupa ng buhay.” Malamig na aking banta rito bago nilisan ang silid kasunod si Jigs. Nagtaas-baba ang dibdib ng lalaki na naiwan sa kwarto dahil sa takot. Kilala namin si Mr. King, hindi nito bumabale ng kanyang salita. Sa oras na hindi namin magawa ng aking mga kasama ang utos nito ay sigurado na magagalit ito sa amin. Takot ako na tumayo at umalis para kumilos at gawin ang inutos sa amin. Kailangan namin mahanap ang babae na pinapahanap nito sa amin sa lalong madaling panahon. Kung hindi ay malalagay ang buhay namin ng aking mga kasama sa peligro. **** (Laxus King) Pagkalabas ko ng mansion na pag-aari ng aming pamilya, mayron ng sasakyan na naghihintay sa amin sa labas. Ihahatid kami nito sa lugar na aming pagmi-meetingan. Nakita ng driver na sumenyas sa kanya si Jigs, kaya naman agad nitong pinaandar ang sasakyan para ihatid kami sa aming pupuntahan. Habang nasa biyahe kami ay nakatingin ako sa labas ng bintana habang nag-iisip ng malalim. “May balita na ba sa pinapahanap ko?” Tanong ko rito. Bukod sa lalaki na kausap ko kanina at sa iba pa nitong mga kasama ay inutusan ko ito na maghanap para madali na matunton ang babae na matagal ko nang pinapahanap. Kung marami kasi sila na maghahanap ay mas mabilis itong nakikita. Saka malaki ang tiwala ko kay Jigs. Umiling ito sa akin. “Maging kami ay hindi rin siya mahanap, Mr. King. Sa palagay ko ay gumagamit din siya ng kapangyarihan o kaya naman ay may tumutulong sa kanya para namin hindi siya matunton.” Sagot nito sa akin. Nag-igtingan ang aking panga sa balitang sinabi niya sa akin. Talagang nagtatago ng mabuti sa akin ang babaeng iyon. Kung sa palagay nito ay makakatakas siya sa kanya habang buhay. Pwes, nagkakamali ito. "Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa kanya. Kailangan na mahanap siya sa lalong madaling panahon.” "Sige, Mr. King… kami na ang bahala…” pangakong sagot nito sa akin Hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang mataas na gusali. Pinagbuksan ako ni Jigs siya ng pintuan, nang makalabas ako ay sinundan ako ng labing-limang bodyguards na pawang naglalakihan ang mga katawan. Ang kanilang mga mata ay sumusuri sa paligid at alerto sila sa aming paligid dala ang kani-kanilang mga dekalidad na baril. Lumaki ako sa makapangyarihan na pamilya. Ang pagkakaroon ng mga bodyguards ay normal na sa amin, kaya sanay na ako rito. Kung tutuusin, ang mga kasama ko ngayon ay kakaunti pa. Ang ilan sa mga ito ay nasa kalayuan at nagmamanman lang. Sumakay ako ng VIP elevator at nagtungo sa pinakamataas na floor. Pagdating dito ay lumabas ako at pumunta agad sa boardroom. Nang makita ako ng mga board members ay tumayo sila at nagbigay-galang sa akin, kasama na tumayo sila Zack at ang kanyang ina na si Mary. Matapos ang mahaba-habang meeting tungkol sa kumpanya ay tumayo na ako. Aalis na sana kami ng biglang tumayo si Zack at nagsalita. "Laxus, nakita mo na ba ang fiancee mo?" Tanong nito na medyo nakangisi pa. Halatang natuwa ito ng makita ang inis sa aking mukha. “Mukhang ayaw ka niyang pakasalan, Laxus. Paano ba iyan, hindi ka makakasal bago sumapit ang ika-30 na kaarawan mo. Paano na ang last will and testament na iniwan ni dad para sayo kung hindi ka naman maikakasal.“ Nang makita ng lahat ng naroon sa silid kung gaano kadilim ang aking ekspresyon at kung gaano kabigat ang tensyon sa paligid ay dali-dali nilang nilisan ang loob ng silid, takot na madamay sa away namin. Ang tanging naiwan lamang ay ang mag-inang sina Mary at Zack. "Isang taon na siyang umalis, Laxus. Malinaw na ayaw ka niyang pakasalan. Bakit mo pinipilit ang sarili sa babaeng hindi ka naman gustong makasama?" May panunuya na sabi pa ni Zack sa akin. “Malinaw naman na nagpakalayo-layo siya dahil ayaw niya sayo… tanggapin mo nalang kasi ang katotohanan na hindi lahat ng iyong gusto ay makukuha mo.” Mayabang na dugtong pa nito. May panunuya ko din siyang pinagsabihan. "Maraming taon na rin ang lumipas, Zack. Bakit hindi ang sarili mo ang sabihan mo na tigilan na ang paghahangad ng lahat ng mayro'n ako? Na hindi ang lahat ng mayro'n ang lehitimong anak ay mayro'n din ang katulad mong bastardo?” Nabura ang ngisi sa labi ni Zack, at ang ina naman nitong si Mary ay pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Totoo naman ang aking sinabi. Bastardo naman talaga itong si Zack… ang mommy nitong si Mary ay kabet ng daddy ko noong nabubuhay pa ito. Nakaramdam ako ng galit ng maalala ang last will and testament ng daddy ko. Kapag hindi daw ako nakapagpakasal sa aking pagtuntong ng ika-30 ng akong kaarawan ay mapupunta ang lahat sa bastardo niyang anak na si Zack ang lahat ng mayron ako… pati ang posisyon na mapupunta sa akin bilang lider ng aming organization ay mapupunta dito. Fvck… hindi ako papayag! Kaya ginagawa ko ang lahat para mahanap siya. Dahil ito ang gusto ni dad, ang makasal ako sa isang Solante. Marami ang mga babae na gustong makasal sa akin. Kaya kung tutuusin ay hindi problema sa akin ang maghanap ng mapapangasawa. Pero ito ang hiling aking ama… at ito din kagustuhan ko. Nakita kong galit na galit na silang mag-ina sa akin. Kaya lalo ko pang inasar si Zack. "Mahahanap ko siya, Zack. At kapag nahanap ko siya, wag ka nang umasa na aangat ka sa kinaroroonan mo ngayon kasama ang mommy mo… hanggang diyan lang kayo dahil sampid lang naman kayo sa pamilya namin." Hindi sila nakahuma sa aking sinabi hanggang sa makaalis kami. “N-napayayabang talaga ng Laxus na iyan!” Malakas na sabi ni Mary na namumula parin ang mukha sa galit ng makalabas si Laxus. “Zack, anak… wag kang papayag na makuha niya ang lahat ng para sayo! Wag mo siyang hayaan na magtagumpay!” Sulsol pa nito sa kanyang anak na si Zack. Galit na hinampas naman nito ang kamao sa mesa. “Hindi ako papayag, mommy… hindi ako papayag…” (Laxus King pov)Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay kalmadong sumandal ako at pumikit. Napalunok naman ng laway si Jigs, hindi man magsalita ang kanyang ako, batid niya ang nagpupuyos na galit nito. Sumenyas siya sa driver na paandarin na ang sasakyan. Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik ay bumaling ako sa kanya. "Jigs, magdagdag ka ng mga tauhan na maghahanap sa babaeng iyon. Gamitin ang lahat ng koneksyon para mahanap siya, walang titigil maghanap sa kanya umaga man o gabi. Manmanan ang kilos ng pamilya niya, lalo na ang kilos ng mommy niya… baka alam niya kung nasaan ang anak niya. Kailangan na siyang manahap sa lalong madaling panahon.” “Masusunod, Mr. King. Wag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat para mahanap na siya.” Sagot nito sa akin.(Kiray pov) “Magkano po ito?” Tanong ko sa ale habang hawak ang isang pulang bestida. Iniwan ko muna ang mga paninda ko para bumili. Nadaanan ko kasi at nakita kanina ang bestidang ito. Naagaw nito ang aking pansin. “Naku hindi bagay ang bestidang ito sayo. Hindi ka naman maganda. At saka wag mo itong hawakan at baka malasin ako!” Tahasang sabi ng matandang tindera sabay tabig sa aking kamay. Sanay na ako sa panghahamak sa akin simula ng bata pa ako. Hindi kasi kaaya-aya ang aking itsura. Kapag nakatingin ako sa salamin ay pinandidirihan ko din ang mukha ko. Kahit sino ay hindi kayang tingnan ang aking mukha ng matagal dahil sa nakakadiri nitong itsura. Pagkauwi ay hinaplos ko ang aking mukha sa tapat sa salamin. Sa tuwing nalalait kasi ako ay tumitingin ako sa salamin. Pinapaalala ko sa aking sarili na wala akong dapat ikagalit dahil totoo naman ang mga sinasabi nila sa akin. Mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ay lapnos ang aking balat. Kahit ang mata ko ay halos hindi na ma
“Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor. Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…” Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa. Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na it
Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay n
(Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita. Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya
(Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.
Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina
(Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din
(Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala
“Kung may halimaw man sa inyong dalawa, ikaw ‘yon at hindi anak ko!” Puno ng pait at pagkamuhi akong tumingin sa kanya. “Oo, Laxus… oo napakalaki ng kasalanan ko. Pero hindi kasalanan ang pagiging panget! Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin! At lalong hindi kasalanan ng anak ko ang naging kasalanan ko para tawagin mo siyang halimaw at talikuran mo siya. N-napakasama mo, Laxus… napakasama mo!” Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang hindi ako makahinga. Akala ko ang anak namin ang magpapatibag sa galit niya pero hindi pala. Hindi lang nito tinalikuran ang anak naming dalawa, sinuka at nilait pa niya. Nang mapagod sa pagsuntok sa dibdib at pagsampal sa kanya ay lumayo ako sa kanya. Nang makita ko ang boteng naroon ay dali ko itong binasag at dumampot ng bubog mula sa basang na piraso nito. “Kiray!” Natigilan ako… sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako ni Laxus sa totoong pangalan ko. Noon ko pa pinangarap ito. Gusto kong makilala at tawagin ako ng asawa ko sa
Ang lalaking mahal ko… nalaman na ang totoo, na isa akong huwad at may malahalimaw na mukha noon. Gusto kong lapitan siya at yakapin, sabihin na heto pa rin ako, ang babaeng minahal nito, na ako pa rin ito. Pero ito na mismo ang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. Napaigik ako sa sakit sa diin ng hawak nito, pakiramdam ko ay madudurog ang buto ko. Ngunit hindi ang sakit niyon ang ininda ko, mas masakit na makita ang pandidiri sa mata nito. Pandidiri dahil isa akong napaka panget na babae noon. Ang sakit! Walang-wala ang sakit na ito sa naramdaman ko sa tuwing nakakatanggap ako ng panlalait sa iba noon. Sampong doble pala ang sakit kapag nanggaling ito sa taong mahal mo. Noon pagmamahal ang nakikita ko at pag aalaga ang natanggap ko mula sa kanya. Nakakadurog ng pusong makita na napalitan na iyon ngayon ng pandidiri dahil totoo kong itsura. Dumiin ang kamay nito sa braso ko at halos bumaon ang kuko sa balat ko kaya napangiwi ako sa sakit. Naggagalawan ang panga ni Laxus a
Nang makita ko ang nakalarawang awa sa mata ni mommy Nissa para sa akin ay kinain ng malaking takot ang dibdib ko. H-hindi… sana mali ang iniisip ko. “Gusto ng bawiin ng anak ko ang posisyon niya, Kiray. Gusto na nang anak ko na bawiin ang buhay niya na pinahiram ko sayo. Patawad, Kiray, pero hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito. Mahal ko ang anak ko at bilang ina, gusto kong makabawi sa kanya at ibigay ang lahat ng gusto niya. Sana maintindihan mo ako.” Makikita ang paghingi ng tawad sa mata ng matanda, paghingi ng tawad sa pagpili sa sarili nitong anak. Umiling-iling ako. “M-mommy Nissa, nagmamakaawa ako…” yumakap ako sa binti nito. “N-noong kailangan niyo ng tulong ko ay pumayag ako. K-kahit kapalit nito ay kalayaan ko at mabuhay sa totoong pagkatao ay pumayag ako. Kaya nakikiusap ako parang awa mo na tulungan mo ako na mabalik sa akin ang asawa ko. M-mahal na mahal ko po siya, hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.” Humahagulhol na hinawakan ko ang tiyan ko..
(Kiray pov) Si Laxus agad ang unang pumasok sa isip ko ng bumalik ang malay ko. Inalis ko agad ang karayom sa kamay ko kaya nag alalang nilapitan ako ni Mariz at Jayson. “Kiray, please! Wag ka munang tumayo. Kailangan mong magpahinga!” “P-Pero ang asawa ko, Mariz! K-kailangan ko siyang puntahan—“ muntik na akong mabuwal kaya inalalayan nila akong dalawa at dahan-dahan na binalik sa kama para iupo. Naalala ko ang nakita ko bago ako nawalan ng malay. Nangilid ang luha ko habang kagat ng madiin ang labi ko. ‘Wag kang iiyak, Kiray! Wag kang iiyak!’ Paalala ko sa sarili ko pero kusang tumutulo ang luha ko sa magkahalong takot at pagkabahala. Kakaiba ang kabang lumulukob sa dibdib ko… hindi ko mapaliwanag. Para akong hindi makahinga. Nagkatinginan sila Jayson at Mariz, bakas sa mukha ang pag aalinlangan at labis na pag aalala. Namumula ang mata na hinawakan ni Mariz ang kamay ko. “Kiray, alam kong mahalaga sayo sobra ang asawa mo… pero kakagaling lang natin sa aksidente at nasag
(Kiray pov) “Madam, nasaan ka ngayon? Bumalik na ang asawa mo at kanina pa nag aalala. Umalis siya rito kasama si Jigs at iba pa para hanapin ka.” Bumuntonghininga ako bago sinagot si manang. “Pauwi na rin po ako, manang. Wag ka pong mag alala tatawagan ko po siya para ipaalam na uuwi na po ako.” Pagkatapos ibaba ang tawag ay tumingin ako sa cellphone na hawak ko. Hindi ko magawang tawagan si Laxus para sabihin kung nasaan ako. “Ayos ka lang ba? Kung ayaw mo pang umuwi sabihin mo nalang na namamasyal pa tayong dalawa.” Untag na sabi sa akin ni Mariz. Umiling ako. Kilala ko kasi si Laxus. Sigurado ako na hahanapin ako nito at hindi papayagan na hindi kasamang umuwi. Lalo na’t nabanggit kanina ni manang na nag aalala ito dahil sa death threats na natanggap nito. “Hindi na kailangan, Mariz. Sa tingin ko parating na siya dito. Saka tumakas lang kasi ako sa bantay kaya kailangan ko na rin umuwi.” Tumayo na ako at nakangiting nagpaalam dito. Nag init ang sulok ng mata naming dala
(Laxus King pov) “Mr. King, may dumating na kahon galing sa hindi kilalang tao.” Nilapag ni Jigs sa harapan ko ang isang kahon. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kahon. Ayon rito ay kahapon pa ito dumating. Hindi na-trace ang nagpadala dito. Hmm. I think galing ito sa mga kalaban ko sa negosyo, o baka sa organisasyon. Lately ay napapabayaan ko na ang organisasyon dahil sa asawa ko. I rather went to the doctor with her than to attend a meeting na siyang ikinagagalit ng mga kasosyo ko. Napangiti ako ng maalala ang dahilan kaya mas pinili ko ng manatili sa bahay muna kaysa ang unahin ang ibang bagay. Because of my beautiful wife and our baby. Sila ang dahilan kaya naging makulay ang buhay ko ngayon. Hindi ako sumaya ng ganito noong wala pa sila sa buhay ko. Now I can’t imagine my life without them. Nawala ang ngiti ko ng makita ang laman ng kahon. Duguang wedding dress at duguang baby dress. Dumilim ang mukha ko. Nagulantang si Jigs ng ihampas ko ang kuyom kong ka
(Kiray pov) “May naisip ka na bang plano, ma’am?” Umiling ako. “Wala pa, Jayson. Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa totoo lang.” “Hmm… ano kaya kung ipadukot natin siya at itapon sa dagat? Joke lang, ma’am, ikaw naman hindi mabiro.” Bawi nito ng tingnan ko ng masama. “Ayoko siyang saktan, Jayson. K-Kaibigan ko kasi siya.” Nag iwas ako ng tingin ng magulat ito sa sinabi ko. “M-mahabang kwento. Alam kong masama ang tingin mo sa akin ngayon. Pero hindi ko naman ginusto na mapunta sa sitwasyong ‘to. Ang mommy niya ang dahilan kaya nandito ako.” Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Kahit ako din naman ay magugulat kung ako ang nasa posisyon nito. Para kaming nasa isang movie—hindi makatotohanan at hindi kapani-paniwala. “Mahirap nga ang sitwasyon mo, ma’am. Pero walang ibang paraan para protektahan ang posisyon mo ngayon. Kailangan natin na maging madahas.” Napalunok ako. “Kailangan ba talaga? Wala na bang ibang paraan?“ Umiling ang la
(Kiray pov) Inayos ko ang suot kong mask at sumbrero. Nang masiguro ko na hindi ako nakikilala sa suot ko ay napangiti ako. Aalis ako ngayon ng hindi alam ng asawa ko. Wala naman magagawa ang pag iyak ko. Hindi no’n maaalis ang takot at pag aalala ko. Nakapagdesisyon na ako—aayusin ko ang problema ko. Aalisin ko ang balakit sa landas ko at buhay namin ng anak ko. Hindi ako mauupo lang at hihintayin na mawasak ang pamilya ko. Ako mismo ang aayos nito! Hindi ko alam kung paano nangyari na buhay si Rayana. Masaya man ako na buhay ang kaibigan ko. Pero mas nangibabaw ang takot sa puso ko para sa amin ng anak ko. Nagkaro’n ng emergency meeting ngayon si Laxus dito sa Cebu. Ang alam nito ay aalis ako kasama si Mariz. Pero iba ang plano ko. Tinawag ko ang mapagkakatiwalaan kong mga tauhan. Oo mayro’n akong mga tapat na tauhan. Kinuha ko sila para magsilbi sa akin at gumawa ng mga utos ko. Si Jayson ang mga naghanap ng mga tauhan na ito sa akin. “Hello, nasa’n ka na?” “Nan
‘Hindi! Sigurado ako na namamalikmata lang ako!’ “Queen,” Napapitlag ako ng hawakan ni Laxus ang kamay ko. Kunot ang noo at may pagtataka sa mukha nitong nakatingin sa mukha ko. “You looked pale.” “A-ah, wala lang ‘to… napagod lang ako.” “Then rest. Kung inaalala mo si manang, wag kang mag alala, i will make sure na madadala siya sa ospital at maaalagaan. Kapag nalaman niya na napagod ka at hindi nagpahinga dahil sa kanya, sigurado ako na mapapagalitan ka niya.” “S-sige.” PAGDATING namin sa King Hotel na pag aari ng asawa ko kung saan kami tumutuloy ngayon, agad akong nagkulong sa kwarto namin. Ayaw sana akong iwan ni Laxus kung hindi ko pa sinabi na mapapanatag lang ako kapag kasama siya sa ospital kung sana dadalhin si manang. “I-Imposible. Sigurado ako na namamalikmata lang ako.” Tama. Namamalikmata lang ako sigurado ako. Patay na si Rayana kaya malabo na siya ang nakita ko kanina. Tumingin ako sa kamay ko. Namamawis at nanginginig ito. Nanlalamig ang buong katawan