"Kailan mo pa ito inihanda?" mahina niyang tanong. Bahagyang ngumiti si Rafael, pero walang saya sa mga mata nito. "Noong umagang nagising akong wala ka na sa tabi ko." Napasinghap siya. Ibig sabihin, simula pa lang noon, inisip na ni Rafael na may posibilidad na magkita ulit sila—at pinaghandaan na nito ang lahat. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" may bahagyang panginginig sa boses niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Rafael sa kanyang tiyan bago bumalik sa mga mata niya. "At ikaw? Tinakasan mo ako nang hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko." Hindi siya nakaimik. "Huwag mong isipin na wala akong pakialam, Bella. Hindi ako ang tipo ng lalaking iiwas sa responsibilidad. Pero ikaw, ikaw ang umalis. At ngayon, gusto kong siguraduhin na hindi mo magagawa ulit iyon." Tumikhim siya at muling tinignan ang kontrata. "Nakasaad dito na hindi ko pwedeng ilihim sa'yo ang bata. Na kailangan nating pareho siyang palakihin." Tumango si Rafael. "Oo. Gusto kon
Isa na namang Grafton ang dumating.Napapitlag si Bella sa malalim na boses na biglang sumingit sa pagitan nila. Mabilis niyang itinaas ang tingin sa bagong dating na lalaki matangkad, makisig, at may presensya na kasing bigat ng kay Rafael. Halos magkapareho ang kanilang tindig, ngunit may kakaibang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki, tila ba nasisiyahan ito sa tensyon sa pagitan nila."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo, Rafael," anang lalaki habang marahang tinatapik ang balikat ng kanyang kapatid.Kapatid.Doon lang napagtanto ni Bella kung sino ito—si Kian Grafton, isa sa mga kapatid ni Rafael.Nagtagis ang bagang ni Rafael bago tumingin sa kapatid. "Wala kang pakialam, Kian. May pinag-uusapan kami."Bahagyang tumawa si Kian at umiling. "Relax, bro. Napadaan lang ako. Pero mukhang interesting ang usapan niyo..." Bumaling ito kay Bella, na biglang nanigas sa kinauupuan. "...At mukhang interesting din ang kasama mo."Napahigpit ang hawak ni Bella sa kanyang palad, pero nagulat s
Pagkatapos ng kanilang ‘meeting,’ umuwi na rin siya sa wakas. Pagod ang kanyang katawan, pero higit pa roon, magulo ang kanyang isipan. Hindi ko inaasahan na sa unang araw pa lang ng paghahanap ko sa kanya, ay makikita ko na agad siya.Ngunit higit na mas nagpapabigat sa kanyang loob ang tanong na bumabagabag sa kanya. Ano ang plano ni Rafael? Ano ang sasabihin ko sa pamilya ko? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito?Ayon kay Rafael, hanggang sa manganak siya, dapat siyang manatili sa puder nito. Pero paano ko ipapaliwanag iyon sa kanila? Sa kakaisip, hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.Nagising na lang siya nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat."Ate, ate, gising ka nga. May bisita ka sa baba. Hinahanap ka," anang tinig ng kanyang nakababatang kapatid.Napamulagat siya. Bisita?"Sino daw?" tanong niya habang pinipilit bumangon."Principal niyo raw po,” sagot nito.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Ano?!"Mabilis siyang bumangon, kinuha ang tuwalya, at hal
Kakatapos lang ni Bella sa banyo, basa pa ang kanyang buhok habang tinutuyo ito ng tuwalya. Pakiramdam niya ay kahit malamig ang tubig na bumuhos sa kanya kanina, hindi pa rin nawawala ang init ng kanyang pisngi. Awkward. Sobrang awkward. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kwarto, narinig niya ang mababang boses ng kanyang ama at ni Rafael mula sa sala. Napahinto siya. "Hindi naman magiging problema 'yon," narinig niyang sabi ng kanyang ama. "Basta malinaw ang plano mo." "Hindi ko hinayaang maging malabo ang kahit na anong bagay, Mr. Zamora," sagot ni Rafael sa malamig at tiyak na tono. Napakunot ang noo ni Bella. Ano na naman itong pinag-uusapan nila? "Bella," tawag ng kanyang ama, dahilan upang mapatingin siya sa dalawa. "Halika muna rito sandali." Napakagat siya sa labi at naglakad papalapit. Doon niya napansin ang maingat ngunit matigas na ekspresyon ni Rafael—tila ba hindi ito sanay makipag-usap ng may pagpapaliwanag. Si Rafael ang unang nagsalita. "Kailangan kong h
Nakatayo pa rin si Bella sa gilid ng sasakyan, hindi makagalaw. Hindi pa rin niya matanggap ang narinig niya kanina. Bahay daw ‘to ni Rafael? Hindi. Hindi siya makapaniwala. Seryoso ba ‘to? Hindi ba siya tinutukso lang? Pero sa itsura ni Rafael, parang hindi naman ito nagbibiro. Napatingin siyang muli sa napakalaking bahay sa harapan niya. Kung mansion lang ang pag-uusapan, ito na siguro ang pinakamarangyang bahay na nakita niya sa buong buhay niya. Mas malaki pa ito sa eskwelahan nila, at mukhang mas mamahalin pa ang tiles kaysa sa sahig ng bahay nila. Lumingon siya sa gawi ni Rafael na kalmado lang na nakatayo malapit sa pintuan. Wala itong kahit anong bahid ng excitement o kung anong emosyon. Para bang wala lang ito sa kanya. Pero sa isip ni Bella, ‘Ano ba ‘to?! Hindi man lang ako na-prepare emotionally!’ Huminga siya ng malalim, saka pumikit ng mariin. ‘Okay. Relax lang. Hindi ka naman kakainin ng bahay na ‘to.’ Tumingin siyang muli kay Rafael, nagpipigil ng iritasyon. "Hoy.
Nagtago lang si Bella sa kanyang pagkapahiya at mabilis na sumunod. Habang naglalakad, nilibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay. Napansin niya ang katahimikan—masyadong tahimik para sa isang napakalaking bahay. Napakunot ang noo niya. ‘Nasaan ang mga tao rito?’ tanong na naman niya sa isipan. Napansin ni Rafael ang iniisip niya kaya nagsalita ito nang walang lingon-lingon. "Walang mga tao dito. Day off nila ngayon." Yun lang ang sinabi nito, pero sapat na para mapaisip si Bella. "Iba pala mag-day off ang mga kasambahay dito. Saturday? Unique naman," bulong niya sa sarili. Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa grandeng hagdanan na tila ba gawa sa mahogany. Sa bawat hakbang ni Bella, ramdam niya ang bigat ng kanyang pakiramdam—parang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na talaga siya. Pagdating nila sa ikalawang palapag, walang sabi-sabing binuksan ni Rafael ang isang pinto na may dark brown na kulay. "This is your room," anito, walang emosyon sa boses. "Sa tapat naman,
Dahil hindi mapigilan ang sarili, lumapit siya upang silipin ang loob mula sa isang bintana. "Ano ‘to?" "Diyan tumutuloy ang mga hardinero at driver," sagot ni Rafael habang nakatayo lang sa gilid niya. "Minsan may tao, minsan wala, depende kung may kailangan pa silang gawin dito sa bahay." Nilingon siya ni Bella, nagtataka. "So ibig sabihin, madalas walang tao rito?" Tumango si Rafael. "Oo. Kung matapos na ang trabaho nila sa araw, umuuwi sila sa pamilya nila. Babalik na lang kinabukasan o kapag kailangan ulit." Napaisip si Bella habang pinagmamasdan ang maliit na bahay. "Ang ganda rin ng tirahan nila, ha. Parang mas maganda pa ‘to sa bahay namin." Isang mapanuring tingin ang ibinigay ni Rafael sa kanya. "Masyado kang impressed sa maliliit na bagay." "Well, siguro kasi hindi ako sanay sa ganito," sagot ni Bella sabay lingon sa kabuuan ng lugar. "Hindi kasi ako lumaki sa bahay na parang hotel." "Totoo naman," sang-ayon ni Rafael. "At hindi rin ako lumaki sa bahay na parang kubo
Matapos ang tahimik ngunit nakakailang na tanghalian, sumandal si Bella sa upuan at hinagod ang tiyan niya. "Grabe, ang sarap. Hindi ko inakala na may talent ka rin pala sa pagluluto," biro niya.Habang si Rafael naman ay kasalukuyang iniinom ang tubig niya, bahagyang nag-angat ng kilay. "Akala mo ba wala akong alam kundi magpatakbo ng eskwelahan at negosyo?""Well… mukhang busy ka palagi, so parang hindi mo na ‘to ginagawa madalas," sagot niya habang nagkibit balikat. "Pero grabe, hindi halata. Ang sarap talaga!"Hindi sumagot si Rafael, pero may bahagyang smirk sa labi nito bago siya muling uminom ng tubig.Habang nililigpit niya ang pinggan, nagpatuloy ang usapan."By the way," panimula ni Rafael habang sinasara ang ref matapos kumuha ng tubig, "Hindi ka pwedeng manatili sa bahay niyo habang nasa kondisyon kang ‘yan remember The contract that you signed that's why I bring you here. "Napakurap si Bella. "Ha?"Huminga ito nang malalim bago tumingin sa kanya ng diretso. "Sa kontrata,
Parang tinik na bumara sa lalamunan ni Bella ang narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot o manahimik na lang. "Huwag kang mag-alala, hindi ako galit," dugtong ng ginang na tila nabasa ang iniisip niya. "Nagulat lang ako. Alam mo namang hindi sanay ang anak ko sa ganitong bagay, hindi ba?" Napayuko si Bella at marahang tumango. Oo nga po, hindi ko rin po alam paano nangyari ‘to! sigaw niya sa isip niya. "Pero gusto kong marinig mula sa’yo, Isabella. Ano ba talaga ang nangyari?" Dito na siya napalunok. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo—na hindi iyon isang tradisyunal na kasal, kundi isang kasunduang ginawa lang dahil sa sitwasyon niya. Pero hindi rin siya pwedeng magsinungaling, lalo na sa isang taong halatang may malakas na pakiramdam. "H-hindi ko rin po alam paano nangyari," sagot niya sa pinaka-safe na paraan. "Nagdesisyon lang po si Rafael na pakasalan ako… para protektahan ako at ang baby." Nagtagal ang katahimikan. Tila sinusuri ni Amieties ang bawat
Pagkatapos ng masayang kwentuhan sa kusina, nagpasya si Bella na magpunta sa sala para manood ng Netflix. Pinili niya ang isang romantic-comedy series, pero matapos ang ilang minuto, napabuntong-hininga siya. "Nakakabagot."Hindi siya sanay na walang ginagawa. Sa bahay nila, palagi siyang may inaatupag—tumutulong sa gawaing bahay, nag-aalaga kay Kiera, o kaya’y nakikipag kulitan sa kanyang pamilya. Pero dito, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na walang magawa kundi maghintay. Kinuha niya ang cellphone at napaisip. Sa huli, nagdesisyon siyang i-chat ang kanyang bestfriend na si Erica. Bella: Bes, online ka?Ilang segundo lang ang lumipas bago nag-reply si Erica. Erica: yes bes!! Ano na? Kumusta buntis kong kaibigan?Napangiti si Bella at agad siyang nag-video call kay Erica. Pagkasagot nito, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha ng kaibigan—nakasuot ito ng oversized shirt, halatang bagong gising, at mukhang gutom. "Bes!! Grabe, ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam! A
Pagbalik ni Bella sa loob ng bahay, ramdam pa rin niya ang bigat sa dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—bagot, lungkot, at parang may kulang. Habang naglalakad pabalik sa kanyang silid, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Pagpasok niya sa kwarto, dumiretso siya sa kama at naupo. Hindi niya mapigilang mapaisip. ‘Nakakapanibago ang buhay dito. Wala akong ginagawa. Lahat na lang may sumusunod sa akin. Hindi ako sanay.’ Murmur niya sa sarili.Lumipas ang ilang minuto, ngunit hindi pa rin siya mapakali. Napatingin siya sa cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Gusto niyang tawagan ang pamilya niya, gusto niyang marinig ang boses ng kanyang ina, ang masayang kwento ng kanyang ama, at ang boses ng mga kapatid niya. Pero hindi niya magawa. Hindi ko sila pwedeng tawagan…Kung tatawag siya, may posibilidad na malalaman nilang wala siya sa ibang bansa. Malalaman nilang kasinungalingan lang ang sinabi niya tungkol sa pag-alis niy
Pagdilat ng mata ni Bella, agad siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya sanay magpatumpik-tumpik sa umaga, lalo na’t lumaki siya sa isang simpleng pamilya kung saan sanay siyang kumilos agad pagkagising. Napatingin siya sa paligid ng kanyang kwarto—maayos pa rin ang mga gamit niya. Kahit ilang araw na siyang nakatira rito, hindi pa rin siya makapaniwala sa karangyaan ng lugar. Napailing siya sa sarili. ‘Hindi ako pwedeng maging kampante. Hindi ito bahay ko.’Lumabas siya ng silid at bumaba sa hagdan. Tahimik pa rin ang paligid, pero nang malapit na siya sa kusina, naamoy na niya ang mabangong amoy ng lutong pagkain. Pagdating niya roon, bumungad sa kanya si Rafael na kalmado lang na kumakain ng almusal. Nakasuot ito ng simpleng polo na bahagyang nakabukas ang unang butones, halatang handa nang umalis. Napahinto siya sa pinto ng kusina. Hindi niya inaasahang nandito pa ito. Napatingin si Rafael sa kanya, walang ekspresyon ang mukha. “Gising ka na.” “Uh… oo,” sagot ni Bella, b
Napabuntong-hininga siya habang sinusundan ito ng tingin. Ang lalaking ito talaga—walang pagbabago. Cold pa rin, pero hindi maikakaila na may malasakit.Pagkaalis ni Rafael, naiwan si Bella at ang kasambahay sa tahimik na kusina. Bahagyang napangiti si Bella habang iniinom ang gatas na handa para sa kanya. Pakiramdam niya, kahit malamig si Rafael sa pananalita, halata namang inaalala nito ang kalagayan niya. "Ma’am, kumusta naman po ang paninirahan niyo rito?" tanong ng kasambahay habang inaayos ang ilang gamit sa lamesa. Ngumiti si Bella at bahagyang tumango. "Ayos naman. Malaki at maganda ang bahay… tahimik lang. Medyo naninibago pa ako." "Ano nga po pala ang pangalan niyo, Ma’am?" patuloy ng kasambahay, tila nahihiya pang makipag-usap. "Isabella," sagot niya. "Pero Bella na lang, huwag mo na akong ‘Ma’am’-in. Parang ang tanda ko naman pakinggan." Natawa nang bahagya ang kasambahay. "Sige po, Ma’am… este, Bella. Ako po si Minda. Matagal na rin akong nagtatrabaho rito sa pa
Napabalikwas si Bella mula sa mahimbing na pagtulog. Napatingin siya sa paligid, bahagyang nagtaka sa madilim na kapaligiran. Ang kwarto na pinag pahingahan niya ay tahimik, tanging ang malamlam na ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay-liwanag.Napasapo siya sa tiyan, agad na nakaramdam ng gutom. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan."Nagugutom ka rin ba, baby?" bulong niya habang marahang hinihimas ang kanyang tiyan. Alam niyang hindi siya maaaring magpabaya, kaya’t minabuti niyang bumangon at magtungo sa kusina.Tahimik ang buong bahay habang naglalakad siya sa malawak na pasilyo. Hindi na siya nangangapa dahil kahapon pa lang ay ipinakita na sa kanya ni Rafael ang kabuuan ng bahay. Kahit papaano, may ideya na siya kung saan nakapwesto ang kusina.Habang patungo siya roon, may nakasalubong siyang isang babaeng nakasuot ng simpleng uniporme ng kasambahay. Tila nagulat ito nang makita siya. "Ma’am, gising na po pala kayo," magalang nitong bati."Ah, oo. Nagising ako dahil s
Napakunot ang noo ni Bella ang tumigil ang isang sasakyan nila sa City hall. Nagtatakang napatingin siya kay Rafael. “Anong ginagawa natin dito?”“Let's go, inside,” sa halip ay sagot ni Rafael sa kanya at nauna ng bumaba sa kotse nito. Napabuntong hininga na lang si Bella at sumunod na lang sa lalaki. Binagtas nila ang daan patungo sa opisina ng kung sino man ay hindi niya alam. Pagdating doon ay agad silang sinalubong ng agad silang sinalubong ng isang staff at iginiya sila papasok sa loob. Agad na tumayo ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa late 50’s na ang edad“Rafael,” nakangiting wika ng lalaki. “Ninong,” sagot naman ni Rafael. Bumaling naman ang lalaki kay Bella. “Ito na na siya?”“Yes, ninong,” agad na sad ni Rafael. “Good. I already prepared the documents we needed,” sabi pa nito sabay kuha ang ng documents na nasa gilid lang niya.. “Which do you prefer? Sundin pa ba natin ang seremonya or pirma na lang agad kayo?”“Pirma na lang tito,” sagot ni Rafael at nauna n
Pagkatapos ng hapunan, tumulong pa si Bella sa pagliligpit ng hapag-kainan kahit pa pakiramdam niya ay para siyang bombang anumang oras ay puwedeng sumabog. Hindi niya alam kung gaano katagal siya makakapanatili sa kasinungalingan na sinabi niya.Nang matapos ang mga gawain, agad siyang umakyat sa kwarto niya. Gusto niyang makapag pahinga, pero hindi rin niya maiwasang isipin ang mga sumunod na mangyayari.Pagkaupo niya sa gilid ng kama, napahawak siya sa noo. "Paano ko mapapanindigan ‘to?" bulong niya sa sarili.Wala pang isang minuto, biglang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen, si Rafael ang tumatawag.Kabadong sinagot niya ang tawag. "Hello?""Natapos mo na?" malamig ngunit may bahid ng pang-uusisang tanong nito.Napabuntong-hininga siya. "Oo, nasabi ko na. Pero ang bigat sa loob, Rafael.""Hindi mo na mababawi ‘yan," diretso nitong sagot. "At mas mabuting galing na mismo sa'yo ang dahilan kesa mahuli ka nilang nagsisinungaling."Napakagat siya sa labi. Alam niyan
Matapos ang tahimik ngunit nakakailang na tanghalian, sumandal si Bella sa upuan at hinagod ang tiyan niya. "Grabe, ang sarap. Hindi ko inakala na may talent ka rin pala sa pagluluto," biro niya.Habang si Rafael naman ay kasalukuyang iniinom ang tubig niya, bahagyang nag-angat ng kilay. "Akala mo ba wala akong alam kundi magpatakbo ng eskwelahan at negosyo?""Well… mukhang busy ka palagi, so parang hindi mo na ‘to ginagawa madalas," sagot niya habang nagkibit balikat. "Pero grabe, hindi halata. Ang sarap talaga!"Hindi sumagot si Rafael, pero may bahagyang smirk sa labi nito bago siya muling uminom ng tubig.Habang nililigpit niya ang pinggan, nagpatuloy ang usapan."By the way," panimula ni Rafael habang sinasara ang ref matapos kumuha ng tubig, "Hindi ka pwedeng manatili sa bahay niyo habang nasa kondisyon kang ‘yan remember The contract that you signed that's why I bring you here. "Napakurap si Bella. "Ha?"Huminga ito nang malalim bago tumingin sa kanya ng diretso. "Sa kontrata,