ISANG TSINITA AT SEXY’ng babae ang pakendeng-kendeng na pumasok sa loob ng isang disco club. Halos lahat ng kalalakihang madadaanan nito ay halos mapalingon sa angkin niyang kagandahan. Lalo na’t bagong mukha ang nakikita nila ngayon.
Pumailanlang ang pagsipol at sitsit ng mga kalalakihan sa tuwing malalampasan ni Ynzo Abraham habang pakendeng-kendeng na naglalakad. Maarte ang bawat pagkilos niya at pasimpleng hinahanap ng paningin kung saan ba naroroon ang kaniyang Ninong na si Mr. Thurn.
Muli siyang inayusan ni Veron bago umalis at higit siyang gumanda ngayon kumpara kanina. Nagpalit na rin siya ng kasuotan na ngayon ay kulay itim na ngunit revealing pa rin ang kinalabasan. Maikli lang ang palda ng suot niya at halos makita ang suot niyang panloob. Veron insists na magsuot siya ng undergarments na pangbabae. Labag man sa kalooban ay pumayag na rin siya. Mahirap na dahil baka masilipan pa siya at makitang boxers ang suot niya, siguradong malalagot sila. Ki
“PUWEDE BA, WIFEY, maupo ka muna? Kanina ka pa palakad-lakad diyan, e,” reklamo ni Ynzo dahil sa paglakad ni Veron ng paroon at parito.“Kanina ko pa kasi hinihintay na tumawag ang demonyo. Magtatanghali na pero hindi pa rin siya tumatawag. Talaga bang nailagay mo sa bulsa niya ang papel na may contact number mo?” nagdududang tanong ni Veron.Nakita niya rin naman ang eksenang iyon pero nag-aalala talaga siya dahil baka naiwala o naihulog iyon ni Mr. Thurn kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag.Maya-maya lang ay tumunog ang telepono sa sala ng kanilang bahay. Halos takbuhin ni Veron iyon at dali-daling sinagot na ipinagtaka naman ni Ynzo.“Hello?” she asked excitedly.“Veron, Anak! May gagawin ka ba ngayon? Let’s go shopping!” kaagad na bungad ni Ginang Tolledo mula sa kabilang linya.Bigla ay nanamlay ang buong mukha ng babae at bagsak ang mga balikat na napabuntong-hin
“I MISS YOU SO MUCH, Darling!” bigkas ni Mr. Thurn at hinila sa bandang baywang si Ynzo.Napatili naman siya nang bumagsak siya sa kandungan ng matanda. “Ay! Ano ka ba? Ginugulat mo ’ko, e!” pagtili niya at mahinang tinampal sa braso ang matanda.Narito sila ngayon sa loob ng isa sa mga mamahaling silid ng Charizza Luxuriant Hotel. Ang balak sana nina Ynzo at Veron ay unahan sa naturang hotel si Mr. Thurn upang mahuli sa patibong nila ngunit nang makarating sa loob ng naturang silid si Ynzo ay nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ng matanda saktong pagpasok pa lang niya sa pinto. Mabuti at hindi niya kasama si Veron nang mga oras na iyon dahil paniguradong nabulilyaso na sila.“Sh*t! Ang talino ng demonyong ito!” bigkas ni Veron mula sa kabilang linya.May nakakonekta nang hearing device via phone patch sa mga tainga ni Ynzo upang marinig niya ang ibang iuutos ng babae. Nasa ibaba lang ng naturang hotel
HALOS PAGPAWISAN si Veron ng malapot nang masubok ang kakayahan ni Mr. Thurn. Bawat pagsuntok at pagsipa niya ay halos nasasalo ng matanda ngunit minsan ay sinuswerte rin siyang matamaan ito at ganoon rin si Veron. Mabuti at natauhan si Ynzo at kumuha ito ng pepper spray mula sa suot na bag at hindi inaasahang i-spray sa mga mata ng matanda. Nagpakawala kasi ang matanda ng isang malakas na suntok at nasalo ni Veron ang kamao nito, saktong nag-spray si Ynzo sa direksyon ng matanda na nagulat na napalingon sa kaniya. Ang pepper spray kasi na iyon ay hindi ordinaryo lamang sapagkat kaya niyong makapag-spray kahit na dalawang metro man ang layo ng target. Napahawak sa mga mata si Mr. Thurn at ninakaw nila ang pagkakataong iyon upang makatakbo palabas. Maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga tauhan ng matanda na pawang mga nakaitim na suit. “Hulihin ninyo ang dalawang iyon! Patayin ninyo hanggat maaari!” nanggagalaiti sa galit na utos ni Mr. Thurn. M
UMALINGAWNGAW SA BUONG PALIGID ang mga nabasag na kagamitang babasagin at nagkapira-piraso ang mga iyon sa sahig. Halos magsitago ang mga tauhan ng nanggagalaiting si Mr. Thurn. Hindi niya akalaing muntik na siyang maisahan sa pagkakataong iyon. Ilang taon na ba siyang nag-iingat mula sa mga hindi kilalang kalaban? Hindi lang ito ang unang beses na may magtangka sa buhay niya. Hindi na maraming beses at ngayon lang siya nakakita ng taong halos makasabay sa bawat galaw niya. “Who the f*ck is that traitor?!” sigaw ng matanda at muling nanghablot ng mas malalaking kagamitan at itinapon iyon sa sahig at ang iba ay hinagis sa dingding. “Ang lalakas ng loob ninyo, mga hunghang!” Natigilan si Mr. Thurn sa pagwawala nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. “Boss, patay na po ang mga nagtangka sa buhay ninyo,” bungad ng tauhan mula sa kabilang linya. “Paano mo nasisiguro?!” sigaw pa niya rito. “E kasi, Boss. Nahulog ho sa tu
CHAPTER THIRTY-SIXPAGOD NA PAGOD sila nang makauwi ng bahay. Sa mismong bakuran ng kanilang bahay sila dinala ng kanilang specialize parachute nang makitang halos tulog na ang mga tao sa buong paligid.Halos mamangha si Ynzo Abraham nang mapansin ang chopper motorcycle ni Veron na nasa labas na ng kanilang gate at nakaparada samantalang pababa pa lamang sila mula sa parachute nito.“Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala d’yan sa motorsiklo mo,” bigkas ni Ynzo nang makababa na sila.Kinuha ni Veron ang kaniyang chopper motorcycle na nakapatay na ngayon ang makina at dinala papasok ng bahay. Si Ynzo naman ay tumulong rin sa pagtutulak nito dahil sa bigat ng naturang sasakyan.“Grabe! Ang bigat naman nito!” bulalas ng lalaki at nag-inat pa ng katawan pagkatapos.Siniyasat ni Veron ang kabuuan ng moto
“MAUPO KA LANG DIYAN, okay? Leave it to me,” utos ni Ynzo at pinaupo si Veron sa high chair na naroroon sa kusina.“Nasugatan lang po ako, hindi ako nalumpo,” nakairap na pagdadahilan ng babae.“Whatever, brat Wifey! Ako ang magluluto ngayon kaya tumigil ka na sa pagrereklamo mo diyan,” pagtatapos ng lalaki na ikinatikom na lang ng bibig ni Veron.Maliit lang naman ang natamo niyang sugat sa kamay pero kung itrato siya ng asawa ay para bang naputulan na siya ng dalawang paa. Kanina pa ito nasa tabi niya at si Ynzo na ang gumawa ng lahat ng bagay na dapat ay gagawin niya. Dapat nga ay matuwa siya dahil may oras siyang magtamad-tamaran ngayon habang sinisipag pa ito ngunit naiinis siya sa pagtrato nitong iyon. Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong minamaliit at kinakawawa siya sa kah
HINDI NA NAGULAT pa sina Ynzo Abraham at Veron Stacey nang muli silang dalawin ng mga magulang ng lalaki. Mabuti at lagi nang handa ang dalawa sa pagdating ng mga ito dahil sanay ang mga magulang ni Ynzo sa sorpresa.“I have a good news for you,” bungad ni Ginoong Tolledo nang makapasok na sila sa loob ng bahay at maupo sa sofa ng living room.Napangiti ng malawak si Ynzo kahit na hindi pa niya naririnig ang magandang balita na iyon. Umaasa siyang tungkol iyon sa kaniyang mamanahin kung sakali.“What is it, Dad?” hindi na niya napigilan pang itanong.Abot-tainga rin ang pagkakangiti ni Ginang Tolledo at napangiti na rin si Veron. Wala man siyang alam hinggil sa magandang balita ng mga ito ay natutuwa na rin siya dahil hindi masamang balita ang hatid ng mga ito.“You are appointed as the new C.E.O of our company,” bigla ay anunsyo ni Ginoong Tolledo habang kumikinang ang mga mata sa labis na tuwang nararamdaman. &
HINDI NAMALAYAN NI Veron ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang pagkasabik na makapiling muli ang mga magulang. Kung paanong ngumiti ang ina sa kaniya noon at kung paano nito habaan ang pasensiya sa pagsagot sa lahat ng katanungan niya noon. At kung paano biglang susulpot ang kaniyang ama upang asarin at patawanin siya tungkol sa ‘future husband’ niya raw na labis niyang ikinaiinis noon. She badly miss her parents now.“I—I’m sorry, napaiyak pa yata kita,” paghingi ng paumanhin ni Ginang Tolledo.“No, Mom.” Pinahid ni Veron ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. “Naalala ko lang po sina mommy at daddy.”“Kung alam ko lang na lilisanin niya ang mundong ito ng mas maaga, noon pa sana ay hinanap ko na siya.” Halos maluha nang bulalas ng Ginang. “Sobrang nalulungkot ako sa sinapit niya at sobrang miss na miss ko na ang best friend ko ngayon.&r