Labis na pagod ang naramdaman ni Veron nang araw ring iyon. Pagod na pagod ang puso at isipan niya para sa buong araw na kaganapan. Halos hindi matanggap ng buong sistema niya dahil sa labis na kapaguran.
Kung puwede lang magpahinga ng habang buhay kaso ay hindi iyon maaari lalo pa at hindi pa siya nakapaghihiganti. Idagdag pa ang isipin patungkol sa relasyon nila ni Skyler Dave ay mas lalong sumasakit ang ulo niya. Ito ang tunggaliang mahirap panindigan. Mahirap ang tunggalian sa pagitan ng puso at ambisyon. Mahirap man pero kailangan niyang mapanindigan hanggang sa kahuli-hulihan.
Pabagsak na inihagis ni Veron ang sarili sa king size bed ng hotel. Sa naturang beach hotel and resort na iyon din nila napagkasunduang mag-honeymoon dahil ayon sa agent partner ni Veron na si Agent Blue ay doon raw laging namamalagi si Mr. Thurn upang makapagliwaliw.
NAPAINAT SI VERON ng mga braso paggising. Suot pa rin niya ang mabigat at mamahaling traje de boda. Nagulo na ang buhok niya at bahagya siyang napatingin sa sariling mga paa. Wala siyang natandaan na hinubad niya ang mga suot na sapin sa paa. Naipilig niya ang ulo. Bumangon siya at hinubad ang suot na damit. Medyo nahirapan siya sa paghuhubad niyon dahil hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan at hirap siyang abutin ang lock sa likurang bahagi ngunit napagtagumpayan niya rin naman at siya namang pagbukas ng pinto. “Sleeping Beauty, time to—” Naputol ang dapat na sasabihin ni Ynzo nang makita ang sitwasyon ng babae. Nabitin sa ere ang mga kamay niya habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa lalaki. Bumagsak na rin sa sahig ang kasuotan niya. Napasigaw ng malakas si Veron sa labis na pagkagulat. Wala siyang ibang suot kundi ang kaniyang panloob at ang lalaking bigla na lang nagbukas ng pinto ay hindi man lang natauhan para umalis. Nakatulala lamang a
Tahimik na nagbabasa ng libro sa isang coffee shop ang bagong mag-asawang sina Veron Stacey at Ynzo Abraham. Maganda ang ambiance ng naturang coffee shop dahil bukod sa ma-e-enjoy mo na ang pag-inom ng paborito mong kape ay matutuwa ka rin sa mga aklat sa buong paligid na tila ba isang library. Libreng magbasa ng iba’t ibang uri ng aklat ang sinumang nagnanais na makapaglibang. May mga table na good for two or for barkada kaya marami ang customer ng shop. Maeengganyo ka talagang magbasa dahil punong-puno ng iba’t ibang uri ng aklat ang buong paligid at bukod doon ay halos nagbabasa ang lahat ng customer na napapagawi roon. “Nakikita mo ba ang lalaking naka-itim sa bandang likuran natin?” tanong ni Veron na bahagyang ikinalingon ni Ynzo ngunit kaagad niyang pinigilan. “Huwag kang lilingon dahil baka mahalata ka.” Napailing siya dahil sa tinuran ni Ynzo. Kung may huhulihin pala ito sa akto ay siguradong hin
“Sa wakas ay tumigil ka rin. Pinagod mo pa talaga ako, ’no?” anas ng lalaki habang nakatutok sa kaniya ang isang kwarenta singko na baril.Halos mamutla si Ynzo nang makita ang hawak-hawak nito na matamang nakatutok sa kaniya.“Nasaan ang kasama mo? Ha?” tanong pa nito at panay rin ang paghabol ng hininga. “Nasa’n na? Sumagot ka!” pasigaw pa nitong tanong.“Nandito ako!” Nagulat ang dalawa nang marinig ang tinig na iyon. Luminga-linga pa ang dalawang lalaki sa buong paligid ngunit wala silang nakita ni anino man lang.Mas ikinagulat nila nang walang ano-ano’y tila may lumipad mula sa mataas na puno at dire-diretso na tumalon sa kinapupuwestuhan ng misteryosong lalaki.
“KAILANGAN NIYO NANG lumipat sa bago ninyong bahay. Doon niyo na lang ituloy ang inyong honeymoon.” Halos mapahawak sa dibdib at muntik pang himatayin si Mrs. Tolledo nang mabalitaan ang nangyari sa hotel. Kaagad na dumiretso ang mga magulang ni Ynzo sa tinutuluyang hotel ng mag-asawa upang bisitahin ang mga ito. Hindi sila makapaniwala na malalagay sa delikadong sitwasyon ang dalawa sa kapabayaan ng pasilidan ng nasabing beach hotel and resort.Nakita ni Veron kung paano magpaka-over acting ang ina nito gaya ng babala ng lalaki. Totoo ngang may pagka-OA ang ginang at naiintindihan niyang para rin iyon sa kaligtasan nilang dalawa.Sakay ng isang black limousine ay inihatid sila nina Mr. and Mrs. Tolledo sa subdibisyong tutuluyan nila. Regalo ito ng mga magulang ni Ynzo para sa kanilang pag-iisang dibdib. Sa pangunahing pasukan pa lang ng natur
MAGKASALUBONG ANG mga kilay ni Ynzo habang nakatingin kay Veron ngayon. Nakapasak sa magkabilang tainga nito ang suot na wireless earphone at nakangiting sumalampak sa sofang nasa loob ng kanilang silid. Nagmistulang call center kasi ang kanilang silid dahil kanina pa may kausap ang babae. Noong una’y si Agent Blue—base sa pagkakarinig ni Ynzo na pangtawag dito ng asawa.“Syempre naman, ikaw lang kaya ang mahal ko,” abot-tainga ang ngiti ni Veron nang sabihin iyon. “Sus, ikaw ang pinaka-guwapong lalaki sa balat ng lupa at walang sinumang Adonis ang makakaagaw sa ’kin mula sa ’yo,” dagdag pa ng babae.Nanginginig na lang siya sa sobrang ka-cheese-han ng babaeng amazona na ito. Kung anong ikinaastig sa bakbakan ay siyang ikina-weird-o pagdating sa mahal nitong lalaki. Parang ayaw niya tuloy ma-inlove dahil nakababal
NAGISING SI VERON na nakatunghay sa kaniyang hinihigaan si Ynzo. Ngiting-ngiti ito sa kaniya nang mabungaran niya saktong pagdilat ng kaniyang mga mata, kung kaya’t nakaramdam ng kilabot ang dalaga. Hinampas niya ng unan ang lalaki dahilan upang matauhan ito mula sa pagkakatulala.“Aray! Napakabrutal mo talagang babae ka!” hiyaw ni Ynzo habang hawak-hawak ang nasaktang mukha. “Kay aga-aga gusto mo na agad sirain ang guwapo kong mukha.”“Ano ba kasing ginagawa mo’t pangit mong mukha ang bubungad paggising ko?” tanong niya rito na may nagdududang tingin. Nang may maisip na ideya ay biglang napayakap si Veron sa sariling katawan at tinakpan iyon ng comforter.Mabilis na napatayo si Ynzo sa naging reaksyon niya. “Hoy! Hindi ko pagnanasaan ang katawang ’yan! Wal
“I NEED TEN MAIDS here right away!” narinig nilang wika ni Ginang Tolledo nang may tawagan ito sa sariling cellphone. “Bilisan niyo!” Nanatiling nakayuko at lihim na nagsisisihan sina Ynzo at Veron. “You two!” pagtawag ng Ginang sa dalawa na ikinataas ng kanilang tingin. “Clean this mess before the maids will arrived. Unahan niyo nang maglinis, tutal ay kayo naman ang nagkalat.” “Ikaw na kaya ang maglinis tutal ikaw lang din naman ang nagkalat,” napaismid si Veron habang sinasabi iyon. “At bakit? Sino ba itong ang lakas ng loob magluto e hindi naman pala marunong. Muntik mo pang sunugin itong buong bahay,” gagad naman ni Ynzo. “Sino ba ’tong isip bata na nagpahabol para lang sa isang remote at halos ihagis lahat ng pagka
Maaga pa lang ay nasa kusina na si Veron upang mapag-aralan ang pagluluto ng mga simpleng lutuin. Ginugol niya ang ilang araw at gabi sa panonood ng mga cooking tutorials sa YouTube. Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatiling nakatitig ang babae sa mga kasangkapan at kagamitan sa kusina. Tila ba naglalakbay ang kaniyang isipan at hindi alam kung ano ang unang pupulutin o gagawin. Hindi kagaya ng mga nakalipas na araw ay malinis at maayos na ang mga kagamitan sa kusina ngayon. Napakagaling ng mga katulong na naglinis at nag-ayos sa gulong ginawa nila ni Ynzo. Nang dahil sa pamimilit ng ina ni Ynzo ay talagang mapipilitan siyang humawak ng sandok upang magluto. Ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya na magluluto siya ng pagkain para sa ibang tao. Oo nga’t asawa na siya ni Ynzo ngunit iba pa rin ang pakiramdam lalo na’t nagpapanggap lang sila.Nagkaroon siya ng kaunting oras kagabi upang kausap