“MAUPO KA LANG DIYAN, okay? Leave it to me,” utos ni Ynzo at pinaupo si Veron sa high chair na naroroon sa kusina.
“Nasugatan lang po ako, hindi ako nalumpo,” nakairap na pagdadahilan ng babae.
“Whatever, brat Wifey! Ako ang magluluto ngayon kaya tumigil ka na sa pagrereklamo mo diyan,” pagtatapos ng lalaki na ikinatikom na lang ng bibig ni Veron.
Maliit lang naman ang natamo niyang sugat sa kamay pero kung itrato siya ng asawa ay para bang naputulan na siya ng dalawang paa. Kanina pa ito nasa tabi niya at si Ynzo na ang gumawa ng lahat ng bagay na dapat ay gagawin niya. Dapat nga ay matuwa siya dahil may oras siyang magtamad-tamaran ngayon habang sinisipag pa ito ngunit naiinis siya sa pagtrato nitong iyon. Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong minamaliit at kinakawawa siya sa kah
HINDI NA NAGULAT pa sina Ynzo Abraham at Veron Stacey nang muli silang dalawin ng mga magulang ng lalaki. Mabuti at lagi nang handa ang dalawa sa pagdating ng mga ito dahil sanay ang mga magulang ni Ynzo sa sorpresa.“I have a good news for you,” bungad ni Ginoong Tolledo nang makapasok na sila sa loob ng bahay at maupo sa sofa ng living room.Napangiti ng malawak si Ynzo kahit na hindi pa niya naririnig ang magandang balita na iyon. Umaasa siyang tungkol iyon sa kaniyang mamanahin kung sakali.“What is it, Dad?” hindi na niya napigilan pang itanong.Abot-tainga rin ang pagkakangiti ni Ginang Tolledo at napangiti na rin si Veron. Wala man siyang alam hinggil sa magandang balita ng mga ito ay natutuwa na rin siya dahil hindi masamang balita ang hatid ng mga ito.“You are appointed as the new C.E.O of our company,” bigla ay anunsyo ni Ginoong Tolledo habang kumikinang ang mga mata sa labis na tuwang nararamdaman. &
HINDI NAMALAYAN NI Veron ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang pagkasabik na makapiling muli ang mga magulang. Kung paanong ngumiti ang ina sa kaniya noon at kung paano nito habaan ang pasensiya sa pagsagot sa lahat ng katanungan niya noon. At kung paano biglang susulpot ang kaniyang ama upang asarin at patawanin siya tungkol sa ‘future husband’ niya raw na labis niyang ikinaiinis noon. She badly miss her parents now.“I—I’m sorry, napaiyak pa yata kita,” paghingi ng paumanhin ni Ginang Tolledo.“No, Mom.” Pinahid ni Veron ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. “Naalala ko lang po sina mommy at daddy.”“Kung alam ko lang na lilisanin niya ang mundong ito ng mas maaga, noon pa sana ay hinanap ko na siya.” Halos maluha nang bulalas ng Ginang. “Sobrang nalulungkot ako sa sinapit niya at sobrang miss na miss ko na ang best friend ko ngayon.&r
Pagkatapos ngang magtanghalian ay narito sila ngayon sa loob ng sasakyan upang magtungo sa pamilihan. Nagyaya kasi ang mga magulang ni Ynzo na mamili na ng mga gamit na kakailanganin ng kanilang magiging apo na labis na ikinatutol naman ng mag-asawang sina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Hindi pa naman daw kasi nila alam kung babae nga ba o lalaki ang nasa sinapupunan ni Veron. Sadyang mapilit lang ang dalawang matanda kung kaya’y wala silang nagawa kundi ang sumunod na lang.“Excited na akong mag-shopping ng mga gamit ng magiging apo natin, Hon.”Magkasabay na tumingin sa rear view mirror sina Veron at Ynzo nang sabihin iyon ng Ginang. Kakikitaan ng pagkasabik ang kabuuan ng mukha nito.“Ako rin, Hon. Hindi na nga ako makapaghintay pa na lumabas na ang apo natin.”Pagkatapos niyon ay lihim na nagkatinginan sa isa’t isa ang dalawang mag-asawa na sina Ynzo at Veron. Wala na nga silang takas pa dahil naririto na
“I’m lying about that, Mom. Sa malayong probinsiya lang po siya nanggaling kasi natatakot akong baka husgahan ninyo ang babaeng mahal ko na mahirap lang siya at walang maipagmamalaking yaman. At kahit kailan ay hindi pa po siya nakararanas na makasakay ng eroplano,” malungkot na bigkas ni Ynzo. “Sinabi ko pong nag-aaral siya sa States para po matuwa kayo sa akin na I found a rich girl to be proud of. I thought about that because you keep on saying na maghanap ako ng babaeng pakakasalan sa mayayamang pamilya na kilala ninyo. That’s why I make stories about my wife na kesyo anak siya ng mayaman and such para lang po matanggap niyo siya.” Nagkatinginan ang dalawang matanda at nalungkot rin sa narinig. “I’m sorry about that, Son,” anang Ginoo. “But blessing in disguise that you found the best girl suited for you and it ends up to be the daughter of your mom’s best friend,” dagdag pa ng ama ni Ynzo. Napangiti si Ginang Tolledo na muntik nang maiyak dahil sa ipinag
KUMATOK MUNA NG tatlong beses si Veron Stacey sa labas ng pinto ng library bago binuksan ang pinto niyon. Nadungawan niya si Ynzo Abraham na abala sa pagbabasa ng santambak na papeles na nakasalansan sa ibabaw ng mesa nito at panay ang pagsulyap at pagtipa sa kaharap na computer. “What do you need?” tanong ng lalaki na hindi man lang siya nagawang sulyapan o tapunan man lang ng tingin. Bantulot naman na pumasok ng naturang silid si Veron at alanganing ngumiti. “Busy ka ba?” tanong niya gayong alam naman niya ang sagot sa tanong niyang iyon. Halata namang abala ang asawa sa trabaho nito. Mula nang ihirang na C.E.O ng kumpanya si Ynzo ay naging abala na ito sa pamamalakad ng family company ng mga ito. Bihira na nga silang magka-oras sa isa’t isa ngayon dahil abala rin siya sa pag-alam ng tunay na sitwasyon ni Mr. Thurn matapos ang kabiguan nito sa buhay. Wala na siyang ibang naging balita pa patungkol sa naturang matanda. Bukod doon ay naging abala rin siya sa pakikipag-usap sa kasin
NANATILING NAKASUNOD kina Veron at Skyler si Ynzo at matiyagang nagmamasid. Bawat kilos ng dalawa ay pinupuna niya at napapailing na lang. Maya-maya lang ay sumakay na ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Skyler. Oras na rin upang magtungo si Ynzo sa sariling sasakyan. Magkasunod lang na nakaparada sa gilid ng park ang kanilang mga sasakyan kaya madali lang sa kaniya ang sumunod sa mga ito. Nakita pa niya kung paano alalayan ni Skyler ang babae na makaupo sa passenger's seat na katabi ng driver’s seat na tila ba isang babasaging hiyas. Ginantihan naman ito ni Veron ng isang matamis at malawak na ngiti. Kanina pa hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa labi ng babae at unti-unti ay tila ba naghahatid iyon ng pagkairita sa buong sistema ni Ynzo. Ngayon lang siya nainis sa mga ngiting iyon ni Veron. Naisip lang niya na hindi naman ganoon kung ngumiti ang babae tuwing kasama siya ngunit bakit ngayon ay halos mapunit na ang bunganga nito sa kangingiti? Napahinto si Ynzo sa pagmamaneho nang buma
“HINDI MO TALAGA sinasadyang makieksena sa ’min kanina?” Kaagad na bungad ni Veron nang makababa sila ng sasakyan mula sa nakakaasiwang date nila ni Skyler.Sa sasakyan na ng asawa siya sumakay upang wala nang iba pang issue pag-uwi. Labis nga ang kalungkutang naramdaman ni Veron kanina nang magkahiwalay sila ni Skyler. Uuwi na naman ang kasintahan nang nag-iisa.“I’m sorry, okay. Pero hindi ko intensyon na ipahiya siya kanina. Aba’y malay ko bang hindi niya pala alam ang bagay na iyon?” reklamo ni Ynzo at tumambay muna sa labas ng kanilang gate. Bigla ay muling nilukob ng konsensya ang kalooban ni Veron. Matapos ang ginawa nilang pagkain sa isang restaurant ay muli silang namasyal ni Skyler. Nanatili pa ring nakasunod sa kanilang dalawa si Ynzo at matiyagang nagbabantay. Halos matulala si Veron nang maalala ang sinabi ng kasintahan nang mamahinga sila sa isang malaking fountain na napaliligiran ng naggagandahan at makukulay na bulaklak.“I’m sorry, Babe. Sorry kung hindi ko kaagad
HINDI NGA NAGKAMALI SI Veron dahil sakto sa kinatatayuan nila ni Ynzo ang pagsalubong ng dalawang grupong nais magsagawa ng isang ‘riot’. Wala nang iba pang naisip ang mga kabataang iyon kundi ang hampasin ang makakasalubong—kakampi man o hindi dahil may kadiliman rin sa kinaroroonan nila. Wala nang pakialam ang iba basta makahampas lamang ng taong makikita.Naging malikot ang buong sistema ni Veron at ang tanging naiisip ay si Ynzo na tila hindi pa rin natatauhan sa mga oras na ito. Halos manlaki ang mga mata ng lalaki at matulala habang titig na titig sa mga kabataang naghahampasan sa kanilang harapan. Ilang metro lang ang layo ng mga ito mula sa kinauupuan nila at kaunting-kaunti na lang ay maaari na silang madamay sa kaguluhang iyon.Hindi alam ni Ynzo kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon samantalang si Veron naman ay nakahanda na sakali mang atakehin sila ng isa sa mga nagkakagulong kabataan. Nakita nila kung paano bumagsak sa matigas na aspaltong sahig ang ilan sa mga nasobr