PAGKAGALING SA OSPITAL ay dumaan muna sina Ynzo Abraham at Veron Stacey sa isang restaurant upang kumain. Nakaramdam kasi kaagad ng pagkagutom si Veron dahil sa ginawa nila sa clinic ni Doktora Sweet. Hindi naman talaga ‘Sweetie’ ang pangalan ng doktora kundi ‘Sweet Faith’ at pina-sweet lang talaga ni Ynzo. Noon pa raw kasi ay ‘Sweetie’ at ‘Mr. Dream boy’ na raw talaga ang tawagan nilang dalawa. Bagay na ikinaikot ng mga mata ni Veron habang nakikinig.
Halos mamula nga silang mag-asawa kanina nang tanungin ng doktora ang bagay na iyon sa kanila. Nais niya itong sagutin na nakalaan lamang ang sarili niya para sa taong pakakasalanan niya at mahal niya. Pero siguradong magtatanong ito dahil kasal naman sila ni Ynzo at baka sa katatanong nito ay magka-idea pa ito sa totoong plano nila kung kaya’y gumawa na lang sila ng kuwento na kesyo mahina ang alaga ni Ynzo at walang kakayahang makapag-anak. Syempre, ang lahat ng kuwentong
“Hey, long time no call, Agent Blue! Na-miss talaga kita,” hiyaw ni Veron habang inaayos ang hikaw nito. Iba na naman ang kausap.‘Ano ba ang mayroon sa hikaw nito ay lagi na lang nitong inaayos tuwing kausap ang Agent Blue na ’yan?’ ayon sa isip-isip ni Ynzo.“Wala nga, e. Masyado akong abala sa pagiging isang mabuting asawa,” natatawang kuwento ni Veron dito.Nais magkasalubong ng mga kilay ni Ynzo dahil sa narinig. Pati ba naman mga nangyayari dito ay ikukuwento nito sa Agent partner nito? At saka kailan pa ito naging mabuting asawa e halos mabugbog na nga siya ng babae?“So, how’s your work? Wala ka bang ibang balita?” pag-iiba ni Veron. “Really? Oh my gash! E ’di hindi ko na kailangan pang pahirapan pa si Mr. Thurn dahil naghihirap na pala siya ngayon? Ano ba ang nangyari? I’m busy with my life now. Akala ko nga ay mapapadali ang lahat kapag nagpakasal ako mukhang wala nama
“WHAT ARE YOU PLANNING to do?” kaagad na tanong ni Ynzo kinabukasan nang maabutan si Veron na naglalabas ng iba’t ibang kagamitan pang-make-up at kung ano-ano pang kolorete sa mukha at katawan. “Ano ang mga ’yan?”“Ito ba? Mga imbensyon ito ng parents ko. Kapag ginamit ko ito sa katawan ay imposible na akong makilala ng kung sino man lalo na ang demonyong iyon. My parents inventions were really magical as ever,” taas-noong bigkas ni Veron at halos ipangalandakan ang mga iyon.“Halata nga. Mga wirdong kagamitan gaya ng motor mong mukhang dragon. Kahit sino ay maglalabas ng bilyon, mabili lang ang motor mong ’yon,” puna ni Ynzo at muling bumalik sa alaala ang pakiramdam na makasakay sa motor ng babae.“Ang suwerte mo nga dahil nakasakay ka do&rsqu
“Baliw! May ipapasuot kasi ako sa ’yo. Tigil-tigilan mo nga ’ko sa mga iniisip mong ’yan!” bulyaw ni Veron. “Kung puwede nga lang na magsuot ka ng swimsuit ay baka pinagawa ko na. At saka marami na akong nakitang ganyan, wala namang pinagkaiba at pare-pareho lang naman ng hitsura!”“Anong pare-pareho? Magkakaiba kaya ang sukat ng mga ’yon!” mabilis na pagkontra ni Ynzo.“Ano ba kasi ang tinutukoy mo?” tanong ni Veron na ikinatigil ni Ynzo at biglang namula ang buo niyang mukha.“Teka, ano rin ba ang tinutukoy mo?” natitigilan ring tanong ng lalaki habang pulang-pula pa rin ang mukha hanggang sa puno ng tainga.Hinagisan siya ng unan ni Veron. “Bilisan mo nang magbibis! ’Yang utak mo, ipalinis mo!” sigaw pa nito.Tatawa-tawa namang tumungo sa walk-in closet si Ynzo upang magbihis.“Huwag kang sisilip, ha!” sigaw pa ng lalaki na ik
HINDI MAKAPANIWALA SI Ynzo nang makita ang sarili sa harapan ng salamin. Kung hindi lang dahil sa suot niyang boxer shorts at puting sando ay hindi talaga siya maniniwalang ang sarili nga ang nakikita niyang repleksyon doon.“Wait lang, Hubby. Suotin mo muna ’tong contact lens,” halos humiyaw nang utos ni Veron habang nilalagyan ng contact lens ang mga mata ni Ynzo. “Tumingin ka lang kasi sa itaas,” utos pa nito.Sinunod naman niya ang utos ng asawa. Para sa katulad niyang hindi pa nakararanas na makapagsuot ng contact lens ay sadyang masakit lang sa mata kapag sa unang subok.“There,” natutuwang bulalas ni Veron habang kumikislap ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Damit na lang ang kulang at tapos na ang ‘totally make-over ni Ynzo Abraham ala-Veron Stacey Santibañez’!” proud na proud pang sigaw nito.“Tolledo, Wifey. Kulang ng apelyido ko ang buong pangalan mo,” dugton
“PUWEDE BA, MAGDAHAN-DAHAN ka naman?!” saway ni Veron sa asawa nang magsimula na silang kumain.Tututol pa sana ito na mag-shave muna ng kilikili kanina dahil sa labis na pagkagutom pero tinakot ito ni Veron na hindi makakakain kapag nagmatigas pa rin. Kung kaya’y walang ibang nagawa si Ynzo kundi ang sundin ang nais ng babae. Makakain lang siya ng magana ngunit kabaliktaran pala iyon sa inaakala niya.“Isa! Gumamit ka ng kutsara at tinidor habang kumakain at dahan-dahanin mo!” muli ay saway ni Veron habang pinandidilatan ng mga mata ang lalaki.Kaagad namang natigilan si Ynzo mula sa sunod-sunod na pagsubo ng pagkain.“Ano bang gusto mo? Kanina pa ako nagugutom, so what would you expect?” Halos mabulunan nang tugon ni Ynzo dahil sa dami ng pagkaing nginunguya sa kaniyang bibig.“’Yan! Isa pa ’yan! Huwag kang magsasalita na may laman ang bibig mo! Umayos ka!” Halos hindi na malaman p
ISANG TSINITA AT SEXY’ng babae ang pakendeng-kendeng na pumasok sa loob ng isang disco club. Halos lahat ng kalalakihang madadaanan nito ay halos mapalingon sa angkin niyang kagandahan. Lalo na’t bagong mukha ang nakikita nila ngayon.Pumailanlang ang pagsipol at sitsit ng mga kalalakihan sa tuwing malalampasan ni Ynzo Abraham habang pakendeng-kendeng na naglalakad. Maarte ang bawat pagkilos niya at pasimpleng hinahanap ng paningin kung saan ba naroroon ang kaniyang Ninong na si Mr. Thurn.Muli siyang inayusan ni Veron bago umalis at higit siyang gumanda ngayon kumpara kanina. Nagpalit na rin siya ng kasuotan na ngayon ay kulay itim na ngunit revealing pa rin ang kinalabasan. Maikli lang ang palda ng suot niya at halos makita ang suot niyang panloob. Veron insists na magsuot siya ng undergarments na pangbabae. Labag man sa kalooban ay pumayag na rin siya. Mahirap na dahil baka masilipan pa siya at makitang boxers ang suot niya, siguradong malalagot sila. Ki
“PUWEDE BA, WIFEY, maupo ka muna? Kanina ka pa palakad-lakad diyan, e,” reklamo ni Ynzo dahil sa paglakad ni Veron ng paroon at parito.“Kanina ko pa kasi hinihintay na tumawag ang demonyo. Magtatanghali na pero hindi pa rin siya tumatawag. Talaga bang nailagay mo sa bulsa niya ang papel na may contact number mo?” nagdududang tanong ni Veron.Nakita niya rin naman ang eksenang iyon pero nag-aalala talaga siya dahil baka naiwala o naihulog iyon ni Mr. Thurn kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag.Maya-maya lang ay tumunog ang telepono sa sala ng kanilang bahay. Halos takbuhin ni Veron iyon at dali-daling sinagot na ipinagtaka naman ni Ynzo.“Hello?” she asked excitedly.“Veron, Anak! May gagawin ka ba ngayon? Let’s go shopping!” kaagad na bungad ni Ginang Tolledo mula sa kabilang linya.Bigla ay nanamlay ang buong mukha ng babae at bagsak ang mga balikat na napabuntong-hin
“I MISS YOU SO MUCH, Darling!” bigkas ni Mr. Thurn at hinila sa bandang baywang si Ynzo.Napatili naman siya nang bumagsak siya sa kandungan ng matanda. “Ay! Ano ka ba? Ginugulat mo ’ko, e!” pagtili niya at mahinang tinampal sa braso ang matanda.Narito sila ngayon sa loob ng isa sa mga mamahaling silid ng Charizza Luxuriant Hotel. Ang balak sana nina Ynzo at Veron ay unahan sa naturang hotel si Mr. Thurn upang mahuli sa patibong nila ngunit nang makarating sa loob ng naturang silid si Ynzo ay nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ng matanda saktong pagpasok pa lang niya sa pinto. Mabuti at hindi niya kasama si Veron nang mga oras na iyon dahil paniguradong nabulilyaso na sila.“Sh*t! Ang talino ng demonyong ito!” bigkas ni Veron mula sa kabilang linya.May nakakonekta nang hearing device via phone patch sa mga tainga ni Ynzo upang marinig niya ang ibang iuutos ng babae. Nasa ibaba lang ng naturang hotel