NANG MAKAPASOK na sa loob ng bahay ang mag-asawa ay siya namang pag-akyat ng galit at inis sa buong sistema ni Veron. Bakit kailangan ni Ynzo na umakto ng gano’n? Kailangan ba talagang makipagsuntukan para lang maipakita ang maling nagawa niya? After all, alam ni Ynzo na may nobyo siya’t wala sa kontrata ang magselos ito sa kanilang dalawa. O selos ba talaga ang nag-udyok ng galit nito?
Nang masiguro ni Veron na nakaalis na ang sasakyan ni Skyler ay saka niya hinarap ang asawa. Asawa niya sa kontrata. Hindi niya akalaing mahirap pala itong sitwasyong pinasok niya makapaghiganti lang sa hayop na pumaslang sa kaniyang mga magulang.
“Why are you acting like that?!” Mataas na ang boses ni Veron nang tanungin iyon.
“Acting like that?! Ako pa talaga? Sino ba itong aalis ng bahay na hindi man
Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo Abraham habang sinusundan ang bawat kilos ni Veron Stacey. Kumuha lang ito ng iilang gamit sa kuwarto at tanging itim na leather backpack lang ang bitbit palabas ng silid. Nakasabit sa balikat ng babae ang isang leather jacket at bigla siyang tinitigan nang makalabas.“Ano? Magbibihis ka pa ba o aalis na tayo?” tanong pa nito na ikinagulat niya.“Seryoso ka? Ngayon na agad? Papa’no naman tayo makakabiyahe sa ganito ka dis oras ng gabi?” tanong ni Ynzo.Napangisi si Veron sa naging tanong niya.“Bilisan mo na at ako na ang bahala sa ’yo. Panindigan mo ’yang mga sinabi mong magkasama tayo lagi, ha. Dahil kung may misyon ako, may misyon ka na rin. Kung makikipag-away ako ay makikipag-away ka rin. At kung mamamatay ako aba’y kasama ka na rin. Tutal ikaw naman ang may gusto nito, ’di ba? Kaya bilisan mo na.” Halos panlakihan ng mga mata ni Veron si Ynzo dahil s
BUONG AKALA NI Veron ay makakapagpahinga siya kapag nakarating na sila sa nirentahang silid ngunit laking gulat niya nang sumalubong sa kaniya ang malaking silid na may nag-iisang kama. Maganda iyon at eleganteng tingnan ngunit hindi niya akalaing iisang kama lang ang naroroon upang matulugan. May malambot at mahabang sopa naman sa harap ng maliit na sala set ngunit iba pa rin ang pakiramdam kung sa kama ka magpapahinga.Bahagyang nag-unat ng katawan si Ynzo pagkapasok nila sa loob. Kaagad itong humikab at dire-diretsong tumungo sa kama at hinagis roon ang sarili.“Grabe, ang lambot naman nito. Napakasarap sa pakiramdam,” nakapikit na bigkas niya. Biglang bumalikwas ng bangon si Ynzo. “Siya nga pala. At dahil ako ang nagbayad ng silid na ito, ako ang dapat na matulog sa kama. Ito ay pagmamay-ari ko na.” Matapos niyon ay niyakap ni Ynzo a
NAPAINAT AT HUMIKAB pa si Veron nang magising. Nagtaka siya nang makita ang sarili na nakahiga sa malaki at malambot na kama. Hindi ba’t sa sofa siya nahiga kagabi? Kaya pala masarap ang tulog niya ay dahil doon. Nakabalot pa ng makapal na comforter ang buo niyang katawan.Kinabahan siya nang maisip na baka tinabihan niya nang hindi namamalayan si Ynzo. Nang hanapin niya ang lalaki ay nakita niya itong nakahiga sa sofa. Pilit pinagkakasya ang sarili sa sofang naroroon. Kahit mahaba at malambot ang sofa na iyon ay tila balewala ang haba niyon sa laki ng katawan ni Ynzo. Binuhat ba siya nito kagabi upang mailipat ng higa sa kama?Napangiti ng lihim ang babae ngunit natauhan rin nang makita ang eleganteng orasan sa dingding. Alas-tres pa lang ng madaling araw at heto’t gising na gising na ang diwa niya.Sak
HINDI NA MAIPINTA pa ang mukha ni Veron nang makauwi sila ng Maynila mula sa napurnadang misyon sa Boracay. Matapos ang kapalpakang ginawa ni Ynzo ay naiinis na nilisan nila ang isla at ura-uradang umuwi. Tila ba nabalewala ang lahat nang dahil lang sa isang maling hakbang ng tatanga-tanga niyang asawa. Muntik pa nga niya itong iwan sa islang iyon kung hindi lang siya nakapagigil.Ang nakakainis pa sa lahat ay tila ba inosente ito sa lahat ng nagawa. Para bang hindi alam ni Ynzo ang lahat ng kapalpakang ginawa niya sa lahat ng mga naging plano.“I told you not to trust other people other than yourself,” naiinis nang bigkas ni Agent Blue mula sa kabilang linya nang sabihin niya rito ang lahat. Tila ba labis na nadismaya ang lalaki dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang plano. “Alam mo, sobra na ang tiwala ko sa ’yo, e. Mapagtatagumpayan
“Ang totoo niyan ay balak ko talagang maghanap ng pakakasalan noon sa party ng intsik na iyon. Kaso lang ay lahat ng babaeng naroroon ay may motibo at pagtingin sa akin. Kitang-kita ko iyon sa mga mata nila na sabik na sabik sa maganda kong pangangatawan at guwapong mukha,” dugtong pa ng lalaki.Halos maiikot ni Veron ang mga mata sa ere nang marinig iyon. Akala niya’y magseseryoso na si Ynzo ngunit hindi na yata mawawala sa sistema ng lalaki ang kayabangan at kahanginang taglay.“Sa dinami-dami ng babae sa party na iyon ay ikaw lang ang bukod tanging hindi nagtapon ng tingin sa akin kung kaya’y nangako ako sa sarili ko na kung may babae man akong hihilahin para pakasalan ay ikaw ’yon,” seryosong turan ni Ynzo na ikinairap niya.“Hindi ako interesado sa parteng ’
NAGING MAAYOS naman ang pag-uusap sa pagitan ng mag-asawang Ynzo Abraham at Veron Stacey. Bumalik na uli sa pagiging kalmado ang babae at mukhang nakuha na rin ni Ynzo ang tiwala nito ngunit nag-do-doble ingat pa rin siya upang hindi malinlang ni Ynzo. Wala raw kasi itong kaalam-alam sa mga pinaplano niya kung kaya’y hindi nagagawa ng lalaki ang mag-ingat lagi. Nangako na lang si Veron dito na kung may pinaplano man laban sa demonyong iyon ay sasabihin niya kaagad sa asawa upang maiwasan ang anumang kapalpakan gaya ng nangyari sa misyon nila sa Boracay.Ang tungkol sa parehong layunin nila ni Ynzo na mapabagsak si Mr. Thurn ay sinarili na lang niya. Ang anumang usapin sa pagitan nilang mag-asawa ay napagdesisyunan niyang sa kanilang dalawa lang mamamagitan. At ang usapin naman hinggil sa relasyon nila ni Skyler bilang magkasintahan ay sa pagitan lang din nilang dalawa kung kaya’y walang i
NAKASUOT NG MALAKING shades at may hawak na digital camera ay sinundan ni Veron ng tingin si Mr. Casiño habang naglalakad papasok sa isang subdibisyon. Isa ito sa mga tapat na kakampi ni Mr. Thurn at ito ang unang natipuhan ni Veron na sundan. Kung sino ang pinakamalapit sa demonyo ay siyang uunahin niya.Sa tapat ng isang malaking bahay sa loob ng mamahaling subdibisyon ay sinalubong ito ng isang batang-bata at sexy’ng babae. Inihanda ni Veron ang hawak na digital camera at itinutok sa dalawang target na ngayon ay naghahalikan na sa labas ng bahay.Kasalukuyan siyang nasa loob ng kotseng ipinahiram ni Ynzo upang magamit niya sa pagsunod sa kaniyang target. Ipinagpapasalamat niyang tinted ang salamin ng sasakyan ni Ynzo kung kaya’t walang kaalam-alam ang mga ito na may kumukuha na ng litrato sa kanilang dalawa.Matapos ang mainit na halikang pinagsaluhan ay nagpalinga-linga sa buong paligid ang dalawa at nang masigurong walang ibang tao na nak
NAG-AYOS SI VERON Stacey ng sarili upang maitago ang totoong hitsura. Nag-make up siya ng mabuti at ginawang tila Barbie style ang mukha. Hinayaang nakabuhaghag ang blonde, mahaba at maalon-alon na buhok at nagsuot ng simpleng pang-office style na kasuotan. She’s now wearing a short plain white skirt with long slit on the side to show her flawless legs that pair with black tube-blouse and white blazer. Halos mangibabaw sa buong paligid ang tunog ng suot niyang mataas na white stilettos na may manipis na mga takong.Sa loob ng isang sea foods restaurant ay napagdesisyunan niyang makipagkita sa taong target niya. Ito ang pagkakataong hinihintay ni Veron upang makumbinsi si Mr. Casiño na umalis sa poder ni Mr. Thurn. Nakipag-komunikasyon sila dito upang makipagkita. Negosyo ang naging dahilan ng pagtatagpong iyon sa pag-aakala ni Mr. Casiño na makabibingwit ito ng malaking isda at makakaku