Nang makababa ay mabilis na nakipag-beso-beso ang mag-asawa sa dalawa.
“So, you’re Veron Stacey, right? My son's soon to be wife,” abot-tainga ang ngiti ni Mrs. Tolledo nang banggitin iyon.
Alanganin ang nagawang pagtango ni Veron. Dapat na ba niyang sanayin ang sarili na maging Mrs.Tolledo imbes na Mrs. Florendo? Hindi niya lubos maisip na maiipit siya sa ganitong sitwasyon makamit lang ang hinahangad niyang hustisya.
“Mom, my girlfriend feels tired. Please let us eat first,” bigkas ni Ynzo upang mailihis ang atensyon ng ina.
“Ay, oo nga pala. The food is ready. Come here, hija. Feel at home. Huwag kang mahihiya.” Todo aliw na bigkas ng ina ni Ynzo.
Hindi makapaniwala si Veron sa mga nakikitang pagkain na nakalatag sa h
Hindi makapaniwala sina Ynzo Abraham at Veron Stacey na maiisahan sila ng mga magulang ng binata. Ang buong akala nilang pagpapakilala pa lang at pormal na imbitasyon ay tila naging pamamanhikan na. Halos bukambibig ng mga magulang ni Ynzo ang araw ng kasal na pinlano at nais ng mga ito. Naglabas rin ng larawan si Mrs. Tolledo na kasama ang ina ni Veron noong kabataan pa nila patunay na totoo ngang mag-best friends ang mga magulang nila.“Ibang klase rin ang tadhana, ano? Sino ang mag-aakalang hindi pa tayo isinisilang e nakatadhana na ’agad tayo sa isa’t isa,” halos hindi makapaniwalang bulalas ni Ynzo, “Pero ’wag kang mag-alala, malabo rin namang magustuhan kita. I’m more than enough to be yours.”Bahagyang naitirik ni Veron ang mga mata. “Even me. Hinding-hindi ako magkakagusto sa childish na katula
THE MOST AWAITED moment has been perpended. Ang araw ng pag-iisang dibdib nina Ynzo Abraham Tolledo at Veron Stacey Santibañez. Marami ang dumalo at gustong masaksikan ang kapanapanabik na araw na iyon. Ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang mag-asawang Mr. at Mrs. Tolledo na mangiyak-ngiyak pa habang inaakay ang dalaga papunta sa harap ng altar. At dahil wala nang mga magulang na maghahatid sa dalaga ay silang mag-asawa na rin ang boluntaryong gumawa niyon dahil anak na rin daw ang turing nila kay Veron.Punong-puno ang buong paligid ng mga mamahaling bulaklak at mga bonggang dekorasyon na pawang angkop sa kasal. Kulay pink at blue ang naging color motif nila na napagdesisyunan ni Mrs. Tolledo. Iyon raw kasi ang paborito nilang kulay ng bestfriend na si Veronica na dapat raw nilang gamiting motif sa araw ng kasal ng kanilang mga anak.Veron Stacey is n
GINANAP SA ISANG beach hotel ang naturang reception ng kanilang kasal. Doon na rin ginanap ang paghahagis ng bouquet at garter kung saan ang bulaklak ni Veron ay nasalo ng isa sa mga katulong ng mga Tolledo at ang garter naman ay nasalo ng isa sa kaklase ni Ynzo noong high school. Nagkaroon ng tuksuhan dahil tila bagay para sa isa’t isa ang dalawang nakasalo. “Nagkakatotoo pa naman ang sinasabi ng iba na kung sino man ang makasasalo ng bouquet ng bride at garter ng groom ang siyang susunod na ikakasal,” anang masters of the ceremony ng programa. Nagsihiyawan ang mga tao sa paligid. Halos mamula naman ang mukha ng babaeng may hawak ng bridal's bouquet. Nasa gitna na ng stage ang babae habang nakaupo sa upuan at papunta na rin doon ang lalaking nakakuha ng garter. “Oh my gash! Ito na! Isusuot na ni future groom ang garter sa binti ni future bride,” kantiyaw ng tagapagsalita na sinegundahan naman ng iba. Tila nag-usap pa ang dalawa sa ent
Labis na pagod ang naramdaman ni Veron nang araw ring iyon. Pagod na pagod ang puso at isipan niya para sa buong araw na kaganapan. Halos hindi matanggap ng buong sistema niya dahil sa labis na kapaguran. Kung puwede lang magpahinga ng habang buhay kaso ay hindi iyon maaari lalo pa at hindi pa siya nakapaghihiganti. Idagdag pa ang isipin patungkol sa relasyon nila ni Skyler Dave ay mas lalong sumasakit ang ulo niya. Ito ang tunggaliang mahirap panindigan. Mahirap ang tunggalian sa pagitan ng puso at ambisyon. Mahirap man pero kailangan niyang mapanindigan hanggang sa kahuli-hulihan. Pabagsak na inihagis ni Veron ang sarili sa king size bed ng hotel. Sa naturang beach hotel and resort na iyon din nila napagkasunduang mag-honeymoon dahil ayon sa agent partner ni Veron na si Agent Blue ay doon raw laging namamalagi si Mr. Thurn upang makapagliwaliw.
NAPAINAT SI VERON ng mga braso paggising. Suot pa rin niya ang mabigat at mamahaling traje de boda. Nagulo na ang buhok niya at bahagya siyang napatingin sa sariling mga paa. Wala siyang natandaan na hinubad niya ang mga suot na sapin sa paa. Naipilig niya ang ulo. Bumangon siya at hinubad ang suot na damit. Medyo nahirapan siya sa paghuhubad niyon dahil hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan at hirap siyang abutin ang lock sa likurang bahagi ngunit napagtagumpayan niya rin naman at siya namang pagbukas ng pinto. “Sleeping Beauty, time to—” Naputol ang dapat na sasabihin ni Ynzo nang makita ang sitwasyon ng babae. Nabitin sa ere ang mga kamay niya habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa lalaki. Bumagsak na rin sa sahig ang kasuotan niya. Napasigaw ng malakas si Veron sa labis na pagkagulat. Wala siyang ibang suot kundi ang kaniyang panloob at ang lalaking bigla na lang nagbukas ng pinto ay hindi man lang natauhan para umalis. Nakatulala lamang a
Tahimik na nagbabasa ng libro sa isang coffee shop ang bagong mag-asawang sina Veron Stacey at Ynzo Abraham. Maganda ang ambiance ng naturang coffee shop dahil bukod sa ma-e-enjoy mo na ang pag-inom ng paborito mong kape ay matutuwa ka rin sa mga aklat sa buong paligid na tila ba isang library. Libreng magbasa ng iba’t ibang uri ng aklat ang sinumang nagnanais na makapaglibang. May mga table na good for two or for barkada kaya marami ang customer ng shop. Maeengganyo ka talagang magbasa dahil punong-puno ng iba’t ibang uri ng aklat ang buong paligid at bukod doon ay halos nagbabasa ang lahat ng customer na napapagawi roon. “Nakikita mo ba ang lalaking naka-itim sa bandang likuran natin?” tanong ni Veron na bahagyang ikinalingon ni Ynzo ngunit kaagad niyang pinigilan. “Huwag kang lilingon dahil baka mahalata ka.” Napailing siya dahil sa tinuran ni Ynzo. Kung may huhulihin pala ito sa akto ay siguradong hin
“Sa wakas ay tumigil ka rin. Pinagod mo pa talaga ako, ’no?” anas ng lalaki habang nakatutok sa kaniya ang isang kwarenta singko na baril.Halos mamutla si Ynzo nang makita ang hawak-hawak nito na matamang nakatutok sa kaniya.“Nasaan ang kasama mo? Ha?” tanong pa nito at panay rin ang paghabol ng hininga. “Nasa’n na? Sumagot ka!” pasigaw pa nitong tanong.“Nandito ako!” Nagulat ang dalawa nang marinig ang tinig na iyon. Luminga-linga pa ang dalawang lalaki sa buong paligid ngunit wala silang nakita ni anino man lang.Mas ikinagulat nila nang walang ano-ano’y tila may lumipad mula sa mataas na puno at dire-diretso na tumalon sa kinapupuwestuhan ng misteryosong lalaki.
“KAILANGAN NIYO NANG lumipat sa bago ninyong bahay. Doon niyo na lang ituloy ang inyong honeymoon.” Halos mapahawak sa dibdib at muntik pang himatayin si Mrs. Tolledo nang mabalitaan ang nangyari sa hotel. Kaagad na dumiretso ang mga magulang ni Ynzo sa tinutuluyang hotel ng mag-asawa upang bisitahin ang mga ito. Hindi sila makapaniwala na malalagay sa delikadong sitwasyon ang dalawa sa kapabayaan ng pasilidan ng nasabing beach hotel and resort.Nakita ni Veron kung paano magpaka-over acting ang ina nito gaya ng babala ng lalaki. Totoo ngang may pagka-OA ang ginang at naiintindihan niyang para rin iyon sa kaligtasan nilang dalawa.Sakay ng isang black limousine ay inihatid sila nina Mr. and Mrs. Tolledo sa subdibisyong tutuluyan nila. Regalo ito ng mga magulang ni Ynzo para sa kanilang pag-iisang dibdib. Sa pangunahing pasukan pa lang ng natur