Napahinto sa pagsasalita si Carmena. Parang natahimik ang buong bahay. Nagpalitan ng tingin si Teddy at Carmena, at sa isang iglap, nag-init muli ang ulo ng ina. "Ha? Gago ka ba? Alam mo na nga na walang-wala tayo tapos binuntis mo pa? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Clark!" Napalakas ang boses ni Carmena, at kahit si Bella ay napapikit sa gulat. "Ma, hindi ko naman ginusto 'to nang ganito. Hindi ko rin naman pinaplano! Pero nangyari na, at hindi ko pwedeng talikuran si Anna at ang bata!" madiing sagot ni Clark. "Hindi mo pinaplano?!" Singhal ni Carmena. "Dapat iniisip mo ang consequences bago ka gumawa ng ganyan! Pamilya mo nga hindi mo matulungan, paano mo bubuhayin ang magiging anak mo?" Napayuko si Clark, halatang tinatamaan ng mga salita ng ina. Si Teddy naman ay napabuntong-hininga. "Clark, anak… mahalaga ang responsibilidad. Pero alam mo namang mahirap ang buhay natin ngayon. Wala tayong sapat na pera para sa kasal, lalo na para sa pagpapalaki ng bata. Ano ang plano
Naiwan si Bella, hawak ang sariling tiyan, nag-iisip. Hindi lang ang kanyang pamilya ang dapat niyang itago ang totoo. Pati sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa trabaho. Pero naisip niya mas okay na wala munang makakaalam sa pagbubuntis niyang ito.Kailangang manatili itong lihim dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkawala ng trabaho niya. Alam niyang mahigpit ang paaralan pagdating sa mga assistant teacher, lalo na’t hindi pa siya ganap na lisensyadong guro. Kung malaman nilang buntis siya, baka hindi na siya payagang ipagpatuloy ang pagtuturo.Napabuntong-hininga siya at muling binalikan ang kanyang binabasa, ngunit hirap na siyang mag-focus. Ang isip niya ay punong-puno ng mga pangamba—ang kanyang pamilya, ang perang kailangang ipunin, at ang bata sa kanyang sinapupunan.Ngunit sa kabila ng lahat, may isang bagay siyang sigurado. Kakayanin niya ito. Hindi niya alam kung paano, pero kailangang kayanin.Pagdating ng uwian tahimik na nagliligpit ni Bella ang mga kalat sa lo
"Ano ‘to? May secret rendezvous ba kayo ng principal natin?"Napatigil si Bella. Nanlaki ang kanyang mga mata, at sa sobrang gulat, muntik na niyang mabitawan ang walis. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng kanyang pinsan, si Vincent.Nakatayo ito sa may pinto, nakapamulsa, at may mapanuksong ngiti sa labi. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan siya."V-Vincent?!" halos pasigaw niyang sambit. "Anong ginagawa mo dito?"Umangat ang isang kilay ng kanyang pinsan. "Ako dapat ang nagtatanong n’yan sa’yo, ‘di ba? Akala ko nakauwi ka na."Napahawak si Bella sa kanyang noo at huminga ng malalim bago bumaling kay Vincent. "Naglilinis pa ako. Teka, paano mo nalaman na nandito pa ako?""Simple lang," sagot nito, sabay pasok sa silid. "Dumaan ako sa harap ng school, tapos nakita kong bukas pa ang ilaw dito. Sabi ko, ‘hmm, sino kayang nagpapaka-dedikado sa trabaho nang ganitong oras?’ Syempre, ikaw lang naman ang kilala kong ganito kasipag, p
Pagkarating sa bahay...Pagpasok ni Bella sa bahay, agad niyang napansin ang tahimik na paligid. Naroon ang kanyang pamilya sa sala, tila sila na lang ang hinihintay."Oh? Anong meron?" tanong niya habang hinubad ang sapatos at inilagay ito sa lalagyan. Lumapit siya sa isang bakanteng upuan at umupo roon.Matamlay ang kanyang ina habang bumaling sa kanya. "May masamang balita, anak... Naaksidente ang kapatid ng papa mo. Pumanaw na siya. Kailangan nating pumunta sa burol niya."Napatingin si Bella sa kanyang ama, na tahimik at tila balisa. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Malapit siya sa kanyang tiyuhin noong bata pa siya, kaya ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Napansin din niyang tila hindi mapakali ang kanyang kuya."Sige na, maghanda na kayo," sabi ng kanyang ina.Agad namang kumilos ang pamilya. Pumasok si Bella sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Hindi naman kalayuan ang bahay ng tiyuhin nila, nasa kabilang bayan lang.Pagkatapos nilang maghanda, agad silang umalis.Pa
"Anak?" naguguluhan na tanong ng pinsan niya sa tabi niya. Tumango ang lola nila, walang emosyon sa mukha. "Anak niya sa ibang babae." Halos hindi makahinga si Bella sa rebelasyong iyon. Ngayong tinitingnan niya ang bata ng mabuti, napansin niyang may kaunting hawig ito sa tiyuhin niya—pareho ang hugis ng mata, ang matangos na ilong, ang mahahabang pilikmata.Pero bakit ngayon lang nila ito nalaman? Samantala, ang ibang kamag-anak ay nag-uusap-usap na sa likuran. May mga bulungan, may mga nagtatakang nagtatanong sa isa't isa. Alam nilang ang tiyuhin nilang ito ay hindi perpektong tao, pero hindi nila inaasahan na may ganito pala siyang lihim na itinago. Napatingin si Bella sa kanyang ama, naghihintay ng paliwanag. Pero nakita niyang tila hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanila. Alam na niya. Alam na niya kung bakit ganito ang reaksyon ng kanyang ama—matagal na itong may ideya tungkol dito. Pero bakit walang nakakaalam? Bakit itinago ito sa lahat? Habang lahat ay naguguluhan,
"Wala siyang karapatang tawaging pamilya!"Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng sigaw.Mula sa bukas na pintuan, isang babae ang nakatayo mahigpit ang hawak sa kanyang handbag, mataray ang titig, at kitang-kita sa mukha ang pagkamuhi. Siya si Aunt Estrella, ang tiyahin ni Adrian mula sa ama nito, na galing pa sa ibang bansa.Nanlamig si Bella. Dumagundong ang dibdib niya sa kaba."Auntie Estrella..." mahina niyang usal.Naglakad ito papasok, ang tunog ng kanyang takong ay dumadagundong sa sahig. Walang sino man ang nagsalita. Kahit si Adrian, na yakap pa rin ang batang babae, ay tila natigilan."Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Clark.Ngumiti si Estrella, ngunit malamig at puno ng pangungutya. "Mukhang hindi niyo na ako na-miss." Tapos ay itinuro niya ang batang yakap ni Adrian. "At ikaw, Adrian, anong ginagawa mo? Yakap-yakap mo ‘yan na parang kapatid mo. Pero tandaan mo hindi siya tunay na pamilya!"Kumunot ang noo ni Bella. "Ano pong ibig n'yong sabihin, Auntie?"L
Nang makalabas ito, saka pa lang nakahinga nang maluwag si Bella. Lumingon siya kay Adrian at sa batang babae."Okay ka lang?" tanong niya.Ngumiti nang bahagya si Adrian, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo. Pero ang tanong... siya kaya, okay lang?" sabay haplos sa buhok ng bata.Nagkatinginan sila ni Bella, parehong iniisip ang iisang bagay—hindi na nila hahayaang maranasan ng batang ito ang pakiramdam ng pagiging nag-iisa.Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya nila, minabuti ni Bella na umuwi na rin. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng sasakyan habang ang kanyang ama ang nagmamaneho pauwi. Wala siyang imik di na rin niya pinapansin ang pag uusap ng kanyang ina at ama.Buong magdamag, hindi siya makatulog. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga pangyayari ang gulong nangyari sa pamilya ni Adrian, ang masalimuot na relasyon nilang lahat, at higit sa lahat, ang kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap niya.At doon niya naisip hindi siya maaaring manatiling gani
Nanigas siya sa kinatatayuan.Dahan-dahan siyang humarap.Halos lumakas ang pintig ng puso ni Bella habang dahan-dahan siyang lumingon upang harapin ang may-ari ng boses na tumawag sa kanya.‘Ito na ba? Siya na ba ang lalaki na hinahanap niya?’Sa harapan niya, isang matangkad na lalaki ang nakatayo, nakasuot ng dark blue na polo at may matalim na titig na nakatutok sa kanya. Hindi niya ito kilala—o iyon ang akala niya.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Halos naririnig niya ang mahinang tugtog ng musika sa paligid, pero parang lumabo ang lahat sa pandinig niya.Maya-maya, inilabas ng lalaki ang isang bagay mula sa loob ng kanyang coat. Isang kwentas—isang pamilyar na kwentas.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Hinahanap mo ba ito?"Dumagundong ang kanyang puso. Hindi maaring magkamali.Ang kwentas na iyon...Sa kanya iyon.At iyon ang iniwan niya noong gabing iyon.Napalunok siya, hindi alam kung paano magrereaksyon."P-Paano mo nakuha 'yan?" halos pabulong niyang tanong.Muling
Tapos binalik niya sa bulsa ang cellphone, lumanghap ng hangin, at saka ngumiti pabalik sa dalawa.“Si Sir Rafael?” tanong agad ni Erica.“Uh-huh. Wala lang. Paalala lang na mag-ingat,” sagot ni Bella, pilit ang kaswal na tono. “Saka gusto niyang malaman kung okay lang ako.”Ngumiti si Noah, pero hindi nagsalita. Sa mga mata niya, parang may iniisip siyang malalim.Habang lumalim na ang gabi at unti-unti nang nagsasara ang ibang tindahan, napagpasyahan na nilang umuwi.“Hays,” sabay-sabay silang napabuntong-hininga habang pauwi na.“Vincent is on his way,” biglang sabi ni Erica habang may katinginan ang cellphone.“Oh, kukunin ka na niya?” tanong ni Bella, kunwaring kalmado.“Yeah. Saglit na lang ‘yon, sa may entrance lang tayo dadaan.”Pagdating nila sa may gate ng mall, mabilis nilang nakita ang isang pamilyar na sasakyan. Si Vincent. Bumaba ito para salubungin si Erica.Bella’s heart tightened a little. Gusto niyang lumapit, gusto niyang magpakita. Pero hindi pwede. Hindi pwede lal
Habang kumakanta ang dalawa, si Noah ay tahimik lang, nakangiti, pinapanood silang dalawa. May mga sandaling tumatawa siya kapag pumipiyok si Erica, o kaya'y napapikit si Bella habang kumakanta, na para bang dama niya ang bawat salita. Pagkatapos ng kanta, pumalakpak silang tatlo.“Okay, okay. Time for the prince to sing,” sabi ni Erica, sabay abot ng mic kay Noah.“Ay,” sabi ni Bella, “Kaya mo pa ba? Baka mawalan kami ng kuryente—charot!”Ngumisi lang si Noah, pero may kakaibang ningning sa mga mata niya. Hindi na siya tumingin sa songbook. Imbis ay nag-search siya direkta sa search bar.“Teka…” sabi ni Noah. “May isa akong gustong kantahin.”Nang lumabas ang kanta sa screen, napatingin si Bella. “It’s You…?”Tumango si Noah. “Yeah. Ali Gatie. Medyo luma na, pero may dating pa rin, ‘di ba?”Tumahimik ang kwarto. Umangat ang volume. At nagsimula nang mag-play ang kanta. Tahimik muna si Noah. Tapos dahan-dahang kumanta, ang boses niya ay malalim, malamig, pero puno ng damdamin.“It’s y
Paglapit ni Bella kay Erica, agad siyang niyakap nito na parang ilang taon silang hindi nagkita. “Hoy! Finally! Ang bagal mo, noh!” biro ni Erica habang yakap-yakap si Bella.Ngumiti si Bella at sinuklian ng mahigpit na yakap. “Namiss kita, girl. Grabe ka. Akala ko di mo na ako papakitaan bago ka lumipad sa bundok.”“Tarantado ka,” sabay tawa ni Erica. “Ay teka... ayan, oh.” Tumango ito kay Noah na ngayon ay nakangiting nakatayo sa tabi, tila nahihiya rin.“Hi, Bella,” sabi ni Noah. Walang halong biro, walang halong sarcasm. Isa lang iyong simpleng bati, pero sapat na para magdala ng kakaibang kabog sa dibdib ni Bella.Ngumiti siya, pilit pero hindi plastik. “Hi, Noah. Buti sumama ka.”“Alam mo naman, sinama ako ni Erica sa plano ninyo. Natuwa ako, sabik din akong makita kayong dalawa. Tagal na rin, ‘di ba?” Wika nito.Tumango lang si Bella, at si Erica naman ang biglang humawak sa magkabilang braso nila.“Okay, okay, tigilan na ang drama. Let’s eat first! Gutom na ‘ko. May bago daw
“Sasamahan kita kung gusto mo,” alok ni Rafael, bahagyang nagbago ang tono—hindi na kasing tigas. “Pero kung ayaw mo ng bodyguard... at gusto mong maging ‘normal’ kahit saglit, puwede rin. Pero kailangan mo akong i-text every hour, Bella. Wala akong pakialam kung OA ako. Gusto ko lang sigurado.” Napangiti si Bella, hindi dahil pinayagan siya—kundi sa paraan ng pagkabahala ni Rafael. Hindi niya sanay na makita ito sa ganoong mode—protective, alisto, at tila... may care? “Okay,” sagot niya, abot ang ngiti. “Text. Call. Video call. Picture. GPS. Lahat. Basta lang makalabas ako bukas kahit sandali.” “Ganon ha?” sinabayan ni Rafael ng tawa at saka tumango. “Sige. Pero sa oras na tumakas ka at mahuli ka ni Nanay mo, wala akong kinalaman ha.” Nagkatawanan sila pareho, pero hindi rin nawala ang bahagyang tension sa dibdib ni Rafael. Ramdam niyang may binabalik-balikan si Bella sa labas ng tahanan nila—at hindi lang si Erica iyon. Habang tinutuloy nila ang pagkain, hindi na muling binangg
Masarap ang amoy ng sinigang na baboy sa buong bahay. Mainit pa ang sabaw habang inilalapag ni Aling Minda ang huling plato sa hapag. May pritong lumpia sa gilid, inihaw na bangus na may kamatis, at isang mangkok ng ginataang mais para sa panghimagas. Kumpleto. Tuwing Linggo talaga, parang piyesta sa bahay nina Rafael. Nakahain na ang lahat, at ang ambiance sa loob ng dining area ay relaxed at homey. Nakaupo si Bella sa dulo ng mesa, naka-pastel blue na shirt at simpleng pajama. Nakapusod ang buhok at bagong ligo, pero ang pinakaagaw-pansin ay ang liwanag sa kanyang mga mata. Pumasok si Rafael mula sa may hallway, naka-gray shirt at shorts. Simple lang ang ayos niya, pero parang modelo pa rin kahit naka-tsinelas lang. “Uy, bango ah,” ani Rafael habang papalapit sa mesa. “Ready na ba tayo?” “Matagal na,” sagot ni Bella habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. “Kanina pa ako excited.” “Excited sa pagkain? Hindi sa akin?” biro ni Rafael, sabay upo sa tapat ni Bella. Napasinghap
Sumikat ang araw ng linggo sa dahan-dahang pagpasok ng liwanag sa loob ng bahay. Humaplos ito sa kurtina, dumaan sa kisame, at saka humalik sa pisngi ni Bella habang siya'y nakahiga pa sa kama. Bahagya siyang gumalaw, idinikit ang unan sa mukha at napabuntong hininga bago idinilat ang isang mata. Tahimik ang paligid. ‘Yung klase ng katahimikan na hindi nakakabingi kundi nakaaaliwalas—parang ang buong bahay ay nagpapahinga rin. Nag-inat si Bella sa kama. May kaunting ngiti pa rin sa labi mula sa mga huling mensahe kagabi. Kinuha niya ang cellphone, chineck kung may bagong message ngunit wala naman. Pero kahit ganun, hindi nabawasan ang init sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero mas magaan ang pakiramdam niya sa araw na ito. Pagkababa niya sa hagdan, naamoy na niya agad ang aroma ng bagong lutong pandesal at kapeng barako. Ang mga kasambahay ay nag sidatingan na ang kanilang mga kasambahay pati si kuya Dodong na driver at hardinero nila. “Good morning po, Ma’am
Pagdating nila sa bahay, tahimik lang ang paligid. Walang nagbago. Ang ilaw sa sala ay mahina, malamlam na parang inaantok na rin. Tila ba ang bahay ay nakikisama sa katahimikan ng gabi. Walang kasambahay. Walang ingay. Pero may hangin. Yung klaseng hangin na malamig pero may dalang aliwalas.Nang makapasok na sila, binuksan ni Rafael ang ilaw sa hallway. Umangat ng bahagya ang mukha ni Bella habang nag-aayos ng tsinelas sa may pinto.“Salamat ulit,” bulong niya habang nakatingin sa kanya, may maliit na ngiti sa labi, ‘yung tipong pagod na masaya.Saglit lang na tumingin si Rafael. Tumango. “Hmm.” Pero may kaunting ngiti rin sa sulok ng labi. Yung ngiting ayaw ipahalata pero hindi rin maitago.Papaliko na si Bella patungo sa kanyang kwarto nang biglang marinig niya ang boses ni Rafael mula sa likod.“Bella.” Tawag nito sa kanya. Huminto siya at napalingon sa lalaki. “Good night,” maikling sabi nito, pero may lambing kahit sa simpleng tono.Nagulat siya, pero ngumiti. “Good night. Slee
Pagkatapos ng games, umupo sila sa lilim ng puno, pagod pero masaya. Nakaupo si Bella sa bench, nakasandal kay Rafael. Ang bata ay natutulog sa gilid nila, marahil sa sobrang pagod sa kasiyahan.Tahimik. Pero hindi awkward. Tahimik na masarap.“Kaya mo pa ba?” tanong ni Rafael.“Tungkol saan?” balik ni Bella.“Sa lahat.”Napangiti si Bella. “Ngayong araw... oo. Kasi parang ngayon lang ako nakalimot.”Tumango si Rafael. “Ako rin.”At doon, sa gitna ng katahimikan, naramdaman nilang pareho—hindi lang sila basta dumalo sa party. Dumalo rin sila sa bagong alaala, bagong damdamin na unti-unting umusbong, at sa bagong simula na hindi nila inaasahan.“Okay! At dahil tapos na ang lahat ng games, may announcement tayo!” sigaw ng host habang hawak ang mic. “Ang pinaka-energetic at best team ngayong araw ay...”Tumigil muna siya. Pa-drama. Pa-thrill. Pinakilig ang mga bata’t matatanda.“Team Kuya Rafael, Ate Bella, at Mikaaaay!” Dagdag na sigaw ng host. “Hala! Tayo ‘yon!” sigaw ng bata, sabay t
“Okay mga bata! Ready na ba kayo sa games?” sigaw ng ate organizer, sabay palakpak.“Reaaaady!” sigaw ng mga bata, halos sabay-sabay.Tumawa si Bella habang nakaupo sa lilim, hawak ang maliit na bottled water, habang pinagmamasdan ang mga batang nagkakagulo sa harap ng microphone. Tumabi sa kanya si Rafael, nakasalampak din sa plastic chair, naka-sunglasses na itinaas niya para makita ng maayos ang nangyayari.“Parang college fair ah,” sabi ni Bella, nakangiti.“Mas masaya pa nga,” balik ni Rafael, habang nakatingin sa mga batang nagkakatuwaan.Tumayo ang organizer, may hawak na papel. “Okay, for the first game, kailangan ko ng tatlong grupo ng tig-tatlong miyembro—dalawang matatanda at isang bata. This is called ‘Trip to the Island!’Nagtaas ng kamay ang maraming bata. Isa sa mga batang palaging dikit kay Rafael ang tumakbo palapit. “Kuya Raf! Sama mo ko! Sama mo ko!”Tumawa si Rafael. “Sige, ikaw na. Pero kailangan natin ng isa pa.”Napalingon ang bata kay Bella. “Ate Bella! Sama ka