After being buried alive by her ex-fiance and adopted sister, Lia Reed survived miraculously and promised herself to get back on the two. While performing her duty as a doctor, she met Leon Ashton, his ex-fiance's uncle. Leon was captivated by her beauty and when his grandmother came, he suddenly grabbed her hand and introduced her as his bride-to-be! Knowing Leon, Lia decided to play along and schemed a dangerous plan. Mauuwi ba sa totoong kasal ang kanilang nilagdaang contract marriage? Mahihilom ba ng hindi inaasahang pag-ibig ang malalim na sugat ng nakaraan o mas lalo lamang silang masasaktan?
view more“Matagal pa ba ang ambulansya? Dalhin na lang kaya natin si papa sa pinakamalapit na hospital.” Hindi mapakali si Lia. Maya’t-maya niyang tsinetsek ang pulso ng kaniyang papa. She couldn’t even breathe well. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kapag nauwi sa stroke o heart attack ang kalagayan ng kaniyang papa. May sakit kasi ito sa puso.“Hindi tayo p’wedeng umalis. Don’t worry, the ambulance is already on its way here. Walang mangyayaring masama sa kaniya kaya kumalma ka.” Lumingin si Leon sa paligid. Inaabangan niya ang kaniyang kaibigang doktor pero ni anino nito ay hindi pa rin niya makita. Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang bigla iyong tumunog. Nagtext ang kaniyang kaibigan. “Hindi raw maaasikaso ng kaibigan kong doktor si papa pero naibilin na raw niya ang tungkol dito sa isa sa mga kabaro niya. Siya na lang daw ang magpapaliwanag ng nangyari kay papa kapag nagkaroon na ito ng malay,” seryosong turan niya.“Anong tawag mo kay papa?” Sa dami ng mga sinabi ni Leon
Napahinto si Lia sa paglalakad nang marinig niya bigla ang boses ng kaniyang ama. “P-papa?” bulong niya. Tumigil din agad si Leon. Tiningnan niya si Lia. “What’s wrong, wifey?” “Parang narinig ko ang boses ni papa,” tugon ni Lia. Nagdalawang isip pa si Leon kung tatapikin niya ang likuran ni Lia pero ginawa niya rin naman. “Namimiss mo lang siguro ang papa mo kaya naririnig mo ang boses niya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa’yo, hindi mo maitatanggi sa akin na nag-aalala ka pa rin sa kaniya.” “He’s still my father. Wala namang perpektong magulang tulad ng wala ring perpektong anak. Ang ipinagtataka ko, napakalinaw ng boses niya. Parang…parang nasa malapit lang siya.” Napahawak si Lia sa kaniyang dibdib. Tila nagsisikip iyon. Masama ang loob niya sa papa niya pero mahal pa rin naman niya ito. Akala niya ay kaya niya itong tiisin, nagkamali siya. “A-Anak, b-buhay k-ka…” “Did, d-did you hear that? I can really hear his voice,” Lia said. Kumunot ang noo ni Leon. May narinig d
“Kiana, Owen, sagutin niyo ang tanong ko!” Kuyom ang mga kamao ni Liam habang hinihintay ang pagbuka ng bibig ng dalawa.“Daddy, may autopsy report na mula sa mga pulis kaya alam na namin kung ano ang ikinamatay ni Lia.” May kinuhang papel si Kiana mula sa kaniyang bag. Ibinigay niya iyon sa kaniyang ama-amahan. “Here. You can check it.”Nakatingin lang si Liam sa papel na hawak ni Kiana.“Tito, alam kong malungkot ka ngayon dahil sa pagkamatay ni Lia pero nais kong sabihin at ipaalala sa’yo na hindi ka nag-iisa. Kiana and I are grieving too,” singit ni Owen.Tumaas ang dalawang kilay ni Jake at napangiti siya ng lihim. Madaling sabihin na nagluluksa ang isang tao pero mas makikita iyon sa ikinikilos nito.“Daddy, maniwala ka naman sa akin. Alam kong nasulsulan ka na ng mga kaibigan ni Lia. Don’t believe them. Malaki lang ang galit nila sa akin, daddy. Mas paniniwalaan mo pa ba sila kaysa sa akin?” Itinuro ni Kiana ang papel na nasa kamay ni Liam. “Read that. Kasama na rin diyan ang f
“Did you like the dress recommendation?" Leon asked while driving. Kagagaling lang nila ni Lia sa clothing store branch ni Diana sa Riverdale. Ngayon ay patungo na sila sa restaurant kung saan gaganapin ang kanilang family dinner.“Okay naman. It looks well on me but…”Tumaas ang kilay ni Leon. "But?”"It's too expensive and I'm not comfortable wearing it. Hindi ako sanay sa ganitong style.” Pilit hinihila ni Lia pababa ang dress. Above the knee kasi iyon tapos pitis na pitis pa sa kaniya."You wanna hear the truth?” Leon couldn't help but glanced at Lia. Her beauty shines more on that dress. Napapapakagat na lang siya sa kaniyang labi kapag napapatingin siya sa asawa niya."Don't say it. Kontento na ako sa judgement ko. Ayokong marinig ang sa'yo.” Umayos ng upo si Lia. Ang batok niya ay nanlalamig maging ang kaniyang mga binti. Kinakabahan siya sa mga mangyayari. Higit sa lahat, hindi niya magawang tingnan ng diretso si Leon sa mga mata nito. Ibang-iba ang hitsura nito kumpara kanina
“Wow!"Napatawa ng mahina si Lia sa sinabing iyon ni Leon. “Gulat na gulat talaga, uncle?" nang-aasar na sabi niya.Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Leon. “Stop calling me uncle or else…”“Or else what?" Lia said while laughing."Or else, I will kiss you,” Leon warned.Biglang tumahimik si Lia. Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting naglaho. Binalot ng kaba ang kaniyang buong sistema. Napalunok siya dahil pakiramdam niya ay biglang natuyo ang kaniyang lalamunan. Tumikhim siya.“Ba-bagay ba sa akin ang new hairstyle ko?" pag-iiba ni Lia ng usapan.Tumango si Leon. “You look prettier." Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang maliit na nunal sa itaas ng labi ni Lia. “That’s new. Did you…”"Aha. For a new look. Dapat masanay ka nang Ria ang tawag mo sa akin at hindi Lia. Anyway, after this ba ay pupunta na agad tayo sa restaurant?” tanong ni Lia.Umiling si Leon. "Pumunta muna tayo sa clothing store ni Diana para makapili ka ng nais mong isuot mamaya. Kung nahihirapan kang pu
“K-Kuya, k-kanina ka pa ba riyan?" nahihintakutang sambit ni Owen. Takot siya sa panganay niyang kapatid lalo at ayaw na ayaw nitong sinasagot-sagot niya ang kanilang ina.Umikot ang mga mata ni Kiana. ‘Umurong na naman ang buntot ng duwag.’“Kararating lang." Napatingin si Jake kay Kiana. "Conservative dress doesn't look good on you.”"Y-you! H—-"“Huwag ka nang kumontra, Kiana.Dalawa na kaming nagsasabi ng anak ko." Bumeso si Guadalupe kay Jake nang lumapit ito sa kaniya. “Akala ko hindi ka makakadalo ngayong gabi. What happened?"“Someone saved me tonight, mama, so here I am. Akala ko ba hindi rin kayo makakapunta ni papa?" kunot-noong turan ni Jake.“Sa tingin mo ba eh papayag si mama na wala kami ng papa mo? She cancelled our business meeting with the Thompsons." Ipinatong ni Guadalupe ang kaniyang isang kamay sa balikat ni Jake. “Why did you invite this woman, Owen? I want Lia, not her."Napapikit sa inis si Owen pero agad din siyang nagmulat. "I told you, mama, patay na si Lia.
Kabanata 21“How do I look?" Nakasuot ng modernong Filipiniana si Kiana kaya hindi siya mapakali sa kaniyang hitsura. Hindi siya sanay magsuot ng ganoong klase ng damit. Kung hindi lamang sinabi ng kaniyang fiancé na si Owen na ganoong klaseng style ang nais ng lola nitong si Donya Rehina ay hinding-hindi siya nito mapapagsuot ng ganoong klase ng kasuotan.“You're stunning and alluring as usual, babe. No need to ask about that," may pagmamalaking tugon ni Owen. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Kiana para alalayan itong lumabas ng sasakyan. "We're twenty minutes early. I'm sure naririto na rin ang family ko. Mas takot silang ma late kaysa sa akin eh.”"Mukhang gustong-gusto ng lola mo ang babaeng napangasawa ng uncle mo,” mahinang sabi ni Kiana habang naglalakad patungo sa entrada ng restaurant kung saan sila maghahapunan."Bakit mo naman nasabi?” kunot ang noong tanong ni Owen."Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin, hindi ba? Ngayon lang kayo dinala ng lola mo rito sa pinakamahal
“Nandito na tayo," anunsyo ni Austin nang itinigil niya ang sasakyan.Matapos magtungo sa apartment na tinutuluyan ni Lia ay nagdiretso na sina Austin, Kira at Liam sa chapel na tinutukoy nina Owen at Kiana. “Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Lia. Hindi ko na dapat siya iniwan nang araw na ‘yon. Hindi na sana ako nagpauto sa kaniya na kailangan nga niya ng tubig. Kung hindi lang ako naging malambot, buhay pa siguro siya ngayon," puno ng panghihinayang na turan ni Austin. Hinilot niya ang kaniyang sintido. Nais niyang lumuha pero pinigilan niya dahil kasama nila ang ama ni Lia. Tinapik ni Kira ang likod ni Austin. “Wala kang kasalanan sa nangyari. Walang may gusto nito. Huwag mong sisihin ang iyong sarili, Doctor Austin," aniya sa malambing na tinig. “Mali na umasa pa akong buhay pa ang anak ko. Tanggap ko na noong sinabi sa akin nina Kiana at Owen na wala na si Lia eh. Mas lalo lang sumakit ngayon dahil nagkaroon ako ng kahit katiting na pag-asang walang katotohanan ang bi
Tumikhim nang malakas si Jackson kaya nalipat sa kaniya ang atensyon ng lahat. Bitbit niya ang bangkay na binili nila. Kakatawan ito ni Lia. Ang bawat detalyeng mayroon ang doktora ay itinanim na rin nila rito. Kukunin na lang nila ang kwintas at singsing kay Lia para ilagay sa bangkay bago iyon ilibing.“Kuya, bakit parang natagalan ka?" kunot-noong tanong ni Jett.“Tumawag kasi si Eya. Namimiss na raw ako ni Baby Sonya,” tugon ni Jackson. Napatingin siya sa hinuhukay ng mga nakababata niyang kapatid. "Ang bagal niyo yatang maghukay ngayon?”Nagkatinginan sina Jacob at Jett. Nagpigil sila ng tawa.Nagkatinginan naman sina Jackson at Leon. Sumenyas pa si Leon kay Jackson."Sus ginoo! Kaya naman pala kayo nagtagal eh. Kung ano-ano na namang kalokohan ang ginawa niyo ‘no? Nagbabag na naman kayo?” Maingat na buhat-buhat ni Jackson ang bangkay habang papalapit sa hukay. Nakasuot na rin siya ng facemask at gloves. Marahan niyang ibinaba ang bangkay at saka kinuha mula sa bulsa ng kaniyang
“Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyong gawin sa akin ‘to. Ibibigay ko na ang shares ko sa company. Hahayaan ko na kayong magmahalan…huwag niyo lang akong ilibing ng buhay.” Halinhinang tinapunan ng tingin ni Lia Reed sina Owen Ashton at Kiana Reed. “Please. Kia, we're family. Owen, we've been together for five years! Let me go!” Matapos matuklasan ni Lia ang affair ng kaniyang fiancé at adopted sister ay nagsunod-sunod na ang kamalasan sa buhay niya. Kiana did everything to kick her out of her own family. Owen told the media that she cheated on him after they lost their daughter. And now, they’re about to bury her ALIVE! “Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na ako! Kamamatay lang ni mommy! Hindi kakayanin ni daddy kapag nawala aga—” "Oh! Really? Pinalayas ka na nga ni daddy, nasasabi mo pa rin ‘yan? Listen, I prepared something for you, my dear sister.” Kiana smiled before she got her phone. She played an audio file. "Puro na lang kamalasan ang dala ni Lia sa pamilya natin! Ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments