NANATILING NAKASUNOD kina Veron at Skyler si Ynzo at matiyagang nagmamasid. Bawat kilos ng dalawa ay pinupuna niya at napapailing na lang. Maya-maya lang ay sumakay na ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Skyler. Oras na rin upang magtungo si Ynzo sa sariling sasakyan. Magkasunod lang na nakaparada sa gilid ng park ang kanilang mga sasakyan kaya madali lang sa kaniya ang sumunod sa mga ito. Nakita pa niya kung paano alalayan ni Skyler ang babae na makaupo sa passenger's seat na katabi ng driver’s seat na tila ba isang babasaging hiyas. Ginantihan naman ito ni Veron ng isang matamis at malawak na ngiti. Kanina pa hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa labi ng babae at unti-unti ay tila ba naghahatid iyon ng pagkairita sa buong sistema ni Ynzo. Ngayon lang siya nainis sa mga ngiting iyon ni Veron. Naisip lang niya na hindi naman ganoon kung ngumiti ang babae tuwing kasama siya ngunit bakit ngayon ay halos mapunit na ang bunganga nito sa kangingiti? Napahinto si Ynzo sa pagmamaneho nang buma
“HINDI MO TALAGA sinasadyang makieksena sa ’min kanina?” Kaagad na bungad ni Veron nang makababa sila ng sasakyan mula sa nakakaasiwang date nila ni Skyler.Sa sasakyan na ng asawa siya sumakay upang wala nang iba pang issue pag-uwi. Labis nga ang kalungkutang naramdaman ni Veron kanina nang magkahiwalay sila ni Skyler. Uuwi na naman ang kasintahan nang nag-iisa.“I’m sorry, okay. Pero hindi ko intensyon na ipahiya siya kanina. Aba’y malay ko bang hindi niya pala alam ang bagay na iyon?” reklamo ni Ynzo at tumambay muna sa labas ng kanilang gate. Bigla ay muling nilukob ng konsensya ang kalooban ni Veron. Matapos ang ginawa nilang pagkain sa isang restaurant ay muli silang namasyal ni Skyler. Nanatili pa ring nakasunod sa kanilang dalawa si Ynzo at matiyagang nagbabantay. Halos matulala si Veron nang maalala ang sinabi ng kasintahan nang mamahinga sila sa isang malaking fountain na napaliligiran ng naggagandahan at makukulay na bulaklak.“I’m sorry, Babe. Sorry kung hindi ko kaagad
HINDI NGA NAGKAMALI SI Veron dahil sakto sa kinatatayuan nila ni Ynzo ang pagsalubong ng dalawang grupong nais magsagawa ng isang ‘riot’. Wala nang iba pang naisip ang mga kabataang iyon kundi ang hampasin ang makakasalubong—kakampi man o hindi dahil may kadiliman rin sa kinaroroonan nila. Wala nang pakialam ang iba basta makahampas lamang ng taong makikita.Naging malikot ang buong sistema ni Veron at ang tanging naiisip ay si Ynzo na tila hindi pa rin natatauhan sa mga oras na ito. Halos manlaki ang mga mata ng lalaki at matulala habang titig na titig sa mga kabataang naghahampasan sa kanilang harapan. Ilang metro lang ang layo ng mga ito mula sa kinauupuan nila at kaunting-kaunti na lang ay maaari na silang madamay sa kaguluhang iyon.Hindi alam ni Ynzo kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon samantalang si Veron naman ay nakahanda na sakali mang atakehin sila ng isa sa mga nagkakagulong kabataan. Nakita nila kung paano bumagsak sa matigas na aspaltong sahig ang ilan sa mga nasobr
MADALING-ARAW NA ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Veron. Nakaharang pa rin sa pagitan nila ni Ynzo ang mga naglalakihang unan at ngayon nga ay mahimbing nang natutulog ang lalaki sa kabilang panig ng kama. Bukod sa hindi siya makatulog ng maayos dahil sa ginagawang paghihilik ni Ynzo ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang senaryong nangyari kanina sa naganap na engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan.Hindi inaasahan ni Veron ang naging kilos na iyon ni Ynzo. Hindi man lang ito nagdalawang-isip na iharang ang sarili sa bruhang Anika na ’yon. Samantalang siya ay halos kapakanan na ng lalaki ang iniisip na baka mahagip ito ng ligaw na hampas mula sa nagkakagulo. Hindi niya akalaing napakabilis ng naging kilos ng lalaki upang sagipin ang babaeng iyon at hindi man lang yata nito naisip na baka siya rin ay matamaan ng baseball bat o naglalakihang kahoy.Hindi niya mapigilan na mag-isip ng malalim. Nakakagulat lang na mula sa pagkakatulala ni Ynzo ay bigla
HAPONG-HAPO SI VERON nang magising kinabukasan. Sapo ang dibdib na bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa di-kanais-nais niyang panaginip na tila ba bangungot ang naging hatid sa buong sistema niya. Hindi niya yata matatanggap oras na magkatotoo ang panaginip niyang iyon.“Ayos ka lang ba?” Nagulat si Veron nang marinig ang tinig na iyon.Nang mapaangat siya ng tingin ay nakita niya si Ynzo na nakaupo habang nakatapat sa laptop na nakapatong sa bedside table. Nakasuot ito ng pang-office suit at kaagad na isinara ang laptop na ginamit nito. Napansin niya rin na bagong ligo ang lalaki at halos kumalat ang natural nitong amoy sa buong silid kahit pa naka-aircon naman ang kuwarto nila.“S—Syempre naman,” alanganing tugon ni Veron at inayos ang sarili. Tinatamad pa siyang bumangon at masakit ang ulo niya dahil sa ginawang pagpupuyat.Napatingin siya sa orasang nakakabit sa dingding na nasa bandang itaas ng pintuan ng kanilang silid. Pasado alas-diyes y medya na ng umaga. Kalimitang p
“GOOD MORNING, Ma’am!” bati ng mga empleyadong nakakasalubong ni Veron sa daan.Tanging isang tipid na ngiti at pagtango lamang ang isinusukli niya sa mga pagbating iyon.“Totoo ngang napakaganda at sexy ni Ma’am.”“Kaya nga, e. Nakakainggit naman siya. Sobrang pinagpala sa mukha at katawan.”“Tapos may pogi pang asawa na sobrang gwapo, macho at yummy.”“Simple pa ang pananamit niya sa lagay na ’yan pero hindi maipagkakait na angat ang ganda niya.”Ilan lamang iyon sa mga usapang umalingawngaw sa pasilyo ng kumpanya ng mga Tolledo nang dumaan si Veron. Hindi na niya kailangan pang itanong sa front desk kung anong palapag naroroon ang opisina ni Ynzo. She has ways to know about everything.Nang makita kung gaano karami ang natirang pagkain sa mga niluto ni Ynzo ay napagdesisyunan niyang lutuin muli ang mga iyon upang dalhan ng tanghalian ang asawa. Baka kasi makain pa siya nito kung makita ni Ynzo na hindi niya naubos ang mga niluto nito.Nagsuot lang siya ng simpleng maternity dress a
BINALOT NG NAKABIBINGING katahimikan sina Veron Stacey at Ynzo Abraham nang mga oras na iyon. Hindi alam ni Veron kung paano ba maaalis ang nakakaasiwang atmosperang pumapailanlang sa kanila. O marahil ay siya lang itong nakararamdam ng ganoon at balewala lang sa lalaki ang mga sinabi nito.Napatikhim si Veron.“Hayaan mo, ipagluluto kita at dadalhan lagi ng tanghalian kung gusto mo,” alok ni Veron na mas ikinaaliwalas ng mukha ni Ynzo dahil sa narinig.“Really? No regrets?” parang bata na tanong nito. Biglang napahalakhak si Veron dahil sa cute na gesture ni Ynzo.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang tila maamong bersyon ng isang Ynzo Abraham Tolledo. Iyong tipo ng bata na nagpapaawa at tila ba humihiling ng isang bagay na nais nito. Ang madalas niya kasing makitang bersyon nito noon ay iyong mapang-asar, ayaw magpatalo at nakakainis na si Ynzo. He’s cute while showing his puppy eyes.“Uhuh! Bukal sa loob kitang ipagluluto basta may bayad ang delivery,” tugon ni Veron haba
ILANG ARAW NA ginulo si Veron ng isiping iyon. Natatakot siya na baka magbago ang sariling nararamdaman. Naging malimit na rin ang komunikasyon nila ng kasintahang si Skyler. Humingi ito ng tawad dahil magiging abala na raw ito sa family business ng mga ito. Gaya ni Ynzo ay abala na rin ang kasintahan at magiging madalang na rin ang komunikasyon nilang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Veron hinggil sa bagay na iyon. Nasasaktan siya at bago lang ang damdaming iyon sa kaniya. Noon pa man ay ganoon na rin naman sila ni Skyler sa isa’t isa ngunit ni isang beses ay hindi nila naisipang hiwalayan ang isa’t isa. Masyado nilang nilawakan ang pang-unawa sa isa’t isa at inisip na pareho silang may pagkukulang. Pero bakit ngayon ay tila ba naghahanap siya ng higit pa roon? Bakit nasasaktan na siya tuwing walang oras sa kaniya ang kasintahan? Alam niyang mali ngunit hindi niya maiwasang magduda kay Skyler.Pero sa kabilang banda ay napag-isip isip niya. Si Skyler nga ba ang may problema o siya? B