NAGING MAAYOS naman ang pag-uusap sa pagitan ng mag-asawang Ynzo Abraham at Veron Stacey. Bumalik na uli sa pagiging kalmado ang babae at mukhang nakuha na rin ni Ynzo ang tiwala nito ngunit nag-do-doble ingat pa rin siya upang hindi malinlang ni Ynzo. Wala raw kasi itong kaalam-alam sa mga pinaplano niya kung kaya’y hindi nagagawa ng lalaki ang mag-ingat lagi. Nangako na lang si Veron dito na kung may pinaplano man laban sa demonyong iyon ay sasabihin niya kaagad sa asawa upang maiwasan ang anumang kapalpakan gaya ng nangyari sa misyon nila sa Boracay.
Ang tungkol sa parehong layunin nila ni Ynzo na mapabagsak si Mr. Thurn ay sinarili na lang niya. Ang anumang usapin sa pagitan nilang mag-asawa ay napagdesisyunan niyang sa kanilang dalawa lang mamamagitan. At ang usapin naman hinggil sa relasyon nila ni Skyler bilang magkasintahan ay sa pagitan lang din nilang dalawa kung kaya’y walang i
NAKASUOT NG MALAKING shades at may hawak na digital camera ay sinundan ni Veron ng tingin si Mr. Casiño habang naglalakad papasok sa isang subdibisyon. Isa ito sa mga tapat na kakampi ni Mr. Thurn at ito ang unang natipuhan ni Veron na sundan. Kung sino ang pinakamalapit sa demonyo ay siyang uunahin niya.Sa tapat ng isang malaking bahay sa loob ng mamahaling subdibisyon ay sinalubong ito ng isang batang-bata at sexy’ng babae. Inihanda ni Veron ang hawak na digital camera at itinutok sa dalawang target na ngayon ay naghahalikan na sa labas ng bahay.Kasalukuyan siyang nasa loob ng kotseng ipinahiram ni Ynzo upang magamit niya sa pagsunod sa kaniyang target. Ipinagpapasalamat niyang tinted ang salamin ng sasakyan ni Ynzo kung kaya’t walang kaalam-alam ang mga ito na may kumukuha na ng litrato sa kanilang dalawa.Matapos ang mainit na halikang pinagsaluhan ay nagpalinga-linga sa buong paligid ang dalawa at nang masigurong walang ibang tao na nak
NAG-AYOS SI VERON Stacey ng sarili upang maitago ang totoong hitsura. Nag-make up siya ng mabuti at ginawang tila Barbie style ang mukha. Hinayaang nakabuhaghag ang blonde, mahaba at maalon-alon na buhok at nagsuot ng simpleng pang-office style na kasuotan. She’s now wearing a short plain white skirt with long slit on the side to show her flawless legs that pair with black tube-blouse and white blazer. Halos mangibabaw sa buong paligid ang tunog ng suot niyang mataas na white stilettos na may manipis na mga takong.Sa loob ng isang sea foods restaurant ay napagdesisyunan niyang makipagkita sa taong target niya. Ito ang pagkakataong hinihintay ni Veron upang makumbinsi si Mr. Casiño na umalis sa poder ni Mr. Thurn. Nakipag-komunikasyon sila dito upang makipagkita. Negosyo ang naging dahilan ng pagtatagpong iyon sa pag-aakala ni Mr. Casiño na makabibingwit ito ng malaking isda at makakaku
NASA LOOB NG VIP room ng isang sikat na club si Ynzo Abraham kasama ang tatlong batikan sa larangan ng pagnenegosyo. Mas matanda lang marahil ang mga ito kumpara sa kaniyang ama ngunit kababakasan pa rin ng angking kakisigan sa katawan.Nagkayayaan ang tatlo na mag-clubbing at nakisali na rin siya dahil sa pamimilit ng tatlo na ikinatuwa ng mga ito. Nakilala niya ang mga ito sa isang golf club. Ang totoo ay sinadya ni Ynzo iyon upang magtagpo ang landas nilang apat.Sa golf club ay nag-p-practice ang tatlong matatanda na maglaro dahil hindi nila hilig ang larong iyon. Sa kalagitnaan ng pagsubok na maipasok ang golf ball sa ’di kalayuang butas ay napabaling ang atensyon ng tatlong matanda sa lalaking seryosong-seryoso sa paglalaro ng golf. Hindi kapani-paniwalang nailulusot nito ang bola sa butas nang walang kahirap-hirap. Maging sa pagtira ng bola sa malayuan ay pinagmasdan ng tatlo at halos mapanganga nang malayo nga ang narating ng bolang tinitira ni Ynzo.
“HERE’S YOUR PAPERS,” bigkas ng sexy at magandang babae na nakilala ni Ynzo sa club pagkapasok nito sa naturang opisina.Nakasuot ang babae ng maikling shorts at spaghetti straps na halos iluwa na ang naglalakihang dibdib. Ito mismo ang sumadya sa opisina ni Ynzo upang ihatid ang naturang papeles na pinapirmahan nito kay Mr. Choi.Napataas ng kilay si Veron na abala sa bakanteng mini-table at panay ang pagkulikat sa sariling laptop. Napatayo naman si Ynzo at sinalubong ang papasok na babae. Pagkaabot ng papeles ay tiningnan iyong mabuti ni Ynzo upang siguruhing totoo nga at hindi peke ang lagda ng taong kailangang pumirma roon.Kampanteng naupo ang sexy’ng babae sa malambot na single sofa at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Ynzo na ngayon ay ngiting-ngiti dahil nakumpirmang totoo nga ang lagda niyon at sinamahan pa ng thumb-mark ni Mr. Choi. Hindi napansin ng babae ang presensya ni Veron sa loob ng silid at patuloy ang pagtapon ng mal
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at patuloy pa rin ang pagtaas ng shares ng secret company nina Ynzo samantala’y unti-unti namang nawawalan ng koneksyon si Mr. Thurn.Naging abala sa mga nakalipas na buwan sina Veron Stacey at Ynzo Abraham kung kaya’t hindi na nila naisipan man lang na dumalaw sa mga magulang ni Ynzo.“Surprise!” narinig nina Ynzo at Veron na sigaw mula sa main door ng kanilang tahanan. Naroroon at nakatayo ang mag-asawang Ginoo at Ginang Tolledo na may abot-taingang mga ngiti.Nagulat ang dalawa at mabilis na sinalubong ang mga ito.“Almost three months na rin tayong hindi nagkikita, anak. How are you?” nakangiting bati ni Ginang Tolledo nang ang mga ito na mismo ang bumisita sa kanila ni Ynzo. Nakipagbeso-beso ang Ginang kay Veron at nagbatian naman ang mag-ama.“Woah! Mom, Dad, I’m not expecting you to come,” bulalas ni Ynzo at pasimpleng napatingin sa asawa.Tila ba si
Masayang umalis ng bahay si Veron kasama sina Ynzo at ang mga magulang nito. Gusto niya sanang magsuot ng pants or shorts ngunit mas ipinilit ng Ginang na magsuot siya ng dress para sa gabing iyon.She’s now wearing a purple off-shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Pinaresan niya ng kulay itim na sandalyas na walang takong na suhestiyon na rin ng ina ni Ynzo. Baka raw mapatid siya bigla sa daan kung magsusuot pa siya ng sandalyas na may takong.Si Ynzo ang magmamaneho ng sasakyan habang sa pasengers’ seat naman naupo si Veron at nasa likuran sina Ginoo at Ginang Tolledo.“Saan mo gustong kumain, Veron, Anak?” malambing na tanong ng Ginang.“Hindi ko rin po alam, Mom, e. Basta mag-drive ka lang, Hubby. Baka may magustuhan akong kainan sa daan,” suhestiyon ni Veron at nagkunwaring nag-iisip.“Ano ’kamo? Hindi ba puwedeng pumunta na lang tayo sa makikita nating restaurant at kumain n
DAHIL SA NARAMDAMANG bigat sa pakiramdam ay naisipan ni Veron na lumabas muna upang sumagap ng sariwang hangin. Napalingon sa kaniya ang mga kasama sa kabilang mesa at sinenyasan lang niya ang mga ito na ayos lang siya at magpapahangin lang sa labas. Kahit naka-on naman ang aircon sa loob ng naturang restaurant ay nais niya talagang makasagap ng sariwang hangin upang maibsan ang paninikip ng dibdib.Nang lingunin ni Veron ang mga kasama sa loob ay napansin niya ang pagsunod sa kaniya ng tingin ni Ynzo kahit pa abala ito sa pagkain. Pumuwesto lang siya sa hindi kalayuan at tumayo sa labas niyon. Sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Nang tingnan niya ang maliit na orasan sa palapulsuhan ay nakita niya kung gaano sila katagal bumyahe kanina dahil halos maghahating-gabi na.Kaya pala ganoon na lang ang pagrereklamo at pagkagutom na nararamdaman ni Ynzo ay dahil totoong napagod na talaga ito sa pagmamaneho. Nalibang yata siya sa pagtanggi sa mga nais nito’t halos
SA LOOB NG isang silid na napalilibutan ng iba’t iba at sari-saring aklat ay naroroon at pormal na nakaupo ang isang maginoong lalaki suot ang isang kulay itim na office suit. May bilog na salamin sa mga mata at kakikitaan ng pagkabalisa ang mukha. Wari ba’y may palaisipang gumugulo sa isipan nito at hindi mapakali sa anumang isiping gumugulo sa kaniya.Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan ng silid na iyon. Pumasok ang isang kagalang-galang na Ginang na kababakasan rin ng pag-aalala sa mukha.“Mukhang alam ko na kung bakit ka naririto, Mahal ko,” anang Ginoo nang makalapit ang Ginang.“Nag-aalala ako, Mahal ko, hindi iyon isang ordinaryong pagkakataon lamang. Bakit ganito ang kabang nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag magmula nang masaksihan ko ang tagpong iyon,” matapat na bulalas ng Ginang at kababakasan nga ng pag-aalala at kaguluhan ang kaniyang kabuuan.“Huwag kang mag-alala, Mahal ko, aalamin natin an