"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
View MorePaglapit ni Bella kay Erica, agad siyang niyakap nito na parang ilang taon silang hindi nagkita. “Hoy! Finally! Ang bagal mo, noh!” biro ni Erica habang yakap-yakap si Bella.Ngumiti si Bella at sinuklian ng mahigpit na yakap. “Namiss kita, girl. Grabe ka. Akala ko di mo na ako papakitaan bago ka lumipad sa bundok.”“Tarantado ka,” sabay tawa ni Erica. “Ay teka... ayan, oh.” Tumango ito kay Noah na ngayon ay nakangiting nakatayo sa tabi, tila nahihiya rin.“Hi, Bella,” sabi ni Noah. Walang halong biro, walang halong sarcasm. Isa lang iyong simpleng bati, pero sapat na para magdala ng kakaibang kabog sa dibdib ni Bella.Ngumiti siya, pilit pero hindi plastik. “Hi, Noah. Buti sumama ka.”“Alam mo naman, sinama ako ni Erica sa plano ninyo. Natuwa ako, sabik din akong makita kayong dalawa. Tagal na rin, ‘di ba?” Wika nito.Tumango lang si Bella, at si Erica naman ang biglang humawak sa magkabilang braso nila.“Okay, okay, tigilan na ang drama. Let’s eat first! Gutom na ‘ko. May bago daw
“Sasamahan kita kung gusto mo,” alok ni Rafael, bahagyang nagbago ang tono—hindi na kasing tigas. “Pero kung ayaw mo ng bodyguard... at gusto mong maging ‘normal’ kahit saglit, puwede rin. Pero kailangan mo akong i-text every hour, Bella. Wala akong pakialam kung OA ako. Gusto ko lang sigurado.” Napangiti si Bella, hindi dahil pinayagan siya—kundi sa paraan ng pagkabahala ni Rafael. Hindi niya sanay na makita ito sa ganoong mode—protective, alisto, at tila... may care? “Okay,” sagot niya, abot ang ngiti. “Text. Call. Video call. Picture. GPS. Lahat. Basta lang makalabas ako bukas kahit sandali.” “Ganon ha?” sinabayan ni Rafael ng tawa at saka tumango. “Sige. Pero sa oras na tumakas ka at mahuli ka ni Nanay mo, wala akong kinalaman ha.” Nagkatawanan sila pareho, pero hindi rin nawala ang bahagyang tension sa dibdib ni Rafael. Ramdam niyang may binabalik-balikan si Bella sa labas ng tahanan nila—at hindi lang si Erica iyon. Habang tinutuloy nila ang pagkain, hindi na muling binangg
Masarap ang amoy ng sinigang na baboy sa buong bahay. Mainit pa ang sabaw habang inilalapag ni Aling Minda ang huling plato sa hapag. May pritong lumpia sa gilid, inihaw na bangus na may kamatis, at isang mangkok ng ginataang mais para sa panghimagas. Kumpleto. Tuwing Linggo talaga, parang piyesta sa bahay nina Rafael. Nakahain na ang lahat, at ang ambiance sa loob ng dining area ay relaxed at homey. Nakaupo si Bella sa dulo ng mesa, naka-pastel blue na shirt at simpleng pajama. Nakapusod ang buhok at bagong ligo, pero ang pinakaagaw-pansin ay ang liwanag sa kanyang mga mata. Pumasok si Rafael mula sa may hallway, naka-gray shirt at shorts. Simple lang ang ayos niya, pero parang modelo pa rin kahit naka-tsinelas lang. “Uy, bango ah,” ani Rafael habang papalapit sa mesa. “Ready na ba tayo?” “Matagal na,” sagot ni Bella habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. “Kanina pa ako excited.” “Excited sa pagkain? Hindi sa akin?” biro ni Rafael, sabay upo sa tapat ni Bella. Napasinghap
Sumikat ang araw ng linggo sa dahan-dahang pagpasok ng liwanag sa loob ng bahay. Humaplos ito sa kurtina, dumaan sa kisame, at saka humalik sa pisngi ni Bella habang siya'y nakahiga pa sa kama. Bahagya siyang gumalaw, idinikit ang unan sa mukha at napabuntong hininga bago idinilat ang isang mata. Tahimik ang paligid. ‘Yung klase ng katahimikan na hindi nakakabingi kundi nakaaaliwalas—parang ang buong bahay ay nagpapahinga rin. Nag-inat si Bella sa kama. May kaunting ngiti pa rin sa labi mula sa mga huling mensahe kagabi. Kinuha niya ang cellphone, chineck kung may bagong message ngunit wala naman. Pero kahit ganun, hindi nabawasan ang init sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero mas magaan ang pakiramdam niya sa araw na ito. Pagkababa niya sa hagdan, naamoy na niya agad ang aroma ng bagong lutong pandesal at kapeng barako. Ang mga kasambahay ay nag sidatingan na ang kanilang mga kasambahay pati si kuya Dodong na driver at hardinero nila. “Good morning po, Ma’am
Pagdating nila sa bahay, tahimik lang ang paligid. Walang nagbago. Ang ilaw sa sala ay mahina, malamlam na parang inaantok na rin. Tila ba ang bahay ay nakikisama sa katahimikan ng gabi. Walang kasambahay. Walang ingay. Pero may hangin. Yung klaseng hangin na malamig pero may dalang aliwalas.Nang makapasok na sila, binuksan ni Rafael ang ilaw sa hallway. Umangat ng bahagya ang mukha ni Bella habang nag-aayos ng tsinelas sa may pinto.“Salamat ulit,” bulong niya habang nakatingin sa kanya, may maliit na ngiti sa labi, ‘yung tipong pagod na masaya.Saglit lang na tumingin si Rafael. Tumango. “Hmm.” Pero may kaunting ngiti rin sa sulok ng labi. Yung ngiting ayaw ipahalata pero hindi rin maitago.Papaliko na si Bella patungo sa kanyang kwarto nang biglang marinig niya ang boses ni Rafael mula sa likod.“Bella.” Tawag nito sa kanya. Huminto siya at napalingon sa lalaki. “Good night,” maikling sabi nito, pero may lambing kahit sa simpleng tono.Nagulat siya, pero ngumiti. “Good night. Slee
Pagkatapos ng games, umupo sila sa lilim ng puno, pagod pero masaya. Nakaupo si Bella sa bench, nakasandal kay Rafael. Ang bata ay natutulog sa gilid nila, marahil sa sobrang pagod sa kasiyahan.Tahimik. Pero hindi awkward. Tahimik na masarap.“Kaya mo pa ba?” tanong ni Rafael.“Tungkol saan?” balik ni Bella.“Sa lahat.”Napangiti si Bella. “Ngayong araw... oo. Kasi parang ngayon lang ako nakalimot.”Tumango si Rafael. “Ako rin.”At doon, sa gitna ng katahimikan, naramdaman nilang pareho—hindi lang sila basta dumalo sa party. Dumalo rin sila sa bagong alaala, bagong damdamin na unti-unting umusbong, at sa bagong simula na hindi nila inaasahan.“Okay! At dahil tapos na ang lahat ng games, may announcement tayo!” sigaw ng host habang hawak ang mic. “Ang pinaka-energetic at best team ngayong araw ay...”Tumigil muna siya. Pa-drama. Pa-thrill. Pinakilig ang mga bata’t matatanda.“Team Kuya Rafael, Ate Bella, at Mikaaaay!” Dagdag na sigaw ng host. “Hala! Tayo ‘yon!” sigaw ng bata, sabay t
“Okay mga bata! Ready na ba kayo sa games?” sigaw ng ate organizer, sabay palakpak.“Reaaaady!” sigaw ng mga bata, halos sabay-sabay.Tumawa si Bella habang nakaupo sa lilim, hawak ang maliit na bottled water, habang pinagmamasdan ang mga batang nagkakagulo sa harap ng microphone. Tumabi sa kanya si Rafael, nakasalampak din sa plastic chair, naka-sunglasses na itinaas niya para makita ng maayos ang nangyayari.“Parang college fair ah,” sabi ni Bella, nakangiti.“Mas masaya pa nga,” balik ni Rafael, habang nakatingin sa mga batang nagkakatuwaan.Tumayo ang organizer, may hawak na papel. “Okay, for the first game, kailangan ko ng tatlong grupo ng tig-tatlong miyembro—dalawang matatanda at isang bata. This is called ‘Trip to the Island!’Nagtaas ng kamay ang maraming bata. Isa sa mga batang palaging dikit kay Rafael ang tumakbo palapit. “Kuya Raf! Sama mo ko! Sama mo ko!”Tumawa si Rafael. “Sige, ikaw na. Pero kailangan natin ng isa pa.”Napalingon ang bata kay Bella. “Ate Bella! Sama ka
Sabado ngayon. Tahimik ang buong bahay nina Rafael, tila nagpapahinga rin ang bawat pader mula sa linggo na puno ng ingay at kilos. Wala ang mga kasambahay, day off nila ngayon. Kaya naman si Bella, na hindi sanay sa katahimikan na ganito, ay kusang-loob na nagpunta sa kusina.Suot ang apron, buhok na naka-bun, at hawak ang sandok, abala siya sa paghalo ng ulam. Humahalo sa amoy ng mantika at toyo ang banayad na musika mula sa cellphone niya. Habang niluluto ang adobo, napapangiti siya. Simple lang, pero may kakaibang saya ang pakiramdam niyang ito—parang... bahay lang nila. Di man niya aaminin ay namimiss na rin niya ang bahay nila ang kwarto niya at ang pamilya niyaHabang abala si Bella sa pag luluto ay biglang pumasok at tumambad sa harapan niya si Rafael, bagong gising, magulo ang buhok, suot ang simpleng gray shirt at jogging pants. Napahinto si Bella sa pagkilos, sabay napatingin.“Gising ka na pala?” bati nito sa kaya, medyo may ngiting pilya.“’Ay, hindi pa po. Picture ko la
Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa isang mataas na bahagi ng lungsod. Isang lugar na hindi matao, pero ligtas. Malawak ang tanawin—mula roon, kita ang buong siyudad. Parang alitaptap ang mga ilaw sa baba, gumagalaw, nagliliwanag, humihinga. Napanganga si Bella. “Ang ganda…” Ngumiti lang si Rafael at lumapit sa gilid kung saan mas maliwanag ang view. “Dito ako madalas pumunta... kapag kailangan kong mag-isip.” Sumunod siya, at saglit silang natahimik. Pareho silang nakatitig sa mga ilaw sa ibaba, para bang may sinasabi ang tanawin na hindi kayang bigkasin ng salita. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ni Bella, halos pabulong. “Para makita mo ‘yung ganda... kahit sa gitna ng gulo.” Napatingin siya kay Rafael. Tahimik lang ito, pero may lalim ang boses—parang may tinatago, pero ayaw ipakita. At sa gabing iyon, si Bella ay unti-unting nalilito. Kasi sa bawat sulyap ng lalaki, sa bawat simpleng kilos, may init na hindi niya maintindihan. Tumingin ulit siya sa view,
Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis. "Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin. "Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan." "Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal."Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya. "Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?""Ano ka ba? Wala akong balak...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments