Tumayo siya pinulot niya ang mga litrato at dahan-dahang pumasok sa kwarto.At pagkapasok, doon na bumigay. Napaupo siya sa sahig, hawak ang dibdib. “Hindi ko naman ginusto ‘to…” iyak niya. “Nagmahal lang naman ako…” bulong niya sa sarili, sabay tulo ng luha. Umiyak siya. Hindi dahil sa galit. Kundi sa sobrang sakit ng hindi pagkakapantay. Ng hindi pagtanggap. At ng pananakot sa pagmamahal na wala pa nga ng tiyak na pangalan. At ng liliit siya sa kanyang sarili. Gabi na sa bahay nila Rafael, mga bandang alas-siyete, tahimik ang bahay. Halos maririnig ang langitngit ng orasan sa dingding habang si Bella ay nasa kusina, tila abala sa paghahain ng hapunan pina uwi na muna niya ang mga kasambahay dahil day off naman nila bukas dahil sabado pina advance na lang niya gusto rin naman niya ipagluto si Rafael. Kahit halatang pagod, pilit ang ngiti. Kanina lang ay halos maluha-luha siya habang niluluto ang ulam—pero ngayon, pinilit niyang ayusin ang sarili. Pumasok sa bahay si Rafael, mukha
Isang gabi Tahimik ang sala. Isang malamig na gabi. Umaambon sa labas, at tanging tunog ng wall clock ang maririnig sa loob ng bahay. Nasa sofa si Bella, nakaupo habang hawak ang kanyang cellphone. Dalawang beses na siyang nag-text kay Rafael. Wala pa ring reply. Sinubukan niyang huwag mag-isip. Baka busy lang. Baka lang.Nakatulog na siya saglit habang hinihintay ito, pero agad ding nagising nang marinig ang tunog ng phone.TING!Napabangon siya. Inisip niyang si Rafael na iyon. Ngunit hindi pangalan ni Rafael ang lumitaw sa screen—bagkus, isang unknown number. Walang mensahe, walang paliwanag—isang litrato lang.Binuksan niya ito. At doon siya parang biglang iniwan ng mundo.Sa screen, malinaw na malinaw. Isang kama. Magkabilang side, dalawang katawan. Hubad. Magkadikit. Magkayakap habang tulog na tulog.Isa roon si Rafael at isa si Olivia.Tila may sumabog sa loob ng dibdib ni Bella. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Hawak niya ang phone pero tila hindi na niya ito nararamdaman. N
Naiwan si Bella sa sala. Tahimik. Nanginginig. Ito na ba ang hudyat? Ito na ba ang dulo?Hindi na lang pala si Albert. Hindi na lang pala si Olivia.Lahat sila, parang isa-isang humihila sa kanya palabas. Bakit hindi man lang sinabi ni Rafael ang mga to sa kanya bakit ni lihim ni Rafael ito akala ba niya ay okay na pero hindi pa palaAt doon, sa sobrang bigat ng mundo, sa sobrang dami ng tanong at takot, napayuko na lang si Bella, habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha.Pero sa kanyang tiyan, ramdam pa rin niya ang mahinang sipa ng kanyang anak.At ang tanong na hindi niya alam kung masasagot pa niya.“Paano ko pa ilalaban… kung ako na lang ang lumalaban?” tanong niya sa sarili.Tahimik pa rin si Bella sa sala. Hindi siya makagalaw. Para siyang binagsakan ng isang malaking pader na hindi niya matibag. Unti-unti na siyang nilalamon ng takot at lungkot. Hindi niya alam kung anong dapat unahin—ang sarili, ang anak, o ang lalaking patuloy niyang ipinaglalaban.Hanggang bigla tumunog ang
Kararating pa lang niya sa bahay, agad na bumungad ang pamilyar na tunog ng pintuan. Marahang binuksan ito. At doon, nakatayo si Rafael. Pagod ang itsura, pero nang makita siyang nakaabang sa sala, ngumiti agad ito. Parang walang nangyari. Parang wala siyang kasalanang kailan lang ay sumugat ng malalim sa puso ni Bella.“Ang gabi na, gising ka pa, akala ko tulog ka na.” Ang wika nito sa kanya.“Hindi pa ako antok. Naghintay ako sa’yo.” sagot ni Bella.“Ganon ba? Sorry, natagalan ako. ‘Yung event kasi… sumobra sa oras. Hindi ko na rin namalayan.” rason nito.Ngumiti siya. Pilit, pero walang bahid ng galit sa tono niya.“Okay lang. Naiintindihan ko naman. Nakakapagod din siguro ‘yung ganung klaseng event, lalo na kung buong faculty andun.”“Oo, parang mini-gala na rin. Buti nga hindi ka sumama. For sure, napagod ka lang lalo kung nagpakita ka pa dun.”“Hmm… oo nga. May point ka.” Sagot niya na nagkibit balikat na lang.Umupo ito sa tabi niya sa couch, at parang automatic na dinantay ang
Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis. "Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin. "Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan." "Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal."Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya. "Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?""Ano ka ba? Wala akong balak
Ang unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magk
Pagkarating ni Rafael sa kanyang condo, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinubad ang kanyang coat. Napatingin siya sa malaking salamin sa harap ng kanyang kama. He ran a hand through his slightly disheveled hair, sighing deeply. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang babae. Her touch, her scent—everything about her felt strangely familiar yet unknown at the same time. He unbuttoned the first few buttons of his shirt and poured himself a glass of whiskey. Umupo siya sa kanyang couch at na alala niya ang silver necklace na na iwan ng babae nakatalik niya kagabi. Rafael picked it up, inspecting the delicate piece of jewelry. "Interesting..." yun lang ang nasabi niya habang pinagmamasdan niya itoAlam niyang hindi ito ordinaryong kwintas. Masyadong personal. Kung sino man siya, tiyak niyang hindi lang basta-basta ang babae. Napabuntong-hininga siya habang sinusuri niya ang silver necklace at habang sinuri niya ito at may napansin siya na isang ukit na bulaklak s
Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan. Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang
Kararating pa lang niya sa bahay, agad na bumungad ang pamilyar na tunog ng pintuan. Marahang binuksan ito. At doon, nakatayo si Rafael. Pagod ang itsura, pero nang makita siyang nakaabang sa sala, ngumiti agad ito. Parang walang nangyari. Parang wala siyang kasalanang kailan lang ay sumugat ng malalim sa puso ni Bella.“Ang gabi na, gising ka pa, akala ko tulog ka na.” Ang wika nito sa kanya.“Hindi pa ako antok. Naghintay ako sa’yo.” sagot ni Bella.“Ganon ba? Sorry, natagalan ako. ‘Yung event kasi… sumobra sa oras. Hindi ko na rin namalayan.” rason nito.Ngumiti siya. Pilit, pero walang bahid ng galit sa tono niya.“Okay lang. Naiintindihan ko naman. Nakakapagod din siguro ‘yung ganung klaseng event, lalo na kung buong faculty andun.”“Oo, parang mini-gala na rin. Buti nga hindi ka sumama. For sure, napagod ka lang lalo kung nagpakita ka pa dun.”“Hmm… oo nga. May point ka.” Sagot niya na nagkibit balikat na lang.Umupo ito sa tabi niya sa couch, at parang automatic na dinantay ang
Naiwan si Bella sa sala. Tahimik. Nanginginig. Ito na ba ang hudyat? Ito na ba ang dulo?Hindi na lang pala si Albert. Hindi na lang pala si Olivia.Lahat sila, parang isa-isang humihila sa kanya palabas. Bakit hindi man lang sinabi ni Rafael ang mga to sa kanya bakit ni lihim ni Rafael ito akala ba niya ay okay na pero hindi pa palaAt doon, sa sobrang bigat ng mundo, sa sobrang dami ng tanong at takot, napayuko na lang si Bella, habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha.Pero sa kanyang tiyan, ramdam pa rin niya ang mahinang sipa ng kanyang anak.At ang tanong na hindi niya alam kung masasagot pa niya.“Paano ko pa ilalaban… kung ako na lang ang lumalaban?” tanong niya sa sarili.Tahimik pa rin si Bella sa sala. Hindi siya makagalaw. Para siyang binagsakan ng isang malaking pader na hindi niya matibag. Unti-unti na siyang nilalamon ng takot at lungkot. Hindi niya alam kung anong dapat unahin—ang sarili, ang anak, o ang lalaking patuloy niyang ipinaglalaban.Hanggang bigla tumunog ang
Isang gabi Tahimik ang sala. Isang malamig na gabi. Umaambon sa labas, at tanging tunog ng wall clock ang maririnig sa loob ng bahay. Nasa sofa si Bella, nakaupo habang hawak ang kanyang cellphone. Dalawang beses na siyang nag-text kay Rafael. Wala pa ring reply. Sinubukan niyang huwag mag-isip. Baka busy lang. Baka lang.Nakatulog na siya saglit habang hinihintay ito, pero agad ding nagising nang marinig ang tunog ng phone.TING!Napabangon siya. Inisip niyang si Rafael na iyon. Ngunit hindi pangalan ni Rafael ang lumitaw sa screen—bagkus, isang unknown number. Walang mensahe, walang paliwanag—isang litrato lang.Binuksan niya ito. At doon siya parang biglang iniwan ng mundo.Sa screen, malinaw na malinaw. Isang kama. Magkabilang side, dalawang katawan. Hubad. Magkadikit. Magkayakap habang tulog na tulog.Isa roon si Rafael at isa si Olivia.Tila may sumabog sa loob ng dibdib ni Bella. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Hawak niya ang phone pero tila hindi na niya ito nararamdaman. N
Tumayo siya pinulot niya ang mga litrato at dahan-dahang pumasok sa kwarto.At pagkapasok, doon na bumigay. Napaupo siya sa sahig, hawak ang dibdib. “Hindi ko naman ginusto ‘to…” iyak niya. “Nagmahal lang naman ako…” bulong niya sa sarili, sabay tulo ng luha. Umiyak siya. Hindi dahil sa galit. Kundi sa sobrang sakit ng hindi pagkakapantay. Ng hindi pagtanggap. At ng pananakot sa pagmamahal na wala pa nga ng tiyak na pangalan. At ng liliit siya sa kanyang sarili. Gabi na sa bahay nila Rafael, mga bandang alas-siyete, tahimik ang bahay. Halos maririnig ang langitngit ng orasan sa dingding habang si Bella ay nasa kusina, tila abala sa paghahain ng hapunan pina uwi na muna niya ang mga kasambahay dahil day off naman nila bukas dahil sabado pina advance na lang niya gusto rin naman niya ipagluto si Rafael. Kahit halatang pagod, pilit ang ngiti. Kanina lang ay halos maluha-luha siya habang niluluto ang ulam—pero ngayon, pinilit niyang ayusin ang sarili. Pumasok sa bahay si Rafael, mukha
Nasa sala pa si Bella, hawak-hawak pa ang cellphone matapos ang call nila ni Erica. Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya bago bumalik sa pag-inom ng kape kahit na alam niya bawal sa buntis ang kape ay uminom pa rin siya. Ganito siya kapag maraming iniisip. Akala niya, tapos na ang bagyo ngayong araw. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mamahaling SUV ang tumigil sa tapat ng bahay nila.May bumaba, matangkad, elegante, naka-long sleeves na puti at slacks na parang galing opisina. Ang bawat hakbang nito ay may kumpiyansa, may bigat. Kilala niya ang lalaking ito—paanong hindi?Ang ama ni Rafael. Kumatok. Nagulat si Bella. Agad siyang bumaba at binuksan ang pinto.“Hello po? Napa-daan po kayo?” Tanong niya, kahit kabado. “Wala po si Rafael dito kung siya po ang hinahanap ninyo.” Pero ang sagot na sumunod ay parang bombang bumulaga sa kanya.“I’m not here for him. I’m here for you.”Napatigil si Bella. Saglit siyang natigilan pero pinilit ang sarili na ngumiti kahit hind
Tahimik si Bella habang naghuhugas ng kamay. Nag-iisip, ninanamnam ang bigat ng gabing ‘yon. Pero sa dulo ng salamin, napansin niya ang pagbubukas ng pinto.Tumambad si Olivia,matangkad, naka-bodycon dress, at naka-high heels na parang may sariling stage.Ngumiti ito. Pero hindi 'yong ngiting masaya. Ngiting may tinatagong tusok.“Ikaw pala.” Sabi niya habang dahan-dahang nilalapit ang sarili sa tabi ni Bella. “The... wife. Or should I say, wife on paper?”Hindi natinag si Bella. Tiningnan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Tuyo ang mukha. Walang emosyon.“Yes. Why?” Kalma lang ang boses niya. Walang pikon. Pero may diin.Tumawa ng bahagya si Olivia. “Wala lang. Nakakatuwa kasi. I mean... hindi ko in-expect na ikaw pala ‘yung napilitan niyang pakasalan at ikaw pala ang pinalit niya sakin.”Inayos niya ang kanyang lipstick sa salamin.“You must be... special.” Sabay titig sa repleksyon ni Bella. “Or desperate.” dagdag pa niya, na may katas ng inggit at pangmamaliit.Hindi naman nag-
Gabing tahimik pagkatapos ng restaurant meetup ni Bella at Noah ay Nakaupo si Bella sa kama, hawak-hawak ang cellphone, pero wala pa siyang reply kay Noah. Hindi niya alam kung sasabihin ba ito kay Rafael o hindi. Parang ang bigat. Kaya ang una niyang naisip? Si Erica. Tinawagan niya si Erica at di naman siya nag kamali sumagot agad ito. “Hoy Bella! Anong balita, ang blooming mo these days ah!” “Hindi ito tungkol sa blooming, Erica…” Biglang humina ang boses ni Bella. “Ay bakit parang seryoso ka? Okay ka lang?” “Nagkita kami ni Noah.” “WHAT?! Saan?! Kailan?! Ba’t di mo agad sinabi?!” Napabalikwas ng upo si Erica, parang inatake sa puso. “Sa Restaurant. Kanina lang. Tinawagan niya ako, sabi niya importante. Ayoko na sana pero—pinuntahan ko.” “Hala girl, 'di ba alam ni Rafael ‘to?” Tahimik si Bella. Walang sagot. “Gusto ko lang maging honest sayo, Erica. Niyaya niya ako—pero hindi ako pumunta para makipag landian. May sinabi lang siya.” “At ano ‘yun?” Curious na tanong ng
Mainit ang panahon. Pero mas mainit ang usapan sa conference room ng paaralan ko saan si Rafael ay namumuno nito. Nakatayo si Rafael sa harap ng mga guro, suot ang simpleng polo barong, habang isa-isa niyang dinidiscuss ang mga kailangang isubmit na post-year reports. May ilan pang mga tanong mula sa faculty, ngunit nang matapos na ang lahat, nagpaalam siya ng may ngiti sa labi, kahit ramdam ang pagod.Diretso na siya sa Principal’s Office.Pero pagpasok niya—“Dad?” Napakunot ang noo ni Rafael.Nandoon ang kanyang ama, maayos na nakaupo sa visitor's chair ang kanyang na si Albert Grafton. Naka-business suit pa ito kahit mainit ang panahon, hawak-hawak ang isang envelope na puting-puti pa sa linis, pero tila ba mabigat ang laman.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Rafael habang nilalapag ang folder sa mesa.Ngumiti si Albert. Preskong-presko. Parang hindi planado pero halatang pinag-isipan ang eksenang ito.“May business proposal lang akong gustong pag-usapan sayo. And I must say,
Muling bumalik sa bahay si Bella, dala ang pasalubong at ang kakaibang glow. Maaga siyang nagising kahit puyat sila galing biyahe. Hindi siya mapakali, hindi dahil pagod siya, kundi dahil para bang may iniwang bahagi ng sarili niya sa La Presa. Pero sa parehong oras, may bago ring nadala pauwi, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.Sa kusina, umaalingasaw ang amoy ng pritong tuyo at sinangag. May mga tawa na agad naririnig. Nandoon si Aling Minda, ang matandang kasambahay nila, at si Myra, ang mas bata at mas maingay. Nakatali ang buhok ni Bella habang hawak ang basang pinggan, hindi pa man nagsisimula ang almusal, tinutulungan na niyang maghanda.“Ay naku, Bella!” biglang sabi ni Myra habang pinupunasan ang mesa. “Blooming ka talaga ngayon ha! Para kang sumali sa Miss Universe at nanalo ng puso!”Tumawa lang si Bella at pinilig ang ulo. “Naku Myra, baka nasobrahan lang ako sa hangin sa bundok.”“Hangin? Hangin na ba tawag sa pagmamahalan ngayon?” sabat naman ni Aling Minda