Share

Chapter 6

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-03-13 14:12:12

Lunes ng umaga, dumating si Bella sa St. Therese Elementary School para mag-submit ng kanyang aplikasyon bilang assistant teacher. Nakaayos siya nang maayos—simpleng blouse at slacks, buhok na nakapusod, at may kaunting makeup para magmukhang fresh at professional. Kahit kinakabahan, pinilit niyang ipakita ang kanyang kumpiyansa.

Sa pagpasok niya sa admin office, isang babae ang bumati sa kanya.

"Good morning! Ano pong sadya nila?" tanong ng secretary na si Ms. Dela Cruz.

"Magpapasa po ako ng requirements para sa assistant teacher position," sagot ni Bella, inaabot ang kanyang folder.

"Ah, yes! May scheduled interview kayo ngayon. Paki-fill out na lang ito, tapos hintayin niyo po ang tawag ni Sir Rafael Grafton.”

Muling bumilis ang tibok ng puso ni Bella.

‘Ang punong-guro mismo?’ Inakala niyang iba ang magiging proseso. Pero huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito, at hindi siya dapat matinag ng kaba.

Habang naghihintay, pinagmasdan niya ang paligid, hinahangaan kung gaano kaayos ang paaralan. ‘Mukhang gusto ko talagang magtrabaho rito,’ naisip niya.

Makalipas ang ilang minuto, tinawag na siya ng receptionist. “Miss Isabella Zamora, please proceed to the principal’s office.”

Tumayo si Bella at pumasok sa loob. Inaasahan niyang makikita ang isang istriktong guro, ngunit sa halip, isang matangkad, pormal na bihis, at hindi maikakaila na gwapong lalaki ang sumalubong sa kanya. Mayroon itong presensya na nag-uutos ng respeto, at ang malalim nitong mga mata ay tila sinusuri siya.

“Good morning, Miss Zamora. Please have a seat," wika ni Mr. Grafton, itinuro ang upuan sa harap ng kanyang mesa.

Ngumiti si Bella ng bahagya, bahagyang kinakabahan. "Magandang umaga po, sir. Salamat po sa pagkakataong ito."

"I see that you recently graduated with a degree in Early Childhood Education," panimula ni Rafael habang binabasa ang kanyang credentials. "Why do you want to work here?”

Huminga ng malalim si Bella bago sumagot. "Naniniwala po ako sa kalidad ng edukasyon dito sa St. Therese. Gusto kong magamit ang natutunan ko at makatulong sa paghubog ng mga bata."

Tumango ang lalaki. "Have you had any experience teaching or handling children?"

"Yes, sir. Naging bahagi po ako ng isang field study sa kindergarten at naging pre service teacher din po ako as part of our requirements before we graduate in college, at doon ko natutunan kung paano epektibong makipag-ugnayan sa mga bata.”

Nagpatuloy ang interview, at sa bawat sagot ni Bella, hindi niya maiwasang mapansin ang paraan ng pagtitig ni Mr. Grafton sa kanya. Parang may gustong alalahanin ang lalaki, pero hindi niya matukoy kung ano.

Matapos ang ilang tanong, muling nagsalita ito. "Your qualifications are impressive, Ms. Zamora. You may receive a call within the week for the results, Malinaw na may dedikasyon ka sa pagtuturo," wika ng lalaki matapos basahin ang kanyang aplikasyon. "Pinahahalagahan ko iyon."

Ngumiti si Bella, bahagyang nabawasan ang kaba. "Opo, sir. Naniniwala po ako na ang pagtuturo ay hindi lang trabaho—isa po itong bokasyon."

Tumango si Rafael, tila nagustuhan ang sagot niya. "Sang-ayon ako riyan."

Ngumiti si Bella at magalang na nagpasalamat. "Maraming salamat po, sir.”

Napatitig ai Bella sa mukha ng lalaki dahil sonrang familiar talaga sa kanya ngunit wala talaga siyang maalala kahit isa. Pinilig na lang niya ang ulo at nag-focus sa panayam.

Biglang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon, at pumasok ang isang babaeng may tiwala sa sarili. Maganda din ito, matangkad at halatang may masabi sa buhay.

“Rafael,” tawag nito sa Principal. "How was your morning, my dear Rafael?"

“Hello, what brought you here?” tanong ng lalaki dito.

Ngumiti ng matamis ang babae habang inayos ang buhok. "I was in the area, so I thought I’d drop by.”

Lumingon si Bella at pinagmasdan ang babae na tila may malalim na koneksyon kay Rafael. Bahagya siyang napataas ng kilay pero nanatiling kalmado.

Napa Buntong-hininga ang lalaki. "Olivia, may ginagawa akona interview ngayon."

"Oh, alam ko. Pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko. Na-miss lang kita," sagot ni Olivia na may mapanuksong ngiti, saglit na tiningnan si Bella bago muling ibinalik ang tingin kay Rafael.

Biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam si Bella, parang hindi siya dapat naroon. Pero nanatiling propesyonal si Rafael at mabilis na tinapos ang panayam.

"Maraming salamat, Miss Zamora. Ipaalam namin sa iyo ang resulta sa lalong madaling panahon," wika ni Rafael ng pormal.

Tumayo si Bella, bahagyang yumuko bilang respeto, at lumabas ng opisina. Habang naglalakad siya palayo, paulit-ulit niyang iniisip ang eksenang nasaksihan niya.

Sino kaya ang babaeng iyon?

Nang maka alis na si Isabella ay tinignan ni Rafael si Olivia

"I appreciate the visit, but I have a lot of work to do, Olivia," sagot niya.

"Oh, come on! Can’t you spare a little time? I heard your mom invited me for dinner at your mansion. I assume you’ll be there?” Maktol ni Olivia.

Hindi sumagot si Rafael. Sa halip, bumalik siya sa pagbabasa ng papel sa harapan niya—ang application ni Isabella Zamora.

Habang nagdadaldal si Olivia, hindi niya maiwasang muling basahin ang pangalan.

"Isabella Zamora…" mahinang bulong niya.

Bakit parang pamilyar siya?

Parang may koneksyon sa pangalang iyon. Pero ano?

Sa likod ng kanyang isip, isang alaala ang unti-unting sumusulpot—isang gabing puno ng misteryo, isang babae sa ilalim ng neon lights, at isang nakakubling pangalan na hindi niya maalala.

‘Bakit lahat ay malabo?’

"Rafael? Are you even listening?" reklamo ni Olivia.

Napakurap si Rafael at muling tumingin kay Olivia. "Yes. I’ll be there for dinner."

Ngunit sa isip niya, may mas mahalaga siyang gustong alamin. At ito ay kung sino nga ba si Isabella Zamora.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
hay asam ba si imbestigador mo huli yata sa balira yon
goodnovel comment avatar
cris19
imbistigate agad Rafael para malaman mo kong anong totoo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Principal's Affair    Chapter 7

    Habang papalabas si Bella Matapos ang Interview mula sa opisina ng principal nang may halo-halong emosyon. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil natapos na ang interview, pero hindi niya maiwasang kabahan. Hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya bilang assistant teacher pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Naglakad siya nang mabagal palabas ng paaralan, bitbit ang maliit na brown envelope na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Pinagmasdan niya ang paligid—ang mga batang naglalaro sa open ground, ang mga guro na nag-uusap sa hallway, at ang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak. ‘Ito na ba ang magiging bagong mundo ko?’ tanong niya sa sarili. Kung matanggap siya, dito siya magtatrabaho habang nagrereview para sa LET. At dito rin mag-aaral ang magiging anak niya. Muling kumakabog ang dibdib niya sa ideyang iyon. ‘Diyos ko, paano ko ba ito ipapaalam sa kanila?’ anya niya sa isip. Pinilig niya ang kanyang ulo, pilit na itinaboy ang mga alalahanin

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 8

    Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries. "Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya. "Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella."Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent."Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella."Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent. "Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella."Tingnan natin. Kung may sweldo ka n

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 9

    Habang papunta sila sa classroom, hindi mapigilan ni Bella ang excitement at kaba. Nang makarating sila sa pinto, dinig na dinig ang malakas na tawa at sigawan ng mga bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang masayang tanawin—mga batang nasa anim na taong gulang, naglalaro at tumatakbo-takbo sa loob ng classroom. Sa gitna ng kaguluhan ay isang babaeng nasa late 20s, may friendly aura, at abalang inaayos ang ilang activity sheets sa mesa. "Teacher Liza," tawag ni Mrs. Santos. "Ito na ang magiging assistant teacher mo, si Ms. Zamora." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.Agad na lumapit si Teacher Liza at nakangiting kinamayan si Bella. "Hi, Ms. Zamora! Welcome sa team! Huwag kang kabahan, masaya dito!""Salamat po! Excited na po akong makilala ang mga bata." Nakangiting sagot ni Bella.Nang marinig ng mga bata ang usapan nila, agad silang lumapit, nagkumpulan, at sabay-sabay nagtanong. "Teacher, sino siya?" "Magiging teacher namin siya?""Ang ganda niya!"Napataw

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 10

    Pagdating ni Bella sa bahay, ramdam niya ang bigat ng katawan niya. Isang buong araw siyang nagturo, makisalamuha sa mga bata, at ngayon, gusto niya lang humiga. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya at napahiga sa kama, mahigpit na niyayakap ang unan.Napapikit siya, sinusubukan na i-relax ang pagod na katawan. Pero ilang minuto pa lang siyang nakahiga, may narinig siyang malakas na boses mula sa sala. Mabilis ang tibok ng puso niya. Away ba iyon?Dahan-dahan siyang bumangon, hinaplos ang tiyan niya, at lumabas ng kwarto. Habang pababa sa hagdan, lumilinaw ang usapan sa ibaba."Clark, paano mo iniisip na magpakasal sa sitwasyon natin ngayon?!" galit na galit na boses ng kanilang ina, si Carmena. "Wala pa tayong pambayad sa mga utang! Hindi pa tayo nakaahon sa hirap, tapos ngayon, iniisip mo nang bumuo ng pamilya mo?""Ma, mahal ko si Anne. Matagal na kaming magkasama, at gusto na namin itong gawin." Hindi nagpatinag si Clark, pero halata sa boses niya na pigil ang inis."Mahal? P

    Last Updated : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 11

    Napahinto sa pagsasalita si Carmena. Parang natahimik ang buong bahay. Nagpalitan ng tingin si Teddy at Carmena, at sa isang iglap, nag-init muli ang ulo ng ina. "Ha? Gago ka ba? Alam mo na nga na walang-wala tayo tapos binuntis mo pa? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Clark!" Napalakas ang boses ni Carmena, at kahit si Bella ay napapikit sa gulat. "Ma, hindi ko naman ginusto 'to nang ganito. Hindi ko rin naman pinaplano! Pero nangyari na, at hindi ko pwedeng talikuran si Anna at ang bata!" madiing sagot ni Clark. "Hindi mo pinaplano?!" Singhal ni Carmena. "Dapat iniisip mo ang consequences bago ka gumawa ng ganyan! Pamilya mo nga hindi mo matulungan, paano mo bubuhayin ang magiging anak mo?" Napayuko si Clark, halatang tinatamaan ng mga salita ng ina. Si Teddy naman ay napabuntong-hininga. "Clark, anak… mahalaga ang responsibilidad. Pero alam mo namang mahirap ang buhay natin ngayon. Wala tayong sapat na pera para sa kasal, lalo na para sa pagpapalaki ng bata. Ano ang plano

    Last Updated : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 12

    Naiwan si Bella, hawak ang sariling tiyan, nag-iisip. Hindi lang ang kanyang pamilya ang dapat niyang itago ang totoo. Pati sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa trabaho. Pero naisip niya mas okay na wala munang makakaalam sa pagbubuntis niyang ito.Kailangang manatili itong lihim dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkawala ng trabaho niya. Alam niyang mahigpit ang paaralan pagdating sa mga assistant teacher, lalo na’t hindi pa siya ganap na lisensyadong guro. Kung malaman nilang buntis siya, baka hindi na siya payagang ipagpatuloy ang pagtuturo.Napabuntong-hininga siya at muling binalikan ang kanyang binabasa, ngunit hirap na siyang mag-focus. Ang isip niya ay punong-puno ng mga pangamba—ang kanyang pamilya, ang perang kailangang ipunin, at ang bata sa kanyang sinapupunan.Ngunit sa kabila ng lahat, may isang bagay siyang sigurado. Kakayanin niya ito. Hindi niya alam kung paano, pero kailangang kayanin.Pagdating ng uwian tahimik na nagliligpit ni Bella ang mga kalat sa lo

    Last Updated : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 13

    "Ano ‘to? May secret rendezvous ba kayo ng principal natin?"Napatigil si Bella. Nanlaki ang kanyang mga mata, at sa sobrang gulat, muntik na niyang mabitawan ang walis. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng kanyang pinsan, si Vincent.Nakatayo ito sa may pinto, nakapamulsa, at may mapanuksong ngiti sa labi. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan siya."V-Vincent?!" halos pasigaw niyang sambit. "Anong ginagawa mo dito?"Umangat ang isang kilay ng kanyang pinsan. "Ako dapat ang nagtatanong n’yan sa’yo, ‘di ba? Akala ko nakauwi ka na."Napahawak si Bella sa kanyang noo at huminga ng malalim bago bumaling kay Vincent. "Naglilinis pa ako. Teka, paano mo nalaman na nandito pa ako?""Simple lang," sagot nito, sabay pasok sa silid. "Dumaan ako sa harap ng school, tapos nakita kong bukas pa ang ilaw dito. Sabi ko, ‘hmm, sino kayang nagpapaka-dedikado sa trabaho nang ganitong oras?’ Syempre, ikaw lang naman ang kilala kong ganito kasipag, p

    Last Updated : 2025-03-20
  • The Principal's Affair    Chapter 14

    Pagkarating sa bahay...Pagpasok ni Bella sa bahay, agad niyang napansin ang tahimik na paligid. Naroon ang kanyang pamilya sa sala, tila sila na lang ang hinihintay."Oh? Anong meron?" tanong niya habang hinubad ang sapatos at inilagay ito sa lalagyan. Lumapit siya sa isang bakanteng upuan at umupo roon.Matamlay ang kanyang ina habang bumaling sa kanya. "May masamang balita, anak... Naaksidente ang kapatid ng papa mo. Pumanaw na siya. Kailangan nating pumunta sa burol niya."Napatingin si Bella sa kanyang ama, na tahimik at tila balisa. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Malapit siya sa kanyang tiyuhin noong bata pa siya, kaya ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Napansin din niyang tila hindi mapakali ang kanyang kuya."Sige na, maghanda na kayo," sabi ng kanyang ina.Agad namang kumilos ang pamilya. Pumasok si Bella sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Hindi naman kalayuan ang bahay ng tiyuhin nila, nasa kabilang bayan lang.Pagkatapos nilang maghanda, agad silang umalis.Pa

    Last Updated : 2025-03-20

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 66

    Tapos binalik niya sa bulsa ang cellphone, lumanghap ng hangin, at saka ngumiti pabalik sa dalawa.“Si Sir Rafael?” tanong agad ni Erica.“Uh-huh. Wala lang. Paalala lang na mag-ingat,” sagot ni Bella, pilit ang kaswal na tono. “Saka gusto niyang malaman kung okay lang ako.”Ngumiti si Noah, pero hindi nagsalita. Sa mga mata niya, parang may iniisip siyang malalim.Habang lumalim na ang gabi at unti-unti nang nagsasara ang ibang tindahan, napagpasyahan na nilang umuwi.“Hays,” sabay-sabay silang napabuntong-hininga habang pauwi na.“Vincent is on his way,” biglang sabi ni Erica habang may katinginan ang cellphone.“Oh, kukunin ka na niya?” tanong ni Bella, kunwaring kalmado.“Yeah. Saglit na lang ‘yon, sa may entrance lang tayo dadaan.”Pagdating nila sa may gate ng mall, mabilis nilang nakita ang isang pamilyar na sasakyan. Si Vincent. Bumaba ito para salubungin si Erica.Bella’s heart tightened a little. Gusto niyang lumapit, gusto niyang magpakita. Pero hindi pwede. Hindi pwede lal

  • The Principal's Affair    Chapter 65

    Habang kumakanta ang dalawa, si Noah ay tahimik lang, nakangiti, pinapanood silang dalawa. May mga sandaling tumatawa siya kapag pumipiyok si Erica, o kaya'y napapikit si Bella habang kumakanta, na para bang dama niya ang bawat salita. Pagkatapos ng kanta, pumalakpak silang tatlo.“Okay, okay. Time for the prince to sing,” sabi ni Erica, sabay abot ng mic kay Noah.“Ay,” sabi ni Bella, “Kaya mo pa ba? Baka mawalan kami ng kuryente—charot!”Ngumisi lang si Noah, pero may kakaibang ningning sa mga mata niya. Hindi na siya tumingin sa songbook. Imbis ay nag-search siya direkta sa search bar.“Teka…” sabi ni Noah. “May isa akong gustong kantahin.”Nang lumabas ang kanta sa screen, napatingin si Bella. “It’s You…?”Tumango si Noah. “Yeah. Ali Gatie. Medyo luma na, pero may dating pa rin, ‘di ba?”Tumahimik ang kwarto. Umangat ang volume. At nagsimula nang mag-play ang kanta. Tahimik muna si Noah. Tapos dahan-dahang kumanta, ang boses niya ay malalim, malamig, pero puno ng damdamin.“It’s y

  • The Principal's Affair    Chapter 64

    Paglapit ni Bella kay Erica, agad siyang niyakap nito na parang ilang taon silang hindi nagkita. “Hoy! Finally! Ang bagal mo, noh!” biro ni Erica habang yakap-yakap si Bella.Ngumiti si Bella at sinuklian ng mahigpit na yakap. “Namiss kita, girl. Grabe ka. Akala ko di mo na ako papakitaan bago ka lumipad sa bundok.”“Tarantado ka,” sabay tawa ni Erica. “Ay teka... ayan, oh.” Tumango ito kay Noah na ngayon ay nakangiting nakatayo sa tabi, tila nahihiya rin.“Hi, Bella,” sabi ni Noah. Walang halong biro, walang halong sarcasm. Isa lang iyong simpleng bati, pero sapat na para magdala ng kakaibang kabog sa dibdib ni Bella.Ngumiti siya, pilit pero hindi plastik. “Hi, Noah. Buti sumama ka.”“Alam mo naman, sinama ako ni Erica sa plano ninyo. Natuwa ako, sabik din akong makita kayong dalawa. Tagal na rin, ‘di ba?” Wika nito.Tumango lang si Bella, at si Erica naman ang biglang humawak sa magkabilang braso nila.“Okay, okay, tigilan na ang drama. Let’s eat first! Gutom na ‘ko. May bago daw

  • The Principal's Affair    Chapter 63

    “Sasamahan kita kung gusto mo,” alok ni Rafael, bahagyang nagbago ang tono—hindi na kasing tigas. “Pero kung ayaw mo ng bodyguard... at gusto mong maging ‘normal’ kahit saglit, puwede rin. Pero kailangan mo akong i-text every hour, Bella. Wala akong pakialam kung OA ako. Gusto ko lang sigurado.” Napangiti si Bella, hindi dahil pinayagan siya—kundi sa paraan ng pagkabahala ni Rafael. Hindi niya sanay na makita ito sa ganoong mode—protective, alisto, at tila... may care? “Okay,” sagot niya, abot ang ngiti. “Text. Call. Video call. Picture. GPS. Lahat. Basta lang makalabas ako bukas kahit sandali.” “Ganon ha?” sinabayan ni Rafael ng tawa at saka tumango. “Sige. Pero sa oras na tumakas ka at mahuli ka ni Nanay mo, wala akong kinalaman ha.” Nagkatawanan sila pareho, pero hindi rin nawala ang bahagyang tension sa dibdib ni Rafael. Ramdam niyang may binabalik-balikan si Bella sa labas ng tahanan nila—at hindi lang si Erica iyon. Habang tinutuloy nila ang pagkain, hindi na muling binangg

  • The Principal's Affair    Chapter 62

    Masarap ang amoy ng sinigang na baboy sa buong bahay. Mainit pa ang sabaw habang inilalapag ni Aling Minda ang huling plato sa hapag. May pritong lumpia sa gilid, inihaw na bangus na may kamatis, at isang mangkok ng ginataang mais para sa panghimagas. Kumpleto. Tuwing Linggo talaga, parang piyesta sa bahay nina Rafael. Nakahain na ang lahat, at ang ambiance sa loob ng dining area ay relaxed at homey. Nakaupo si Bella sa dulo ng mesa, naka-pastel blue na shirt at simpleng pajama. Nakapusod ang buhok at bagong ligo, pero ang pinakaagaw-pansin ay ang liwanag sa kanyang mga mata. Pumasok si Rafael mula sa may hallway, naka-gray shirt at shorts. Simple lang ang ayos niya, pero parang modelo pa rin kahit naka-tsinelas lang. “Uy, bango ah,” ani Rafael habang papalapit sa mesa. “Ready na ba tayo?” “Matagal na,” sagot ni Bella habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. “Kanina pa ako excited.” “Excited sa pagkain? Hindi sa akin?” biro ni Rafael, sabay upo sa tapat ni Bella. Napasinghap

  • The Principal's Affair    Chapter 61

    Sumikat ang araw ng linggo sa dahan-dahang pagpasok ng liwanag sa loob ng bahay. Humaplos ito sa kurtina, dumaan sa kisame, at saka humalik sa pisngi ni Bella habang siya'y nakahiga pa sa kama. Bahagya siyang gumalaw, idinikit ang unan sa mukha at napabuntong hininga bago idinilat ang isang mata. Tahimik ang paligid. ‘Yung klase ng katahimikan na hindi nakakabingi kundi nakaaaliwalas—parang ang buong bahay ay nagpapahinga rin. Nag-inat si Bella sa kama. May kaunting ngiti pa rin sa labi mula sa mga huling mensahe kagabi. Kinuha niya ang cellphone, chineck kung may bagong message ngunit wala naman. Pero kahit ganun, hindi nabawasan ang init sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero mas magaan ang pakiramdam niya sa araw na ito. Pagkababa niya sa hagdan, naamoy na niya agad ang aroma ng bagong lutong pandesal at kapeng barako. Ang mga kasambahay ay nag sidatingan na ang kanilang mga kasambahay pati si kuya Dodong na driver at hardinero nila. “Good morning po, Ma’am

  • The Principal's Affair    Chapter 60

    Pagdating nila sa bahay, tahimik lang ang paligid. Walang nagbago. Ang ilaw sa sala ay mahina, malamlam na parang inaantok na rin. Tila ba ang bahay ay nakikisama sa katahimikan ng gabi. Walang kasambahay. Walang ingay. Pero may hangin. Yung klaseng hangin na malamig pero may dalang aliwalas.Nang makapasok na sila, binuksan ni Rafael ang ilaw sa hallway. Umangat ng bahagya ang mukha ni Bella habang nag-aayos ng tsinelas sa may pinto.“Salamat ulit,” bulong niya habang nakatingin sa kanya, may maliit na ngiti sa labi, ‘yung tipong pagod na masaya.Saglit lang na tumingin si Rafael. Tumango. “Hmm.” Pero may kaunting ngiti rin sa sulok ng labi. Yung ngiting ayaw ipahalata pero hindi rin maitago.Papaliko na si Bella patungo sa kanyang kwarto nang biglang marinig niya ang boses ni Rafael mula sa likod.“Bella.” Tawag nito sa kanya. Huminto siya at napalingon sa lalaki. “Good night,” maikling sabi nito, pero may lambing kahit sa simpleng tono.Nagulat siya, pero ngumiti. “Good night. Slee

  • The Principal's Affair    Chapter 59

    Pagkatapos ng games, umupo sila sa lilim ng puno, pagod pero masaya. Nakaupo si Bella sa bench, nakasandal kay Rafael. Ang bata ay natutulog sa gilid nila, marahil sa sobrang pagod sa kasiyahan.Tahimik. Pero hindi awkward. Tahimik na masarap.“Kaya mo pa ba?” tanong ni Rafael.“Tungkol saan?” balik ni Bella.“Sa lahat.”Napangiti si Bella. “Ngayong araw... oo. Kasi parang ngayon lang ako nakalimot.”Tumango si Rafael. “Ako rin.”At doon, sa gitna ng katahimikan, naramdaman nilang pareho—hindi lang sila basta dumalo sa party. Dumalo rin sila sa bagong alaala, bagong damdamin na unti-unting umusbong, at sa bagong simula na hindi nila inaasahan.“Okay! At dahil tapos na ang lahat ng games, may announcement tayo!” sigaw ng host habang hawak ang mic. “Ang pinaka-energetic at best team ngayong araw ay...”Tumigil muna siya. Pa-drama. Pa-thrill. Pinakilig ang mga bata’t matatanda.“Team Kuya Rafael, Ate Bella, at Mikaaaay!” Dagdag na sigaw ng host. “Hala! Tayo ‘yon!” sigaw ng bata, sabay t

  • The Principal's Affair    Chapter 58

    “Okay mga bata! Ready na ba kayo sa games?” sigaw ng ate organizer, sabay palakpak.“Reaaaady!” sigaw ng mga bata, halos sabay-sabay.Tumawa si Bella habang nakaupo sa lilim, hawak ang maliit na bottled water, habang pinagmamasdan ang mga batang nagkakagulo sa harap ng microphone. Tumabi sa kanya si Rafael, nakasalampak din sa plastic chair, naka-sunglasses na itinaas niya para makita ng maayos ang nangyayari.“Parang college fair ah,” sabi ni Bella, nakangiti.“Mas masaya pa nga,” balik ni Rafael, habang nakatingin sa mga batang nagkakatuwaan.Tumayo ang organizer, may hawak na papel. “Okay, for the first game, kailangan ko ng tatlong grupo ng tig-tatlong miyembro—dalawang matatanda at isang bata. This is called ‘Trip to the Island!’Nagtaas ng kamay ang maraming bata. Isa sa mga batang palaging dikit kay Rafael ang tumakbo palapit. “Kuya Raf! Sama mo ko! Sama mo ko!”Tumawa si Rafael. “Sige, ikaw na. Pero kailangan natin ng isa pa.”Napalingon ang bata kay Bella. “Ate Bella! Sama ka

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status