Share

Chapter 16

Penulis: ElizaMarie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-21 20:14:12

"Wala siyang karapatang tawaging pamilya!"

Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng sigaw.

Mula sa bukas na pintuan, isang babae ang nakatayo mahigpit ang hawak sa kanyang handbag, mataray ang titig, at kitang-kita sa mukha ang pagkamuhi. Siya si Aunt Estrella, ang tiyahin ni Adrian mula sa ama nito, na galing pa sa ibang bansa.

Nanlamig si Bella. Dumagundong ang dibdib niya sa kaba.

"Auntie Estrella..." mahina niyang usal.

Naglakad ito papasok, ang tunog ng kanyang takong ay dumadagundong sa sahig. Walang sino man ang nagsalita. Kahit si Adrian, na yakap pa rin ang batang babae, ay tila natigilan.

"Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Clark.

Ngumiti si Estrella, ngunit malamig at puno ng pangungutya. "Mukhang hindi niyo na ako na-miss." Tapos ay itinuro niya ang batang yakap ni Adrian. "At ikaw, Adrian, anong ginagawa mo? Yakap-yakap mo ‘yan na parang kapatid mo. Pero tandaan mo hindi siya tunay na pamilya!"

Kumunot ang noo ni Bella. "Ano pong ibig n'yong sabihin, Auntie?"

L
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
crist
grave namna yang tiyahin mo Bella paraang sino maakapagsalita
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
tiyahin nyo masungit
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Principal's Affair    Chapter 17

    Nang makalabas ito, saka pa lang nakahinga nang maluwag si Bella. Lumingon siya kay Adrian at sa batang babae."Okay ka lang?" tanong niya.Ngumiti nang bahagya si Adrian, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo. Pero ang tanong... siya kaya, okay lang?" sabay haplos sa buhok ng bata.Nagkatinginan sila ni Bella, parehong iniisip ang iisang bagay—hindi na nila hahayaang maranasan ng batang ito ang pakiramdam ng pagiging nag-iisa.Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya nila, minabuti ni Bella na umuwi na rin. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng sasakyan habang ang kanyang ama ang nagmamaneho pauwi. Wala siyang imik di na rin niya pinapansin ang pag uusap ng kanyang ina at ama.Buong magdamag, hindi siya makatulog. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga pangyayari ang gulong nangyari sa pamilya ni Adrian, ang masalimuot na relasyon nilang lahat, at higit sa lahat, ang kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap niya.At doon niya naisip hindi siya maaaring manatiling gani

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • The Principal's Affair    Chapter 18

    Nanigas siya sa kinatatayuan.Dahan-dahan siyang humarap.Halos lumakas ang pintig ng puso ni Bella habang dahan-dahan siyang lumingon upang harapin ang may-ari ng boses na tumawag sa kanya.‘Ito na ba? Siya na ba ang lalaki na hinahanap niya?’Sa harapan niya, isang matangkad na lalaki ang nakatayo, nakasuot ng dark blue na polo at may matalim na titig na nakatutok sa kanya. Hindi niya ito kilala—o iyon ang akala niya.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Halos naririnig niya ang mahinang tugtog ng musika sa paligid, pero parang lumabo ang lahat sa pandinig niya.Maya-maya, inilabas ng lalaki ang isang bagay mula sa loob ng kanyang coat. Isang kwentas—isang pamilyar na kwentas.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Hinahanap mo ba ito?"Dumagundong ang kanyang puso. Hindi maaring magkamali.Ang kwentas na iyon...Sa kanya iyon.At iyon ang iniwan niya noong gabing iyon.Napalunok siya, hindi alam kung paano magrereaksyon."P-Paano mo nakuha 'yan?" halos pabulong niyang tanong.Muling

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • The Principal's Affair    Chapter 19

    Hindi makapaniwala si Bella sa nakita. Nanatili siyang nakatayo, hindi makagalaw, habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya inasahan ito. Hindi niya inaasahan na siya ang lalaking darating.“S-Sir?” tila pabulong na sabi niya, hindi makapaniwala.Walang iba kundi si Rafael Luis Grafton.Ang kanyang PRINCIPAL.Para bang biglang nagkulang ang hangin sa loob ng silid. Napalunok siya, pilit na inuunawang mabuti ang nangyayari.“Bakit…?” Napakaliit ng boses niya, halos hindi niya nakilala ang sarili.Tiningnan siya ni Rafael nang diretso, ang matatalas nitong mata ay parang pilit siyang binabasa. May bahagyang kunot sa noo nito, ngunit may kakaibang lamig sa ekspresyon ng mukha."Ikaw pala," malamig na sabi nito, tila hindi nagugulat sa kanyang presensya. Parang inaasahan siya nito.Mas lalong naguluhan si Bella. Bakit ganito ang tono nito? Bakit parang… may alam ito na hindi niya alam?Lumingon siya sa detective, nagbabakasakaling mali lang ang iniisip niya. Ba

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • The Principal's Affair    Chapter 20

    Tahimik ang buong paligid habang naglalakad sila papasok sa isang mamahaling restaurant. Halos mapaatras si Bella nang makita kung gaano ito ka-elegante—mula sa marble flooring, magagandang chandelier, hanggang sa mahihinang classical music na tumutugtog sa background.Ngunit ang mas kinabahala niya ay ang reaksyon ng mga staff nang makita si Rafael."Good evening, Sir Grafton," agad na bati ng isang manager, na tila alerto sa presensya ng kanyang principal. "Your usual private table is ready."Nagtaas siya ng tingin kay Rafael, na tila walang pakialam at deretsong lumakad papunta sa loob. Ganun ba siya ka kilala rito?Lihim siyang napalunok nang dalhin sila sa isang table na nasa ipinagkaloob—isang sulok kung saan walang ibang makakarinig sa kanila. May kaunting privacy ngunit hindi naman siya nakakulong.Naupo si Rafael sa upuang nakaharap sa kanya, saka sumandal nang bahagya. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib, at kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito ang lamig at pagsusuri.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • The Principal's Affair    Chapter 21

    "Kailan mo pa ito inihanda?" mahina niyang tanong. Bahagyang ngumiti si Rafael, pero walang saya sa mga mata nito. "Noong umagang nagising akong wala ka na sa tabi ko." Napasinghap siya. Ibig sabihin, simula pa lang noon, inisip na ni Rafael na may posibilidad na magkita ulit sila—at pinaghandaan na nito ang lahat. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" may bahagyang panginginig sa boses niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Rafael sa kanyang tiyan bago bumalik sa mga mata niya. "At ikaw? Tinakasan mo ako nang hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko." Hindi siya nakaimik. "Huwag mong isipin na wala akong pakialam, Bella. Hindi ako ang tipo ng lalaking iiwas sa responsibilidad. Pero ikaw, ikaw ang umalis. At ngayon, gusto kong siguraduhin na hindi mo magagawa ulit iyon." Tumikhim siya at muling tinignan ang kontrata. "Nakasaad dito na hindi ko pwedeng ilihim sa'yo ang bata. Na kailangan nating pareho siyang palakihin." Tumango si Rafael. "Oo. Gusto kon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • The Principal's Affair    Chapter 22

    Isa na namang Grafton ang dumating.Napapitlag si Bella sa malalim na boses na biglang sumingit sa pagitan nila. Mabilis niyang itinaas ang tingin sa bagong dating na lalaki matangkad, makisig, at may presensya na kasing bigat ng kay Rafael. Halos magkapareho ang kanilang tindig, ngunit may kakaibang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki, tila ba nasisiyahan ito sa tensyon sa pagitan nila."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo, Rafael," anang lalaki habang marahang tinatapik ang balikat ng kanyang kapatid.Kapatid.Doon lang napagtanto ni Bella kung sino ito—si Kian Grafton, isa sa mga kapatid ni Rafael.Nagtagis ang bagang ni Rafael bago tumingin sa kapatid. "Wala kang pakialam, Kian. May pinag-uusapan kami."Bahagyang tumawa si Kian at umiling. "Relax, bro. Napadaan lang ako. Pero mukhang interesting ang usapan niyo..." Bumaling ito kay Bella, na biglang nanigas sa kinauupuan. "...At mukhang interesting din ang kasama mo."Napahigpit ang hawak ni Bella sa kanyang palad, pero nagulat s

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • The Principal's Affair    Chapter 23

    Pagkatapos ng kanilang ‘meeting,’ umuwi na rin siya sa wakas. Pagod ang kanyang katawan, pero higit pa roon, magulo ang kanyang isipan. Hindi ko inaasahan na sa unang araw pa lang ng paghahanap ko sa kanya, ay makikita ko na agad siya.Ngunit higit na mas nagpapabigat sa kanyang loob ang tanong na bumabagabag sa kanya. Ano ang plano ni Rafael? Ano ang sasabihin ko sa pamilya ko? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito?Ayon kay Rafael, hanggang sa manganak siya, dapat siyang manatili sa puder nito. Pero paano ko ipapaliwanag iyon sa kanila? Sa kakaisip, hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.Nagising na lang siya nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat."Ate, ate, gising ka nga. May bisita ka sa baba. Hinahanap ka," anang tinig ng kanyang nakababatang kapatid.Napamulagat siya. Bisita?"Sino daw?" tanong niya habang pinipilit bumangon."Principal niyo raw po,” sagot nito.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Ano?!"Mabilis siyang bumangon, kinuha ang tuwalya, at hal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • The Principal's Affair    Chapter 24

    Kakatapos lang ni Bella sa banyo, basa pa ang kanyang buhok habang tinutuyo ito ng tuwalya. Pakiramdam niya ay kahit malamig ang tubig na bumuhos sa kanya kanina, hindi pa rin nawawala ang init ng kanyang pisngi. Awkward. Sobrang awkward. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kwarto, narinig niya ang mababang boses ng kanyang ama at ni Rafael mula sa sala. Napahinto siya. "Hindi naman magiging problema 'yon," narinig niyang sabi ng kanyang ama. "Basta malinaw ang plano mo." "Hindi ko hinayaang maging malabo ang kahit na anong bagay, Mr. Zamora," sagot ni Rafael sa malamig at tiyak na tono. Napakunot ang noo ni Bella. Ano na naman itong pinag-uusapan nila? "Bella," tawag ng kanyang ama, dahilan upang mapatingin siya sa dalawa. "Halika muna rito sandali." Napakagat siya sa labi at naglakad papalapit. Doon niya napansin ang maingat ngunit matigas na ekspresyon ni Rafael—tila ba hindi ito sanay makipag-usap ng may pagpapaliwanag. Si Rafael ang unang nagsalita. "Kailangan kong h

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25

Bab terbaru

  • The Principal's Affair    Chapter 58

    “Okay mga bata! Ready na ba kayo sa games?” sigaw ng ate organizer, sabay palakpak.“Reaaaady!” sigaw ng mga bata, halos sabay-sabay.Tumawa si Bella habang nakaupo sa lilim, hawak ang maliit na bottled water, habang pinagmamasdan ang mga batang nagkakagulo sa harap ng microphone. Tumabi sa kanya si Rafael, nakasalampak din sa plastic chair, naka-sunglasses na itinaas niya para makita ng maayos ang nangyayari.“Parang college fair ah,” sabi ni Bella, nakangiti.“Mas masaya pa nga,” balik ni Rafael, habang nakatingin sa mga batang nagkakatuwaan.Tumayo ang organizer, may hawak na papel. “Okay, for the first game, kailangan ko ng tatlong grupo ng tig-tatlong miyembro—dalawang matatanda at isang bata. This is called ‘Trip to the Island!’Nagtaas ng kamay ang maraming bata. Isa sa mga batang palaging dikit kay Rafael ang tumakbo palapit. “Kuya Raf! Sama mo ko! Sama mo ko!”Tumawa si Rafael. “Sige, ikaw na. Pero kailangan natin ng isa pa.”Napalingon ang bata kay Bella. “Ate Bella! Sama ka

  • The Principal's Affair    Chapter 57

    Sabado ngayon. Tahimik ang buong bahay nina Rafael, tila nagpapahinga rin ang bawat pader mula sa linggo na puno ng ingay at kilos. Wala ang mga kasambahay, day off nila ngayon. Kaya naman si Bella, na hindi sanay sa katahimikan na ganito, ay kusang-loob na nagpunta sa kusina.Suot ang apron, buhok na naka-bun, at hawak ang sandok, abala siya sa paghalo ng ulam. Humahalo sa amoy ng mantika at toyo ang banayad na musika mula sa cellphone niya. Habang niluluto ang adobo, napapangiti siya. Simple lang, pero may kakaibang saya ang pakiramdam niyang ito—parang... bahay lang nila. Di man niya aaminin ay namimiss na rin niya ang bahay nila ang kwarto niya at ang pamilya niyaHabang abala si Bella sa pag luluto ay biglang pumasok at tumambad sa harapan niya si Rafael, bagong gising, magulo ang buhok, suot ang simpleng gray shirt at jogging pants. Napahinto si Bella sa pagkilos, sabay napatingin.“Gising ka na pala?” bati nito sa kaya, medyo may ngiting pilya.“’Ay, hindi pa po. Picture ko la

  • The Principal's Affair    Chapter 56

    Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa isang mataas na bahagi ng lungsod. Isang lugar na hindi matao, pero ligtas. Malawak ang tanawin—mula roon, kita ang buong siyudad. Parang alitaptap ang mga ilaw sa baba, gumagalaw, nagliliwanag, humihinga. Napanganga si Bella. “Ang ganda…” Ngumiti lang si Rafael at lumapit sa gilid kung saan mas maliwanag ang view. “Dito ako madalas pumunta... kapag kailangan kong mag-isip.” Sumunod siya, at saglit silang natahimik. Pareho silang nakatitig sa mga ilaw sa ibaba, para bang may sinasabi ang tanawin na hindi kayang bigkasin ng salita. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ni Bella, halos pabulong. “Para makita mo ‘yung ganda... kahit sa gitna ng gulo.” Napatingin siya kay Rafael. Tahimik lang ito, pero may lalim ang boses—parang may tinatago, pero ayaw ipakita. At sa gabing iyon, si Bella ay unti-unting nalilito. Kasi sa bawat sulyap ng lalaki, sa bawat simpleng kilos, may init na hindi niya maintindihan. Tumingin ulit siya sa view,

  • The Principal's Affair    Chapter 55

    Katahimikan ang namayani matapos sabihin yon ni Bella. Nagtagpo ang mga mata nila. At sa ilang segundong iyon, parang tumigil ang lahat. Walang ibang naririnig si Bella kundi ang tibok ng puso niya, na sa bawat segundo’y lalong bumibilis.Agad siyang umiwas, kinuha ang baso sa mesa at nagkunwaring abala. “May lalabhan pa pala ako…”Alam niyang mali. Alam niyang hindi siya dapat mahulog. Pero bakit parang habang tumatagal… mas gusto niyang manatili?Hindi niya alam kung saan siya lulugar. Pero sigurado siya sa isang bagay—ang nararamdaman niyang ito ay hindi na basta-bastang kasunduan lang.“Gusto mo bang lumabas?” tanong ni Rafael isang hapon habang nasa sala si Bella, tahimik na nag-aayos ng mga papel na para sa eskwelahan.Napatingin siya sa lalaki, nag-aalangan. “Ha? Saan?”“Sa labas. Kahit saan. Basta… hindi dito,” sagot nito habang iniiwas ang tingin. Para bang nahihiya rin sa sarili niyang imbitasyon. “Maglakad, mag-mall, kumain. Parang break.”Tahimik si Bella. Ilang segundo s

  • The Principal's Affair    Chapter 54

    Pagsapit ng gabi. Tahimik ang paligid. Sa kwarto ni Bella, tanging liwanag mula sa maliit na desk lamp ang nagbibigay-buhay sa dilim. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang nakaabang sa tawag ni Erica.Hindi nagtagal, nag-ring ito — at agad niya itong sinagot.“Erica!” ngumiti si Bella, pilit na tinatago ang pagod sa boses.Pero sa kabilang linya, hindi ganoon ang mukha ng kaibigan. Si Erica, na dati’y laging may bitbit na ngiti at kalmadong aura, ngayon ay tila may binubuong luha sa gilid ng mata.“Bella…” mahinang bati niya. “May sasabihin ako.”Tumigil si Bella sa paggalaw. Napansin agad niya ang kakaibang tono ng boses nito.“Ano ‘yon? Anong nangyari?” Tanong niya sa kaibigan. “Na-assign ako sa probinsya.”Mabilis ang tibok ng puso ni Bella. “Ha? Kailan?”“Next week. Biglaan eh. Hindi ko nga alam kung paano nangyari… sabi ng admin, may request daw galing sa taas. May vacancy raw at ako raw ang top choice.”Hindi agad nakasagot si Bella. Napatingin siya sa sahig

  • The Principal's Affair    Chapter 53

    Madilim ang opisina maliban sa isang lampara sa mesa. Tahimik. Malinis. Walang kalat. Maingat ang bawat ayos ng dokumento — parang sariling mukha ng lalaking nakaupo sa likod ng malaking desk. Matikas. Tahimik. Malalim. May hawak siyang isang papel — Marriage Certificate. Hindi niya kailangan ng kumpirmasyon. Alam niya na. Kasal na nga sina Rafael at Isabella. Napapikit siya sandali. Naglakad siya papunta sa bar cart sa gilid, nagbuhos ng whisky sa baso, at saka muling naupo. Ilang segundo ang lumipas bago niya muling itinabi ang papel, kasabay ng buntong-hininga. “Ang batang ‘yon talaga…” mahina niyang bulong, halos pabulong sa hangin. “Akala niya makakatakas siya sa plano ko.” Ilang sandali pa, may kumatok. “Pasok.” Pumasok ang tauhan niya, parehong lalaking dati niyang inutusan. May dalang iPad, may hawak ding envelope. “Sir, may bago na pong update.” “Upo.” Ipinakita ng lalaki ang ilang litrato — kuha mula sa labas ng bahay. Sina Bella at Rafael, bagong dating mul

  • The Principal's Affair    Chapter 52

    Nagtungo siya sa garden sa gilid ng bahay para makahinga, malayo sa mga matang parang sinisiyasat ang buong pagkatao niya. Lalo na yong papa ni Rafael si Sir Albert kahit hindi yun nag sasalita pero alam niya na kinilatis siya nitoKumikislap na ang mga ilaw sa paligid, parang mga bituing nakababa mula sa langit. Tahimik. Malamig ang simoy ng hangin, pero mas malamig ang laman ng isip niya—puno ng tanong, kaba, at pagod.Ilang minuto lang ang lumipas, narinig niyang may papalapit. Hindi na siya lumingon. Alam niyang si Rafael iyon.“Bakit ka nandito?” tanong ng binata, walang emosyon sa boses.“Wala lang… tahimik kasi,” sagot niya, habang pinipilit ngumiti kahit hindi siya lumilingon. “Kailangan ko lang ng... break.”Tumabi si Rafael sa kanya. Pareho silang nakatingin sa malayo. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita si Bella.“Pasensya ka na kanina… baka nakakahiya ako.” Hinging paumanhin niya.“Sanay na sila,” sagot ni Rafael, malamig pero hindi bastos. “The

  • The Principal's Affair    Chapter 51

    Tahimik ang buong bahay habang abala si Bella sa pag-aayos ng mga natiklop na labahin sa may receiving area. Bagama’t hindi siya inuutusan, hindi niya maiwasang tumulong—hindi lang para hindi siya mukhang palamunin, kundi para maibsan na rin ang bigat ng iniisip.Naka-tali ang buhok niya sa likod, suot ang simpleng oversized shirt ni Rafael na ibinigay lang sa kanya nang wala siyang maisuot isang gabi. Medyo maluwag pero komportable. Sa gitna ng pag-aayos, napansin niya ang pagbukas ng gate. May paparating.Agad siyang napatigil nang bumungad ang isang matangkad, maputi, at pormal na lalaki. May hawig kay Rafael, pero mas matapang ang features nito. Naka-suot ng dark blue polo shirt at naka-shades pa kahit hapon na. May dalang paper bag at isang laptop case.Napatayo si Bella, hawak pa ang tuwalyang natupi.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi ito ngumiti. Walang emosyon ang mukha.“Hi,” bati ni Bella, pilit ang ngiti.Hindi agad sumago

  • The Principal's Affair    Chapter 50

    Tahimik ang buong bahay nang bumaba si Bella. Dama niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang paa at ang lalim ng gabi na tila nakikiramay sa bigat ng kanyang dibdib. Pagdating niya sa sala, nandoon na si Rafael. Nakaupo ito sa mahabang sofa, nakayuko habang hawak ang cellphone. May bahagyang kunot sa kanyang noo—seryoso, parang may iniisip. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Tahimik. Isang sulyap na may kahulugan, pero walang salitang binitiwan. Dahan-dahan siyang naupo sa kabilang dulo ng sofa, inipit ang kanyang mga daliri sa gitna ng kanyang palad. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita, halos pabulong. "Salamat... sa tulong." Wika niya dito. Bahagyang tumango si Rafael. "Hindi mo kailangan na magpasalamat. Mag-asawa na tayo, diba?" Napayuko si Bella, kinagat ang labi para pigilan ang pag-angat ng emosyon sa kanyang lalamunan. Hindi naman sila totoong mag-asawa sa papel lang naman, pero sa sandaling ito, ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Rafael.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status