Maaga pa lang ay nasa kusina na si Veron upang mapag-aralan ang pagluluto ng mga simpleng lutuin. Ginugol niya ang ilang araw at gabi sa panonood ng mga cooking tutorials sa YouTube. Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatiling nakatitig ang babae sa mga kasangkapan at kagamitan sa kusina. Tila ba naglalakbay ang kaniyang isipan at hindi alam kung ano ang unang pupulutin o gagawin. Hindi kagaya ng mga nakalipas na araw ay malinis at maayos na ang mga kagamitan sa kusina ngayon. Napakagaling ng mga katulong na naglinis at nag-ayos sa gulong ginawa nila ni Ynzo. Nang dahil sa pamimilit ng ina ni Ynzo ay talagang mapipilitan siyang humawak ng sandok upang magluto. Ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya na magluluto siya ng pagkain para sa ibang tao. Oo nga’t asawa na siya ni Ynzo ngunit iba pa rin ang pakiramdam lalo na’t nagpapanggap lang sila.
Nagkaroon siya ng kaunting oras kagabi upang kausap
“LET’S TALK, son.” Nagulat si Ynzo nang sabihin iyon ng ama. Bantulot siyang sumunod rito at nagtungo sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay. “Ano iyon, Dad?” tanong pa niya. “Gusto ko lang linawin iyang mga kinikilos mo. What’s wrong with you? Do you have any problem? Tell me,” seryosong tanong ng kaniyang ama na naghatid ng kakaibang kaba sa puso niya. “What do you mean, Dad?” Halos napapalunok na ring ganting tanong ni Ynzo. Napabuntong-hininga si Ginoong Tolledo at seryosong tinitigan ang anak. “You’re my only son and I want the best in you. Hindi kaya kayo maghiwalay ng asawa mo dahil d’yan sa mga ugaling ipinapakita ninyo? I don’t like that to happen,son. I hate broken family and you are responsible for that.”
MABILIS NA PUMASOK ng bahay si Ynzo bitbit ang dalawang supot ng pagkain mula sa Jollibee. Halos kapalan na niya ang mukha makabili lang ng toyo at suka na sa mismong fast food ng Jollibee nanggaling. Mabuti’t magaling makisama ang mga staff ng naturang fast food at hindi naman siya napahiya sa inakto niya.“Sir, ang totoo’y lagi po kaming handa sa mga nais ng aming customer kaya libre na po iyang toyo at suka. Salamat po sa pagbili at pagtangkilik ng aming crispy sarap Jollibee chicken joy,” mahabang litanya ng Jollibee staff.Napangiti siya sa isiping iyon. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang bagay na ito nang dahil lang sa utos ni Veron.Nang makapasok sa loob ng bahay ay kaagad niyang hinanap sa sala si Veron ngunit wala na ito sa harap ng telebisyon. Ang tanging naabutan lang
Inabala ni Veron ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman at bulaklak sa hardin. Minsan ay parang natutuwa siyang mag-gardening gawa ng maganda at pagkakaayos ng mga landscape. Alam niyang naglaan ng gardener ang ina ni Ynzo upang mapaganda ang labas ng kanilang bahay. Natutuwa talaga siyang titigan ang mga rosas at orchids na naroroon. Halos mapuno rin ng namumulak na orchids ang mga punong nasa paligid ng buong bahay.Simple lang ang pagkakaayos niyon. Mula sa tarangkahan ay makikita mo na kaagad ang naggagandahang bulaklak mula sa labas ng bahay. Iba’t iba ang kulay ng mga rosas roon na minsan lang rin niyang makita gaya ng kulay dilaw at bahaghari na rosas. Sa gitna ng hardin ay naroroon ang maliit na fountain kung saan ay umiilaw iyon ng iba’t ibang kulay tuwing gabi. Sa ibaba ng fountain naman ay nagsisilanguyan ang iba’t ibang klase ng isda gaya ng gold fish at iba pa.
HALOS MAMILIPIT si Ynzo sa katatawa nang makaalis sa bahay nila ang kaniyang mga magulang. Naging abala naman si Veron Stacey sa pakikipag-usap sa telepono habang panay naman ang pagkuwento ni Ynzo ng mga nangyari kung bakit napagkamalan ng mga magulang niya na buntis si Veron.Hindi namalayan ni Ynzo ang mabilis na mga kilos ni Veron habang nag-aayos. Naging abala siya sa paghalakhak habang hawak-hawak ang tiyan.“Akalain mo ’yon, nasuka ka lang naman dahil wala kang kinain. ’Yong tungkol naman sa pagkain ng chicken joy ni Jollibee sadyang pinahirapan mo lang ako no’n, e. Hindi talaga ako makapaniwalang mapapaniwala natin sila sa mga ganoong bagay,” patuloy na pagkuwento ni Ynzo habang abot na yata sa mga kapitbahay ang lakas ng kaniyang pagtawa. “At saka, iyang pagiging antukin mong ’yan, kasalanan ng nobyo mo &
Halos lamukin na si Ynzo Abraham sa kahihintay kay Veron Stacey na dumating mula sa kung saan kung kaya’t muli siyang pumasok sa loob ng bahay upang magtimpla ng kape. Maghapon na yata siyang tumambay sa hardin at halos makabisado na niya ang lahat ng anggulo ng maliit na fountain. Maging ang mga isdang tahimik na lumalangoy roon ay nabulabog na rin niya at naisa-isa na rin yata niya ng siyasat ang mga namumulaklak na bahagharing rosas ngunit wala pa ring dumadating na Veron Stacey Santibañez–Tolledo. May ideya na rin naman siya kung sino ang kasama nito ngunit naiinis pa rin siya dahil hindi man lang nagawa ng babaeng magpaalam sa kaniya kung lalabas ba ito o hindi. Kinikilala ba talaga siya nito bilang asawa kung ganyang aalis lang ito ng bahay nang basta-basta? Halos pinagmukha siyang tanga sa kahahanap rito tapos malaman-laman niya ibang lalaki naman ang kasama nito. Alas-siyete na ng gabi ay hindi pa rin nakauuwi ang babae at nagsisimula na siyang kabahan. Paano
NANG MAKAPASOK na sa loob ng bahay ang mag-asawa ay siya namang pag-akyat ng galit at inis sa buong sistema ni Veron. Bakit kailangan ni Ynzo na umakto ng gano’n? Kailangan ba talagang makipagsuntukan para lang maipakita ang maling nagawa niya? After all, alam ni Ynzo na may nobyo siya’t wala sa kontrata ang magselos ito sa kanilang dalawa. O selos ba talaga ang nag-udyok ng galit nito?Nang masiguro ni Veron na nakaalis na ang sasakyan ni Skyler ay saka niya hinarap ang asawa. Asawa niya sa kontrata. Hindi niya akalaing mahirap pala itong sitwasyong pinasok niya makapaghiganti lang sa hayop na pumaslang sa kaniyang mga magulang.“Why are you acting like that?!” Mataas na ang boses ni Veron nang tanungin iyon.“Acting like that?! Ako pa talaga? Sino ba itong aalis ng bahay na hindi man
Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo Abraham habang sinusundan ang bawat kilos ni Veron Stacey. Kumuha lang ito ng iilang gamit sa kuwarto at tanging itim na leather backpack lang ang bitbit palabas ng silid. Nakasabit sa balikat ng babae ang isang leather jacket at bigla siyang tinitigan nang makalabas.“Ano? Magbibihis ka pa ba o aalis na tayo?” tanong pa nito na ikinagulat niya.“Seryoso ka? Ngayon na agad? Papa’no naman tayo makakabiyahe sa ganito ka dis oras ng gabi?” tanong ni Ynzo.Napangisi si Veron sa naging tanong niya.“Bilisan mo na at ako na ang bahala sa ’yo. Panindigan mo ’yang mga sinabi mong magkasama tayo lagi, ha. Dahil kung may misyon ako, may misyon ka na rin. Kung makikipag-away ako ay makikipag-away ka rin. At kung mamamatay ako aba’y kasama ka na rin. Tutal ikaw naman ang may gusto nito, ’di ba? Kaya bilisan mo na.” Halos panlakihan ng mga mata ni Veron si Ynzo dahil s
BUONG AKALA NI Veron ay makakapagpahinga siya kapag nakarating na sila sa nirentahang silid ngunit laking gulat niya nang sumalubong sa kaniya ang malaking silid na may nag-iisang kama. Maganda iyon at eleganteng tingnan ngunit hindi niya akalaing iisang kama lang ang naroroon upang matulugan. May malambot at mahabang sopa naman sa harap ng maliit na sala set ngunit iba pa rin ang pakiramdam kung sa kama ka magpapahinga.Bahagyang nag-unat ng katawan si Ynzo pagkapasok nila sa loob. Kaagad itong humikab at dire-diretsong tumungo sa kama at hinagis roon ang sarili.“Grabe, ang lambot naman nito. Napakasarap sa pakiramdam,” nakapikit na bigkas niya. Biglang bumalikwas ng bangon si Ynzo. “Siya nga pala. At dahil ako ang nagbayad ng silid na ito, ako ang dapat na matulog sa kama. Ito ay pagmamay-ari ko na.” Matapos niyon ay niyakap ni Ynzo a