Pagkarating sa bahay...Pagpasok ni Bella sa bahay, agad niyang napansin ang tahimik na paligid. Naroon ang kanyang pamilya sa sala, tila sila na lang ang hinihintay."Oh? Anong meron?" tanong niya habang hinubad ang sapatos at inilagay ito sa lalagyan. Lumapit siya sa isang bakanteng upuan at umupo roon.Matamlay ang kanyang ina habang bumaling sa kanya. "May masamang balita, anak... Naaksidente ang kapatid ng papa mo. Pumanaw na siya. Kailangan nating pumunta sa burol niya."Napatingin si Bella sa kanyang ama, na tahimik at tila balisa. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Malapit siya sa kanyang tiyuhin noong bata pa siya, kaya ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Napansin din niyang tila hindi mapakali ang kanyang kuya."Sige na, maghanda na kayo," sabi ng kanyang ina.Agad namang kumilos ang pamilya. Pumasok si Bella sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Hindi naman kalayuan ang bahay ng tiyuhin nila, nasa kabilang bayan lang.Pagkatapos nilang maghanda, agad silang umalis.Pa
"Anak?" naguguluhan na tanong ng pinsan niya sa tabi niya. Tumango ang lola nila, walang emosyon sa mukha. "Anak niya sa ibang babae." Halos hindi makahinga si Bella sa rebelasyong iyon. Ngayong tinitingnan niya ang bata ng mabuti, napansin niyang may kaunting hawig ito sa tiyuhin niya—pareho ang hugis ng mata, ang matangos na ilong, ang mahahabang pilikmata.Pero bakit ngayon lang nila ito nalaman? Samantala, ang ibang kamag-anak ay nag-uusap-usap na sa likuran. May mga bulungan, may mga nagtatakang nagtatanong sa isa't isa. Alam nilang ang tiyuhin nilang ito ay hindi perpektong tao, pero hindi nila inaasahan na may ganito pala siyang lihim na itinago. Napatingin si Bella sa kanyang ama, naghihintay ng paliwanag. Pero nakita niyang tila hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanila. Alam na niya. Alam na niya kung bakit ganito ang reaksyon ng kanyang ama—matagal na itong may ideya tungkol dito. Pero bakit walang nakakaalam? Bakit itinago ito sa lahat? Habang lahat ay naguguluhan,
"Wala siyang karapatang tawaging pamilya!"Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng sigaw.Mula sa bukas na pintuan, isang babae ang nakatayo mahigpit ang hawak sa kanyang handbag, mataray ang titig, at kitang-kita sa mukha ang pagkamuhi. Siya si Aunt Estrella, ang tiyahin ni Adrian mula sa ama nito, na galing pa sa ibang bansa.Nanlamig si Bella. Dumagundong ang dibdib niya sa kaba."Auntie Estrella..." mahina niyang usal.Naglakad ito papasok, ang tunog ng kanyang takong ay dumadagundong sa sahig. Walang sino man ang nagsalita. Kahit si Adrian, na yakap pa rin ang batang babae, ay tila natigilan."Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Clark.Ngumiti si Estrella, ngunit malamig at puno ng pangungutya. "Mukhang hindi niyo na ako na-miss." Tapos ay itinuro niya ang batang yakap ni Adrian. "At ikaw, Adrian, anong ginagawa mo? Yakap-yakap mo ‘yan na parang kapatid mo. Pero tandaan mo hindi siya tunay na pamilya!"Kumunot ang noo ni Bella. "Ano pong ibig n'yong sabihin, Auntie?"L
Nang makalabas ito, saka pa lang nakahinga nang maluwag si Bella. Lumingon siya kay Adrian at sa batang babae."Okay ka lang?" tanong niya.Ngumiti nang bahagya si Adrian, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo. Pero ang tanong... siya kaya, okay lang?" sabay haplos sa buhok ng bata.Nagkatinginan sila ni Bella, parehong iniisip ang iisang bagay—hindi na nila hahayaang maranasan ng batang ito ang pakiramdam ng pagiging nag-iisa.Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya nila, minabuti ni Bella na umuwi na rin. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng sasakyan habang ang kanyang ama ang nagmamaneho pauwi. Wala siyang imik di na rin niya pinapansin ang pag uusap ng kanyang ina at ama.Buong magdamag, hindi siya makatulog. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga pangyayari ang gulong nangyari sa pamilya ni Adrian, ang masalimuot na relasyon nilang lahat, at higit sa lahat, ang kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap niya.At doon niya naisip hindi siya maaaring manatiling gani
Nanigas siya sa kinatatayuan.Dahan-dahan siyang humarap.Halos lumakas ang pintig ng puso ni Bella habang dahan-dahan siyang lumingon upang harapin ang may-ari ng boses na tumawag sa kanya.‘Ito na ba? Siya na ba ang lalaki na hinahanap niya?’Sa harapan niya, isang matangkad na lalaki ang nakatayo, nakasuot ng dark blue na polo at may matalim na titig na nakatutok sa kanya. Hindi niya ito kilala—o iyon ang akala niya.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Halos naririnig niya ang mahinang tugtog ng musika sa paligid, pero parang lumabo ang lahat sa pandinig niya.Maya-maya, inilabas ng lalaki ang isang bagay mula sa loob ng kanyang coat. Isang kwentas—isang pamilyar na kwentas.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Hinahanap mo ba ito?"Dumagundong ang kanyang puso. Hindi maaring magkamali.Ang kwentas na iyon...Sa kanya iyon.At iyon ang iniwan niya noong gabing iyon.Napalunok siya, hindi alam kung paano magrereaksyon."P-Paano mo nakuha 'yan?" halos pabulong niyang tanong.Muling
Hindi makapaniwala si Bella sa nakita. Nanatili siyang nakatayo, hindi makagalaw, habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya inasahan ito. Hindi niya inaasahan na siya ang lalaking darating.“S-Sir?” tila pabulong na sabi niya, hindi makapaniwala.Walang iba kundi si Rafael Luis Grafton.Ang kanyang PRINCIPAL.Para bang biglang nagkulang ang hangin sa loob ng silid. Napalunok siya, pilit na inuunawang mabuti ang nangyayari.“Bakit…?” Napakaliit ng boses niya, halos hindi niya nakilala ang sarili.Tiningnan siya ni Rafael nang diretso, ang matatalas nitong mata ay parang pilit siyang binabasa. May bahagyang kunot sa noo nito, ngunit may kakaibang lamig sa ekspresyon ng mukha."Ikaw pala," malamig na sabi nito, tila hindi nagugulat sa kanyang presensya. Parang inaasahan siya nito.Mas lalong naguluhan si Bella. Bakit ganito ang tono nito? Bakit parang… may alam ito na hindi niya alam?Lumingon siya sa detective, nagbabakasakaling mali lang ang iniisip niya. Ba
Tahimik ang buong paligid habang naglalakad sila papasok sa isang mamahaling restaurant. Halos mapaatras si Bella nang makita kung gaano ito ka-elegante—mula sa marble flooring, magagandang chandelier, hanggang sa mahihinang classical music na tumutugtog sa background.Ngunit ang mas kinabahala niya ay ang reaksyon ng mga staff nang makita si Rafael."Good evening, Sir Grafton," agad na bati ng isang manager, na tila alerto sa presensya ng kanyang principal. "Your usual private table is ready."Nagtaas siya ng tingin kay Rafael, na tila walang pakialam at deretsong lumakad papunta sa loob. Ganun ba siya ka kilala rito?Lihim siyang napalunok nang dalhin sila sa isang table na nasa ipinagkaloob—isang sulok kung saan walang ibang makakarinig sa kanila. May kaunting privacy ngunit hindi naman siya nakakulong.Naupo si Rafael sa upuang nakaharap sa kanya, saka sumandal nang bahagya. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib, at kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito ang lamig at pagsusuri.
"Kailan mo pa ito inihanda?" mahina niyang tanong. Bahagyang ngumiti si Rafael, pero walang saya sa mga mata nito. "Noong umagang nagising akong wala ka na sa tabi ko." Napasinghap siya. Ibig sabihin, simula pa lang noon, inisip na ni Rafael na may posibilidad na magkita ulit sila—at pinaghandaan na nito ang lahat. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" may bahagyang panginginig sa boses niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Rafael sa kanyang tiyan bago bumalik sa mga mata niya. "At ikaw? Tinakasan mo ako nang hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko." Hindi siya nakaimik. "Huwag mong isipin na wala akong pakialam, Bella. Hindi ako ang tipo ng lalaking iiwas sa responsibilidad. Pero ikaw, ikaw ang umalis. At ngayon, gusto kong siguraduhin na hindi mo magagawa ulit iyon." Tumikhim siya at muling tinignan ang kontrata. "Nakasaad dito na hindi ko pwedeng ilihim sa'yo ang bata. Na kailangan nating pareho siyang palakihin." Tumango si Rafael. "Oo. Gusto kon
Gabi na at sobrang tahimik na ng buong bahay. Tahimik ang paligid. Ang lamig ng hangin ay tila nakikipag-agawan sa init ng gabi. Bumaba si Bella mula sa hagdan, suot ang malambot niyang pambahay. Wala siyang balak lumayo, gusto lang niyang makahanap ng kaunting katahimikan. Kaya naisipan niyang dumaan sa pool area, baka sakaling ma-relax siya. Paglapit niya, biglang napahinto siya. Nakita niya si Rafael, nasa pool, naka-babad sa malamig na tubig, nakasandal sa gilid, tila nag-iisip. Hindi na siya nagulat. Sanay na siyang makita si Rafael na ganun kapag gusto nitong magpahinga. Pero ngayon na okay na sila, mas iba na ang pakiramdam. Wala na ang bigat sa dibdib. Wala na ang galit. May kaunting awkwardness pa rin, pero mas magaan. “Hoy,” mahinang bati ni Bella, sabay upo sa tabi ng pool. Napalingon si Rafael at napangiti ng bahagya. “Babaeng buntis na lakwatsera, bakit gising ka pa?” Umirap si Bella, pero hindi mapigilang tumawa. “Naisip ko lang… magpalamig. Ang init sa kwarto. Ika
Isang tahimik na tanghali sa loob ng isang opisina sa penthouse floor ng isang kilalang gusali sa siyudad. Ang buong lugar ay tila idinisenyo para sa mga lihim, matitibay na pinto, tinted na salamin, at katahimikan na parang hindi dapat baguhin. Sa likod ng isang mahaba at makintab na mesa, nakaupo ang isang lalaking bihis na bihis, itim na blazer, puting polo, at isang relo na siguro ay kaya nang bumili ng bahay. Ang aura niya’y malamig pero mabagsik, gaya ng isang taong sanay sa kontrol at palaging nakaupo sa unahan ng laro. Nakatayo sa kabilang dulo ng silid si Noah—nakasuot ng itim, simple pero pormal, parang laging handa sa kung anong susunod na utos. Tahimik. Ang tanging naririnig ay ang mahinang hum ng aircon. Hanggang sa nagsalita ang lalaki. “Magaling ang ginawa mo, Noah.” Tumigil ang pag-scroll ng lalaki sa tablet sa harapan niya. Tumingin ito kay Noah gamit ang malamlam ngunit matalim na mga mata. “Inanyayahan mo si Bella mag kape. At nag-away silang dalawa pagkatapo
Si Albert, ang papa ni Rafael. Nakatayo malapit sa hagdanan, naka-itim na polo at maong, may suot na relo na tila laging eksakto sa oras. Pormal ang aura, pero may halong lamig sa tingin. Hindi siya agad nagsalita. Napatigil si Bella sa paglakad. Parang natigilan ang hangin. Hindi niya alam kung lalapit, babati, o lalakad pabalik sa kusina. “Good morning, Bella,” si Albert ang unang nagsalita. Direkta. Kalma. “G-good morning po,” sagot niya, medyo paos. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. “Pasensya na po, akala ko si… si Rafael po ang dumating.” Tiningnan lang siya ni Albert. Tila sinusukat ng tingin kung anong klaseng gising ang pinagdaanan niya. “Wala pa siya. Dumaan lang ako,” maiksing sagot nito. “May naiwan akong document na kailangang pirmahan.” Tumango si Bella. “Ah… nasa opisina po yata. Umalis siya kanina.” “Mukha nga,” sagot ni Albert. Lumakad ito papasok, at naupo sa isa sa mga upuan sa sala. Tahimik. Bella, hindi malaman ang gagawin. Gusto niyang umalis at bu
Kinabukasan, tinamaan ng liwanag ang loob ng kwarto. Dumaan ito sa manipis na kurtina, lumapat sa pisngi ni Bella na bahagyang gumalaw sa liwanag. Mabigat pa rin ang mga mata niya. Sumasakit ang ulo, hindi dahil sa kulang sa tulog, kundi dahil sa lahat ng nangyari kagabi. Nakapikit pa rin siya. Tahimik lang. Pinipilit balikan ang mga eksenang ayaw na sana niyang balikan, ang sermon, ang titig ni Rafael na parang hindi siya kilala, ang mga salitang masakit kahit hindi sinisigawan. Dahan-dahan siyang bumangon. Walang ingay. Parang may kung anong takot na baka marinig siya o baka siya ang makakita kay Rafael. Pagbaba niya ng hagdan, bumungad ang katahimikan. Wala ang usual na tunog ng radyo sa kusina, wala rin ang mga yabag sa kahoy na sahig. Tahimik. Hanggang sa makarinig siya ng tunog ng kutsara at tinidor. Nandoon si Rafael. Nakaupo sa dulo ng mesa. Naka-polong kulay puti, nakaayos na parang papasok, pero tila hindi pa umaalis. Kumakain ito ng tahimik, tama lang ang dami ng kani
“Rafael…” mahinang tawag ni Bella, pilit ang tinig. “Hindi mo ba naiisip kung anong pwedeng mangyari sayo?” biglang putol ng lalaki sa kanya. Hindi malakas ang boses niya, pero puno ng lalim, ng galit na may kasamang kirot. Nagulat si Bella. Hindi niya inaasahang magsasalita ito nang ganoon ka-diretso. Para bang tinatanggalan siya ng depensa. “Hindi naman ako nagpa—” “Hindi ka nagpapaalam?” ulit ni Rafael. “Buntis ka, Bella. Buntis ka! Pero nakukuha mo pa ring gumala sa gabi, makipagkita sa lalaki?” Parang tinamaan ng sampal si Bella sa sinabi nito. “Kaibigan ko si Noah!” depensang sagot niya. “Alam mo naman ‘yon—” “Kaibigan,” ulit ni Rafael, nanginginig ang panga. “Pero kahit pa, buntis ka. At sa kalagayan mong ‘yan, ang naisip mo pa talaga ay makipag-bonding? Sa gabi? Sa coffee shop pa talaga?” “Hindi mo alam—” “Anong hindi ko alam?” sigaw ni Rafael, tumayo mula sa pagkakaupo. “Buntis ka pero ang iniisip mo pa rin ay panlalaki?!” Nanlaki ang mata ni Bella. “Wala akong gina
Ilang sandali pa, sa harap ng gate, nandoon na si Noah. Naka-hoodie lang ito at jeans. Simple, pero lutang pa rin ang pagka-boy next door. Pagkikita ni Bella sa kanya, bahagya siyang napailing. “Alam mo bang mukhang teenage runaway ka ngayon?” biro niya. Napatawa si Noah. “At ikaw naman, mukhang leading lady sa indie film.” Nagkatitigan silang sandali bago nagtawanan. Saka sila naglakad papalayo mula sa bahay. Wala silang destination. Lakad lang. Kwentuhan. Gaan ng loob. Hanggang sa nauwi sila sa isang coffee shop na bukas pa kahit late na. “Alam mo, nakakatuwa ka pa ring kasama,” ani Noah habang pinaiikot ang baso ng kape sa mesa. “Nakakatuwa?” tanong ni Bella habang nagkukunwaring nagtatampo. “Yeah. 'yong presence mo. Tahimik pero nakakagaan.” Seryoso ang tono ni Noah ngayon. Hindi siya sanay, pero hindi niya rin kayang iwasan. Napayuko si Bella. Hindi ba’t iyon din ang nararamdaman niya minsan kay Rafael? “Masaya ako at ikaw ang naisip kong tawagan,” dagdag pa ni Noah. Ng
Mabilis ang mga araw. Ni hindi man lang namalayan ni Bella ang mga linggong lumipas mula noong gabing inihatid siya ni Rafael galing sa bonding nila nina Erica at Noah. Parang isang pelikula lang ang bawat araw sa mansyon, may eksena ng tawanan habang sabay silang kumakain, kwentuhan sa salas na nauuwi sa pag-uusap ng kung anu-ano, at minsan, bigla na lang silang matatahimik at magtitinginan na parang may sariling wika ang mga mata nila. Hindi man nila lantaran pinangalanan, pero unti-unti, may nabubuong kumportableng espasyo sa pagitan nila. 'Yong klase ng presensyang hindi kailangang punuin ng salita. 'Yong simpleng presensyang sapat na para gumaan ang pakiramdam kahit sa katahimikan lang. Pero ngayon, kakaiba ang araw. Isang linggo na halos hindi niya halos nakikita si Rafael. Laging maaga itong umaalis at gabing-gabi na kung dumating. Minsan, kahit naririnig niyang bukas ang gate ng bahay sa dis-oras ng gabi, hindi na siya bumababa pa. Ayaw niyang magmukhang naghihintay. Kahit
Tahimik si Bella sa passenger seat habang nakatingin sa labas. Ang mga ilaw ng kalsada ay tila mga alaalang dumaraan. Mabilis, maikli, at hindi maibabalik. Ngunit kahit anong subok niya'ng ituon ang atensyon sa tanawin, ramdam niyang hindi gano'n katahimik ang loob ng sasakyan. May mga tanong na nagsisimula nang bumalot sa paligid nila, malamig sa tono, pero may init na tila sumisingaw sa pagitan ng mga salita. “Bakit kayo magkasama ni Noah kanina?” Tanong ni Rafael, tila walang emosyon sa boses. Diretsong tanong, parang wala lang. Napalingon si Bella sa kaniya. “Ah… kasi alam niya 'yung bonding plan namin ni Erica. Sinabihan ko kasi siya before kaya sumama na rin siya. Close din kasi kaming tatlo nung college, di ba?” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatingin lang siya sa kalsada, steady ang manibela, pero bahagyang humigpit ang hawak niya rito. “Hanggang sa uwi ba, sasamahan ka rin niya?” sunod na tanong. Tahimik pero diretso, parang interrogation na hindi agresibo. Napakagat s
Tapos binalik niya sa bulsa ang cellphone, lumanghap ng hangin, at saka ngumiti pabalik sa dalawa.“Si Sir Rafael?” tanong agad ni Erica.“Uh-huh. Wala lang. Paalala lang na mag-ingat,” sagot ni Bella, pilit ang kaswal na tono. “Saka gusto niyang malaman kung okay lang ako.”Ngumiti si Noah, pero hindi nagsalita. Sa mga mata niya, parang may iniisip siyang malalim.Habang lumalim na ang gabi at unti-unti nang nagsasara ang ibang tindahan, napagpasyahan na nilang umuwi.“Hays,” sabay-sabay silang napabuntong-hininga habang pauwi na.“Vincent is on his way,” biglang sabi ni Erica habang may katinginan ang cellphone.“Oh, kukunin ka na niya?” tanong ni Bella, kunwaring kalmado.“Yeah. Saglit na lang ‘yon, sa may entrance lang tayo dadaan.”Pagdating nila sa may gate ng mall, mabilis nilang nakita ang isang pamilyar na sasakyan. Si Vincent. Bumaba ito para salubungin si Erica.Bella’s heart tightened a little. Gusto niyang lumapit, gusto niyang magpakita. Pero hindi pwede. Hindi pwede lal