“HERE’S YOUR PAPERS,” bigkas ng sexy at magandang babae na nakilala ni Ynzo sa club pagkapasok nito sa naturang opisina.
Nakasuot ang babae ng maikling shorts at spaghetti straps na halos iluwa na ang naglalakihang dibdib. Ito mismo ang sumadya sa opisina ni Ynzo upang ihatid ang naturang papeles na pinapirmahan nito kay Mr. Choi.
Napataas ng kilay si Veron na abala sa bakanteng mini-table at panay ang pagkulikat sa sariling laptop. Napatayo naman si Ynzo at sinalubong ang papasok na babae. Pagkaabot ng papeles ay tiningnan iyong mabuti ni Ynzo upang siguruhing totoo nga at hindi peke ang lagda ng taong kailangang pumirma roon.
Kampanteng naupo ang sexy’ng babae sa malambot na single sofa at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Ynzo na ngayon ay ngiting-ngiti dahil nakumpirmang totoo nga ang lagda niyon at sinamahan pa ng thumb-mark ni Mr. Choi. Hindi napansin ng babae ang presensya ni Veron sa loob ng silid at patuloy ang pagtapon ng mal
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at patuloy pa rin ang pagtaas ng shares ng secret company nina Ynzo samantala’y unti-unti namang nawawalan ng koneksyon si Mr. Thurn.Naging abala sa mga nakalipas na buwan sina Veron Stacey at Ynzo Abraham kung kaya’t hindi na nila naisipan man lang na dumalaw sa mga magulang ni Ynzo.“Surprise!” narinig nina Ynzo at Veron na sigaw mula sa main door ng kanilang tahanan. Naroroon at nakatayo ang mag-asawang Ginoo at Ginang Tolledo na may abot-taingang mga ngiti.Nagulat ang dalawa at mabilis na sinalubong ang mga ito.“Almost three months na rin tayong hindi nagkikita, anak. How are you?” nakangiting bati ni Ginang Tolledo nang ang mga ito na mismo ang bumisita sa kanila ni Ynzo. Nakipagbeso-beso ang Ginang kay Veron at nagbatian naman ang mag-ama.“Woah! Mom, Dad, I’m not expecting you to come,” bulalas ni Ynzo at pasimpleng napatingin sa asawa.Tila ba si
Masayang umalis ng bahay si Veron kasama sina Ynzo at ang mga magulang nito. Gusto niya sanang magsuot ng pants or shorts ngunit mas ipinilit ng Ginang na magsuot siya ng dress para sa gabing iyon.She’s now wearing a purple off-shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Pinaresan niya ng kulay itim na sandalyas na walang takong na suhestiyon na rin ng ina ni Ynzo. Baka raw mapatid siya bigla sa daan kung magsusuot pa siya ng sandalyas na may takong.Si Ynzo ang magmamaneho ng sasakyan habang sa pasengers’ seat naman naupo si Veron at nasa likuran sina Ginoo at Ginang Tolledo.“Saan mo gustong kumain, Veron, Anak?” malambing na tanong ng Ginang.“Hindi ko rin po alam, Mom, e. Basta mag-drive ka lang, Hubby. Baka may magustuhan akong kainan sa daan,” suhestiyon ni Veron at nagkunwaring nag-iisip.“Ano ’kamo? Hindi ba puwedeng pumunta na lang tayo sa makikita nating restaurant at kumain n
DAHIL SA NARAMDAMANG bigat sa pakiramdam ay naisipan ni Veron na lumabas muna upang sumagap ng sariwang hangin. Napalingon sa kaniya ang mga kasama sa kabilang mesa at sinenyasan lang niya ang mga ito na ayos lang siya at magpapahangin lang sa labas. Kahit naka-on naman ang aircon sa loob ng naturang restaurant ay nais niya talagang makasagap ng sariwang hangin upang maibsan ang paninikip ng dibdib.Nang lingunin ni Veron ang mga kasama sa loob ay napansin niya ang pagsunod sa kaniya ng tingin ni Ynzo kahit pa abala ito sa pagkain. Pumuwesto lang siya sa hindi kalayuan at tumayo sa labas niyon. Sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Nang tingnan niya ang maliit na orasan sa palapulsuhan ay nakita niya kung gaano sila katagal bumyahe kanina dahil halos maghahating-gabi na.Kaya pala ganoon na lang ang pagrereklamo at pagkagutom na nararamdaman ni Ynzo ay dahil totoong napagod na talaga ito sa pagmamaneho. Nalibang yata siya sa pagtanggi sa mga nais nito’t halos
SA LOOB NG isang silid na napalilibutan ng iba’t iba at sari-saring aklat ay naroroon at pormal na nakaupo ang isang maginoong lalaki suot ang isang kulay itim na office suit. May bilog na salamin sa mga mata at kakikitaan ng pagkabalisa ang mukha. Wari ba’y may palaisipang gumugulo sa isipan nito at hindi mapakali sa anumang isiping gumugulo sa kaniya.Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan ng silid na iyon. Pumasok ang isang kagalang-galang na Ginang na kababakasan rin ng pag-aalala sa mukha.“Mukhang alam ko na kung bakit ka naririto, Mahal ko,” anang Ginoo nang makalapit ang Ginang.“Nag-aalala ako, Mahal ko, hindi iyon isang ordinaryong pagkakataon lamang. Bakit ganito ang kabang nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag magmula nang masaksihan ko ang tagpong iyon,” matapat na bulalas ng Ginang at kababakasan nga ng pag-aalala at kaguluhan ang kaniyang kabuuan.“Huwag kang mag-alala, Mahal ko, aalamin natin an
“Of course, I’m not a jealous type when you will flirt each other outside of this clinic. But in front of me, have you seen that scissors over there, Hubby?” pagnguso ni Veron sa mga gunting na may iba’t ibang laki at sukat na nakalagay sa isang shelf.“Yes, Wifey. Why did you ask?” malambing pang tugon ni Ynzo.“I will get that scissors and will cut your future. You want that?” ani Veron sabay nguso pa sa bandang ibaba ni Ynzo.Mabilis namang napaangat ang pang-upo ni Ynzo mula sa inuupuan at pormal na inayos ang sarili.“I’m just kidding, Wifey,” mabilis nitong sagot. “Actually, Doc,” ani Ynzo at bumaling na sa Doktora. “We need your help regarding this matter. We will offer anything you want... just do our simple favor, can you?”Napatango-tango ang magandang Doktora at napatingin kay Veron.“Actually, my wife need to pretend to be pregna
PAGKAGALING SA OSPITAL ay dumaan muna sina Ynzo Abraham at Veron Stacey sa isang restaurant upang kumain. Nakaramdam kasi kaagad ng pagkagutom si Veron dahil sa ginawa nila sa clinic ni Doktora Sweet. Hindi naman talaga ‘Sweetie’ ang pangalan ng doktora kundi ‘Sweet Faith’ at pina-sweet lang talaga ni Ynzo. Noon pa raw kasi ay ‘Sweetie’ at ‘Mr. Dream boy’ na raw talaga ang tawagan nilang dalawa. Bagay na ikinaikot ng mga mata ni Veron habang nakikinig.Halos mamula nga silang mag-asawa kanina nang tanungin ng doktora ang bagay na iyon sa kanila. Nais niya itong sagutin na nakalaan lamang ang sarili niya para sa taong pakakasalanan niya at mahal niya. Pero siguradong magtatanong ito dahil kasal naman sila ni Ynzo at baka sa katatanong nito ay magka-idea pa ito sa totoong plano nila kung kaya’y gumawa na lang sila ng kuwento na kesyo mahina ang alaga ni Ynzo at walang kakayahang makapag-anak. Syempre, ang lahat ng kuwentong
“Hey, long time no call, Agent Blue! Na-miss talaga kita,” hiyaw ni Veron habang inaayos ang hikaw nito. Iba na naman ang kausap.‘Ano ba ang mayroon sa hikaw nito ay lagi na lang nitong inaayos tuwing kausap ang Agent Blue na ’yan?’ ayon sa isip-isip ni Ynzo.“Wala nga, e. Masyado akong abala sa pagiging isang mabuting asawa,” natatawang kuwento ni Veron dito.Nais magkasalubong ng mga kilay ni Ynzo dahil sa narinig. Pati ba naman mga nangyayari dito ay ikukuwento nito sa Agent partner nito? At saka kailan pa ito naging mabuting asawa e halos mabugbog na nga siya ng babae?“So, how’s your work? Wala ka bang ibang balita?” pag-iiba ni Veron. “Really? Oh my gash! E ’di hindi ko na kailangan pang pahirapan pa si Mr. Thurn dahil naghihirap na pala siya ngayon? Ano ba ang nangyari? I’m busy with my life now. Akala ko nga ay mapapadali ang lahat kapag nagpakasal ako mukhang wala nama
“WHAT ARE YOU PLANNING to do?” kaagad na tanong ni Ynzo kinabukasan nang maabutan si Veron na naglalabas ng iba’t ibang kagamitan pang-make-up at kung ano-ano pang kolorete sa mukha at katawan. “Ano ang mga ’yan?”“Ito ba? Mga imbensyon ito ng parents ko. Kapag ginamit ko ito sa katawan ay imposible na akong makilala ng kung sino man lalo na ang demonyong iyon. My parents inventions were really magical as ever,” taas-noong bigkas ni Veron at halos ipangalandakan ang mga iyon.“Halata nga. Mga wirdong kagamitan gaya ng motor mong mukhang dragon. Kahit sino ay maglalabas ng bilyon, mabili lang ang motor mong ’yon,” puna ni Ynzo at muling bumalik sa alaala ang pakiramdam na makasakay sa motor ng babae.“Ang suwerte mo nga dahil nakasakay ka do&rsqu