Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan.
Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang lisensya, at higit sa lahat… hindi pa siya handa. Habang nakaupo sa waiting area ng clinic, hindi niya mapigilan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Hindi pa siya sigurado, pero may kutob na siyang mali ang lahat ng ito. "Miss Zamora?" tawag ng nurse. Tumayo siya nang dahan-dahan at pumasok sa consultation room. Matapos ang ilang tests at pagsusuri, hindi na niya kailangan marinig pa ang resulta. Kitang-kita niya sa mata ng doktor ang sagot. "Congratulations, Miss Zamora. Buntis ka." Parang bumagsak ang mundo niya. Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang kanyang tiyan. Pilit niyang tinatanggap ang katotohanan, pero parang hindi niya kayang paniwalaan. Paglabas ng clinic, nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatawagan si Erica. “Hello? Bella, bakit ka tumawag?" sagot ng bestfriend niya, halatang nagtataka. “Erica…" mahina ang kanyang boses. "Hindi ko alam ang gagawin ko."* "Hala, anong nangyari? Bakit parang ang hina ng boses mo? Ayos ka lang?" "Buntis ako." Saglit na katahimikan. Tila nag-rehistro pa kay Erica ang sinabi niya bago ito sumigaw. "WHAT?!" "Shhh! ‘Wag kang maingay! Nasa labas ako!" taranta niyang sabi habang palinga-linga sa paligid. "Nasaan ka?!" "Nasa labas lang, galing akong clinic."* "Omg! Sinong ama? Wait, seryoso ka ba? Ilang buwan na?!" Napabuntong-hininga siya at napaupo sa isang bench. "Two weeks na daw… Erica, anong gagawin ko?" "Syet, Bella! Two weeks?… So ibig sabihin, ‘yung gabing ‘yun?!" Hindi makapaniwala na wika ni Erica. "Huwag mo nang banggitin, Erica, please," mahinang sagot niya. "Syet. Syet. Syet. Bella, alam mo bang napakalaking problema nito? Hindi ito biro!" Ang sabi pa ni Erica na tila problema nito ang problema niya. "Kaya nga litong-lito ako! Ayokong malaman ng pamilya ko. Hindi pa ako handa, wala pa akong trabaho, hindi ko pa nga na itutuloy ang LET review ko! Paano ko bubuhayin ang batang ‘to?" "Ikaw? Wala ka pang sinasabi sa pamilya mo pero iniisip mo na agad ‘yan? Bella, seryoso ka ba? Sinong ama? Alam na ba niya?" "Wala, Erica. Ni hindi ko nga alam kung alam niya ang pangalan ko. Wala akong number niya, wala akong ideya kung saan siya nakatira. Wala akong clue kung ano ang plano niya sa buhay," napapikit siya at pinigilan ang pagpatak ng luha. "Wait, wait. Kanina lang iniisip mo kung paano mo maitatago ‘to sa pamilya mo, tapos ngayon iniisip mo na agad kung paano mo palalakihin mag-isa? Isa-isa lang, Bella. Hindi mo ‘to kayang itago nang matagal, pero may paraan!" Napabuntong-hininga si Bella at tumingala sa langit. “Ano’ng gagawin ko, Erica? Magagalit talaga sina Mama at Papa. Ang inaasahan nila, matutulungan ko ang pamilya namin, hindi ang magpalaki ng bata!" "Kaya nga. Kung ayaw mo pang sabihin sa kanila, siguraduhin mong may kakampi ka. Hindi ko sinasabi na itago mo ‘to habambuhay, pero kung hindi mo pa kaya ngayon, huwag mong pilitin. Pero girl, kailangan mo ng suporta." Napatahimik siya. Suporta. Pero kanino? Si Erica lang ang meron siya ngayon. At isang bagay ang alam niya—hindi niya kayang itago ito nang matagal. Pero para sa ngayon, isa lang ang sigurado. Hindi siya pwedeng magpatalo sa takot. Pagkauwi ni Bella mula sa clinic, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal. Tulala siyang pumasok sa bahay, pinilit na huwag magpakita ng kahit anong emosyon na maaaring magdulot ng hinala sa kanyang pamilya. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niya ang kanyang ina na nag tutupi ng kanilang mga damit. "Oh, Bella? Kanina ka pa umalis, saan ka ba nagpunta?" tanong ni Carmena habang abala sa paghihiwa ng gulay. "Ah... ano kasi, Ma... dumaan lang ako sa apartment, inayos ko lang ‘yung mga gamit ko ro’n," sagot niya, pilit na pinapanatili ang normal niyang tono. Tumango ang kanyang ina pero halata sa mga mata nito na may iniisip pa itong iba. "Bakit parang ang tamlay mo? Masama ba pakiramdam mo?" "Ha? Hindi, Ma, pagod lang siguro," mabilis niyang sagot. Nilapitan siya ng ina at tiningnan ng mabuti. "Baka kailangan mong uminom ng vitamins. Baka naman nagpupuyat ka kakareview mo para sa LET?" "Medyo, Ma," sagot niya habang pinipilit na ngumiti. "Pero ayos lang ako, promise." Napabuntong-hininga si Carmena. “O siya, kung ganon. May ipapakiusap sana ako sa’yo. Hindi masusundo ng kuya mo si Kiera sa school niya kasi mag-o-overtime siya, tapos ang Papa mo may meeting pa. Ikaw na lang ang sumundo sa kanya, anak." "Ha? Ako?" Napakurap si Bella. "Eh, Ma—" “Wala nang kontra-kontra, Bella. Wala ka namang ginagawa ngayon, ‘di ba?" Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Sige po, susunduin ko si Kiera." Kahit gusto niyang magpahinga at mag-isip nang maayos, alam niyang wala siyang lusot dito. Kaya naman, nagpalit lang siya ng damit at lumabas na ng bahay para pumunta sa paaralan ng kanyang kapatid. Nag motor na lang siya para madali siyang makarating dun. Habang nasa gate ng eskwelahan, naupo si Bella sa isang bench at naghintay. Wala siyang ibang kasama maliban sa ibang mga magulang at guardian na naghihintay rin ng kanilang mga anak. Napasulyap siya sa paligid, tinatantiya kung gaano katagal bago lumabas ang kapatid niya. Dahil malalim ang iniisip, hindi niya agad napansin na may isang lalaking dumaan sa harapan niya. Isang matangkad na lalaki, naka-long sleeves at slacks, halatang hindi estudyante o guro kasi hindi naman ito naka uniform. Naglalakad ito patungo sa isang opisina malapit sa entrance ng paaralan. Nagkataong napalingon siya sa parehong oras na lumingon din ang lalaki. Saglit lang ang tagpong iyon, isang simpleng tinginan, na parang wala lang. Wala silang ideya na minsan na silang nagkatabi, nagyakap, at nagbigay ng init sa isa’t isa sa gabing hindi nila inakala na nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ni Bella. Pero sa isang iglap, nagpatuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa. Pagpasok ni Rafael sa opisina, agad niyang tinawag ang kanyang secretary. "Mag-announce ka ng emergency faculty meeting in 15 minutes. May mahalaga tayong pag-uusapan." Utos ni Rafael dito. Mabilis na tumango ang secretary at lumabas ng opisina upang ipasa ang mensahe sa mga guro. Habang naghahanda si Rafael sa meeting, saglit siyang lumingon sa bintana. Natanaw niya ang ilang mga magulang na naghihintay sa labas, kasama ang ilang estudyante. Ngunit isang pigura ang bahagyang nakakuha ng atensyon niya—isang babae na nakaupo sa bench habang nakayuko at nag cecellphone. Hindi niya alam kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Napailing siya at tumalikod, bumalik sa kanyang lamesa. "Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko naman siya kilala pero parang..." bulong niya sa sarili. Pinilit niyang iwaksi ang iniisip at nag-focus sa meeting, ngunit hindi niya alam na ang babaeng iyon ay may dalang sikreto na babago sa takbo ng buhay niya. Si Bella naman ay buntong-hininga, hindi alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Parang ang pamilyar ng lalaking ‘yon..." bulong niya sa sarili. Pero mabilis din niyang inalis sa isip ang ideyang iyon. Wala namang rason para isipin pa niya ang isang estranghero na dumaan lang. Hanggang sa lumabas na si Kiera at agad siyang nilapitan. "Ate! Sorry di kami pinapalabas ng teacher namin ng di pa tapos mag sulat eh!" Sabi ng kapatid niya. "Ayos lang yun. Tara na," sagot ni Bella, pilit na tinatago ang bumabagabag sa kanyang isip. Sabay na silang lumabas ng paaralan, hindi alam ni Bella na ang lalaking muntik na niyang nakasalubong ay ang lalaking babago sa takbo ng kanyang buhay.Pagkalipas ng ilang araw, nag-aya si Erica kay Bella na magkita sila sa isang coffee shop. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan, kaya gusto niyang makausap ito ng masinsinan. Sa loob ng café, nakita agad ni Bella si Erica na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito. "Uy, girl, kamusta ka na? Para kang multo na bigla na lang naglaho. Hindi ka na nagparamdam!" reklamo ni Erica habang sumisipsip ng iced coffee niya. Napangiti si Bella nang pilit. "Medyo busy lang... at saka, may iniisip ako."Tumingin ng seryoso si Erica. "Yung iniisip mo ba eh yung—"Tumango si Bella, sabay buntong-hininga. "Hindi ko alam, Erica. Nalilito ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko."Hinawakan ni Erica ang kamay ng kaibigan. "Bella, hindi ka nag-iisa. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Pero hindi mo naman pwedeng itago 'yan habang buhay. May plano ka na ba?"“Sa ngayon, gusto ko munang magtrabaho habang nagre-review ako. At least, may
Lunes ng umaga, dumating si Bella sa St. Therese Elementary School para mag-submit ng kanyang aplikasyon bilang assistant teacher. Nakaayos siya nang maayos—simpleng blouse at slacks, buhok na nakapusod, at may kaunting makeup para magmukhang fresh at professional. Kahit kinakabahan, pinilit niyang ipakita ang kanyang kumpiyansa.Sa pagpasok niya sa admin office, isang babae ang bumati sa kanya."Good morning! Ano pong sadya nila?" tanong ng secretary na si Ms. Dela Cruz."Magpapasa po ako ng requirements para sa assistant teacher position," sagot ni Bella, inaabot ang kanyang folder."Ah, yes! May scheduled interview kayo ngayon. Paki-fill out na lang ito, tapos hintayin niyo po ang tawag ni Sir Rafael Grafton.”Muling bumilis ang tibok ng puso ni Bella. ‘Ang punong-guro mismo?’ Inakala niyang iba ang magiging proseso. Pero huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito, at hindi siya dapat matinag ng kaba. Habang naghihintay, pinagmasdan niya
Habang papalabas si Bella Matapos ang Interview mula sa opisina ng principal nang may halo-halong emosyon. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil natapos na ang interview, pero hindi niya maiwasang kabahan. Hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya bilang assistant teacher pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Naglakad siya nang mabagal palabas ng paaralan, bitbit ang maliit na brown envelope na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Pinagmasdan niya ang paligid—ang mga batang naglalaro sa open ground, ang mga guro na nag-uusap sa hallway, at ang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak. ‘Ito na ba ang magiging bagong mundo ko?’ tanong niya sa sarili. Kung matanggap siya, dito siya magtatrabaho habang nagrereview para sa LET. At dito rin mag-aaral ang magiging anak niya. Muling kumakabog ang dibdib niya sa ideyang iyon. ‘Diyos ko, paano ko ba ito ipapaalam sa kanila?’ anya niya sa isip.Pinilig niya ang kanyang ulo, pilit na itinaboy ang mga alalahanin
Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries. "Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya. "Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella."Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent."Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella."Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent. "Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella."Tingnan natin. Kung may sweldo ka n
Habang papunta sila sa classroom, hindi mapigilan ni Bella ang excitement at kaba. Nang makarating sila sa pinto, dinig na dinig ang malakas na tawa at sigawan ng mga bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang masayang tanawin—mga batang nasa anim na taong gulang, naglalaro at tumatakbo-takbo sa loob ng classroom. Sa gitna ng kaguluhan ay isang babaeng nasa late 20s, may friendly aura, at abalang inaayos ang ilang activity sheets sa mesa. "Teacher Liza," tawag ni Mrs. Santos. "Ito na ang magiging assistant teacher mo, si Ms. Zamora." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.Agad na lumapit si Teacher Liza at nakangiting kinamayan si Bella. "Hi, Ms. Zamora! Welcome sa team! Huwag kang kabahan, masaya dito!""Salamat po! Excited na po akong makilala ang mga bata." Nakangiting sagot ni Bella.Nang marinig ng mga bata ang usapan nila, agad silang lumapit, nagkumpulan, at sabay-sabay nagtanong. "Teacher, sino siya?" "Magiging teacher namin siya?""Ang ganda niya!"Napataw
Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis. "Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin. "Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan." "Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal."Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya. "Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?""Ano ka ba? Wala akong balak
Ang unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magk
Pagkarating ni Rafael sa kanyang condo, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinubad ang kanyang coat. Napatingin siya sa malaking salamin sa harap ng kanyang kama. He ran a hand through his slightly disheveled hair, sighing deeply. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang babae. Her touch, her scent—everything about her felt strangely familiar yet unknown at the same time. He unbuttoned the first few buttons of his shirt and poured himself a glass of whiskey. Umupo siya sa kanyang couch at na alala niya ang silver necklace na na iwan ng babae nakatalik niya kagabi. Rafael picked it up, inspecting the delicate piece of jewelry. "Interesting..." yun lang ang nasabi niya habang pinagmamasdan niya itoAlam niyang hindi ito ordinaryong kwintas. Masyadong personal. Kung sino man siya, tiyak niyang hindi lang basta-basta ang babae. Napabuntong-hininga siya habang sinusuri niya ang silver necklace at habang sinuri niya ito at may napansin siya na isang ukit na bulaklak s

Pagkalipas ng ilang araw, nag-aya si Erica kay Bella na magkita sila sa isang coffee shop. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan, kaya gusto niyang makausap ito ng masinsinan. Sa loob ng café, nakita agad ni Bella si Erica na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito. "Uy, girl, kamusta ka na? Para kang multo na bigla na lang naglaho. Hindi ka na nagparamdam!" reklamo ni Erica habang sumisipsip ng iced coffee niya. Napangiti si Bella nang pilit. "Medyo busy lang... at saka, may iniisip ako."Tumingin ng seryoso si Erica. "Yung iniisip mo ba eh yung—"Tumango si Bella, sabay buntong-hininga. "Hindi ko alam, Erica. Nalilito ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko."Hinawakan ni Erica ang kamay ng kaibigan. "Bella, hindi ka nag-iisa. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Pero hindi mo naman pwedeng itago 'yan habang buhay. May plano ka na ba?"“Sa ngayon, gusto ko munang magtrabaho habang nagre-review ako. At least, may
Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan. Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang