Kinabukasan, pagmulat pa lang ng mata ni Bella, ramdam na ramdam na niya ang bigat ng mundo. Parang bawat hinga niya ay may kasamang tinik, bawat pagbangon ay may kasamang pagdududa kung may patutunguhan pa ba ang bawat araw niya rito.Dahan-dahan siyang bumangon, marahang hinaplos ang umuumbok na niyang tiyan, pilit kumukuha ng lakas sa maliit na buhay na kumakapit sa loob niya. Ngunit kahit anong lakas ang hinahanap niya, tila yata naubos na ang lahat sa pag-iyak niya kagabi.Hindi na niya kaya.Hindi na niya kayang ipagsiksikan pa ang sarili niya sa mundong hindi naman siya tinatanggap.Kaya ngayong umaga, sa unang pagkakataon, nagpasya siya. Tahimik. Walang iyak. Walang drama. Isang matigas pero basag na desisyon — aalis na siya.Hindi siya magpapaalam. Hindi siya gagawa ng eksena. Basta aalis siya nang tahimik, para hindi na siya maging dahilan ng gulo sa pamilya na ni minsan ay hindi siya tinanggap.Pilit niyang isiniksik ang iilang gamit niya sa isang lumang bag. Hindi na niya
Habang nasa taxi si Bella, hawak niya ang kanyang tiyan na para bang doon niya kinukuha ang lakas na unti-unti nang nauupos sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa lumang bag na halos hindi na niya pinaghandaan, ilang piraso ng damit, ilang dokumento, ilang alaala.Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mabagal ang oras sa puso niya.Mula sa salamin ng bintana, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan poste ng ilaw, ang mga gusali, ang mga taong abala sa kani-kanilang mundo,parang sinasampal siya ng katotohanan na habang siya ay magunaw ang mundo ay tuloy-tuloy lang ang ikot nito, walang pakialam.Nang biglang tumunog ang cellphone niya.Isang tawag.Rafael.Muling nag-vibrate. Muling kumislap ang to niya sa screen. Hindi niya sinagot. Hindi niya kayang marinig ang boses nito. Hindi niya kayang marinig kung anuman ang palusot o paliwanag. Hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.Tumunog ulit. Paulit-ulit. Hindi sumusuko. Pinatay niya ang cellphone. Basta na lang niya pinatay para hindi siya madala n
Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n
Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,
Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa
Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis. "Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin. "Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan." "Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal."Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya. "Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?""Ano ka ba? Wala akong balak
Ang unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magk
Pagkarating ni Rafael sa kanyang condo, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinubad ang kanyang coat. Napatingin siya sa malaking salamin sa harap ng kanyang kama. He ran a hand through his slightly disheveled hair, sighing deeply. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang babae. Her touch, her scent—everything about her felt strangely familiar yet unknown at the same time. He unbuttoned the first few buttons of his shirt and poured himself a glass of whiskey. Umupo siya sa kanyang couch at na alala niya ang silver necklace na na iwan ng babae nakatalik niya kagabi. Rafael picked it up, inspecting the delicate piece of jewelry. "Interesting..." yun lang ang nasabi niya habang pinagmamasdan niya itoAlam niyang hindi ito ordinaryong kwintas. Masyadong personal. Kung sino man siya, tiyak niyang hindi lang basta-basta ang babae. Napabuntong-hininga siya habang sinusuri niya ang silver necklace at habang sinuri niya ito at may napansin siya na isang ukit na bulaklak s
Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa
Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,
Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n
Habang nasa taxi si Bella, hawak niya ang kanyang tiyan na para bang doon niya kinukuha ang lakas na unti-unti nang nauupos sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa lumang bag na halos hindi na niya pinaghandaan, ilang piraso ng damit, ilang dokumento, ilang alaala.Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mabagal ang oras sa puso niya.Mula sa salamin ng bintana, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan poste ng ilaw, ang mga gusali, ang mga taong abala sa kani-kanilang mundo,parang sinasampal siya ng katotohanan na habang siya ay magunaw ang mundo ay tuloy-tuloy lang ang ikot nito, walang pakialam.Nang biglang tumunog ang cellphone niya.Isang tawag.Rafael.Muling nag-vibrate. Muling kumislap ang to niya sa screen. Hindi niya sinagot. Hindi niya kayang marinig ang boses nito. Hindi niya kayang marinig kung anuman ang palusot o paliwanag. Hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.Tumunog ulit. Paulit-ulit. Hindi sumusuko. Pinatay niya ang cellphone. Basta na lang niya pinatay para hindi siya madala n
Kinabukasan, pagmulat pa lang ng mata ni Bella, ramdam na ramdam na niya ang bigat ng mundo. Parang bawat hinga niya ay may kasamang tinik, bawat pagbangon ay may kasamang pagdududa kung may patutunguhan pa ba ang bawat araw niya rito.Dahan-dahan siyang bumangon, marahang hinaplos ang umuumbok na niyang tiyan, pilit kumukuha ng lakas sa maliit na buhay na kumakapit sa loob niya. Ngunit kahit anong lakas ang hinahanap niya, tila yata naubos na ang lahat sa pag-iyak niya kagabi.Hindi na niya kaya.Hindi na niya kayang ipagsiksikan pa ang sarili niya sa mundong hindi naman siya tinatanggap.Kaya ngayong umaga, sa unang pagkakataon, nagpasya siya. Tahimik. Walang iyak. Walang drama. Isang matigas pero basag na desisyon — aalis na siya.Hindi siya magpapaalam. Hindi siya gagawa ng eksena. Basta aalis siya nang tahimik, para hindi na siya maging dahilan ng gulo sa pamilya na ni minsan ay hindi siya tinanggap.Pilit niyang isiniksik ang iilang gamit niya sa isang lumang bag. Hindi na niya
Ilang araw na ang lumipas pero parang kahapon lang nang maganap ang eksena nila ng kanyang ina sa grocery. Hindi makalimutan ni Bella ang paraan ng pagtingin sa kanya ng kanyang ina — puno ng galit, puno ng panghihinayang. Hindi niya rin makalimutan ang bigat ng bawat salitang iniwan nito sa kanya bago tuluyang tumalikod.At ngayon, habang nakaupo siya sa kama sa guestroom kong saan siya lumipat ng kwarto hindi niya mapigilan ang mag-isip nang mag-isip. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa hormones ng kanyang pagbubuntis, pero para siyang binabaha ng kung anu-anong iniisip na hindi niya mapigilan.Hawak niya ang maliit na unan sa kanyang tiyan, hinahaplos-haplos ito, pilit kinakalma ang sarili. Pero paano siya magiging kalmado kung ang mga kilos ni Rafael ay ramdam na ramdam niyang nag-iba?Ilang araw na rin simula nang mapansin niyang naging malamig ang binata. Hindi na ito katulad ng dati. Hindi na siya hinahalikang tulad ng dati. Hindi na siya kinikindatan. Hindi na si
“Ma?” mahina niyang sambit, halos pabulong. Ngunit walang sagot. Tanging matalim na tingin at tahimik na pagsusuri ang isinukli ng ina niya. Para bang bawat segundo, kinikilala nito ang anak na minsan niyang ipinagmalaki. Ngunit ngayon, tila hindi niya ito makilala. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ng kanyang ina matapos ang ilang saglit. “Akala ko ba nasa abroad ka?” Hindi agad nakasagot si Bella. Nilingon niya ang mga bitbit niyang gamit, pilit na iniiwas ang tingin—pero alam niyang wala na siyang lusot. Huli na siya. Lahat ng kasinungalingan niya, nabunyag na. “Ma… hindi ko alam kung paano ko sasabihin—” “Hindi mo alam?” putol ng kanyang ina sa kanyang paliwanag. “Pinili mong hindi sabihin. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong malaman. Isabella, buntis ka?” Lumapit ito at tumitig nang diretso sa kanyang tiyan. “At ‘yang bata na ‘yan… kanino?” Napakagat-labi si Bella. Hindi niya alam kung uunahin niya ang pagsagot o ang pagpigil sa luha. “Sa—kay Rafael, ma.” Wala na siyang p
Isang umaga na tila mas tahimik kaysa sa mga nagdaang araw. Walang masyadong ingay sa paligid, kahit ang mga ibon sa labas ay parang napagod na rin sa kakakanta. Nakaupo si Bella sa sulok ng kanilang kwarto, nakatingin lang sa sahig, hawak-hawak ang cellphone. Mabigat ang mga mata, hindi dahil sa puyat, kundi sa paulit-ulit na pagluha tuwing gabi.Pinili na niyang i-chat si Erica."Pwede ba tayong mag-usap? Hindi ko na alam gagawin ko." Chat niya sa kaibigan.Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone niya. Tumatawag na si Erica. At sa unang “hello,” agad na bumigay ang tinig ni Bella. Umiiyak siya, hindi na niya napigilan. Parang isang matagal ng binugbog na puso ang sumabog sa simpleng tanong ng kaibigan.“Bakit ka umiiyak? Bella, ano na naman?” Nag-alala na wika ni Erica.“Hindi ko na alam, Rica… Parang hindi ko na kaya. Lahat ng bagay ngayon, masyado nang mabigat. Sinisisi ako ng ama ni Rafael, sinabihan akong lumayo. Tapos ‘yung kapatid niya… sinabihan akong baka madamay pa ana
Kararating pa lang niya sa bahay, agad na bumungad ang pamilyar na tunog ng pintuan. Marahang binuksan ito. At doon, nakatayo si Rafael. Pagod ang itsura, pero nang makita siyang nakaabang sa sala, ngumiti agad ito. Parang walang nangyari. Parang wala siyang kasalanang kailan lang ay sumugat ng malalim sa puso ni Bella.“Ang gabi na, gising ka pa, akala ko tulog ka na.” Ang wika nito sa kanya.“Hindi pa ako antok. Naghintay ako sa’yo.” sagot ni Bella.“Ganon ba? Sorry, natagalan ako. ‘Yung event kasi… sumobra sa oras. Hindi ko na rin namalayan.” rason nito.Ngumiti siya. Pilit, pero walang bahid ng galit sa tono niya.“Okay lang. Naiintindihan ko naman. Nakakapagod din siguro ‘yung ganung klaseng event, lalo na kung buong faculty andun.”“Oo, parang mini-gala na rin. Buti nga hindi ka sumama. For sure, napagod ka lang lalo kung nagpakita ka pa dun.”“Hmm… oo nga. May point ka.” Sagot niya na nagkibit balikat na lang.Umupo ito sa tabi niya sa couch, at parang automatic na dinantay ang