Hindi makapaniwala si Bella sa nakita. Nanatili siyang nakatayo, hindi makagalaw, habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya inasahan ito. Hindi niya inaasahan na siya ang lalaking darating.“S-Sir?” tila pabulong na sabi niya, hindi makapaniwala.Walang iba kundi si Rafael Luis Grafton.Ang kanyang PRINCIPAL.Para bang biglang nagkulang ang hangin sa loob ng silid. Napalunok siya, pilit na inuunawang mabuti ang nangyayari.“Bakit…?” Napakaliit ng boses niya, halos hindi niya nakilala ang sarili.Tiningnan siya ni Rafael nang diretso, ang matatalas nitong mata ay parang pilit siyang binabasa. May bahagyang kunot sa noo nito, ngunit may kakaibang lamig sa ekspresyon ng mukha."Ikaw pala," malamig na sabi nito, tila hindi nagugulat sa kanyang presensya. Parang inaasahan siya nito.Mas lalong naguluhan si Bella. Bakit ganito ang tono nito? Bakit parang… may alam ito na hindi niya alam?Lumingon siya sa detective, nagbabakasakaling mali lang ang iniisip niya. Ba
Tahimik ang buong paligid habang naglalakad sila papasok sa isang mamahaling restaurant. Halos mapaatras si Bella nang makita kung gaano ito ka-elegante—mula sa marble flooring, magagandang chandelier, hanggang sa mahihinang classical music na tumutugtog sa background.Ngunit ang mas kinabahala niya ay ang reaksyon ng mga staff nang makita si Rafael."Good evening, Sir Grafton," agad na bati ng isang manager, na tila alerto sa presensya ng kanyang principal. "Your usual private table is ready."Nagtaas siya ng tingin kay Rafael, na tila walang pakialam at deretsong lumakad papunta sa loob. Ganun ba siya ka kilala rito?Lihim siyang napalunok nang dalhin sila sa isang table na nasa ipinagkaloob—isang sulok kung saan walang ibang makakarinig sa kanila. May kaunting privacy ngunit hindi naman siya nakakulong.Naupo si Rafael sa upuang nakaharap sa kanya, saka sumandal nang bahagya. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib, at kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito ang lamig at pagsusuri.
"Kailan mo pa ito inihanda?" mahina niyang tanong. Bahagyang ngumiti si Rafael, pero walang saya sa mga mata nito. "Noong umagang nagising akong wala ka na sa tabi ko." Napasinghap siya. Ibig sabihin, simula pa lang noon, inisip na ni Rafael na may posibilidad na magkita ulit sila—at pinaghandaan na nito ang lahat. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" may bahagyang panginginig sa boses niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Rafael sa kanyang tiyan bago bumalik sa mga mata niya. "At ikaw? Tinakasan mo ako nang hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko." Hindi siya nakaimik. "Huwag mong isipin na wala akong pakialam, Bella. Hindi ako ang tipo ng lalaking iiwas sa responsibilidad. Pero ikaw, ikaw ang umalis. At ngayon, gusto kong siguraduhin na hindi mo magagawa ulit iyon." Tumikhim siya at muling tinignan ang kontrata. "Nakasaad dito na hindi ko pwedeng ilihim sa'yo ang bata. Na kailangan nating pareho siyang palakihin." Tumango si Rafael. "Oo. Gusto kon
Isa na namang Grafton ang dumating.Napapitlag si Bella sa malalim na boses na biglang sumingit sa pagitan nila. Mabilis niyang itinaas ang tingin sa bagong dating na lalaki matangkad, makisig, at may presensya na kasing bigat ng kay Rafael. Halos magkapareho ang kanilang tindig, ngunit may kakaibang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki, tila ba nasisiyahan ito sa tensyon sa pagitan nila."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo, Rafael," anang lalaki habang marahang tinatapik ang balikat ng kanyang kapatid.Kapatid.Doon lang napagtanto ni Bella kung sino ito—si Kian Grafton, isa sa mga kapatid ni Rafael.Nagtagis ang bagang ni Rafael bago tumingin sa kapatid. "Wala kang pakialam, Kian. May pinag-uusapan kami."Bahagyang tumawa si Kian at umiling. "Relax, bro. Napadaan lang ako. Pero mukhang interesting ang usapan niyo..." Bumaling ito kay Bella, na biglang nanigas sa kinauupuan. "...At mukhang interesting din ang kasama mo."Napahigpit ang hawak ni Bella sa kanyang palad, pero nagulat s
Pagkatapos ng kanilang ‘meeting,’ umuwi na rin siya sa wakas. Pagod ang kanyang katawan, pero higit pa roon, magulo ang kanyang isipan. Hindi ko inaasahan na sa unang araw pa lang ng paghahanap ko sa kanya, ay makikita ko na agad siya.Ngunit higit na mas nagpapabigat sa kanyang loob ang tanong na bumabagabag sa kanya. Ano ang plano ni Rafael? Ano ang sasabihin ko sa pamilya ko? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito?Ayon kay Rafael, hanggang sa manganak siya, dapat siyang manatili sa puder nito. Pero paano ko ipapaliwanag iyon sa kanila? Sa kakaisip, hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.Nagising na lang siya nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat."Ate, ate, gising ka nga. May bisita ka sa baba. Hinahanap ka," anang tinig ng kanyang nakababatang kapatid.Napamulagat siya. Bisita?"Sino daw?" tanong niya habang pinipilit bumangon."Principal niyo raw po,” sagot nito.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Ano?!"Mabilis siyang bumangon, kinuha ang tuwalya, at hal
Kakatapos lang ni Bella sa banyo, basa pa ang kanyang buhok habang tinutuyo ito ng tuwalya. Pakiramdam niya ay kahit malamig ang tubig na bumuhos sa kanya kanina, hindi pa rin nawawala ang init ng kanyang pisngi. Awkward. Sobrang awkward. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kwarto, narinig niya ang mababang boses ng kanyang ama at ni Rafael mula sa sala. Napahinto siya. "Hindi naman magiging problema 'yon," narinig niyang sabi ng kanyang ama. "Basta malinaw ang plano mo." "Hindi ko hinayaang maging malabo ang kahit na anong bagay, Mr. Zamora," sagot ni Rafael sa malamig at tiyak na tono. Napakunot ang noo ni Bella. Ano na naman itong pinag-uusapan nila? "Bella," tawag ng kanyang ama, dahilan upang mapatingin siya sa dalawa. "Halika muna rito sandali." Napakagat siya sa labi at naglakad papalapit. Doon niya napansin ang maingat ngunit matigas na ekspresyon ni Rafael—tila ba hindi ito sanay makipag-usap ng may pagpapaliwanag. Si Rafael ang unang nagsalita. "Kailangan kong h
Nakatayo pa rin si Bella sa gilid ng sasakyan, hindi makagalaw. Hindi pa rin niya matanggap ang narinig niya kanina. Bahay daw ‘to ni Rafael? Hindi. Hindi siya makapaniwala. Seryoso ba ‘to? Hindi ba siya tinutukso lang? Pero sa itsura ni Rafael, parang hindi naman ito nagbibiro. Napatingin siyang muli sa napakalaking bahay sa harapan niya. Kung mansion lang ang pag-uusapan, ito na siguro ang pinakamarangyang bahay na nakita niya sa buong buhay niya. Mas malaki pa ito sa eskwelahan nila, at mukhang mas mamahalin pa ang tiles kaysa sa sahig ng bahay nila. Lumingon siya sa gawi ni Rafael na kalmado lang na nakatayo malapit sa pintuan. Wala itong kahit anong bahid ng excitement o kung anong emosyon. Para bang wala lang ito sa kanya. Pero sa isip ni Bella, ‘Ano ba ‘to?! Hindi man lang ako na-prepare emotionally!’ Huminga siya ng malalim, saka pumikit ng mariin. ‘Okay. Relax lang. Hindi ka naman kakainin ng bahay na ‘to.’ Tumingin siyang muli kay Rafael, nagpipigil ng iritasyon. "Hoy.
Nagtago lang si Bella sa kanyang pagkapahiya at mabilis na sumunod. Habang naglalakad, nilibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay. Napansin niya ang katahimikan—masyadong tahimik para sa isang napakalaking bahay. Napakunot ang noo niya. ‘Nasaan ang mga tao rito?’ tanong na naman niya sa isipan. Napansin ni Rafael ang iniisip niya kaya nagsalita ito nang walang lingon-lingon. "Walang mga tao dito. Day off nila ngayon." Yun lang ang sinabi nito, pero sapat na para mapaisip si Bella. "Iba pala mag-day off ang mga kasambahay dito. Saturday? Unique naman," bulong niya sa sarili. Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa grandeng hagdanan na tila ba gawa sa mahogany. Sa bawat hakbang ni Bella, ramdam niya ang bigat ng kanyang pakiramdam—parang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na talaga siya. Pagdating nila sa ikalawang palapag, walang sabi-sabing binuksan ni Rafael ang isang pinto na may dark brown na kulay. "This is your room," anito, walang emosyon sa boses. "Sa tapat naman,
Habang naglalakad sila sa loob ng mall, hindi mapakali si Bella. Hindi lang dahil sa sobrang dami ng pinamili nila, kundi dahil halos lahat ng turo ni Amieties ay agad na binibili!"Ma'am, tama na po yata ‘to…" aniya habang nakatingin sa isang bundle ng baby clothes na may sobrang taas na presyo. "Ang mahal po kasi, baka po masyadong magastos—""Sus! Ano ka ba, Bella? Hindi tayo nagtitipid para sa apo ko!" natatawang sagot ni Amieties habang iniaabot sa saleslady ang mga gamit. "Dapat lahat ng best, para sa baby mo. Hindi pwedeng basta-basta lang."Bella bit her lip. Diyos ko, ang dami na nito! Ilang taon bago ko mapapantayan ang ganitong klaseng shopping spree?!"Ma'am, baka hindi naman po natin kailangan lahat ng ‘to agad—"Amieties raised a brow at her, amused. "Hija, wala kang kawala sa akin! Kapag sinabing bibilhin, bibilhin. Walang kontra-kontra!"Bella sighed, alam niyang wala na siyang laban. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti at sumunod na lang sa ginang habang
“Aray ko po, Lord,” wika ni Bella matapos mabangga ang noo niya sa pintuan ng ref. Dali-dali niyang binalik ang tingin sa ref at kunwari sobrang interesado siya sa loob nito. "Pang-ilang beses mo nang binuksan ‘yang ref?" Tanong ni Rafael sa kanya. ‘Giiiilk!’ mahinang wika niya na siya pang ang nakarinig. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. PUTIK. Pilit niyang nilunok ang kaba at sinara ang ref, bago bumaling kay Rafael. "A-Ah… e… nag-iisip pa kasi ako kung ano ang gusto kong kainin!" Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Kung wala ka namang kukunin, umupo ka na lang." ‘Hala, hala! Tatabi ba ako sa kanya?! May choice ba ako?! Wala! ARGH!’ Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na parang may pasaning isang toneladang hiya. Hindi siya pwedeng tumingin nang diretso kay Rafael. Hindi niya kaya. Kumuha siya ng baso ng gatas at mabilis na iniinom ‘yon. Malamang! Buntis siya, dapat gatas lang! Pero putik, bakit parang… parang mas lalo lang siyang naging awkward?! Naramdaman niyang
Tahimik ang gabi, tanging ang mahinang tunog ng aircon ang maririnig sa loob ng kwarto ni Bella. Mahimbing siyang natutulog nang biglang may kumakatok mula sa labas ng kwarto. Napabalikwas siya ng gising. Kumunot ang noo niya habang pilit iniintindi kung nagkamali lang ba siya ng rinig. Pero nang muli niyang marinig ang katok, bumuntong-hininga siya at inabot ang cellphone sa tabi niya.12:30 AM."Hating gabi na… Sino naman ang kakatok ng ganitong oras?" mahina niyang bulong, habang padilat-dilat na bumangon.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at halos hindi siya nakagalaw nang bumungad sa kanya si Rafael."Bakit—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang hinila ng lalaki sa isang mainit na halik.Nanlaki ang mga mata niya. "Mmpph—!"Napaangat ang kanyang mga kamay upang itulak ito, pero masyadong mapusok si Rafael, mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baywang. Lalong lumalim ang halik nito, na tila ba may pananabik, may gutom.Hindi niya alam kung paano, pero bago n
Pagka alis ni Rafael ay agad naman siyang tumingin kay Adrian, agad siyang sinalubong ng seryosong mukha nito. “Let me explain, Adrian,” sabi ni Bella, ang boses ay mas malakas na ngayon. “Pero magkakilala pala kayo ni Rafael?” “Oo,” sagot ni Adrian, ang mukha’y tila nag-aalangan. “Matagal na kaming magkakilala ni Rafael.” “Magkaibigan pa kayo?” tanong ni Bella, ang boses ay puno ng pagtataka. “Oo,” sagot ni Adrian at tumango. “Pero hindi iyan ang dapat nating pag-usapan ngayon. Ang dapat nating pag-usapan ay kung bakit ka nandito sa Pilipinas, at kung bakit hindi mo sinasabi sa pamilya mo ang totoo at bakit dito pa mismo sa bahay ni Rafael kita makikita?” Napalunok si Bella. Ito na nga ba ang kanyang kinakatakutan. “Adrian, please, huwag mong sabihin kina mama at papa,” “Hindi ko alam kung kaya ko ‘yon,” sagot ni Adrian, ang mga mata’y puno ng pag-aalala. “Ang totoo, Bella, nag-aalala ako sa’yo.” “Alam ko,” sabi ni Bella, ang mga luha’y nagbabadyang tumulo. “Pero pakiusap,
"Adrian?" Kapwa sila napalingon. Doon, nakatayo si Rafael. At sa itsura ng kanyang asawa, halatang hindi ito natutuwa sa nakita niya. Napako ang tingin ni Bella kay Rafael, tila ba hindi makapaniwala sa timing ng pagdating nito. Bakit ngayon pa? At bakit parang hindi ito natutuwa? Samantala, nagtagpo ang mga mata nina Adrian at Rafael, ngunit sa halip na tensyon, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Adrian. "Rafael." anito, tila hindi na nagulat at agad na lumapit upang makipagkamay sa lalaki. "Matagal na tayong hindi nagkikita, kaibigan." Nagtaas ng kilay si Rafael ngunit tinanggap ang kamay ng kausap. "Mabuti naman at nandito kana pasensya pala at di ako makarating nong namatayan ka condolences pala, pre." Napapitlag si Bella. Pre? Kaibigan?! Pinilit niyang iproseso ang narinig. Magkaibigan sina Adrian at Rafael? Kailan pa? Paano? Bakit? "Salamat pre, at saka tapos na yun wag munang intindihin yon alam ko naman na busy ka kaya naiintindihan ko, pero mukhang madalas akong n
Naiwan si Bella sa sala, nakatitig sa kinaroroonan ni Rafael bago ito tuluyang naglaho sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o hindi. Matagal pa bago siya nakapagbuntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Huwag kong hayaan na ako lang ang nag-a-adjust. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Amieties. Pero paano niya gagawin ‘yon? Kahit gusto niyang magsalita, kahit gusto niyang iparating kay Rafael ang mga nararamdaman niya—wala naman siyang karapatan, ‘di ba?Napailing siya at bumalik sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating niya roon, naabutan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap, pero nang makita siya ay agad siyang binati.“Ma’am Bella, nagustuhan n’yo po ba ang bisita kanina?” tanong ni Minda, ang medyo mas matanda sa kanila.Ngumiti si Bella. “Okay naman po siya. Ang bait niya.”“Oo naman! Napakabait ni Ma’am Amieties. Pero kung may ayaw siya sa isang tao… naku, wag na lang,” sabat naman ni Myra, ang mas bata sa k
Parang tinik na bumara sa lalamunan ni Bella ang narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot o manahimik na lang. "Huwag kang mag-alala, hindi ako galit," dugtong ng ginang na tila nabasa ang iniisip niya. "Nagulat lang ako. Alam mo namang hindi sanay ang anak ko sa ganitong bagay, hindi ba?" Napayuko si Bella at marahang tumango. Oo nga po, hindi ko rin po alam paano nangyari ‘to! sigaw niya sa isip niya. "Pero gusto kong marinig mula sa’yo, Isabella. Ano ba talaga ang nangyari?" Dito na siya napalunok. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo—na hindi iyon isang tradisyunal na kasal, kundi isang kasunduang ginawa lang dahil sa sitwasyon niya. Pero hindi rin siya pwedeng magsinungaling, lalo na sa isang taong halatang may malakas na pakiramdam. "H-hindi ko rin po alam paano nangyari," sagot niya sa pinaka-safe na paraan. "Nagdesisyon lang po si Rafael na pakasalan ako… para protektahan ako at ang baby." Nagtagal ang katahimikan. Tila sinusuri ni Amieties ang bawat
Pagkatapos ng masayang kwentuhan sa kusina, nagpasya si Bella na magpunta sa sala para manood ng Netflix. Pinili niya ang isang romantic-comedy series, pero matapos ang ilang minuto, napabuntong-hininga siya. "Nakakabagot."Hindi siya sanay na walang ginagawa. Sa bahay nila, palagi siyang may inaatupag—tumutulong sa gawaing bahay, nag-aalaga kay Kiera, o kaya’y nakikipag kulitan sa kanyang pamilya. Pero dito, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na walang magawa kundi maghintay. Kinuha niya ang cellphone at napaisip. Sa huli, nagdesisyon siyang i-chat ang kanyang bestfriend na si Erica. Bella: Bes, online ka?Ilang segundo lang ang lumipas bago nag-reply si Erica. Erica: yes bes!! Ano na? Kumusta buntis kong kaibigan?Napangiti si Bella at agad siyang nag-video call kay Erica. Pagkasagot nito, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha ng kaibigan—nakasuot ito ng oversized shirt, halatang bagong gising, at mukhang gutom. "Bes!! Grabe, ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam! A
Pagbalik ni Bella sa loob ng bahay, ramdam pa rin niya ang bigat sa dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—bagot, lungkot, at parang may kulang. Habang naglalakad pabalik sa kanyang silid, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Pagpasok niya sa kwarto, dumiretso siya sa kama at naupo. Hindi niya mapigilang mapaisip. ‘Nakakapanibago ang buhay dito. Wala akong ginagawa. Lahat na lang may sumusunod sa akin. Hindi ako sanay.’ Murmur niya sa sarili.Lumipas ang ilang minuto, ngunit hindi pa rin siya mapakali. Napatingin siya sa cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Gusto niyang tawagan ang pamilya niya, gusto niyang marinig ang boses ng kanyang ina, ang masayang kwento ng kanyang ama, at ang boses ng mga kapatid niya. Pero hindi niya magawa. Hindi ko sila pwedeng tawagan…Kung tatawag siya, may posibilidad na malalaman nilang wala siya sa ibang bansa. Malalaman nilang kasinungalingan lang ang sinabi niya tungkol sa pag-alis niy