“Rafael…” mahinang tawag ni Bella, pilit ang tinig. “Hindi mo ba naiisip kung anong pwedeng mangyari sayo?” biglang putol ng lalaki sa kanya. Hindi malakas ang boses niya, pero puno ng lalim, ng galit na may kasamang kirot. Nagulat si Bella. Hindi niya inaasahang magsasalita ito nang ganoon ka-diretso. Para bang tinatanggalan siya ng depensa. “Hindi naman ako nagpa—” “Hindi ka nagpapaalam?” ulit ni Rafael. “Buntis ka, Bella. Buntis ka! Pero nakukuha mo pa ring gumala sa gabi, makipagkita sa lalaki?” Parang tinamaan ng sampal si Bella sa sinabi nito. “Kaibigan ko si Noah!” depensang sagot niya. “Alam mo naman ‘yon—” “Kaibigan,” ulit ni Rafael, nanginginig ang panga. “Pero kahit pa, buntis ka. At sa kalagayan mong ‘yan, ang naisip mo pa talaga ay makipag-bonding? Sa gabi? Sa coffee shop pa talaga?” “Hindi mo alam—” “Anong hindi ko alam?” sigaw ni Rafael, tumayo mula sa pagkakaupo. “Buntis ka pero ang iniisip mo pa rin ay panlalaki?!” Nanlaki ang mata ni Bella. “Wala akong gina
Kinabukasan, tinamaan ng liwanag ang loob ng kwarto. Dumaan ito sa manipis na kurtina, lumapat sa pisngi ni Bella na bahagyang gumalaw sa liwanag. Mabigat pa rin ang mga mata niya. Sumasakit ang ulo, hindi dahil sa kulang sa tulog, kundi dahil sa lahat ng nangyari kagabi. Nakapikit pa rin siya. Tahimik lang. Pinipilit balikan ang mga eksenang ayaw na sana niyang balikan, ang sermon, ang titig ni Rafael na parang hindi siya kilala, ang mga salitang masakit kahit hindi sinisigawan. Dahan-dahan siyang bumangon. Walang ingay. Parang may kung anong takot na baka marinig siya o baka siya ang makakita kay Rafael. Pagbaba niya ng hagdan, bumungad ang katahimikan. Wala ang usual na tunog ng radyo sa kusina, wala rin ang mga yabag sa kahoy na sahig. Tahimik. Hanggang sa makarinig siya ng tunog ng kutsara at tinidor. Nandoon si Rafael. Nakaupo sa dulo ng mesa. Naka-polong kulay puti, nakaayos na parang papasok, pero tila hindi pa umaalis. Kumakain ito ng tahimik, tama lang ang dami ng kani
Si Albert, ang papa ni Rafael. Nakatayo malapit sa hagdanan, naka-itim na polo at maong, may suot na relo na tila laging eksakto sa oras. Pormal ang aura, pero may halong lamig sa tingin. Hindi siya agad nagsalita. Napatigil si Bella sa paglakad. Parang natigilan ang hangin. Hindi niya alam kung lalapit, babati, o lalakad pabalik sa kusina. “Good morning, Bella,” si Albert ang unang nagsalita. Direkta. Kalma. “G-good morning po,” sagot niya, medyo paos. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. “Pasensya na po, akala ko si… si Rafael po ang dumating.” Tiningnan lang siya ni Albert. Tila sinusukat ng tingin kung anong klaseng gising ang pinagdaanan niya. “Wala pa siya. Dumaan lang ako,” maiksing sagot nito. “May naiwan akong document na kailangang pirmahan.” Tumango si Bella. “Ah… nasa opisina po yata. Umalis siya kanina.” “Mukha nga,” sagot ni Albert. Lumakad ito papasok, at naupo sa isa sa mga upuan sa sala. Tahimik. Bella, hindi malaman ang gagawin. Gusto niyang umalis at bu
Isang tahimik na tanghali sa loob ng isang opisina sa penthouse floor ng isang kilalang gusali sa siyudad. Ang buong lugar ay tila idinisenyo para sa mga lihim, matitibay na pinto, tinted na salamin, at katahimikan na parang hindi dapat baguhin. Sa likod ng isang mahaba at makintab na mesa, nakaupo ang isang lalaking bihis na bihis, itim na blazer, puting polo, at isang relo na siguro ay kaya nang bumili ng bahay. Ang aura niya’y malamig pero mabagsik, gaya ng isang taong sanay sa kontrol at palaging nakaupo sa unahan ng laro. Nakatayo sa kabilang dulo ng silid si Noah—nakasuot ng itim, simple pero pormal, parang laging handa sa kung anong susunod na utos. Tahimik. Ang tanging naririnig ay ang mahinang hum ng aircon. Hanggang sa nagsalita ang lalaki. “Magaling ang ginawa mo, Noah.” Tumigil ang pag-scroll ng lalaki sa tablet sa harapan niya. Tumingin ito kay Noah gamit ang malamlam ngunit matalim na mga mata. “Inanyayahan mo si Bella mag kape. At nag-away silang dalawa pagkatapo
Gabi na at sobrang tahimik na ng buong bahay. Tahimik ang paligid. Ang lamig ng hangin ay tila nakikipag-agawan sa init ng gabi. Bumaba si Bella mula sa hagdan, suot ang malambot niyang pambahay. Wala siyang balak lumayo, gusto lang niyang makahanap ng kaunting katahimikan. Kaya naisipan niyang dumaan sa pool area, baka sakaling ma-relax siya. Paglapit niya, biglang napahinto siya. Nakita niya si Rafael, nasa pool, naka-babad sa malamig na tubig, nakasandal sa gilid, tila nag-iisip. Hindi na siya nagulat. Sanay na siyang makita si Rafael na ganun kapag gusto nitong magpahinga. Pero ngayon na okay na sila, mas iba na ang pakiramdam. Wala na ang bigat sa dibdib. Wala na ang galit. May kaunting awkwardness pa rin, pero mas magaan. “Hoy,” mahinang bati ni Bella, sabay upo sa tabi ng pool. Napalingon si Rafael at napangiti ng bahagya. “Babaeng buntis na lakwatsera, bakit gising ka pa?” Umirap si Bella, pero hindi mapigilang tumawa. “Naisip ko lang… magpalamig. Ang init sa kwarto. Ika
Paglampas nila ng Pangasinan, nagpasya si Rafael na huminto muna sa isang view deck. Lumabas sila, huminga ng sariwang hangin, at sabay na minasdan ang tanawing puno ng kabundukan. “Ang ganda, no?” ani Bella habang nakahawak sa railing. “Oo,” sagot ni Rafael, pero hindi sa tanawin siya nakatingin kay Bella. Pero agad niyang iniwas ang tingin, kunwari’y tiningnan ang sasakyan. “Tara na, baka ma-late tayo sa check-in.” “Okay, bossing!” sagot ni Bella, habang pumapadyak sa malamig na simento. At habang muli silang sumakay sa sasakyan at tinuloy ang biyahe paakyat sa Baguio, sa ilalim ng kalangitan at ihip ng hangin, nagsisimula nang isulat ang bagong pahina ng kwento nila, hindi sa awit, kundi sa mismong tahimik na espasyo sa pagitan ng mga salita, ng mga tanong, at ng mga titig na ayaw umamin. Pagkababa nila ng sasakyan sa may gilid ng Session Road, unang bumungad sa kanila ang amoy ng bagong lutong strawberry taho, roasted corn, at mainit-init na ukoy. Si Bella, parang batang nak
Unti-unti nang lumalamig ang paligid. Habang nag-aayos ng mga gamit nila sa loob, nararamdaman ni Bella ang kakaibang katahimikan ng lugar. Wala ang ingay ng kalsada, wala ring tawanan ng kapitbahay. Ang maririnig mo lang ay huni ng kuliglig, banayad na hampas ng hangin sa salamin, at paminsan-minsan, ang tunog ng crackling wood sa fireplace na sinindihan ni Rafael.Lumapit si Bella roon, hawak ang isang malambot na kumot habang nakasuot na ng mas komportableng pajama at oversized hoodie. Inupo niya ang sarili sa carpet sa harap ng apoy, dahan-dahang iniunat ang mga binti habang marahang hinaplos ang tiyan niya.“Hindi ka ba nilalamig?” tanong ni Rafael habang naglalagay ng mainit na tubig sa mug para sa tea.“Hindi naman masyado. Nakakatulong din pala talaga ‘tong fireplace. Ang sarap sa pakiramdam,” sagot niya habang nakapikit, ninanamnam ang init na dumarampi sa balat.Iniabot sa kanya ni Rafael ang mug, may banayad na usok na lumulutang mula roon. “Ginger tea ‘yan. Safe sa buntis.
Pagkatapos ng maagang almusal, konting lambingan sa veranda, at quick prep sa rest house, sabay nang umalis sina Bella at Rafael. Tahimik pa rin ang paligid, parang ayaw manggising ng mga bulaklak at tanim sa paligid. Pero sa loob ng puso ni Bella ay maingay. Maingay sa saya, maingay sa hindi maipaliwanag na sigla. Naka-cap si Rafael habang nagda-drive. Si Bella naman ay nakasandal sa bintana, pinapanood ang mga naglalakad sa tabi ng daan, ang mga tanim sa gilid ng bundok, at ang mga simpleng bahay na tila laging may kwento. Gusto niyang i-capture lahat ng iyon. Pero mas gusto niyang i-capture kung paano siya titigan ni Rafael habang hindi siya nakatingin. Pagdating nila sa strawberry farm, agad silang sinalubong ng preskong hangin at kulay pulang kaligayahan. Halos ma-excite si Bella nang makita ang mga tanim. “Ang dami! Grabe, ang lalaki ng strawberries!” sigaw niya habang halos takbuhin ang taniman. Rafael chuckled habang sumusunod lang sa kanya. “Parang bata ka lang.” “E
Tumayo siya pinulot niya ang mga litrato at dahan-dahang pumasok sa kwarto.At pagkapasok, doon na bumigay. Napaupo siya sa sahig, hawak ang dibdib. “Hindi ko naman ginusto ‘to…” iyak niya. “Nagmahal lang naman ako…” bulong niya sa sarili, sabay tulo ng luha. Umiyak siya. Hindi dahil sa galit. Kundi sa sobrang sakit ng hindi pagkakapantay. Ng hindi pagtanggap. At ng pananakot sa pagmamahal na wala pa nga ng tiyak na pangalan. At ng liliit siya sa kanyang sarili. Gabi na sa bahay nila Rafael, mga bandang alas-siyete, tahimik ang bahay. Halos maririnig ang langitngit ng orasan sa dingding habang si Bella ay nasa kusina, tila abala sa paghahain ng hapunan pina uwi na muna niya ang mga kasambahay dahil day off naman nila bukas dahil sabado pina advance na lang niya gusto rin naman niya ipagluto si Rafael. Kahit halatang pagod, pilit ang ngiti. Kanina lang ay halos maluha-luha siya habang niluluto ang ulam—pero ngayon, pinilit niyang ayusin ang sarili. Pumasok sa bahay si Rafael, mukha
Nasa sala pa si Bella, hawak-hawak pa ang cellphone matapos ang call nila ni Erica. Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya bago bumalik sa pag-inom ng kape kahit na alam niya bawal sa buntis ang kape ay uminom pa rin siya. Ganito siya kapag maraming iniisip. Akala niya, tapos na ang bagyo ngayong araw. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mamahaling SUV ang tumigil sa tapat ng bahay nila.May bumaba, matangkad, elegante, naka-long sleeves na puti at slacks na parang galing opisina. Ang bawat hakbang nito ay may kumpiyansa, may bigat. Kilala niya ang lalaking ito—paanong hindi?Ang ama ni Rafael. Kumatok. Nagulat si Bella. Agad siyang bumaba at binuksan ang pinto.“Hello po? Napa-daan po kayo?” Tanong niya, kahit kabado. “Wala po si Rafael dito kung siya po ang hinahanap ninyo.” Pero ang sagot na sumunod ay parang bombang bumulaga sa kanya.“I’m not here for him. I’m here for you.”Napatigil si Bella. Saglit siyang natigilan pero pinilit ang sarili na ngumiti kahit hind
Tahimik si Bella habang naghuhugas ng kamay. Nag-iisip, ninanamnam ang bigat ng gabing ‘yon. Pero sa dulo ng salamin, napansin niya ang pagbubukas ng pinto.Tumambad si Olivia,matangkad, naka-bodycon dress, at naka-high heels na parang may sariling stage.Ngumiti ito. Pero hindi 'yong ngiting masaya. Ngiting may tinatagong tusok.“Ikaw pala.” Sabi niya habang dahan-dahang nilalapit ang sarili sa tabi ni Bella. “The... wife. Or should I say, wife on paper?”Hindi natinag si Bella. Tiningnan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Tuyo ang mukha. Walang emosyon.“Yes. Why?” Kalma lang ang boses niya. Walang pikon. Pero may diin.Tumawa ng bahagya si Olivia. “Wala lang. Nakakatuwa kasi. I mean... hindi ko in-expect na ikaw pala ‘yung napilitan niyang pakasalan at ikaw pala ang pinalit niya sakin.”Inayos niya ang kanyang lipstick sa salamin.“You must be... special.” Sabay titig sa repleksyon ni Bella. “Or desperate.” dagdag pa niya, na may katas ng inggit at pangmamaliit.Hindi naman nag-
Gabing tahimik pagkatapos ng restaurant meetup ni Bella at Noah ay Nakaupo si Bella sa kama, hawak-hawak ang cellphone, pero wala pa siyang reply kay Noah. Hindi niya alam kung sasabihin ba ito kay Rafael o hindi. Parang ang bigat. Kaya ang una niyang naisip? Si Erica. Tinawagan niya si Erica at di naman siya nag kamali sumagot agad ito. “Hoy Bella! Anong balita, ang blooming mo these days ah!” “Hindi ito tungkol sa blooming, Erica…” Biglang humina ang boses ni Bella. “Ay bakit parang seryoso ka? Okay ka lang?” “Nagkita kami ni Noah.” “WHAT?! Saan?! Kailan?! Ba’t di mo agad sinabi?!” Napabalikwas ng upo si Erica, parang inatake sa puso. “Sa Restaurant. Kanina lang. Tinawagan niya ako, sabi niya importante. Ayoko na sana pero—pinuntahan ko.” “Hala girl, 'di ba alam ni Rafael ‘to?” Tahimik si Bella. Walang sagot. “Gusto ko lang maging honest sayo, Erica. Niyaya niya ako—pero hindi ako pumunta para makipag landian. May sinabi lang siya.” “At ano ‘yun?” Curious na tanong ng
Mainit ang panahon. Pero mas mainit ang usapan sa conference room ng paaralan ko saan si Rafael ay namumuno nito. Nakatayo si Rafael sa harap ng mga guro, suot ang simpleng polo barong, habang isa-isa niyang dinidiscuss ang mga kailangang isubmit na post-year reports. May ilan pang mga tanong mula sa faculty, ngunit nang matapos na ang lahat, nagpaalam siya ng may ngiti sa labi, kahit ramdam ang pagod.Diretso na siya sa Principal’s Office.Pero pagpasok niya—“Dad?” Napakunot ang noo ni Rafael.Nandoon ang kanyang ama, maayos na nakaupo sa visitor's chair ang kanyang na si Albert Grafton. Naka-business suit pa ito kahit mainit ang panahon, hawak-hawak ang isang envelope na puting-puti pa sa linis, pero tila ba mabigat ang laman.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Rafael habang nilalapag ang folder sa mesa.Ngumiti si Albert. Preskong-presko. Parang hindi planado pero halatang pinag-isipan ang eksenang ito.“May business proposal lang akong gustong pag-usapan sayo. And I must say,
Muling bumalik sa bahay si Bella, dala ang pasalubong at ang kakaibang glow. Maaga siyang nagising kahit puyat sila galing biyahe. Hindi siya mapakali, hindi dahil pagod siya, kundi dahil para bang may iniwang bahagi ng sarili niya sa La Presa. Pero sa parehong oras, may bago ring nadala pauwi, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.Sa kusina, umaalingasaw ang amoy ng pritong tuyo at sinangag. May mga tawa na agad naririnig. Nandoon si Aling Minda, ang matandang kasambahay nila, at si Myra, ang mas bata at mas maingay. Nakatali ang buhok ni Bella habang hawak ang basang pinggan, hindi pa man nagsisimula ang almusal, tinutulungan na niyang maghanda.“Ay naku, Bella!” biglang sabi ni Myra habang pinupunasan ang mesa. “Blooming ka talaga ngayon ha! Para kang sumali sa Miss Universe at nanalo ng puso!”Tumawa lang si Bella at pinilig ang ulo. “Naku Myra, baka nasobrahan lang ako sa hangin sa bundok.”“Hangin? Hangin na ba tawag sa pagmamahalan ngayon?” sabat naman ni Aling Minda
Nasa gitna ng malamig na hangin ng Baguio sina Bella at Rafael. Hawak ni Bella ang mainit na kakakain lang na strawberry taho habang si Rafael ay tahimik lang sa gilid niya, isang kamay sa bulsa, habang nakatingin sa entablado. Maraming tao. Ilaw. Kantahan. Pero sa sandaling ito, parang silang dalawa lang ang nandoon. “At susunod na awit ko ay isang kanta tungkol sa pagpili… palagi,” wika ni TJ Monterde sa mikropono, at nagsimulang tumugtog ang gitara. "Hindi man araw-araw na nakangiti Ilang beses na rin tayong humihindi..." Tahimik si Bella. Pinanood niya si TJ, pero sa gilid ng mata, ramdam niya si Rafael. Hindi man sila nag-uusap, pero tila sabay ang tibok ng puso nila habang umaagos ang liriko. “Eto tayo…” simula ng kanta. “Parang hindi naman tayo 'to,” mahina ngunit may ngiti ang boses ni Bella, pilit na binabawi ang kakaibang tension sa pagitan nila. “Hindi naman talaga,” sagot ni Rafael, diretso sa entablado ang tingin. “Pero bakit parang...tayo pa rin ang nasa kanta?”
Tahimik na muli ang paligid. Tapos na ang bonfire. Ang mga bituin sa langit ay tila nakangiting saksi sa mga simpleng momentong hindi mabibili ng kahit anong yaman. Sa loob ng kwarto, malamlam ang ilaw. Kumot. Unan. At ang mahinhin na katahimikan ng dalawang taong natutong tumahimik sa presensya ng isa’t isa.Nakaupo si Bella sa gilid ng kama, naka-hoodie at pajama, hawak ang mainit na tasa ng gatas. Si Rafael naman, kakapasok lang mula sa banyo, bagong palit ng damit at may tuwalya pa sa batok."Uy," sabi ni Bella, pilit na pinapawi ang awkwardness. "Tapos ka na? Grabe lamig."Tumango si Rafael, sabay hila ng isang extra na kumot sa may cabinet. "Lamig talaga. Dito kasi, hindi biro ang hangin. Akala mo tahimik, pero ang lamig... may halong pangungulit."Tahimik silang nagkatinginan. Walang usapan kung anong susunod, pero parang may silent agreement, wala namang masama kung magtabi. Hindi dahil sa kung anuman. Wala lang. Bet lang.Kaya ayun, ilang minuto pa’y pareho na silang nakahiga
Kinabukasan, pagmulat ng mata ni Bella, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana ng kwarto. Amoy kahoy. Amoy kape. Amoy bundok. Isang uri ng umagang bihira niyang maranasan. Hindi pa man siya bumabangon ay napangiti na siya. Ganitong klaseng umaga—kalma, payapa, at puno ng sariwang hangin—ang tipo ng umagang gusto niyang balikan lagi.Bumaba siya ng hagdan, naka-sweater at sweatpants lang. Doon niya naabutan si Rafael sa dining area, nakaupo, tahimik na umiinom ng kape habang tumitingin sa labas ng bintana. Para bang iniinom din nito ang tanawin.“Good morning,” bati ni Bella sabay upo sa tapat nito."Good morning," sagot ni Rafael. "Tulog kang parang sanggol, ha."“Eh kasi naman, ang lamig! Sobrang lambing ng kama, parang ayaw akong paalisin,” sabay tawa ni Bella habang humihigop ng tsokolate na inabot sa kanya ni Rafael.Matapos ang almusal at mabilis na ayos, lumarga na silang dalawa palabas ng rest house. Naka-jacket si Rafael hab